webnovel

Kabanata 306

Na una ng umuwi si Kelly kasama ang kuya Kevin nya sa hotel room na kanilang tinutuluyan…

"Oh, kumain ka muna na ng kamote." Ang sabi ni Kevin kay Kelly.

"Kamote? Talaga ba kuya?"

Tumabi si Kevin kay Kelly sa sofa "oo kamote, bakit ayaw mo na ba ng kamote?"

"Ewan ko sayo kuya."

"Ito naman may nakita kasi akong nag lalako ng inihaw na kamote sa may labas dun sa may gilid nireng hotel. Mukha kasing masarap at naalala kita."ore

"Ano?"

"Hahaha…wag ka na kasing ma badtrip dyan at kumain ka nalang ng kamote ayaw mo nire mabubusog ka agad masarap naman."

"Ayoko nga! Tsaka sino naman ang badtrip?"

"Sus! Tignan mo nga yang noo mo naka kunot. Ano naman kung hindi ka sinundo ni Patrick? Busy ang asawa mo kaya hayaan mo na."

"Tsss! Busy? Huh! Sinundo nya lang yung ninong nya tapos anong oras na mag 10:45pm na wala pa rin sya."

"Oh, yan ba ang hindi badtrip?"

"Ewan! Bili mo nalang ako ng icecream kuya."

"Hmm? Pero gabi na."

"Ehhh…gusto ko nga!"

"Fine! May bukas pa namang convenience store. Ano ba ang gusto mong flavor?"

"Kahit ano."

"Ha? Bakit kahit ano? Mamaya bibili ako tapos hindi naman pala yun ang gusto mo tapos papahirapan mo akong bumalik na naman sa store. Sige na sabihin mo na ang gusto mo!"

"Haysss…ano bang meron sa ref?"

"Sandali lang titignan ko."

At nag punta nga sa may kusin si Kevin para tignan ang laman ng ref at nakita nyang may icecream at eggpie ron.

"Oh? Anong gusto mo?"

"Ahm…kunin mong parehas kakainin kong lahat ang mga yan."

"Wow! Baka naman hilaban ka."

"Sige na!"

"Oo na ere na po mahal na reyna."

At ibinigay nga ni Kevin kay Kelly ang half gallon ng ice cream na vanilla flavor at isang box ng eggpie "ang sarap talagang kumain kapag naiinis."

Nakuha naman ng dahan-dahan si Kevin sa slice ng eggpie pero nakita sya ni Kelly kaya tinapik nito ang kamay niya.

"Aray! Ang damot mo."

"Sabi nila kapag buntis ang nakain wag raw sasaluhan kasi magiging antukin ka."

"Sus! Naniniwala ka don?" kumuha sya ng isang slice ng eggpie "kung antukin man ako ayos lang dahil gabi na rin naman."

Bigla namang umiyak si Kelly "WAHHHHHHH…boohoo…"

"Ho—Hoy! Grabe ka naman isang slice lang naman eh."

Pero umiiyak pa rin ng umiiyak si Kelly "haysss…isang slice lang greabe ka sakin baka nakakalimutan mo kuya mo ko at hindi ako ibang tao. Grabe sya!"

Ibinalik naman agd ni Kevin yung isang slice ng eggpie na dapat kakagatin na nya "bakit mo binalik?"

"Ewan! Tatanong mo pa eh para kang bata dyan na inagawan ng pagkain."

"Hindi naman ako naiyak dahil sa eggpie na kinuha mo eh."

"Ha?"

"Bigla ko kasing naalala si Patrick eggpie kasi ang unang binigay nya sakin nung nanliligaw sya sakin."

Kevin rolled his eyes "nababaliw ka na bang talaga? Pati ba naman yon iiyakan mo? Ganyan ba talaga pag buntis?"

"Booohooo…hindi ko alam kuya pero ayw tumigil ng mata ko sa pag luha."

"Haysss…pasaway!"

Kinuha ni Kevin ang hawak at yung box na may lamang eggpie at ibinalik sa ref "bakit mo kinuha?"

"Nagiging emosyonal ka na naman kasi baka imbes na matamis yung eggpie maging savory dahil sa alat ng luha mo. Ayan kumain ka nalang nyang icecream."

Pero umiyak na naman si Kelly "oh! bakit na naman?! May naalala ka na naman ba?!"

"Wala."

"Oh, eh bakit ka naiyak?"

"Niyakapakan mo yung paa ko eh."

At napatingin naman si Kevin sa baba at nakita nya ngang nayapakan nya ang paa ng kapatid nya "ay, so---sorry naman wag mo kasing iharang itabi mo kasi."

"Tsss! Peng ko kutsara anong gusto mong gawin ko sa icecream? Kakamayin ko?"

"Haysss…sumosobra ka na ha you supposed to be the youngest here kaya ako dapat ang mag uutos sayo."

"Pretty please kuya."

Kelly acts like as if she is a kid cause she knows hindi naman talaga saya kayang tiisin ng kuya nya.

"Haysss! Sya sige mag intay ka diyan!"

"Salamat kuya."

"Heh! Pasalamat ka buntis ka nako kung hindi…ewan!"

"Love you kuya."

"Sus…love you more."

"."

Nakatulog na si Kelly pero hindi pa rin dumadating si Patrick kaya si Kevin na mismo ang tumawag dito.

Pero hindi ma-contact ni Patrick si Kevin.

"Bakit hindi ko matawagan ang lintek na yon . Oras lang talaga na may ginagawa syang kung ano malilintikan talaga sya."

"Ding…Dong…"

Binuksan naman Kevin yung pinto at nakita nyang lasing na lasing si Patrick at may babae itong kasama "anong nangyare?"

"Who are you?" Ang sabi nung babaeng englishera.

"Me? I—I'm…"

"Kuya Kevin!!! Ang bayaw kong shobrang bait." Ang suray-suray na sambit ni Patrick at napayakap sya kay Kevin.

"So, you name is Kevin? And what is bayaw by the way?"

"Ha? A….Ano…"

Napakamot sa ulo nya itong si Kevin at pabulong bulong pa nga sya "sino ba ang lintek na ito? Malapit na ko mauma sa kanya pagka ganireng inaantok na ko eh isa pang English nya matatampal ko na re."

"Did you say something?"

"Hmm? No—Nothing."

Pero sa isip-isip ni Kevin "mag timpi ka Kevin alalahanin mo babae yan."

"Anyways, I gotta go you take care of Bunsoy, okay?"

"Bu—Bunsoy? Are you referring to him?"

Kevin sighed "pati ako napapa English na buraot na yan." Pabulong bulong na sambit niya.

"Oh, yes he is my Bunsoy and I'm his…"

Bigla namang may tumawag dun sa babae "yes, I will be there wait for me in a bit."

Ibinaba nya na yung phone nya at nag paalam kay Kevin.

"He—Hey you! Haysss…buset na yan kung kailan naman ready na ko mag English saka sya umalis pero sino naman kaya yon?"

Inayos ni Kevin ang pagkakahawak nya kay Patrick para ipasok sa hotel room ng mga ito ngunit "anak nang! bakit nag sara yung pinto? Hindi ko pa naman dala yung key card. Buset talaga!!!"

Ginising naman nya si Patick "hoy, gising may key card ka ba sa hotel room nyo?"

Hinanap nya sa mag bulsa ni Patrick ngunit wala syang makita "haysss…bakit wala kang duplicate?"

Napaupo nalang sya at nag isip "paano na? iwan nalang kaya kita dine? Iinum inum di naman pala kaya."

Binuhat nya si Kevin sa kanyang likod para isama sa kanyang hotel room "takte! Ang bigat mo!"

Basta nalang nya ibinaba si Patrick sa sofa at tinawagan si Sensen "oo andito sya sa hotel room ko."

Sensen: Nako, pasensya na po kayo Sir pakihintay nalang po ako at pupunta po ako dyan.

Kevin: Hindi na, hayaan mo na sya dine tulog na si Kelly eh.

Sensen: Ahhh…eh paano po diyan nyo na lang po sya patutulugin?

Kevin: Oo hayaan mo sya dine sa sofa nga pala kaya talaga ako tumawag may gusto akong itanong.

Sensen: Sige po ano po ba ang gusto nyong itanong?

Kevin: May nag hatid kasi sa kanya dito sa hotel na isang babaeng englishera tapos ang tawag nya kay Patrick eh Bunsoy. Kilala mo ba yon?

Sensen: Mukang si Ma'am Wendy po yon maiksi po ba ang buhok na may taling sa kanang pisnge?

Kevin: Oo yun nga, pero bakit nya kasama si Patrick kanina?

Sensen: Ahhh…sila po kasi ang sinundo ni Chairman sa airport.

Kevin: Ohhh…so kinakapatid pala ni Patrick yung Wendy? Kasi sabi sakin ni Kelly kanina susundo nga daw si Patrick sa airport at yung taong yun eh ninong daw ni bayaw.

Sensen: Ah…opo anak po si Ma'am Wendy ni Sir Carlos na matalik na kaibigan ng dating Chairman.

Kevin: Ohhh…pero bakit Bunsoy ang tawag nung Wendy kay Patrick? May kakaibang relasyon ba sila?

Sensen: Yun po ang hindi ko alam ngayon ko lang din po kasi sila nakilala. What I mean is nabanggit lang po sila sakin ni Chairman bago kami mag hiwalay kanina. Kaya wala po talaga akong alam kila Ma'am Wendy at Sir Carlos. Pero isa lang po ang sigurado ko close po si Chairman sa kanila.

Kevin: Ohhhh…I see. Sige na bukas na lang.

Sensen: Ahm. Sir.

Kevin: May sasabihin ka pa?

Sensen: Ahm…pwede po bang wag niyo nalang sabihin kay Madam na si Ma'am Wendy ang nag hatid kay Chairman?

Kevin: Hmmm? Why?

Sensen: Ehhh..baka po kasi ma-misinterpret ni Madam eh alam niyo na po buntis kasi sya.

Kevin: Well…sige ako ng bahala sige na inaantok na ko.

Sensen: Salamat po Sir.

Kevin: Um.

***

Umaga na at wala sa mood si Kelly dahil nagising syang wala parin si Patrick hotel room nila.

"Aba't! Hindi umuwi ang lintek talaga!" Ang galit na galit na sambit ni Kelly ng makapunta sya sa sala dahil hinanap nya ron si Patrick at hindi nya ito nakita.

"Malilintikan talaga sya sakin!!!"

Samantala ang sakit sakit ng ulo ni Patrick nung na gising sya….

"Hmm? Nasan ako?"

Bumungad naman sa kanya si Kevin na may dalang tsaa "oh, mag tsaa ka na muna."

"Ku—Kuya?" nag palinga-linga naman siya "wait, nasan ako?"

"Andito ka sa hotel room ko."

"Ha? I—I mean why? No, don't get me wrong kuya pero paano ako napunta dine?"

Naupo si Kevin sa kabilang sofa habang nainum ng tsaa "inihatid ka nung Wendy."

"Ha? A---Ahm…kuya let me explain…"

"No need…"

Tumayo naman agad si Patrick at lumuhod pa sa harapan ni Kevin "a—anong ginagawa mo?"

"Sorry po pero hindi ko po babae si Wendy."

"Ohh…Okay."

"Eh?"

"Tumayo ka na dyan!"

"Ah…pero…"

"Wag kang mag alala hindi ko sasabihin kay Kelly pero sana wag ng mauulit yung katulad kagabi."

"Ye—Yes kuya promise."

"Pero may gusto lang akong malaman sino si Wendy?"

"Ahh…anak po sya ni ninong Carlos yung sinundo ko po kahapon sa airport hindi ko naman po alam na kasama si ate Wendy."

"Ate? Wendy?"

"Ahhh…opo halos kasing age nyo kasi sya at bff po sya ni ate May."

"Eh?"

"Um. Habang nasa America po kasi si ate May sakanila ito nanirahan ng matagal tsaka bata pala sila ni ate magka laro na sila kaya yun."

"Ohhh… I didn't know that. Hindi naman kasi na kwento sakin ng ate mo."

"Ahhh…minsan po kasi hindi rin ma kwento yung si ate."

"Yeah…"

"Ding…Dong…."

"Nako, baka si Kelly na yan."

Ninerbyos namang agad si Patrick "a—ano po ang gagawin ko?"

"Ayusin mo yang itsura mo at sabihin mo may hiniram ka lang sakin at sa hotel room mo ikaw na tulog."

"Po?"

"Kung ayaw mong magalit sayo si Kelly gawin mo nalang!"

"O—Opo."

"Bilisan mo, bubuksan ko na yung pinto."

"O—Oo kuya."

Pandalas namang itinago ni Patrick ang unan at kumot dun sa likod ng upuan at inayos nya ang sarili nya para hindi sya mahalata ni Kelly.

"Bakit ba ang tagal mong buksan ng pinto kuya?"

"Ehhh…nasa cr ako eh bakit ka ba nandine?"

Hinawi ni Kelly ang kamay ng kuya nya "dito na muna ako bwiset na si Pa…"

Napa hinto naman sa pag sasalita nya si Kelly dahil bumungad sa kanya si Patrick "He—Hello Wifey."

"A—Andito ka?"

Sumenyas si Kevin kay Patrick na umarte ng natural "may…may hiniram lang ako kay kuya."

Hinalikan ni Patrick si Kelly sa pisnge at nag good morning "good morning rin, umuwi ka pala?"

Nag katinginana sila Patrick at Kevin "o—oo naman maaga lang talaga ako nag tungo dine kay kuya tulog ka pa kasi nung umalis ako kanina kaya di na ko nakapag paalam.

"Oh…"

Pero may doubt si Kelly dahil ang suot niPatrick na t-shirt at short ay galing sa hotel "hindi mo sinabi na fan ka pala ng hotel?"

"Wifey?"

"Akala ko kasi puro branded lang ang gusto mong isinusuot. Free lang yan sa hotel di ba?"

Napatingin naman si Patrick sa kasuotan nya at may nakalagay pa nagang "Jong Hotel for your perfect home."

"Ha---ha---ha… minsan talaga hindi porket mayaman eh gusto na lagi ay branded. Halika nga may niluto akong pancakes eh." Ang sambit ni Kevin at hinila nya si Kelly papuntang kusina habang na senyas kay Patrick at bumulong "mamaya ko nalang ipapaliwanag"

***

Sa magkaparehong oras sa hotel kung nasan sila Wendy…

"Ding…Dong…"

Nasa may sala si Sir Carlos at nag kakape habang nag babasa ng newspaper "Wendy, are you inviting visitors here at this time? So early."

"Nothing dad! I dunno who rang the doorbell." Ang sambit ni Wendy habang nakain ng breakfast nya.

"Ohh…okay I will take of it na."

"Okie dokie."

Binuksan ni Sir Carlos ang pinto at bumungad sa kanya si May "uncle!!!"

Niyakap naman ni May si Sir Carlos "May!!!"

"Dad, who's that?"

"Wen-Wen!!!"

"May-May!!!"

At masayang masaya nilang niyakap ang isa't isa at may pag ikot pa nga sila then they made their unique handshake "na miss ko kayo…"

"Me too! Why didn't you tell me that you're going here too?"

"Surprise!"

"Don't tell me hindi rin alam ni Patrick?"

"Yes Uncle wag niyo po munang sasabihin sa kanya. Please…"

"Okay, I understand. Wendy you take care of her I need to go male-late na ko sa meeting ko."

"Yes Dad. Take care."

"Um. Mag enjoy kayo dito May, okay?"

"Yes po uncle."

At ng maakalas si Carlos nag kwentuhan na yung dalawa "ohhh…no worries maiintindihan yun ni Kelly."

"Are you sure?"

"Teka nga agang aga eh English ka ng English dyan ma nonosebleed ako sayo eh."

"Ah…sowwy…by the way what is bayaw?"

"Hmm? Ohh…did you…haysss…pati tuloy ako napapa English si Kevin ay kapatid ni Kelly kaya bayaw sya ni Patrick."

"Ohhh…so bayaw is brother in law?"

"Yep!"

"He's cute I like him."

"Ha? Yo—You like him?"

"Yes May-May and I think…mahal ko na sya."

"WHAT?! NO WAY!!!"

Hello po sorry ngayon lang po naka pag update. Naging busy lang po. ಥ‿ಥ

lyniarcreators' thoughts
Next chapter