"Nais ko pong pasalamatan ang mga taong naging dahilan kaya po ako narito ngayon, humaharap sa inyo, bilang bagong gobernador ng probinsyang ito ng San Miguel!"
Ito ang unang speech ni Eunice matapos syang manalo ng landslide victory nung nagdaang eleksyon.
Ito rin ang unang pag upo nya bilang Gobernador ng San Miguel.
Naghiyawan ang lahat.
Hindi ito inaasahan ni Eunice.
Ni hindi nya inaasahang mananalo sya, landslide victory pa?
'Siguro ay madahilan si Lord kaya ako nanalo!'
Tangi nyang naisip ng matanggap ang hindi kapani paniwalang resulta ng eleksyon.
Imagine ... Landslide victory?
"Sa pamilya ko na walang sawang sumusuporta sa lahat ng desisyon ko....
Mommy, Daddy, batid ko pong hindi ninyo gusto na pumasok ako sa magulong mundo ng pulitika! Pero magkaganun man buong buo nyo pa rin akong sinuportahan! Salamat po sa pagmamahal at sa araw araw na paalala sa akin!"
Wala na sya talagang planong seryosohin ang eleksyon, plano na nyang umurong .... hindi na sya nakakaramdam ng excitement.
Hindi na nga sya halos nangangampanya kaya hindi talaga sya makapaniwala na nanalo sya.
Matapos kasi nyang makita kung gaano kasaya si AJ matapos nyang sabihin na next year na nya plan magpakasal, nawalan na ito ng ganang ipagpatuloy ang pagkandidato.
'Masyado ko na syang pinagaantay ng matagal!'
Napadapo ang tingin ni Eunice kay AJ.
"Sa fiancé ko na laging andyan sa tabi ko nakaalalay at umuunawa sa akin....
Milky, honey ko, pasensya na, alam kong matagal na kitang pinaghihintay!
Huwag kang magalala, malapit na! Pangako!"
Nagsigawan at nagpalakpakan ang lahat. Lalo na ng sumagot si AJ.
"I LOVE YOU COFFEE KO!"
"Ayeeeeiiii! Kakilig naman!"
"Kasalan na ... kasalan na!"
"Tantantanan .... tantan tanan .... tantantanan tantanan tantanan!"
Namula si Eunice sa nakabibinging tuksuhan sa paligid hindi agad ito nakapagsalita.
Inantay muna nyang humupa ang mga ingay bago sya ulit nagsalita.
"Nais ko ring pasalamatan ang mga naging katunggali ko at kalaban sa pulitika, mga bashers, judger at critics! Pati na rin sa mga taong hindi gusto ang existence ko .... salamat po sa inyo!"
Kung may isa man na naging dahilan ng pagkapanalo ni Eunice, alam nyang si Miles yun at ang mga dating kagrupo nito na ExMiles.
Dahil sa mga pasabog ni Miles nagkaron ng ingay at nakilala sya.
Dahil naman sa rebelasyon ng Ex Miles marami ang nagkaroon ng interes sa kanya at marami ang bumoto sa kanya.
Nabuhay muli ang mga bulungan, alam nilang isa si Miles sa mga tinutukoy ni Eunice.
Nang matapos kasi ang eleksyon, natapos na rin ang political career ni Miles.
Hindi nito matanggap ang pagkatalo nya kay Eunice. Nagkaron sya ng sobrang depression at ngayon ay tuluyan ng dinala sa mental hospital.
Tumahimik panandalian si Eunice.
'Salamat Miles, Salamat ExMiles!'
Tunay ang pasasalamat ni Eunice pero hindi nya ito maisatinig.
Hindi rin naman nya kasi gusto ang nangyari kay Miles at hindi rin naman sya bully. Gusto nya lang talaga na magpasalamat pero ayaw nyang gumawa ng ingay.
Kahit papano kailangan nyang respetuhin ang nangyari kay Miles.
Tahimik din ang lahat, inaantay ang susunod nyang sasabihin.
At sa mga suporters ko...."
Naghiyawan ang lahat.
"Yes kami yun! Kami yun!"
"We love you, Governor Eunice!"
Sigaw ng karamihan.
Nangiti si Eunice. First time nyang marinig na tawagin syang Governor Eunice. Nakaramdam sya ng excitement.
".... sa mga suporters ko na walang sawa akong sinusuportahan .... simula pa lang nuong una..... maraming, maraming salamat sa tiwala at pagmamahal na ibinibigay nyo sa akin!
Utang ko sa inyo ang lahat ng ito at hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan kaya inaalay ko ang tagumpay na ito para sa inyo!
Ang tagumpay ko ay tagumpay nating LAHAT!"
Hiyawan ang lahat!
Hindi tuloy alam ni Eunice kung papaano tatapusin ang speech nya dahil sobrang saya ng lahat.
Mas masaya pa sila kesa sa kanya!
*****
Milky, ina araw, araw na naman ako ni Daddy... Gusto nyang makasal na tayo, pati si Mommy nakiki duet na rin sa pangungulit ni Daddy!
Sabi ni Eunice kay AJ
"Ganun ba? Ano bang plano mo? Gusto mo bang magtanan na lang tayo? Kung ano ang gusto mo, agree ako!"
Sabi ni AJ
"Naman eh, shinare ko nga ang problemang ito para tulungan mo akong magdecide. Future natin ito, at gusto ko naman malaman kung ano ang opinyon mo!"
"Syempre gusto ko rin naman na makasal na tayo agad. Naiistres na din ako sa daming preparation na 'to!
Ang hirap pa lang magpakasal!"
Sabi ni AJ.
"Gusto mo magtanan na lang tayo?"
This time si Eunice naman ang nagtanong at seryoso ito.
Sa sobrang seryoso hindi nya inaasahang mapatingin sya sa hindi pa nya dapat tingnan.
Napalunok sya.
"Bakit feeling ko iba ang iniisip mo?"
Panunukso ni AJ kay Eunice.
"Anong sinasabi mo dyan?"
Namumulang sabi ni Eunice.
Pero hindi na sya nakaimik ng bigla syang halikan ni AJ.
"Mahal kita Coffee, mahal na mahal!"
Bulong ni AJ habang hinahalikan nito ang mga tenga nya.
"Jusko naman Milky, ano bang ginagawa mo sa akin, bakit mo ako tinutukso ng ganito, marupok ako!'
Pero hinayaan nya lang si AJ.
Maya maya nagulat na lang si Eunice ng biglang tumigil si AJ.
At mas nagimbal sya makita nyang nasa kama na sya at wala na silang saplot .... pareho.
"Bakit Milky?"
Ang totoong gustong sabihin ni Eunice ay 'Bakit ka tumigil?'
"Coffee, hindi kita pipilitin kung ayaw mo!"
Sabi ni AJ.
"Sinong may ayaw? Matagal ng gusto ng Mommy ko na magka apo kaya ituloy na natin 'to!"
Sabi ni Eunice na bitin na bitin.
Matagal na nyang gusto itong mangyari. Matagal na matagal na, simula ng una nyang masilayan ang hindi nya dapat masilayan.
Sa pagkakataong ito si Eunice ang unang humalik bilang pagpapatunay na pumapayag ito.
At yun na nga ....
Hindi na napigilan ang dalawang nagaalab na damdamin.
Salamat din sa inyong lahat.
PS. may last chapter pa po bukas!
God bless every one!
This is the link for my new book.
There is US not You and I
Thank you very much po!
https://dynamic.webnovel.com/book/17533949806463305?utm_source=writerShare&utm_campaign=4301634036