1 Paano

Paano ba ang magmahal?

Paano ba ang masaktan?

Paano ba ang magparaya?

Paano ba ang lumimot?

Paano? Ang kalimitang tanong pag naghahanap ng kasagutan

Kasagutang minsa'y kay hirap matanto

Puso at isip laging nagtatalo

Kung sino ang sasagot sa tanong na paano?

Paano ba ang magmahal?

Kung puso'y lagi na lang nasasaktan

Puso at isipa'y di mapalagay

Damdamin ay puno ng lumbay

Paano ba ang masaktan?

Nagmahal ka ng labis

Sa puso'y kay tamis

Ngunit pagdakay napuno ng hapis

Paano ba ang magparaya?

Puso'y nasasaktan pagkatao'y sugatan

Tila isang bangungot lamang

Pinalaya na sa kabiguan ang pusong luhaan.

Paano ba ang lumimot?

Nakalimutan na ang mga ala-ala

Nang panahon noong nariyan ka pa

Iniwan ang ala-ala sa puso kong nasaktan.

avataravatar
Next chapter