webnovel

Kabanata 115

Habang na sa farm ang tropa nila Kelly ang mga kuya naman niya ay busy maki pag kwentuhan sa mga pinsan nila at yung iba ay nag luluto ng mga handa ni Vince at para narin sa kanilang get together.

Sa Sala,

"Ay, si'ya kung gay'on pala eh kinailangang salinan ng dugo noon si Kellang?" Ang sabi ni Carlo isa rin sa mga pinsan nila.

"Oo tol, buti nga may kaklase si Kellang na may kapatid na O negative ang dugo wala kasi si Keith noon samin nasa Bulacan yan eh." Ang sabi ni Kian.

"Oo nga eh hindi ga naman ako nakauwi noon kasama ko si Faith hindi ko naman maiwanan ang sama ng pakiramdam niya noon tapos wala pa ang mga kuya niya,"

"Kung gay'on pala'y ikaw Keith ang kadugo laang sa inyo ni Kellang?" Ang sabi naman ni Niko isa rin sa mga pinsan nila na kapatid ni Carlo na anak ni Inoy.

"Ay oo tsaka si Daddy sana gusto nga noon maka umuwi ni Mama kaso syempre hindi pwede kaalis niya lang nitong nakararaan hindi na nga kami nakauwi nun dine nung umuwi siya kasi biglaan lang din yun tapos kinailangan niya na ring makabalik sa Canada kinailangan kasi siya ng kapatid niyang si tita Karla." Ang sabi ni Kian.

"Buti nga kanyo eh saktong andoon rin ang mga kaklase ni Kelly ayun nag magandang loob naman." Ang sabi naman ni Kim.

"Pero Bro, nalimutan niyo na bang may gusto rin kasi yung si Patrick kay babysis." Ang sabi ni Kevin.

"ANO?" Ang pagulat na sabi ng mga pinsan nila.

"Sandali lang hindi ga iyon yung kasama nila ngayon? May Patrick ako narinig na ngalan doon eh. Aba! Dapat nating kilatisin yun mga tol." Ang sabi naman ni Ervin isa rin sa pinsan nila na anak ng tiya nilang si Vina na kapatid ng daddy nilang si Kemwell.

"Pero wag na kayong mag alala busted na siya kay Kelly."

"Oo tama si Kevin ayaw na muna namin na mag bf si Kelly hanggang wala pa kaming asawang lahat." Ang sabi naman ni Kim.

"Aba'y si Keith eh may asawa na oh edi tatlo nalang kayo pwede na mag bf si Kellang kung gay'on." Ang sabi ni Carlo.

"Hindi pa yun mangyayare tol wala pang gf si kuya Kian." Ang sabi naman ni Keith at nag tawanan sila.

"Heh! Magsi tigil nga kayo di'yan kung ayaw niyong makatikim ng lumiplipad na tsinelas."

"Ahahaha...kalma tol pero hindi ga ikaw eh may anak na si Jacob oh eh asan ang nanay noon? Wag mo sabihing na ano mo lang yun." Ang sabi ni Ervin.

Binato naman siya ng tsinelas ni Kian "Ang ingay mo talagang tukmol ka baka marinig ka ni Jacob!"

"Ay pasensya na pero bakit nga wala dine yung nanay nung anak mo hindi mo sinama."

"Oo nga tol." Ang sabi ng iba nilang pinsan.

"Wala talaga dine si ate Rica kasi busy yung sa work niya tsaka hindi naman sila ni kuya Kian." Ang sabi ni Kevin.

Binato rin siya ni Kian ng tsinelas at sinabing "Isa ka pa!"

"Sorry bro, hindi naman sila iba satin eh kaya okay lang yun."

""Heh! Pero oo hindi kami mag kasama ng nanay ni Jacob pero wag niyo ng ipagkalandakan pa on process pa ang relasyon namin."

"Uhhhhh..." Ang reaksyon ng lahat.

"Oo na! Ako ng single dine eh ano naman? Pag sasampigahin ko kayo di'yan eh."

"Ang bagal mo naman kasing duma'moves bro dinadaan mo kasi ata sa santong dasalan moderno na ang panahon ngayon daanin mo na sa santong paspasan." Ang sabi ni Niko.

"Ay oo tol baka mapagiwanan ka na niyan tamo si Joshua sa wakas may papakasalan na rin." Ang sabi ni Carlo.

"Ba'y oo nga eh nabalitaan namin kay tiya Vina na ang ating pinsang monghe eh mag aasawa na." Ang sabi ni Kim.

"Ahhh...oo nauhan pa nga ko ng luko." Ang sabi ni Ervin.

"Mabagal ka rin kasi andyan lang si Yumi sa kabilang kalsada eh ligawan mo na kasi." Ang sabi ni Keith.

"Luko! Busy yun tsaka baka may bf ata yun ngayon."

"Nga pala, mabalik tayo kay Kelly yung Patrick na yon kinausap nyo ba?" Ang sabi ni Carlo.

"Ah...oo sabi niya hindi niya na muna guguluhin si Kelly namin mukhang mabait naman yung bata at gentleman." Ang sabi ni Kevin.

"Yeah.." Ang tugon naman ng mga kuya niya.

"Aba, at mukhang pabor naman ala kayong mag kakapatid dun sa Patrick hayaan niyo't mamaya'y kami naman ang kikilatis."

"Sige lang i-corner niyo mga tol para malaman niya kung sino ang mga boy's ng DELA CRUZ!" Ang sabi ni Keith.

"Ahoo...ahoo...BUMANGGA GIBA!" Anila at nag tawanan.

Samantala hindi alam ng mga kuya at ng mga pinsan ni Kelly na ang pinakamamahal nilang "baby girl" ay kasama ngayon si Patrick at nakikipag karera "Go KELLY!!!!"

"GO Dude andito lang ang lucky charm mo."

"Lucky Charm?"

Nag flex pa si Dave at sinabi niyang "Oo ako."

Pagka tapos marinig yun ng tatlo hindi nila ito pinansin "GO KELLY!!!"

"Hoy! Ako nga yung lucky charm niya grabe kayo."

"Go Kelly!!! GO Kelly!!!"

"Tsss...bahala nga kayo diyan pag nanalo si Patrick luluhod kayo saking lahat makikita niyo!"

"GO KEELLLYYYY!!!"

"HOY!!! PANSININ NIYO NAMAN AKO!"

"HEH!"

"Tsss...napaka harsh niyo talaga sakin."

"Ayan na malapit na sila dito sa finish line guys..."

"Go DUDE!!! Kaya mo yan pakita mo sa kanilang ako ang lucky charm mo."

"GUNG GONG! Ang tugon nung tatlo.

"Huh! Makikita niyo talaga sasambahin niyo ko."

"ASA!!!!"

Habang nanakbo ang mga kabayo nila Kelly at Patrick na sakay sila "Kelly, don't go back into your words."

"Huh! Of course, may isa akong salita!"

"Okay, I will wait for you honey." At kumaripas na si Patrick at yung kabayo niyang si Heyiee ng takbo bigla namang bumagal sila Kelly at yung kabayo niyang si Gidiyap "Ano raw yung sabi niya? Ho----Honey???"

Napansin naman nila Mimay na parang may mali kay Kelly at sa kabayo nito "Anong nangyayare kay baby girl? Bigla nalang siyang bumagal? Mauunahan na siya ni Patrick."

"Oo nga ano bang nangyayare?" Ang tugon naman nila Vince at Harvey.

"Sabi ko naman sa inyo ganyan ka lakas ang presensya ng charm ko." Ang sabi naman ni Dave na animo'y nang aasar. "HEH!" Ang pagalit naman na reaksyon nung tatlo at bigla namang tumigil na lang si Kelly.

"Sandale! Bakit tumigil na si Master??"

"ANO?"

"KELLY!!!!" Ang sabi nila at noong mga oras na yun ay sobrang lapit na rin talaga ni Patrick sa finish line kaya narinig niya na parang nag aalala yung apat kay Kelly kaya lumingon ito at nakita niyang nakatigil lang sila Kelly at yung kabayo nitong si Gidiyap.

"Kelly?" Ang nag aalalang sabi ni Patrick kaya huminto at bumaba siya at nag madaling tumakbo pa balik kay Kelly at papunta na rin naman yung tatlo nila Vince dahil nag aalala sila dito.

"Kelly!!!" Ang sabi ni Patrick kay Kelly na nakatulala lang at nakasakay pa rin sa kabayo niya.

"Anong nangyayare sayo? Bakit ka biglang tumigil? Masama ba ang pakiramdam mo? KELLY!!!" Dagdag pa ni Patrick at nagulat naman niya si Kelly sa pagkakatawag niyang iyon kaya dumulas ito sa kinauupuan niya dahil napa-iktad din sa gulat si Gidiyap "KELLY!!!!" Ang sabi nila Patrick at nung tatlo na malapit na rin kung nasan yung dalawa dahil mahuhulog si Kelly sa kaniyang kabayo.

.

.

▪︎Author: Ito naman kasing si Patrick maka sigaw wagas pero may pag ka bungol rin eh tumakbo pabalik papunta kay Kelly? Nakakloka hindi nalang bumalik sakay kay Heyiee. Pahirap sa buhay ang luko.Charot! Okay tapos na ang commercial balik na ulit sa kwento. Wahahaha....

.

.

Sinalo naman ka agad ni Patrick si Kelly at para bang naging slow mo ang lahat ng nangyare yung tatlo naman nila Vince imbes na lumapit huminto muna para makita kung anong mangyayare sa dalawa at ayan na nga ang inaantay ng lahat "Ang Princess Carry" OMG!!!! Nagkatitigan sila at wari'y pakiramdam ng dalawa ay sila lang ang tao sa kinatatayuan nila ng mga oras na iyon at yung tibok ng puso nila ay para bang gustong kumawala at tumalon sa sobrang galak pero hindi dahil kinikilig sila pero dahil hindi nila maipaliwanag kung bakit ganoon nalang ang lukso ng puso nila na para bang gusto nilang mag "exchange of hearts" at bigla namang gumawa ng ingay si Gidiyap na para bang kinikilig rin doon sa dalawa kaya bumalik na sa senses nila ang mga ito. "Ahem....pwe---pwede mo na ba akong ibaba?" Ang sabi ni Kelly na pulang pula ang mukha at gay'on rin naman si Patrick na para ba silang kumain ng napaka anghang na pagkain at nagkakahiyaan at nauutal utal pa nga sila "Ah...eh...O---oo sige sorry."

"Sa---salamat sa pag salo mo sakin."

Napahawak naman sa buhok niya si Patrick na para bang hiyang hiya at di mailihim ang kilig "Wa---walang anuman."

Dahil nga nag kakahiyaan yung dalawa biglang na tahimik ang kapaligiran kaya sumingit na yung tatlo "Ayiiiieeee.."Anila.

"Ahem...ahem...bakit parang bigla naman atang may dumaang anghel ang tahimik." Ang sabi ni Vince na animo'y nang aasar at sinisiko si Kelly.

"Tu----tumigil ka nga diyan! Bakit ngayon ka lang?"

"Bakit? Hindi mo na nga ko kailangan kasi andiyan naman na si Patrick na handa kang saluhin."

"Ayieee..."Ang nanloloko nilang reaksyon.

"HEH!" Anila Kelly at Patrick.

"Paano yan? Sino na ang nanalo?" Ang sabi ni Dave.

"Hmmm...I think si Patrick!" Ang sabi nila Vince.

"ANO???" Ang sabi naman ni Kelly.

"Oo kasi ayun na si Heyiie sa finished line at si Gidiyap naman eh ayun sa may gilid nahiya naman sa inyong dalawa." Ang sabi ni Vince.

"HEH!" Ang pagalit na sabi ni Kelly.

Hiyieee...(^_^)

▪︎Salamat po sa lahat ng bumoto kay Patrick I feel pity for Kelly dahil walang bumoto sakaniya pero para naman yun sa kaniyang kapakanan right geysh? Hahaha...xD

▪︎Bukas po ang update ulit isa lang po ang update ko ngayon dahil medyo busy po ang inyong makulit na author. Pero wag kayong mag alala pag nakarami po ako ng drafts tig 2 updates po tayo daily pero ngayon bitinin ko muna kayo ah. Hehehe...xD

Love you all. Aja fighting..♡

Love lots,

lyniar ☆

lyniarcreators' thoughts
Next chapter