webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 307

Bumalik na sa hotel room nila si Kelly at Patrick…

"AHEM!!!" Ang reaction ni Kelly pag pasok nila sa kanilang hotel room at nagulat naman sa pag ubong iyon si Patrick.

"Wi—Wifey…ma—maliligo na muna ako."

"Ka Bang!"

Padabog dabog si Kelly bago sya makaupo sa sofa at kahitg pag lapag ng remote control ng tv pabagsak nyang ginawa.

"Wi—Wifey…ga—galit ka ba?"

"Hinde!!!" Ang pa sikmat na sagot ni Kelly.

"O—Okay…ma—maliligo na ko ha?"

"Sige, maligo ka na pakalunod ka!" Ang mahinang sagot naman ni Kelly kaya hindi sya naintindihan ni Patrick.

"Ano yon?"

"Wala! Umalis ka na nga naiirita ako sa pag mumukha mo!"

"O—Oo."

At iniwan nga ni Patrick si Kelly.

"Tamo yon! Iniwan talaga ako?"

Bumalik naman si Patrick "oh? anong ginagawa mo dine? Andine na ba ang cr?"

"Ha? A---Ahm…a—ano kasi naka susi yung cr."

"Ano?! Paanong nakasusi yan?"

"E—Ewan ko?"

"Anog ewan mo? eh nung natulog ako nung gabi okay pa yan tsaka hindi ka ba nag cr kanina?"

"Ha?"

"Binge ka?!"

"Hi—Hindi naman wife yang akin lang kasi…"

"Enough! Tumawag ka nalang ng maintainance dine sa hotel, dami mo pang sinasabi dyan."

"O—Oo wifey."

Dali-dali namang hinanap ni Patrick ang phone nya sa bulsa ng shorts nya pero hindi nya ito makita.

"Ahm…Wi—Wifey…"

"Ano naman?!"

"Pwede bang makahiram ng phone mo?"

"Ano? Bakit?"

"Hi—Hindi ko kasi makita yung sakin."

"Ano? Hindi ba kaya ka pumunta kay kuya na room kasi nang hiniram ka ng charger so…sabihin mo kung humiram ka ng charger anong i-chacharge mo kung hindi mo alam kung nasan ang phone mo?"

"A—Ano…Ano kasi…"

"ANO?!" Ang pa sigaw na sambit ni Kelly ng biglang may nag door bell.

"A—Ako na ang mag bubukas."

Kelly smirked at pag bukas ni Patrick ng pinto bumungad sa kanya si May na balisa.

"Ate?"

"Hey." Ang walang energy na sagot ni May.

"Are you okay? And why are you here? I thought…"

"Pwede bang pumasok?"

"O—Oo naman."

At nung makapasok na yung mag kapatid sumalubong naman si Kelly "sino ba yung duma…ting???" napatigil si Kelly dahil sumenyas si Patrick sa kanya.

"A—ate!!!" Niyakap naman nya si May.

"Babysis…"

"Is there something wrong?"

"Hmmm? Nothing may jetlag lang ako."

Sumingit naman si Patrick sa usapan "ah, oo nga ate kamusta ang business trip?"

"Okay lang naman may pasalubong ako senyo nasa luggage ko kayo nalang ang kumuha gusto ko munang mag pa hinga at…Patrick…"

"Ate?"

"Kapag pumunta dito si Wendy sabihin mo may meeting akong buong araw."

"Ha? Me—Meeting? At buong araw?"

"Oo basta sabihin mo wala ako…Kelly babysis."

"A—Ate?"

"Pwede bang samahan mo ko sa kwarto?"

Napatingin naman si Kelly kay Patrick at sumangayon naman ito "o—okay ate halika na po."

"Um."

At sinamahan nga ni Kelly si May sa kwarto nila "ano kayang problema ni ate?" Ang sabi ni Patrick at na isipan nyang tawagan si Kevin. "Oo kuya kararating nya lang."

Kevin: Eh? Hindi nya nabanggit sakin na pupunta rin pala sya dine sa Cebu?

Patrick: Alam ko pupunta rin sya dito pero hindi ko akalain na ngayon na mukhang may problema eh.

Kevin: What do you mean? Pupunta ako dyan.

Patrick: Oo kuya pumunta ka nalang dito.

Kevin: Oo sandali lang maliligo na muna ako.

Patrick: Sige kuya mag door bell ka nalang.

Kevin: Oo sige.

***

Malipas ang ilang oras iniwan ng KelRick sa hotel room nila sila Kevin at May at nag punta sila sa labas.

"Wow!!! Ang ganda dito." Ang sabi ni Kelly dahil sa lokasyon nila sobrang daming mga bulaklak.

"I told you, maganda talaga dito pero mas maganda dito kapag gabi kasi may mga ilaw dito."

"Really?"

"Um. Kaso hindi tayo pwedeng mag pa gabi baka mahamugan ang ulo mo. Bawal raw kasi yun sa buntis."

"Sus…sino naman ang mag sabi?"

"Si Mama parati kasi syang nag cha-chat sakin ng mga bawal sa mga buntis."

"Si Mama?"

"Um. Sabi nya nga sakin baka makauwi daw sila ni kuya Kim dito sa Pinas sa susunod na buwan."

"Eh? hindi naman na banggit sakin ni mama o ni kuya Kim."

"Ay, baka secret?"

"Ewan ko? Anyways , sa tingin mo okay lang sila kuya Kevin at Ate May?"

"Siguro? Hayaan mo na sila basta tayo mag eenjoy."

"Nga pala, sino yung Wendy?"

"Ahhh…bff yun ni ate anak sya ni Ninong Carlos."

"Ohhh…yung sinundo mo kahapon sa airport?"

"Um. Kasama nya si Ate Wendy."

"Ate?"

"Oo para ko na rin yung ate eh Bunsoy ang tawag nya sakin."

"Ohhh…"

"Ahm…wifey… paano yung kay Herald at Yumi."

"Hayaan mo na yon si Sensen na ang pinag asikaso ko dun."

"Ahhh… kaya pala ni hindi man lang pumunta sakin kaninang umaga ni hindi rin nag chat ang lukong yon. Ikaw na ba ngayon ang boss nya?"

"Siguro?"

"Hey!"

"Hahaha… chill."

May narinig namang nag titinda ng ice cream si Kelly kaya nag pa bili sya kay Patrick "oo sige intayin mo ko dito ha?"

"Um."

At pagkaalis ni Patrick kinuha ni Kelly ang phone nya at tinawagan si Mr. Sensen "Ano? Kilala mo yung Wendy?"

Sensen: Opo Madam pero hindi ko po sya gaanong kakilala eh.

Kelly: Gusto kong i-send mo ang picture nya sakin.

Sensen: Yes Madam pero kung tatanungin nyo kung may nakaraan sila ni Chairman. Uunahan ko na po kayo dahil nakakatandang kapatid lang po ang tingin ni Sir Patrick kay Ma'am Wendy.

Kelly: Eh…sa tingin mo yung Wendy may gusto kay Patrick?

Sensen: Wala po yun kasi para lang talaga silang mag kapatid. Ang turing nya po kay Chairman parang bunsong kapatid lang kaya nga po tawag nya dito Bunsoy.

Kelly: Ohh... I see… anyways, naayos mo na ba yung about kay Herald?

Sensen: Opo Madam pero bukas po may maagang interview po kayo ni Chairman sa hotel room nyo.'

Kelly: Ha? Why?

Sensen: Para po linawin ang lahat.

Kelly: Ano? Kala ko ba naayos mo na?

Sensen: Opo Madam pero kailangan po talaga yun dahil dun sa na hospital po kayo trending po kayo ngayon.

Kelly: Ano?!

Sensen: Hindi pa po ba kayo nag bubukas ng social media account nyo? Trending po ang "justice for Mrs. Kelly Santos" nationwide sa twitter.

Kelly: WHAT? You mean trending ako?

Sensen: O—Opo Madam.

Kelly: Haysss…baka nakita na yun nila kuya sandali nga lang sige na titignan ko na muna ang social media ko baka nag chat na sakin sila kuya Kian

Sensen: Opo Madam.

At binaba na ni Kelly yung phone dumating na rin naman si Patrick na may dalang ice cream "wifey, here na."

"Nakita na mo ba?"

"Ang alin?"

"Trending ako sa twitter."

"Ha?"

"Tumawag ako kay Mr. Sensen kaya nalaman ko na trending pala ako sa twitter."

"Pe—Pero wala akong alam."

"Haysss…paano na?"

"Don't worry ako ng bahala ipapaayos ko."

"Too late."

"Ha? Pero magagawan ko naman ng paraan wag kang mag alala."

"Look behind you."

"Hmm?"

At pag lingon nga ni Patrick marami ng reporters ang papunta sa direksyon nila.

"What should we do?"

"Get up, papasanin kita."

"Um."

At pinasan nga ni Patrick sa likod nya si Kelly at tumakbo sila papalayo dun sa mga reporters.

"Bilis baka maabutan nila tayo…"

"Oo wifey ang bigat mo na kasi ngayon eh."

Bineltukan naman sya ni Kelly "so, sinasabi mo bang ang taba ko na? Baka nakakalimutan mo ako ang nanay ng magiging anak mo."

"O—Oo alam ko naman yun ang akin lang kasi…"

"Heh! Bilisan mo!"

"O—Oo ere na nga."

"Honk…Honk…"

Tumabi naman si Patrick sa gilid dahil may bumusina sa kanila na puting kotse at nung nag baba na ito ng bintana nakita nilang si Yumi pala yung driver ng kotseng iyon.

"Sakay na." Ang sabi ni Yumi.

"Yumi?" Ang sabay sambit nung dalawa.

"Wag kayong mag alala kakampi nyo ko."

Nag katinginan naman ang Kelrick at pumayag na ring sumakay dahil malapit na silang maabutan ng mga reporters na hinahabol sila.

"Okay, ready na ba kayo ? Sa joyride na ito?"

Sa likuran sumakay yung dalawa "Ah…O—Oo…" Ang kinakabahang sagot nung dalawa na nakapit pa sa kanilang seatbelt.

"Alright!!!"

At humarurot na nga sa pag papatakbo itong si Yumi kaya kinabahan naman si Patrick kaya napasigaw sya sa takot "YUMI!!!!!!" pero tinawanan lang sya nito.

"."

Nang makababa naman sa kotse sila Patrick at Kelly "Whooo!!! It was fun." Ang natutuwang sambit ni Kelly samantalang nag suka naman si Patrick.

"Hehe…thankies pero mukhang hindi yung asawa mo."

At napatingin naman si Kelly kay Patrick "haysss…kahit kailan talaga napaka weak nyan eh. Hayaan mo na muna sya magiging okay rin sya pag nailabas nyang lahat ng yan."

"Yeah…hahaha…couz, ikaw ata ang buntis at hindi si Kelly. Hahaha…"

Napatingin naman si Kelly sa lugar kung san sila huminto dahil pumunta sila sa isang burol kung saan kitang kita ang ganda ng Cebu at biglang dumating rin doon si Herald.

"Ikaw?!" Ang sambit ni Kelly.

Nagulat naman si Patrick at pinunasan nya ang bibig nya at lumapit kay Kelly "anong ginagawa mo dito?" ang pagalit na sambit niya pero dahil hilo na out of balance pa ito pero inalalayan sya ni Kelly.

"Umayos ka nga! Lasing ka ba?" Ang pabulong na sambit ni Kelly.

"Calm down couz, hindi gulo ang pinunta dito ni Herald." Ang sabi ni Yumi.

"Tsss…hindi ako naniniwala kaya siguro tinulungan mo kami dahil may masama kayong balak samin." Itinago naman nya sa likod nya si Kelly "honey, dyan ka lang ako ng bahala dito."

"Anong bahala? Eh hilo ka pa nga eh." Ang pabulong na sambit ni Kelly.

"Ayos na ko wag kang mag aala."

"Hindi ko na kayo guguluhin." Ang sambit naman ni Herald kaya napatingin yung KelRick sa kanya "alam ko naging ganid ako sa kapangyarihan at totoo gusto ko talagang mapansin mo ko Ms. Kelly."

"Mrs!!!" Ang pagalit na sambit ni Patrick.

Siniko naman ni Kelly si Patrick "bakit mo ginawa yon?"

"Wifey…"

"Shhhh…"

"Kung hindi mo alam matagal na talaga kitang kilala nung unang beses kong pumunat sa DLRU."

"Hmm? Kailan ka nag punta ng University?" Ang sabi ni Patrick.

"Naalala nyo yung araw ng sportfest?"

Nagkatinginan naman yung KelRick at sabay nilang sagot "hindi."

"Ah…o—okay …siguro nga hindi nyo maaalala pero ako yung isang journalist student na bumisita sa DLRU para ma feature si Patrick."

"Ako?"

"Um. Dahil isa kang Santos."

"Ahhh…siguro yun yung time na lumantad ka na isa kang Santos." Ang sabi ni Kelly.

"Ohhh…" Ang reaksyon naman ni Patrick.

"Mukhang mahaba pa ang kwento mo may gusto talaga akong itanong sayo eh."

"Ano yun Miss?"

Susugod na sana si Patrick dahil tinawag na naman ni Herald si Kelly na Miss.

"Patrick!"

"Eh…kasi…"

"Yumi, hilahin mo nga muna ang isang ito gusto ko muna kasing kausapin si Herald na kami lang."

"O—Okay sige."

"No! Wifey!!"

Tinitigan naman ni Kelly si Patrick ng masama "o—oh sige…pero bilisan nyo lang ha?" pero bago umalis si Patrick nilapitan nya si Herald na para bang gusto nay itong sapakin "tandaan mo! I'm watching you!"

"Haysss…Yumi sige na hilahin mo na ang pinsan mo."

"Ikaw!!!!"

"Couz, halika na!"

"Bitawan mo ko tuturuan ko ng leksyon ang isang yan."

Kelly made a face palm "sige na Yumi ikaw ng bahala dyan."

"Um. Don't worry sige lang mag usap lang kayo."

"Wifey!!!!"

"Wag ka ng makulit!!! Halika na."

At pag kaalis nga nung dalawa nag usap na sial Kelly at Herald "sabihin mo pinaimbestigahan mo ko?"

"Kung sabihin ko bang hindi maniniwala ka?"

"Oo dahil number one fan mo ko kaya kung anong sabihin mo sakin maniniwala ako. Pero sa pagkakataong ito tiyak kong pinaimbestigahan mo nga ako. Ikaw rin yun taong nakiusap kay Mr. Guievarra na wag akong ipakulong tama ba ako?"

"Um. Pero hindi ko yun ginawa para sa kapakanan mo ginawa ko yun para kay Yumi."

"Si Yumi…sya yung laging andyan para sakin at ngayon ko lang sya…"

"Na appreciate?"

"Um. Kaya babawi talaga ako sa kaniya…and Miss salamat dahil hindi mo ko pinakulong."

"Pak!"

"Ba—Bakit mo ko sinampal?"

Nag stretch-stretch pa si Kelly na para bang inaasar si Herald "ang sarap sa pakiramdam."

"Ano?!"

"Alam mo sa talang buhay ko ngayon lang na gustuhan ang sumampal. Pwedeng isa pa?"

"Ha?"

Tumawa naman ng tumawa si Kelly at nakita naman yun ni Patrick kaya gusto nitong lumapit sa dalawa pero pinigilan sya ni Yumi.

"Balita ko dumating Mr. Montenegros?"

"Kilala mo si Ninong Carlos?"

"Sino ba naman ang hindi makakilala sa may ari ng SureGold?"

"Ahh…but is there something wrong?"

"Ha? No—Nothing…"

"Sus…tell me na malay mo matulungan kita close ako kila ninong."

"Wala naman talaga eh."

"Tsss…wag nga ako, kahit ano pang sabihin ng iba pinsan pa rin kita kaya sige na sabihin mo na at promise hindi ko ipagkakalat."

"Wala nga Rick tantanan mo na na nga ako."

"Hoy! Kahit papano mas matanda pa rin ako sayo ng isang taon kaya call me Kuya!"

At pinitik naman ni Patrick ang noo ni Yumi "aww!!!"

"Sige na spill the beans."

"Nalaman ko kasing…"

"Ano?!"

"Yung ano…"

"ANO NGA!!!"

"O—Okay, sasabihin ko na baka kasi…"

"SABIHIN MO NA!!!"

"Anak ako ni Mr. Montenegros."

"A—Ano?"

"Nung una hindi rin ako makapaniwala pero siya mismo ang nag pa DNA samin."

"Si—Si Ninong?"

"Um…"

"Wha—What the?! Napaka liit talaga ng mundo…"

Hiyiee po! (✿◠‿◠)

-nais ko lang po sanang sabihin na sa ngayon po isang chapter lang po ang kaya kong i-release araw-araw naging busy lang po. Kaya sana po maintindihan nyo. ( つ̥︣﹏╰̥̥)

lyniarcreators' thoughts