webnovel

Kinokonsensya ... Bakit?

Hindi makapasok sa mansyon ang mga reporter para interviewhin si AJ o kung sino mang nasa mansyon, kaya kanya kanya silang gawa ng paraan para makakuha ng news.

Nakarating sa media ang tungkol sa nangyari kay Kate pero bago ito nailabas, nasupil na agad ito ni Gene. Hindi sya papayag na masira ang image ng apo nya.

Wala tuloy magawa ang mga reporters sa higpit ng seguridad kaya nag alisan na.

Hindi kasi pinahintulutan ni Fidel na magkaroon ng kahit na anong news para sa seguridad ng mga bisita nila, mahirap na.

Pero may isang reporter na matyagang nagantay ng pagkakataon. Si Matt.

Hindi sya ang klase ng reporter na basta basta na lang nagbabalita na hindi inaalam ang buong katotohanan. Nagiimbestiga sya, ayaw nya ng haka haka lang.

At marami syang nalaman sa pagtatanong tanong nya sa paligid pero kulang pa rin ito kung wala syang mainterview dahil haka haka pa rin ang lahat.

Karamihan sa mga kasamahan nya sumuko ng magsulat tungkol sa Hacienda Remedios dahil sa kakulangan ng impormasyon at dahil sa lagi na lang nilang sinusupil ang ano mang balita basta tungkol sa Hacienda Remedios.

"Ano pang ginagawa mo dyan, Matt? Bakit pinagtyatyagaan mo pa yang Hacienda Remedios, wala rin naman mararating yang ginagawa mo? Pipigilan at pipigilan pa rin nilang mailabas yan!"

Tinatawanan na sya ng mga kasamahan nya, pero hindi nya sila pinansin.

Maging boss nya ay kinausap na sya na tumigil na dahil iyon ang utos sa taas.

"Sir, ang pinagbabawalan lang naman ay ang mga nasa mansyon, may iba pa rin naman balita na pwedeng icover dun at yun ang hinahanap ko at tinututukan ngayon!"

Sagot ni Matt

Alam ng boss nyang hindi nya mapipigilan ito at may katwiran sya, hindi naman lagi tungkol sa Hacienda Remedios ang issue gaya ng kwento kung paano naging Raquiñon ang mga Rakunyo.

Hindi man big issue ito pero at least may balita na pumukaw sa interes ng mga tao.

Si Matt ang nagbalita tungkol dito pero hindi nya binanggit ang tungkol kay Kate, nag focus sya sa issue ng mga Rakunyo plus sinamahan pa nya ng ebidensya.

Nakalusot ang kwentong ito sa management.

"Okey, hahayaan kita pero wala akong maibibigay na finacial assistance sa'yo dahil yan ang utos sa taas!"

Naintindihan ito ni Matt.

Isa lang naman ang hinihintay nya ngayon... pagkakataon.

At dumating iyon ng hindi sinasadyang makita nya si Ames.

Nasa isang coffee shop sya ng hindi nya sinasadyang madinig na hinahanap nito si Cong. Mendes.

Dalawa ang bahay ni Congressman at yung isa front lang nya pero may isa pa syang bahay na tago sa mga tao.

Sigurista si Cong. Mendes kaya hindi nito basta basta ipaalam ang totoong bahay nya kaya hindi ito makita ni Ames, pero aware si Matt dito.

"Mawalang galang na po! Hindi ko po sinasadyang madinig ang pinagusapan nyo pero pwede ko po kayong tulungan!"

Malakas ang kutob ni Matt na ito na ang pagkakataong inaantay nya.

Tiningnan sya ni Ames na may pagdududa.

'Masyado bang malakas ang boses ko at nadinig nya?'

Tanong ng mga mata nya sa kasama nyang si Dong, isa sa pinaka magaling sa security ni Miguel.

"Huwag kayong magaalala wala akong masamang intensyon, gusto ko lang sabihing front lang ni Congressman ang bahay nya, ang totoong bahay nya ay malayo pa duon pero duon din ang daan."

Sabi agad ni Matt para ipaalam sa kanila na gusto nya lang talagang makatulong.

At tumalikod na ito at bumalik sa mesa nya.

Nag antay sya na lapitan ng dalawa pero hindi nangyari iyon.

'Mukhang nagkamali ako!'

Tumayo na si Matt para bumalik sa trabaho pero laking gulat nya ng biglang may humatak sa kanya at isinakay sya sa isang van.

Mabilis ang pangyayari kaya walang nakakita.

Sa isang hideout sya dinala at duon nya muling nakita ang dalawang estrangherong nakausap nya sa coffee shop.

"So, isa ka palang reporter. Ito ba ang dahilan kaya nilapitan mo kami, para makakuha ng scoop?"

Tanong ni Ames.

"Oo reporter ako pero wala akong masamang intensyon ng lapitan ko kayo, ni hindi ko nga kilala kung sino kayo!"

"Kung ganun, bakit mo kami gustong tulungan?"

"Dahil binanggit nyo ang tungkol kay Cong. Mendes. Akala ko mga reporters din kayo na taga Maynila. Walang local reporters ang may lakas ng loob na magsulat tungkol kay Congressman!"

"Hindi kami mga reporters at iba ang pakay namin sa kanya!"

Sagot ni Ames.

"Napansin ko nga, hindi ninyo ako dudukutin kung mga reporters kayo! Bakit nyo ba kailangang dukutin ako, bakit hindi nyo na lang ako kinausap ng maayos?"

Sabi ni Matt na may halong pagkainis.

"Dahil may sumusunod sa'yo!"

Sabi ni Dong.

"Ha? May sumusunod sa akin? Sino at Bakit?"

Gulat na tanong nya.

"Actually, hindi namin sure kung ikaw ang sinusundan o ako, kaya mas minabuti naming ilayo ka sa lugar para makausap ng maayos!"

Paliwanag ni Ames.

"Ano bang gusto nyong malaman, bakit kailangan pasikreto nyo pa ako kausapin?"

"Paano mo. nalaman ang tungkol kay Cong. Mendes?"

Tanong ni Dong.

"Dahil nakapasok na ako sa bahay nyang isa. Dinala ako ng anak nya at hindi ito alam ni Congressman!

Nagtatrabaho bilang kasambahay ang Nanay ko sa bahay ni Congressman ng utusan syang maglinis sa secret house nila, hindi na muling nakalabas ang Nanay ko dun kaya pinasok ko ng palihim ang bahay. Hindi ko nakita ang nanay ko dun pero nakita ako ng anak ni Congressman at tinanong ko sya kung nakita nya ba ang nanay ko, sabi nya andun daw sa isa pang bahay at isinama nya ko dun!

Pero... bigo rin akong makita sya. After 3 days nakita na lang ang bangkay nya sa may sapa!"

Sigurado ka bang andun ang nanay mo?"

"Oo nagpaalam sya sa akin bago sya umalis. Nagtungo sya duon dahil bibigyan daw sya ni Congressman ng 10K, para daw makapasok ako sa kolehiyo. Nung burol dumating si Congressman at ibinigay ang huling sweldo ni Nanay, bukod dito ay ibinigay din ni Congressman ang halagang 10K!"

Natahimik panandalian ang lahat.

Nagkatinginan naman si Ames at si Dong.

'May kinalalaman kaya si Cong. Mendes sa pagkamatay ng Nanay nya? Pero sa anong dahilan?'

"Kung ganun, matutulungan mo ba kaming makapasok sa sinasabi mong lihim na daan patungo sa secret house ni Congressman?"

Tanong ni Ames.

"HA?!"

Kinabahan si Matt.

'Ang sabi ko tutulong ako pero hindi ko sinabing sasamahan ko sila!'

*****

Sa kwadra.

Hinawak ng dalawang tauhan ni Cong. Mendes ang magkabilang braso nito at pilit syang itinayo.

"Tapatin mo nga ako, Lemuel, niloloko mo lang ba ako?"

Nanlilisik ang mga mata nito puno ng galit. Pati litid nya lumilitaw na sa sobrang galit.

Mukha na syang demonyo kulang na lang ang sungay.

"Bakit naman kita lolokohin Congressman, anong dahilan? Saka, takot ko lang sa'yo!"

Sagot ni Lemuel.

Lupaypay na si Lemuel, hindi na ito makatayo. Kaya itinali na lang nila ang makabilang braso nya ng kadena na parang nakasampay sya.

"Sa huling pagkakataon Lemuel, apo mo ba si Aaron?"

"Oo, apo ko sya! Naniniwala akong apo ko sya!"

Walang makitang pagaalinlangan si Cong. Mendes sa sagot ni Lemuel.

Totoong naniniwala itong apo nya si AJ.

'Naniniwala nga syang apo nya ang Aaron na yun pero .... '

'.... yun nga kaya ang katotohanan?'

"Yan ba ang katotohanan, Lemuel o yan lang ang gusto mong paniwalaan?"

Tanong ni Congressman kay Lemuel.

Nangilag ang mga mata ni Lemuel, sa unang pagkakataon nangilag ito na tila ayaw nyang mabasa ni Congressman.

Pero hindi ito nakaligtas kay Cong. Mendes.

"Anong dahilan at bakit parang kinonsensya ka?"