444 FINALLY!

After a year, natuloy din ang wedding nila Eunice at AJ.

Simple lang ang kasal pero magarbo ang reception.

Ayaw kasing pumayag ng lahat na hindi sila imbitado, kaya kahit na malayo sila sa kapitolyo, naki handa rin, kanya kanyang dala sila.

In short, inimbita nila ang sarili nila.

And everyone from San Miguel at buong karatig bayan ay nakikisaya sa masayang araw nila Governor Eunice Perdigoñez at Sir Aaron Raquiñon.

Maging ang buong Hacienda Remedios at Jaja's Winery sa Cebu, naki celebrate din.

Pero kung ang lahat ay nagkakasayahan, iba naman ang mood ng father of the bride.

"Eunice, kailangan mo na bang magpakasal agad, hindi ba pwedeng next year na lang?"

Sabi ni Edmund sa anak the day before the wedding.

"Jusko naman Edmund, naguulyanin ka na ba? Ikaw kayang ke kulit kulit na ipakasal na yang anak mo tapos naman ngayon pipigilan mo!"

Sabi ni Nicole sa asawa.

"Bakit, hindi ba pwedeng magbago ng isip? Bata pa ang baby ko at mamimiss ko sya!"

"Honey, hindi na baby si Eunice! Matanda na yang anak mo! Umayos ka nga kundi iiwan kita at sasama ako kay Eunice duon ako titira sa kanila ni AJ!"

"Eh, bakit ikaw lang? Sasama din ako, dun din ako titira sa kanila!"

Sabi ni Edmund.

"Mom, Dad, stop this!

Can't you see, nakukulitan na si Ate Eunice sa inyo?

Kaya gusto na nyang makasal sila ni Bro AJ para makaalis na dito dahil nakukulitan na sya sa inyo, tapos gusto nyo pa po sumama sa kanya? Naman!"

Sabi ni Earl sa Mommy at Daddy nila.

"Damuhong 'to! Bakit hindi kaya ikaw ang magpakasal dyan? Kala mo ba pipigilan kita pagnakasal ka? Matanda ka na andito ka pa rin sa bahay! Wala ka bang planong magsolo?"

Tanong ni Edmund kay Earl.

"Daddy hindi pa po ako pwedeng magasawa dahil may usapan kami ni Mommy na aantayin kong makasal muna si Ate Eunice!"

Sagot ni Earl.

Napatingin si Eunice sa Mommy nya. Hindi nya akalaing may usapan ang Mommy nya at bunso nyang kapatid ng ganito.

'Paano kung hindi ako nagpakasal? Kawawa naman si Earl!'

"Uhm, maniniwala ba kayo kung sabihin kong, sinabi ko lang yun para hindi agad mag asawa si Earl! Pikutin kasi yang kapatid mo!"

Earl: "?????"

"Mommy, Earl, pwedeng po bang iwan nyo po muna kami ni Daddy? Please!"

Sabi ni Eunice.

Gusto nyang kausapin ang ama ng sarilinan para tigilan na sya nito sa pangungulit.

"Okey sige! Sumigaw ka lang kung kinakailangan mo ng back up!"

Pabirong sabi ni Nicole

Pagkaalis ni Nicole at Earl nilapitan ni Eunice ang ama at inakap.

Natuwa si Edmund at parang maiiyak.

Gustong gusto nya kapag nilalambing sya ng anak.

"Daddy, I know po that I will always be your baby kahit ganito na ako kalaki! And thankful po ako sa sobra sobrang pagmamahal na ibinibigay nyo po ni Mommy sa amin ni Earl. But ....

I really have to marry Milky! Matagal na po nya akong inaantay at hindi ko na po pwedeng ipagaliban ito kasi ....

Lumapit ito sa tenga ni Edmund para bumulong.

".... because Dad, your baby is going to have a baby ... soon!"

Sabay hawak ni Eunice sa puson nya.

Nanlaki ang mga mata ni Edmund sa sinabi ni Eunice at napatingin din sa puson ng anak.

"Lintek na AJ yun! Humanda sya sa akin!"

Galit na sabi ni Edmund.

"Dad! Dad! Calm down po! Pleaseee! Hindi pa po alam ni Mommy, so please, secret lang po natin ito!"

Sabi ni Eunice.

Pinakalama ni Edmund ang sarili nya at alam nyang andyan lang ang asawa sa may pinto, nakikinig.

Naisip nyang mamaya na lang nya kokomprontahin si AJ.

".... and also Dad, hindi pa rin po alam ni Milky, so please, please, please! Don't tell him about this, gusto ko pong ako ang magsabi sa kanya!"

Pakiusap ni Eunice sa ama.

Nangiti naman si Eunice ng makitang kalmado na ang ama at pumapayag na itong itago pansamantala ang secret nila.

Hindi nya gustong sabihin ito sa ama dahil hindi pa naman sya sure, delayed kasi sya ng mga ilang araw.

*****

Kinabukasan araw ng kasal, seryoso ang mukha ni Edmund.

'Ano kayang sinabi ni Eunice sa Daddy nya at nawala ang kakulitan at naging super serious?'

Tanong ng isip ni Nicole habang naglalakad sila sa isle at tumtugtog ng wedding song ang nasa piano.

Habang papalapit sila sa altar, matalim ang tingin ni Edmund kay AJ bagay na hindi maintindihan ng huli.

Kumakabog tuloy ang dibdib ni AJ.

'Juskolord, ano po bang nagawa kong kasalan kay Sir Edmund at tinitingnan nya ako na parang gusto nya akong lapain?'

At ng makarating sila sa altar, mahigpit nitong hinawakan ang braso ni Eunice na parang ayaw ibigay kay AJ.

Napansin ito ni AJ kaya napatingin sya kay Eunice, nagtatanong kung bakit.

"Mommy..."

Nagpasaklolo na si Eunice sa ina.

"Edmund, Honey, tara na, bitiwan mo na si Eunice at nakatingin na sa'yo ang lahat!"

Bulong ni Nicole sa asawa

Tila nahimasmasan naman si Edmund ibinigay ang kamay ni Eunice kay AJ at pagkatapos ay buong ngiti na kinamayan nya ito.

Natuwa ang lahat at nagpalakpakan.

Ang tingin ng lahat nagkakamay lang ang magbiyenan pero hindi nila alam na maiiyak na sa sakit si AJ.

Dahil ang totoo, mariing hinahawakan ni Edmund ang kamay ni AJ.

Napansin ito ni Eunice kaya sya na mismo ang nagtanggal ng mga kamay ni Edmund kay AJ at nagmano ito.

Hangang sa matapos ang kasal ay ganun pa rin si Edmund.

*****

Sa reception, hindi na makatiis si Enzo, and biyenan ni Edmund at nilapitan sya.

"Anong pakiramdam?"

"Papa, kayo po pala!"

"Sabi ko, anong pakiramdam na ikinakasal ang pinakamamahal mong anak?"

Tanong ni Enzo

Hindi na napigilan ni Edmund ang damdamin at umiyak ito.

"Waaaah! Papa ang sakit! Ikinasal na ang baby ko! Waaaah!"

Umaatungal na sabi ni Edmund.

Mabuti na lang at malayo sa lahat ang mesa nila.

"Hahaha!"

Napatigil sa pagngawa si Edmund dahil sa tawa ng biyenan.

"Papa naman, tinatawan pa ako!"

"Buti nga sa'yo!

Damuho ka, ganyan din ang ginawa mo sa 'kin ng pakasalan mo ang bunso kong si Nicole!"

Pangiinis ni Enzo sa manugan.

"Ganun po ba yun Papa, kahit na alam nyo sa puso nyo na hindi ko pababayaan si Nicole still ang hirap pa rin pa lang ibigay sya sa iba!"

"OO! At ngayon alam mo na, nakaganti na rin ako sayo, damuho ka talaga!"

'Pero at least hindi ako umaatungal ng kagaya nito!'

"Waaaah! Papa ang baby ko may baby na! Waaah, hindi ko matanggap!"

"Tumigil ka nga sa kakaatungal mo dyan! Para kang baka! As if naman hindi mo alam na posibleng mangyari yun eh ginawa nyo rin naman yun ni Nicole bago kayo ikasal!"

Napansin ni AJ ang pagatungal ni Edmund sa malayo.

"Uhm, Coffee dear, ano bang problema ni Sir Edmund at napapansin kong parang galit sa akin?"

Bulong ni AJ sa bago nyang asawa.

"Kasi Milky Honey, sinabi ko sa kanyang ..... buntis ako!"

Namutla si AJ at biglang nalaglag sa kinauupuan nya.

***

Masayang masaya ang lahat lalo na syempre sila Eunice at AJ.

"Finally, asawa na kita!"

May panunuksong sabi ni AJ.

"Yes, asawa ko!"

Nakangiting sagot ni Eunice.

"Kung narito lang rin sana sila Ate Kate at Beshy Mel ko kumpleto ang saya ko!"

"Kamusta na kaya sila? At higit sa lahat, nasaan na sila?"

avataravatar