2 Guy in my Dreams

Aubrey's Point of View

Nakatitig lang ang mapupungay nyang mata sa akin na parang pinag-aaralan ang kabuuan ko.Hindi sya nagsasalita pero yung paraan ng pagkakatingin nya sa akin ay maraming ibig sabihin.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking magkabilang pisngi.Shemay, hahalikan ba nya ako?

Pumikit na lang ako ng papalapit na ang mukha nya sa akin.

Lord hayan na...

Kriiiiinnnggggg....kriiinnngggg...

Naku naman! Ayun na oh.Panaginip na naman pala.

Bakit ba lagi ko na lang napapanaginipan ang lalaking yon na hindi ko naman kilala.At palaging ganon lang ang eksena at hindi sya nagsasalita.Posible bang pipi yung lalaki na yun?Sayang naman kung pipi sya, ang gwapo pa naman nya.Sa ilang beses na napapanaginipan ko sya, napag-aralan ko na yung itsura nya.Maganda ang mata at ilong, mapula ang labi na parang ang sarap halikan.

Sino kaya siya? Ano kaya ang magiging papel nya sa buhay ko?

Siya na ba ang soul mate ko?

Haaay! Ang dami kong tanong.Sana one of this days masagot na ang mga tanong kong yan.At sana rin maging totoo na sya, hindi na panaginip.

Tumayo na ako para mag-ayos na, maaga ang pasok ko sa school at kailangan ko pang dumaan sa library para sa research ko.Graduating na ako sa high school, gusto kong grumaduate with honors para pagdating ng college ay hindi ako mahirapan.

Mahigit isang buwan na lang graduation na, at nakapasa ako sa scholarship for college kaya hindi na mahihirapan sila tatay sa pagpapa-aral sa akin.Excited na nga ako.Ano kaya ang magiging buhay ko sa college? Magkaka-lovelife na kaya ako dun?

Ay grabe! Ano na naman ba ang naiisip ko.Ang harot-harot mo na naman Aubrey.Paano ka magkaka-lovelife eh napaka pili mo?

Oh sya, ako na mapili.Eh sa wala akong magustuhan sa mga suitors ko.

Posible bang yung guy in my dreams ang hinihintay ko?

Baka naman pag nakita ko na sya eh kuluntoy na ko.Wag naman sana.

Hmp! Tama na nga yan baka ma late pa ako.Makaalis na nga!

" Hi! Aubrey.Pwede ka bang ihatid mamaya?" heto na naman itong asungot na to.Kakasira ng morning.

Mula 1st year inaasar na ko netong kumag na Vaughn na to.Gwapo nga pero super duper mahangin naman.

" Hay naku Vaughn, si tatay ang sumusundo sa akin, kung gusto mong ihatid ako eh di kausapin mo tatay ko." sabi ko sa kanya.Tignan ko lang kung kaya mong harapin si tatay.

" Ay ganun ba?'Sige next time na lang." sagot nya saka nagmamadali ng pumasok sa room namin.

O kitam hanggang porma lang yan.Alam na alam mo ang lalake pag hindi talaga seryoso, hindi makaharap sa magulang ng nililigawan.Yan ang isa sa hinahanap ko sa isang lalake, yung may respeto sa magulang ng babae.Old school ako eh, gusto ko yung pinupuntahan ako sa bahay at nagpapaalam sa magulang ko.

At yang Vaughn na yan, walang pag-asa sa akin yan.Gwapo lang pero hindi sya boyfriend material.

Nang sa wakas ay uwian na.Sinundo na ako ni tatay at nakita ko pa si Vaughn na nakasilip dun sa may gate ng school.Kasi naman, hanggang porma lang at hindi ganyan ang inaasahan ko sa kanya.Okey naman sana sya,gwapo, matalino at varsity ng basketball sa school, sikat sa mga kababaihan.

Kino-consider ko na nga sana yung panliligaw nya kasi mula first year nanliligaw na sya sa akin.Imagine ang daming magagandang babae sa school ang may gusto sa kanya pero ako ang gusto nya.Well, hindi naman sa pagyayabang, maganda rin naman ako, yung ganda na simple lang, matangkad at of course matalino rin.Good catch na rin kung tutuusin.Pero ewan ko ba, wala talaga akong nararamdaman dyan kay Vaughn.Hindi ko sya feel.

I sighed.Siguro hindi pa talaga ready ang heart ko na tumibok.At alam ko titibok lang sya pag dumating na si Mr.Right.

Si guy in my dreams na kaya ang Mr.Right ko?

avataravatar
Next chapter