webnovel

Inuusig

Kinokonsensya nga ba si Lemuel?

Simula ng una nyang makita si AJ napukaw na nito ang damdamin nyang hindi nya maintindihan.

Pagkatapos nyang ipamigay si Allan, inilagay nya na sa isip nyang nasa mabuti itong kalagayan.

Yun ang pangako ng mga kumuha sa apo nya, kaya kinalimutan na nya ng tuluyan ang apo nyang iyon.

Sa lahat ng apo nya, si Allan ang hindi nya gusto. Kamukhang kamukha kasi ito ni Jethro, ang ama ni Allan. Mainit kasi ang dugo nya sa manugang nyang yun.

Ngunit ng una nyang makita si AJ nung araw na yun, nag rewind lahat, pati ang dating guilt na matagal na nyang inilibing sa limot, nabuhay muli.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Apo ko si Allan, sigurado akong APO KO SYA!"

"Tsk, tsk tsk! Lemuel, Lemuel, pinagkakanulo ka ng mga mata mo! Oo tama ka apo mo nga si Allan pero hindi si Allan si Aaron na nasa mansyon. Tama ba ko?

Kaya hindi nagreresponse si Aaron sa lahat ng gawin ko kasi, hindi kayo magka ano ano. Bakit? Bakit kailangan mong mangangkin ng apo?"

"Hindi ko sya inaangkin dahil alam kong apo ko sya, nararamdaman ko yun!"

Totoo ang sinsabi ni Lemuel.

Nung una nyang makita si AJ naramdaman nya agad na si Allan ito.

Bakit inuusig sya ng konsenya nya kung hindi si Allan si AJ?

Kilala ni Lemuel ang sarili nya. Sya ang taong walang pakialam sa iba at ang mahalaga lang ay ang sarili nya.

Oo selfish sya. Mahal nya ang sarili nya kesa sa iba, kahit pamilya nya pa ito.

Hindi sya nakokonsensya sa ginawa nya kay Jericho at Ames o kaya sa nangyari kay Jeremy, kahit ang pangingidnap nya kay Eunice.

Hindi sya nakaramdam ng anumang pagsisisi.

Ang katwiran nya, ginagawa nya lang ang alam nyang tama kaya bakit kailangan syang konsensyahin?

Pero si AJ, bakit sya nakaramdam ng ganun, nung unang beses nyang makita ito, eh hindi naman nya kilala ang taong ito?

Anong pakialam nya sa taong ito na bigla na lang sumulpot isang araw at pinukaw ang konsenya nya na dati ay wala naman?

Bakit nya naalala si Allan at inuusig ng konsenya nya sa tuwing tinitingnan nya si AJ?

Yan ang dahilan kaya naniniwala syang sya nga ang apo nyang ipinamigay nya nuon.

"Nung unang beses na makita ko si AJ, alam kong sya na ang apo ko! Ang mga matang iyon ....."

".... iyon ang huling naaalala ko bago sya inilayo sa akin!"

"Dahil lang sa mga mata, inakala mo ng apo mo sya?"

"Hindi ako pwedeng magkamali ang mga matang iyon ang MATA ng apo ko!"

'Ang mga mata ng apo kong nagmamakaawa sa akin habang binibitbit syang papalayo ng mga hayup na yun?'

'Papaano ko makakalimutan ang mga mata nyang iyon kung nakikita ko ulit iyon kay AJ?'

Nakaramdam ng panlulumo si Lemuel at napansin ni Congressman na umiiyak ito.

"Pero hindi sapat ang sapantaha mo para patunayan sa akin na apo mo nga sya!

Pasensya na pero ubos na ang oras na ibinigay ko sa'yo at sa Aaron na yun!

At ang mga taong katulad nyo na ayaw magpasakop sa akin, binubura ko!"

Nagimbal si Lemuel.

"Te-Teka, Congressman, a-anong gagawin mo sa akin at sa apo ko?"

Hindi sya sinagot ni Cong. Mendes bagkus ay kinausap ang dalawang may hawak kay Lemuel.

Kayo! Bahala na kayo dyan sa matandang yan! Lumpuhin nyo para hindi makatakas pero huwag nyo munang tatapusin.

Gusto kong makita ang itsura nya pag nalaman nya ang gagawin ko sa inaakala nyang apo! Hehehe!"

Hindi na makapaghintay si Congressman, iniimagine na nito ang mangyayari.

"Teka teka, Congressman, maawa kayo, anong gagawin nyo?"

"Kung ano man yun wala ka ng pakialam! Dapat inisip mo na kung anong mangyayari sa'yo nung unang araw na nakipagkasundo ka sa akin!"

"Congressman... sandali ...sandali lang...."

Pero hindi na sya pinansin ni Cong. Mendes.

"Tara na, kailangan pa natin puntahan si Leon para sa plan B! Sisiguraduhin kong magliliwananag ang Hacienda Remedios bukas!"

"HAHAHAHAHA!"

Humahalakhak ito ng malakas ng umalis, hindi na pinansin ang pakiusap ni Lemuel na pumapalahaw na sa sakit ng baliin ng isa sa mga tauhan ni Congressman ang binti nito.

Kinilabutan ang ilan sa mga nakarinig sa palahaw na iyon.

*****

Samantala.

Walang nagawa si Matt, pumayag ito sa gusto ni Ames na isama sya sa paglusob nila sa bahay ni Cong. Mendes.

Pumayag sya dahil sinabi ni Ames na ibibigay nya ang exclusive coverage ng mangyayari ngayong gabi.

Walang kakurap kurap na tinanggap nya ito.

Ang nakakatawa, hindi nya kilala ang mga ito. Maganda lang ang vibes nya kay Ames kaya sumama sya. No questions asked.

Hindi nya pwedeng sayangin ang pagkakataong ito.

Kahit na hindi nya alam kung papaano sila makakapasok sa isang private property na pag aari lang naman ng isang congressman.

Pero nakapasok sila, palihim.

Na amaze sya sa galing ng mga ito na hindi man lang nya sigurado kung sundalo ba o hindi.

May mga CCTV camera sa paligid pero dinisabled nila lahat.

Nasa loob na sila ng bakuran ng bahay ni Cong. Mendes ng makita nila ang mga sasakyan na paalis at nagmula ito sa likod.

"Matt, sa tingin mo ba nakasakay duon si Congressman?"

Tanong ni Ames.

Oo, sasasakyan nya yung kulay asul!"

Sagot ni Matt.

"Tara na!"

Sa tulong ni Matt, nakita nila ang sikretong daan papunta sa kabilang bahay ni Congressman.

Mula duon sa secret passage ay may 10 minuto pang lakarin para makarating sa bahay.

Tagong tago ito at napapaligiran ng mataas na puno at pader, hindi makikita agad ang sikretong bahay na ito.

Nang matanaw nila ang sikretong bahay, dahan dahan silang lumapit.

Madilim ang bahay, tila walang tao.

Malapit na sila sa sikretong bahay ng may madinig silang malakas na sigaw na nakakakilabot na nagmula sa malayo.

"WAAAAAAHHH!!!!""

"PAPA!"

Napuno ng takot si Ames.