webnovel

Dahil Sa'yo

After a week, sa bahay naman ng lola ni AJ sa Bulacan nagpunta ang dalawa.

Kinakabahan si Eunice.

Itong girlfriend ang unang beses na makikita nya si Lola Inday, ang lola na nagpalaki sa mahal nyang si Milky.

May sariling apartment itong si AJ sa Maynila at duon sya hinahatid ni Eunice pag coding ito.

Tuwing Monday hanggang Wednesday sya nagiistay sa apartment at pagdating ng huwebes hanggang linggo naman sya nauwi sa lola nya sa Bulacan. Martes kasi ang coding nya.

"Ready ka na ba, Coffee?"

Nakangiting sabi ni AJ kay Eunice.

Hindi alam ni Eunice ang isasagot, halatang kabado sya.

"Paano kung hindi nya ako magustuhan? Milky, anong gagawin ko?"

"Coffee, stop worrying! Huwag kang magaalala mabait ang Lola Inday ko, tyak na magugustuhan ka nun! At saka ... andito naman ako, hindi kita pababayaan!"

Kinuha nito ang kamay ni Eunice at pinagsalop ni AJ ang mga kamay nila saka hinalikan.

'Ang ganda talaga ng Coffee ko!'

Puno ng pagmamahal nyang tiningnan si Eunice.

'Kahit ata kelan hindi ako magsasawang tingnan sya!'

"Pero .... kinakabahan pa rin ako, Milky!"

"Andito lang ako, mahal ko!"

Pinisil ni AJ ang mga kamay ni Eunice, tanda na hindi nya sya pababayaan.

Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng bahay.

"Lola, andito na po kami, mano po!"

"Kaawaan ka ng Diyos Apo! Ito ba si Coffee?"

"Opo Lola, si Coffee ko po, girlfriend ko!"

"Mano po Lola Inday!"

Kinuha ni Eunice ang kamay ni Lola Inday para magmano.

"Kaawaan ka ng Diyos Ineng! Mabait na bata itong girlfriend mo apo, marunong mag mano!"

"Syempre po Lola, pipili po ba ako ng hindi ninyo magugustuhan?"

Saka hinarap si Eunice.

"Sabi ko sa'yo magugustuhan ka ng Lola ko eh!"

"Lola, eto po, bigay po ni Coffee para po sa inyo!"

"Regalo para sa akin? Bakit naman nag abala ka pa Ineng?"

"Yun po kasi ang bilin ng Mommy ko, pag nagpunta daw po dumalaw daw po ako kailangan daw po akong magdala ng gift."

Nahihiyang sabi ni Eunice.

Halatang kinakabahan ito dahil namumula ang mga pisngi.

Nangiti naman si Lola Inday.

'Mukhang maganda ang pagpapalaki ng mga magulang nya sa kanya!

Maswerte itong apo ko at nakakita sya ng girlfriend na mabait at maganda ang pagpapalaki ng magulang.'

Pagbukas nya nagulat sya sa regalo ni Eunice.

Isa itong alampay.

"Wow ang ganda! Salamat Ineng, ang ganda nitong alampay!"

Tuwang tuwa si Lola Inday, hindi alintana ang presyo ng regalong bigay ni Eunice.

Masayang isinuot nito ang alampay.

"Bagay ba sa akin Ineng?"

"Opo Lola!"

"Salamat at binili mo ako ng ganito, ang sarap suutin!"

Tuwang tuwa sya dahil matagal na nyang gustong magkaroon ng ganito para hindi sya ginawin, lalo na pag naguulan.

Hindi naman sya makapagpabili kay AJ dahil nahihiya sya at malamang hindi alam ni AJ ang ganito dahil ang una nyang binili ay yung mahaba na nilalagay sa leeg, hindi katulad ng ganito na naisusuot.

At pagkatapos ay hinawakan nya ang braso ni Eunice at dinala sa sofa.

"Halika Ineng di ne tayo maupo!"

"O-Opo, lola!"

"Ineng, maraming maraming salamat at binili mo ako ng alampay. May maibabalabal na ako sa balikat ko!"

Nangiti naman si AJ, hindi nya akalaing magbibigay ng sobrang saya sa lola nya ang regalo ni Eunice. Malay ba nya kung paraan saan yun alampay.

"Salamat Ineng at nadalaw ka! Wala akong kasama dito madalas kungdi si Girly! Masyado kasing busy ang batang ito!

Paano nga pala kayo nagkakilala?"

Si Girly ang katiwalang nag aalaga kay Lola Inday.

"Sa isang coffee shop po kami unang nagkakilala at estudyante pa po ako nun, Lola!"

"Eh iho, tapatin mo nga ako, pwede na bang mag nobyo itong batang ito, eh neneng na neneng pa? Baka naman pinilit mo?"

"Hahaha! Opo Lola, nagpaalam po ako sa mga magulang nya bago ko sya niligawan!"

"Saka po Lola, nasa edad na po ako para magkanobyo!"

"Talaga Ineng? Ilang taon ka na ba at pinayagan ka ng magnobyo ng mga magulang mo? Baka mademanda itong apo ko!"

"Hahaha!"

"Huwag po kayong magaalala Lola 21 na po ako!"

"Ha?! Talaga? Baka binibiro mo lang ako! Neneng na neneng pa ang itsura mo, mukha ka lang disisais, sigurado ka bang bente uno ka na?"

Namula si Eunice, nakaramdam sya ng hiya. Wala kasi itong make up kahit lipstick wala. Nagpupulbos lang sya.

Samantalang si AJ, hagalpak naman ng tawa.

"HAHAHAHA!"

Ngayon lang nakita ni Lola Inday ang apo nya na ganitong kasaya.

***

Pagkatapos nilang mananghalian, kinausap ni Lola Inday ng sarilinan si Eunice.

"Alam mo 'Neng, ngayon lang nagdala ng babae dito yang batang yan mukhang napaka espesyal mo sa kanya ..... Salamat!"

"Lola, kanina pa po kayo nagpapasalamat, tama na po, nahihiya na po ako!"

"Ineng, hindi lang dito sa regalo mong alampay ako nagpapasalamat, pati na rin sa pagdating mo sa buhay ng apo ko! Eh, kasi naman, dahil sa'yo natutong ngumiti ang apo ko!"

"Talaga po?"

"Oo Ineng. Simula pa pagkabata seryoso na palagi ang batang yan. Ngingiti lang pag binati, tatawa pag pinatawa, magsasalita lang pagtinatanong. Kahit anong gawin namin nuon ng asawa ko, hindi namin mapasaya yang batang yan.

Pero .... simula ng makilala ka nya, lagi kong yang nahuhuling nakangiti ng walang dahilan.

".... at marunong na rin syang humalakhak!"

"At natitiyak kong, IKAW ang dahilan Ineng!"