webnovel

My Boyfriend is the Grim Reaper

"No one will die for anyone else's sin, not even you, but for their own. And once you've completely become my queen, all you need to remember is seeing my work with your two eyes. Because they'll not survive, they will die while you watch." With her personality warped by the Grim Reaper which happen her boyfriend as well, Alexandra 'Alex' Foster had no idea how hard it is to witness the works of Thanatos 'til the important people in her life are involved. Thanatos has a gentle appearance yet has cold behaviour towards other. Only Alex know what laid beneath that beautiful mask. A man who holds the life of all the human beings, can Alex could still withstand this kind of destined job of the Grim Reaper?

kaynth · Horror
Not enough ratings
20 Chs

Her First Kiss

Naunang umuwi sila Jean at Kasha sa kanilang bahay dahil maghahanda pa raw ang mga ito sa ireregalo nila kay Alex bukas. Naiwan na lamang siyang mag-isa sa labas ng gate habang hinihintay niya ang kanyang Daddy na susundo sa kanya.

Napaigtad na lang siya nang may biglang bumusinang sasakyan sa kanyang likudan. Nanlaki bigla ang mga mata niya nang mapansin niya ang isang SUV na papalapit sa kanya. Walang lumabas na boses sa kanyang bibig. Parang nanuyo lahat ng dugo niya sa mukha.

Ngunit naramdaman na lang niya ang isang kamay na humawak sa kanyang braso at hinila siya palapit dito. Hindi niya alam pero napapikit na lang siya habang nakayakap sa isang tao na hindi niya kilala. She's scared. Nanginginig pa siya sa sobrang takot. Hindi niya nga lang alam kung buhay pa siya o patay na. Sobrang kaba ang lumulukob sa buong sistema niya. Basta natatakot siyang magmulat ng kanyang mga mata.

"How is she? Is she okay? H-Hindi ko sinasadya. Hindi ko kaagad napansing nandito siya sa gitna," rinig niyang wika ng isang papalapit na lalaki. Mahahalata sa boses nito ang pangangamba.

"She's fine. You may leave now," anang boses naman na sobrang lamig. Alam niyang boses ito ng taong kayakap niya.

"But we need to bring her in the hopital--"

"I can assure you, Mr. Morales. She's really fine. Ako na ang bahala sa kanya. You need to hurry, right? You have to be more careful next time."

Matagal muna saka sumagot ang kausap nitong lalaki. "Thanks, Mr. Than," anito saka tuluyan ng umalis.

Gusto niyang maiyak na lamang dahil sa niyerbyos na naramdaman niya kanina pero mas pinili niyang maging matapang. It's not her time yet, she's sure of that.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata saka niya lang napansin na mahigpit pala siyang nakakapit sa damit o mas sabihing suit ng taong kayakap niya.

Agad siyang napalayo dito at napaangat ang kanyang tingin sa nagmamay-ari ng katawan. Sobrang namula siya nang makilala niya ito. Ito lang naman ang presidente ng paaralan na pinapasukan niya. Ang taong minsan na siyang tinutulungan.

"I-I'm sorry, Mister. I..." Hindi niya alam kung ano pa ba ang sasabihin niya dahil sa totoo lang ay nahihiya siya.

Gosh!

Nabigla na lang siya nang hawakan siya nito sa kanyang baba upang iangat ang tingin niya sa napakaperpektong mukha nito.

"The time is running out, my queen. The day is almost near. It's getting near."

Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito. Ngunit nanlaki na lamang ang kanyang dalawang mga mata nang maramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa kanyang labi. Para bang tumigil bigla ang paligid at nakaestatwa lang sila doon. Mabuti na lang ay wala ng tao sa lugar na iyon maliban sa kanila.

Kasabay ng halik na iyon ay may nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang sarili na biglang nagising. Hindi niya alam kung ano ba iyon. Hindi man lang niya tinulak o sinita ang lalaki. Child abuse ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Bukas ay magti-thirteen na siya habang ang lalaki naman ay sa tingin niya'y nasa bente na.

That was the day when she lost her first kiss. Hindi na virgin ang kanyang labi at ang nakakuha pa ay mas matanda sa kanya.

Hindi niya namalayang wala na pala sa harapan niya ang lalaki. Naglaho lang ito na parang bula. Ngunit parang ramdam pa rin nito ang labi ng lalaki sa kanyang bibig. Natauhan lang siya nang may kumalabit sa kanya at pumukaw sa kanyang atensyon.

"Princess, are you okay? You're so pale, sweetie."

Napag-alaman niya lang na daddy niya pala ang nagsalita. Mababakasan ang mga mata nito na nag-aalala ito sa kanya. Sinikap na lamang niya ang sarili na ngumiti sa ama at iwinaksi ang naguguluhan at nininiyerbyos niyang expression.

"Ayos lang po ako dad. I just want to go home already," naiwika niya lang.

"Sure thing, baby. Let's go."

Pinagbuksan pa siya ng ama ngunit nanatili siyang walang imik. Napapansin ng ama ang kakaibang tahimik na ipinapakita nito.

"May sakit ka ba, baby? Are you sick or what?" biglang tanong ng daddy niya.

"I'm fine, daddy. And please, stop treating me like a baby. Dad, magti-thirteen na po ako bukas. Hindi na po ako five years old pababa," nakasimangot niyang usal.

"Look, sweetie. Kahit magdalaga ka na, baby ka pa rin naman namin. Walang magbabago doon, okay?"

Hindi niya mapigilang mapaikot ang dalawa niyang mga mata. "Whatever, daddy."