webnovel

Damdamin

Kapag mahal mo sabihin mo

Sabihin mo para malaman niya

Kasi kung di mo sasabihin

Akala niya wala kang pagtingin

Kung hindi mo mahal

Huwag mong paglaruan

Dahil di naman siya laruan

Laruang pinaglalaruan at itinatapon na lang

Kung kaibigan mo sya

Huwag mo sya balewalain

Di mo man sya mahal

Mahal ka naman niya

Kung ikaw ay nagmahal

Umayos ka at huwag kang paasa

Kasi baligtarin natin ang sitwasyon

Ikaw naman ang iiyak

Sa mga nagmahal at nasaktan

Huwag isara ang puso

Sa pagmamahal andyan ang magmahal at masaktan

Ngunit walang katumbas na ligaya

Kung pag-ibig na tunay ang matagpuan.