webnovel

My Boyfriend is the Grim Reaper

"No one will die for anyone else's sin, not even you, but for their own. And once you've completely become my queen, all you need to remember is seeing my work with your two eyes. Because they'll not survive, they will die while you watch." With her personality warped by the Grim Reaper which happen her boyfriend as well, Alexandra 'Alex' Foster had no idea how hard it is to witness the works of Thanatos 'til the important people in her life are involved. Thanatos has a gentle appearance yet has cold behaviour towards other. Only Alex know what laid beneath that beautiful mask. A man who holds the life of all the human beings, can Alex could still withstand this kind of destined job of the Grim Reaper?

kaynth · Horror
Not enough ratings
20 Chs

Where's Mom?

Dumating nga ang araw ng kaarawan ni Alex. Hindi niya inaakalang magiging ganoon karami ang taong dadalo sa kanyang kaarawan. Maraming nadagdag lalo na't nandoon din ang bago niyang kaibigan na sila Jean at Kasha.

"Woah, you look so pretty, Alex. Mas maganda ka kung wala ang nerdy glass mo," ani Kasha sa kanya pagkalapit niya sa mga ito. The three of them hug each other.

Marami ang bumabati sa kanya na nginingitian lang niya at nagti-thank you na rin.

"Thank you?" hindi siguradong tugon niya kay Kasha nang humiwalay na sila sa pagyayakapan.

"Here. Our gift for you. Happy birthday!"

Malawak ang ngiti niya nang tinanggap na niya ang mga regalo ng mga ito. "Parang gusto ko ng buksan 'tong regalo ninyo sa akin."

"Hep, hep!" sabay nilang pigil kay Alex.

"Mamaya na yan, Alex. Chill ka lang, okay?" Si Jean.

"Sabi niyo, e," aniyang natatawa. "Kumain na ba kayo? Marami pang foods doon."

"Nah. Kanina pa nga itong si Jean kumakain. Ewan ko, parang hindi na 'to tao, e. Parang baboy itong kaibigan natin."

Both Alex and Kasha laugh. Napasimangot na lamang si Jean lalo na't may hawak pa itong platito na naglalaman ng cake.

"E, food is life mga bestie."

Ngayon ay silang tatlo na ang nagsitawanan. Nag-usap-usap pa sila hanggang sa nagpaalam muna siya sa mga kaibigan upang lumapit sa ama niya.

"Dad, where's mom?"

"I think pauwi na siguro ang mommy mo. If you want, call her."

Her dad let her borrowed his cellphone. Agad nitong tinawagan ang ina na ilang ring lang ay sinagot din nito.

"Hi, baby."

"Mommy, where are you na? Dad is already here," agad niyang wika pagkasagot ng mommy niya.

"Pauwi na ako baby, okay? Just tell your dad na hintayin ako diyan."

"Okay."

"Bye, baby. I love you," anang mommy niya saka ito in-off na ang tawag.

"What did your mom said?" tanong sa kanya ng ama pagkabigay niya dito sa kanyang cellphone.

"Pauwi na raw siya," nakasimagot niyang tugon.

"O, bakit ganyan ang mukha ng baby namin? Hindi ba dapat nakangiti ka? It's your day, baby."

Pilit na lamang siyang ngumiti sa ama. Hindi niya maintindihan ang sarili, kinakabahan siya. "Puntahan ko na lang po muna ang mga kaibigan ko dad," paalam niya sa ama.

Pupunta sana siya ulit sa mga kaibigan niya ngunit nahagip ng kanyang mga mata ang taong huli niyang aasahang makita. Hindi niya inaakalang makikita niya ito sa kaarawan niya. Gayunpaman, nakaramdam siya ng kagalakan nang makita niya ito. Hindi niya alam kung bakit pero may kakaiba siyang nararamdaman kapag nakikita niya ito.

Nakatitig lang ito sa kanyang direksiyon pero ilang sandali lang ay bigla itong tumalikod at lumabas. Biglang nagtaranta ang sistema niya nang makitang aalis na ito. She can't help it. Hindi na niya alam kung susundin ba niya ang nasa isip niya.

Ngunit nakita na lamang niya ang kanyang sarili na tumatakbo palabas upang habulin ang lalaki. Hindi niya na tinatapunan ng tingin at pansin ang mga taong bumabati sa kanya. Diri-diritso lang siyang lumabas.

Agad hinanap ng dalawang mga mata niya ang lalaki ngunit hindi niya ito mahagilap. Nilibot niya ang bahay pero wala. Napasyahan niyang lumabas sa gate. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito ginagawa. Tumatakbo siya para lang mahanap iyong lalaki kanina.

Sa hindi kalayuan, nakita niya ang naka-black cloak na pigyura ng tao habang nakatalikod sa kanyang direksyon. Agad niya itong linapitan.

"Excuse me, Mister. Puwede po ba magtanong?"

Tumingin sa gawi niya ang naka-black cloak na ikinanlaki ng kanyang mga mata. Para siyang nawalan ng dugo sa kanyang buong katawan.

"Nakikita mo ako," anito ng nakangisi. It's not a question, it's an statement.

"N-No..." mahinang naiusal niya na tanging siya lang ang nakarinig. Hindi niya alam kung bakit hindi man lang siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan upang tumakbo mula ito. Wala man lang lumalabas na salita sa kanyang bibig upang makahingi ng tulong.

Lumapit pa sa kanya ang lalaking alam niyang isang demonyo. Its wearing a very black cloak na parang nag-aapoy pa. May sungay pa ito, malalaki at matutulis na ngipin, may buntot na matulis ang dulo, at kulay pula ang balat sa buong katawan. She couldn't recognize him who he is.

"Who are you, really?" tanong nito sa kanya na mas lalong ikinatakot niya nang hawakan siya nito sa kanyang pisnge. Alam niyang sobrang nanginginig siya sa mga oras na iyon at pinagpapawisan pa. Kulang na lang ay himatayin siya mula sa kanyang kinatatayuan.

Ramdam pa rin niya ang init ng kamay nito. Tears starts to flow from her eyes.

"Oh, why are you crying mortal?" Mapaglaro ang mga ngisi nito na kahit sino'y matatakot talaga.

Bumaba ang kamay nito sa kanyang leeg na para bang sasakalin siya nito. Handa na siya at pipikit na ang kanyang mga mata sa maaaring kahihinatnan niya nang sa hindi inaasahan ay muli na naman siyang niligtas ng lalaking kanina pa niya hinahanap at tinatawag sa kanyang isipan.

"Tantalus!" asik ng lalaki dito sa tinawag niyang Tantalus. Napansin pa ni Alex na nasa malayo na ito na parang pwersang tinulak siya.

Gumaan ang tibok ng kanyang puso nang makitang pinoprotektahan siya ng lalaki. Nasa kanyang harapan ito at tanging likudan lang niya ang kanyang nakikita.

"Thanatos, tama nga ang hinala ko sa batang iyan." Tumawa si Tantalus ng nakakademonyo. "Pasensiya na kung natakot ko siya. I need to go, Thanatos. Good luck for being his night-in-shining armor."

Biglang naglaho na lamang si Tantalus at naiwang tulala si Alex sa nasaksihan. Hindi na natuloy ang pag-transform ni Thanatos sa pagiging Kamatayan nang nawala na sa tingin niya si Tantalus saka ito tumingin kay Alex.

Parang malulunod sa kanyang mga titig si Alex. Hindi mawari ni Alex kung anong ibig sabihin ng mga mata nito. Parang biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. Mabuti na lang ay agad siyang sinalo ng lalaki na si Thanatos at kinarga ng princess-style.

Napapikit na lang ang kanyang mga mata habang dinadama ang pagkakayakap niya kay Thanatos. She feel safe in his arms. Parang gusto niyang manatili na lamang sa mga bisig nito.

Ilang sandali lang na parang isang minuto lang ang nakalipas mula nang buhatin siya nito ay inilapag na siya ng lalaki sa malambot na higaan. Agad napamulat ang kanyang mga mata at napagtantong nasa kwarto na siya ngayon.

"P-Paanong..." Naguguluhan ang naging expression niyang nakatingin kay Thanatos.

"Rest," anito sa kanya.

"T-Tell me," nakipagtitigan siya sa mga mata nito. "Who are you?"

Lumapit sa kanya si Thanatos at muling hinawakan ang kanyang baba na naghatid sa kanya ng nakakakiliting pakiramdam. Muli niyang naalala iyong hinalikan siya nito sa kanyang labi na labis niyang ikinabigla.

"I am demon to some. And angel to others."

Naestatwa siya sa naging tugon nito. "W-What do you mean?" lakas-loob niyang tanong ulit dito.

Bahagyang lumayo sa kanya ang lalaki at dumistansya sa kanya. Ilang sandali kang ay napansin niyang may lumilitaw sa katawan ng lalaki na mga naagnas na buto. Hanggang sa tuluyan itong nag-iba ng anyo at naging isang... Grim Reaper!

Mas lalong sumiksik sa headboard ng kama niya si Alex dahil sa sobrang takot. Napansin iyon ni Thanatos saka ito bumalik sa dati niyang itsura.

Nanginginig si Alex sa nasaksihan. Gustong-gusto niyang magsusumigaw sa sobrang kabang nararamdaman. Ilang beses ba siya makakita ng mga ganoong itsura? Sa mismong kaarawan pa talaga niya! Napansin niya rin ang papalubog na araw.

"Please, don't scared. I won't harm you," malamig pa rin nitong wika kahit na nakikiusap ito.

In one swift move, Thanatos was already hugging her. Nagulat nga si Alex sa biglaang ginawa nito pero napalitan iyon ng masarap na pakiramdam na umaalipin sa buong puso niya. She loves his hugs and being in his arms feels so comfortable and safe. That's what she needed right now. Until she already fall asleep while still hugging the Grim Reaper she ever known.

Nagising na lamang kinabukasan si Alex na parang may mabigat na pasan-pasan ang kanyang puso. Hindi niya lang alam kung bakit. Napanaginipan pa niya ang kanyang ina na ngumiti sa kanya. Kakaibang ngiti na para bang kahit kailan man ay hindi na niya makikita pang muli. Hindi niya mapigilang magtaka lalo na't binati siya nito ng 'Happy Birthday' saka ito biglang naglaho at naging madilim ang paligid. Napansin niyang nakasuot pa rin siya ng suot niya kahapon. Muli niyang inalala kung ano bang nangyari kahapon.

Oo nga pala. It's my birthday yesterday.

Pero namutla muli siya nang maalalang hindi lang iyon ang naganap kagabi. Nakasalamuha siya ng isang demonyo at ang lalaking akala niya'y tao ay isa pa lang Grim Reaper!

Nayakap na lamang niya ang kanyang mga tuhod at doon, umiyak nang umiyak. She need someone to hug her and let her feel that she's not alone and she's safe. Hindi na niya namalayan kung ilang minuto siyang nag-emote hanggang sa napasyahan niyang tumayo at lumabas sa kanyang kwarto.

Tahimik. Iyon ang napapansin ni Alex sa buong kabahayan. Parang walang katao-tao. Bumaba siya papuntang sala at biglang sumigla ang kanyang mukha nang makita ang kanyang ama kasama ang ilang bodyguard at ang yaya niya. Nawala lang iyon nang mapansin niya ang lungkot ng mga mukha nito.

"Daddy?"

Agad nabaling sa kanya ang mga tingin nila.

"Sweetie," usal din nito saka sininyasan ng daddy niya ang mga bodyguard na umalis muna at pati na rin ang kanyang yaya. Mga malulungkot ang mga expression ng mga ito.

Agad lumapit sa ama si Alex at tumabing umupo nito.

"Are you fine, dad?" she asked her dad.

Hindi nakasagot ang daddy niya. Bagkus ay napansin niya ang iilang butil ng luha ang biglang pumatak sa mga mata nito. Even her, umiiyak na rin dahil sa biglaang pagbigat ng pakiramdam niya ng hindi niya alam kung bakit. Ngayon niya lang nakita ang amang umiyak dahil palagi itong nakangiti kung naroroon siya.

She sobbed. "D-Daddy..."

"I'm sorry, sweetie. I'm really sorry," umiiyak nitong wika sa kanya at niyakap pa siya. Mas lalong napahagulgol ng iyak si Alex.

"Dad..."

"Your mom..."