webnovel

Kabanata 415

After the meeting,

"Lo, ihahatid ko na muna si Jacob sa parents nya baka hinahanap na sya." Sambit ni Lervin kay Chairman Feng.

"Okay, just send my greetings to Kelly and my gift."

"Um. Thanks Lo."

"Okay, were leaving. Bong, lets go."

"Yes po Chairmain."

"Sige po Lo ingat po kayo secretary Bong take care of my Lolo."

"Yes Sir."

Pag alis naman nila Chairman Feng pumunta sa isang room si Lervin para sunduin si Jacob na nag lalaro ng video games.

"Oh, tapos na po ang meeting?"

"Um. Are you good? Lets go? Baka hinahanap ka na nila kuya Kian."

"Okay po."

Habang pabalik naman sila Lervin at Jacob bumungad naman sa kanila si Vince.

"Tito Vince!"

"Baby boy!"

"San po kayo pupunta?"

Sumenyas si Vince kay Jacob na di nahahalata ni Lervin.

"Susunduin mo ba si Jacob? Hinahanap na ba sya nila kuya Kian?"

"Ah, hindi naman namamasyal masyal lang ako ng makita ko kayo dine. Pabalik na kayo?"

"Um. Baka ka ko hinahanap na si Jacob eh."

"Ah, di naman alam namang kasama ka."

Vince winked at Jacob "tito Vince!"

"Oh?"

"Mahilig ka po mag picture di ba?"

"Well, you know your tito Vince..."

"Yeah!"

"Its time for picture taking!" Anila at di naman maintindihan ni Lervin ang nangyayare.

"Lets go po Tito Lervin."

"Ha?"

At hinala na nga ni Jacob ang tito Lervin nya.

"San tayo pupunta?"

"To the moon!" Sabay sambit ni nila Jacob at Vince at sinundan pa ng parang kanta at di na naman maka relate itong si Lervin na di naman mahilig sa music.

"Ano bang trip nyo?"

"Sumama ka nalang samin ni Jacob."

"Opo nga kami pong bahala sayo."

"Pero kasi... Si Kelly..."

"Don't mind her may ibang agenda yon."

"Agenda?"

"Ah! Ang ibig pong sabihin ni tito Vince mag tutulog lang si tita Kelly. Opo yun ang agenda nya today."

"Ha?"

"Basta po!"

At kanina nga habang busy ang lahat sa kung anong ginagawa pumunta si Vince sa room kung nasan si Kelly.

"Pasok!" Sambit ni Kelly.

"Oh, nakahiga ka na naman? Bumangon ka na!" Sambit ni Vince.

"Ayoko! Nakakatamad!"

"Puro ka na naman cellphone diyan! Bumangon ka na!" At pinipilit na nga nyang pabangunin si Kelly na tamad na tamad.

"Ayoko nga! Sisipain kita diyan!"

At tumigil namang agad si Vincebat naupo sa kama.

"Tara na kasi sa labas mag picture-picture tayo."

"Ayoko!"

"Para naman itong ewan eh! Birthday mo kailangan may pang post kang pic!"

"Ano naman ngayon? Si Jacob ang picturan mo."

"Oo mamaya na ikaw na muna!"

"Sabi na ngang ayoko ang kulit!"

"Bakit ba kasi? Dahil ky Patricio?"

"Huh! At bakit naman dahil sa kaniya?"

"Sus! Wag ako! Kilala ko kahit ang pag utot mo wag mo kong pinagloloko!"

"Edi shing!"

"Halika na! Kung ayaw mo na talaga mag pakita kay Patrick ayos lang pero kung mag kukulong ka dito yun ang hindi okay. Birthday mo you need to be happy."

"Happy na ko sa ganito."

"Haysss! Para kang ewan! Bumangon ka na kung ayaw mong sabihin ko sa mga kuya mo na andito si Patrick dahil sayo."

Kelly sit up abruptly "wag!"

"I knew it! You still care about him."

"Eh kasi naman hindi naman sya nag punta dito dahil birthday ko. Nag punta sya dito dahil sa business kung sisirain lang yun nila kuya nakakahiya naman."

"Sus! Eme ka! Ayaw mo pang aminin na nag aalala ka pa rin sa tao dahil mahal mo pa."

"Tsk! Epal ka talaga!"

"Tara na!"

"Tsss! Oo na! Dala mo camera mo?"

"Of course! Ako pa ba? Ang ganda ng view dito di ko pwedeng palagpasin."

"Tsss! Photographer ang peg? Magkano sahod ko?"

Vince bonked her "heh! Bilisan mo na diyan!"

"Humph!"

At na una na ngang lumabas ito g si Vince at tinext niyang agad so Patrick.

*Text Message*

To. Patrick: Pre, okay na napapayag ko na si Kelly na lumabas. Text kita pag okay na tsaka ka mag pakita.

"Anong ginagawa mo diyan sa pinto?"

"Oh Kelly."

"Problema mo? Maka Kelly ka naman sa tono mo parang di tayo nagkita kanina. Halos kalalabas mo nga lang ng kwarto."

"Hehe. Halika na!"

"Ang weird mo today."

"Weird? Nasa dugo na natin ang pagiging weird."

"Ikaw lang!"

"Heh! Tara na nga!"

"Weirdo! Bleeeh!"

"Okay lang di naman masakit."

"Baliw! Tara na nga!"

At lumabas na nga yung mag pinsan para mag picture-picture ng mga magagandang spot doon sa resort.

"Maupo ka diyan pipicturan kita suot mo yung summer hat mo."

"Wag na."

"Dinala mo lang ba yan para gawing pamaypay? Suot mo na Kelly!"

"Haysss... Pala desisyon ka na naman diyan."

"Suot mo na!"

"Eto na po!"

"Go na awra na."

Nag simula na nga yung dalawa sa pagkuha ng kani-kanila nila mga larawan. At di alam ni Kelly sa di kalayuan naka subaybay na sa kanila si Patrick kasama nga itong si Mr. Johnsen.

"Dati po bang model si Young Miss? Grabe ang galing nya po mag posing."

"Hinde, ni ayaw nyang nag papa picture yan ang pinaka hate nyan pero kapag trip nya yan ganyan ang kinalalabasan. Maganda."

"Talaga po? Ayaw pa ni Miss ng nag papapicture? Pero grabe kung ako po ang parents ni Miss isasali ko sya sa mga artista contest. Bagay na bagay po syang mag artista."

"Yeah. Pero introvert yan nawala lang gawa ng tropa namin pero andun pa rin minsan ang pagka mahiyain nya."

"Opo napapansin ko po yun minsan na mas gusto nya na mapag isa at tahimik. Gaya nyo."

"Um. Kaya siguro may pagkakasundo kami sa iilang mga bagay."

"Di lang po iilan sa halos lahat po parang kung titignan nga po parang kayo ang boy version ni Young Miss."

"Maybe yes, and maybe no. Siguro may nung una ko syang nakakasama may part na talagang nagkakasundo kami para kaming partners in crime at habang tumatagal..."

"Naisip nyo ng sya ang destiny nyo?"

"Yeah. At ayoko ng mawala pa sya saking muli."

"Fighting!"

"Tsss! Namana mo na yan kay ate May."

"Hehe... Pero boto po talaga ang kay Young Miss para sa inyo kasi sya lang talaga ang nakaka pag patiklop sa inyo."

"Heh! Ano ko damit?

"Hehe... Di naman po alam ko namang alam nyo ang ibig sabihin ko dun. Pero paano nga pala si Sor Lervin? Parang strong rival nyo yun ngayon."

"Tsss! Marami na kong naging rival para kay Kelly at alam kong sa huli ako parin ang pipiliin nya. Dahil alam kong may isang salita sya."

"Po? Ano pong isang salita? Nag promise po sya sa inyo?"

"Well, sabihin na nating ganon."

"Hmmm?"

Ting!

Nag text na si Vince kay Patrick na pwede na syang lumapit kay Kelly.

"Let's go! Its time to show up."

"Okay po Young Master."

At doon nga sa spot kung nasan yung mag pinsan...

"Ha? Ano ba yan?! Kung kailan naman nag eenjoy na ko tsaka ka naman na ccr. Diyan ka nalang umihi sa tabi-tabi diyan." Ang naiinis na sambit ni Kelly.

"Hoy! Ano namang tingin mo sakin aso? Oh, basta intayin mo ko dito sayo na muna yang camera ko mag cr lang ako."

"Tsk! Oo na! Bilisan mo!"

"Yeah. Babu!"

Nakita naman ni Vince si Patrick at sumenyas na sa kaniya ito at dali-dali na rin syang umalis.

"Ang ganda naman dito para na kong nag around the world." Sabi ni Kelly habang kinukuhanan nyan ang paligid at ng isang sandali pa...

"Hmmm? Si... Patrick?"

Tinignan nyang mabuti yung camera at nung ibinaba nya nasa harapan na nga nya ito.

"Pa-- Patrick?"

"Happy birthday."

Napa atras si Kelly sa gulat nya at na out of balance buti nalang nahawakan syang agad ni Patrick.

"Ayos ka lang?"

Kelly pushed him away "I need to go."

Pinigilan naman sya ni Patrick while hugging her from the back "sorry! I know its my fault! Pero hindi ko na kasi kayang hindi ka makita at makausap."

"Let me go."

"Kelly..."

"I said let me go!"

At dahil nga marunong sa martial arts itong si Kelly alam nya na kung anong gagawin sa mga taong ayaw syang bitawan in a wrong way.

"A... Aray..."

Tutulungan sana ni Mr. Johnsen ang boss nya pero sumenyas ito sa kaniya na wag lalapit.

Nasa lapag ng mga oras na iyon si Patrick at para bang nabalian ang braso sa lakas ng pag balibag sa kaniya ni Kelly.

"Wag ka ng lalapit sakin kung ayaw mong lalong mas masaktan."

Kahit in pain pinilit pa rin ni Patrick na tumayo at kita rin sa mga mata ni Kelly na naaawa sya rito lalo na ng bigla itong lumuhod sa harapan nya.

"Sorry... Patawarin mo ko kung hindi ako nag paramdam sayo."

"You don't need to that. Were over."

Papaalis na si Kelly sana pero niyakap sya ni Patrick habang nakaluhod ito "sorry na!!! Ginawa ko lang naman yon para malaman mo rin kung anong worth ko. Pero napagtanto ko na mas worth it kesa sa sarili ko. Kaya sana patawarin mo na ko. Dahil mahal na mahal parin kita Kelly."

Kelly sighed "tumayo ka na diyan."

"Ayoko, hindi ako tatayo dito hangga't di mo ko napapatawad."

"Para ka namang tanga eh! Tumayo ka na!"

"Ayaw!"

"Haysss... Kapag di ka tumayo diyan sisigaw ako dito at sasabihin ko hinaharass mo ko."

Dali-dali namang tumayo si Patrick "di naman kita hinaharass eh at di ko yun gagawin kahit kailan."

"Tsk! Maupo ka."

"Yes Ma'am."

Naupo ngang agad si Patrick doon sa bench "let me see you hand."

"Ha?"

"Yung kamay mo patingin. Alam kong masakit yan."

"A-- Ayos lang ako."

Pero hindi nakinig sa kaniya si Kelly at hinila pa ang kamay nito.

"AHHHH!!!" Sigaw ni Patrick.

"Don't worry you will be fine."

Nagulat naman si Patrick na nawala na yung sakit sa kamay at braso nya.

"Eh? Nagagalaw ko na."

Kelly bonked him "wag mo masyadong igalaw di pa talaga yan okay."

"Ha?"

Tinanggal ni Kelly ang ribbon sa buhok nya at ginawang cast para sa kaliwang kamay at braso ni Patrick.

"To make it sure na walang broken bone kailan mo muna yang improvised na cast."

"O-- Okay lang I think wala naman naging okay naman yung kamay at braso ko nung hinila mo. Nag aalala ka ba sakin?"

"Gusto mong balian na talaga kita?"

"I'm just kidding tsaka...hindi naman ito ang first time na ginawa mo sakin ang ganito kaya nga na fall ako sayo eh."

"Heh! Tatanggalan kita ng dila eh. Ang daldal mo!"

"Sorry na, bati na kasi tayo. Ha?"

Naupo si Kelly sa tabi ni Patrick pero di sila magkadikit "bakit andito ka?"

"Ha? Kasi ano..."

"Hindi mo alam na andito kami?"

"Ah... Eh... Kasi..."

"I knew it, nauutal ka na naman."

"Te-- Teka lang let me explain."

"No need I understand na kaya ka lang naman nandito sa resort eh may businee meeting ka. Tapos bigla ka na lang gagawa ng ganitong eksena? Tapos sasabihin mo kung okay na tayo? Eh kung balian na kita ng balakang? Kaya mo pa kayang mag lakad?"

"Kelly naman... Andito ako para mag sorry hindi makipag away."

"Huh! Bakit parang kasalanan ko pa?"

"Sorry na nga kasi... Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko?"

"Tsss! Simpleng bagay tinanong nya pa talaga nya." Mahinang sambit ni Kelly.

"Hmm?"

"Birthday ko! Wala ka man lang gift?"

"Ah, ano kasi..."

"Haysss... Wala talaga kong maasahan sayo! Bahala ka diyan!"

Sa isip-isip ni Kelly "simpleng mahigpit na yakap lang naman ayos na ko di nya pa magawa. Hmph!"

Tumayo si Patrick sa harap ni Kelly "a--anong gagawin mo?"

"I'm going to give my gift to you."

"Ha?"

"Close your eyes."

"Ba-- Bakit?"

"Just do it!"

"Inuutusan mo ko?"

"Kelly!"

"Tsk! Oo na."

At pinikit nga ni Kelly ang mata nya "ano na?"

"Eto na..."

Patrick kissed Kelly's forehead "happy birthday Babe."

Kelly blushed "a... anong..."

"For now, yan muna ang gift ko papadala ko nalang sa inyo bukas. Okay?"

Kelly smiled secretly pero napansin yun ni Patrick "eiii... nag smile ka na. So, okay na tayo?"

"Ba-- Baliw ka na!!!"

Sa kasalukuyan,

Nakita na pala ni Lervin yung dalawa na mag kasama na para bang masaya "ang cute nilang tignan no?" Sabi ni Vince na para bang nang aasar.

"Huh! Anong cute? Tsaka bakit andito yan? Pinauwi ko na yan!"

"Hep! San ka pupunta?"

"Kay Kelly. Pag nakita sila nila kuya Kian..."

"Hinde. Walang malalaman sila kuya Kian kung wala kang sasabihin."

"Huh! At sa tingin mo mananahimik lang ako?"

"Bro, alam kong noon pa mang mga bata tayo may gusto ka na kay Kelly pero bro tandaan mo best friend ka lang..."

Napatigil at nanahimik si Lervin habang nakatingin lang doon sa dalawa ni Kelly at Patrick sa di kalayuan kung nasaan sila.

"Tito Vince, okay lang po ba yon? Parang na sobrahan po ata kayo dun." Pabulong na sambit ni Jacob.

"Okay lang yon. Para magising sa katotohanan yang tito Lervin mo. Dahil kahit anong gawin nya hinding hindi sya magugustuhan ni Kelly hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay ng tita mo diyan may Lervin."

"Talaga po? Parang nakakaawa po pala si tito Lervin."

"Bata ka pa kasi kaya di mo pa maiintindihan ang ganitong bagay pero eto ang tandaan mo. Wag na wag kang makikipag best friend sa babae kung di mo kayang gampanan."

"Kasi po baka maging gaya ako ni tito Lervin?"

"Oo, kasi di talaga pwedeng maging mag best friend ang babae at lalaki dahil masasaktan lang nila ang isa't isa kapag nagkaroon na ng feelings na di angkop para sa isang kaibigan."

Next chapter