webnovel

Mr. Writer

luzdelaluna_ · Others
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 12

Agad na lumapit sa akin si Ivan kasama ang isa niyang kaklase. Ang iba ay nakatingin lang sa akin habang papalapit si Ivan.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga pagkain na available sa cafeteria.

"Ikaw." Sagot nito kaya agad ko siyang nilingon.

"Ha?" Bigla kong tanong.

"Sabi ko, Ikaw, anong gusto mo? Kasi kung anong bibilhin mo ay ganun na rin ang sa akin." Natatawa nitong sabi.

"Sige." Pumili na lang ako ng pagkain at umupo na rin.

Nasanay kami na sila ang nagseserve sa amin. Sila ang dadala ng pagkain sa lamesa namin. Dahilan na rin siguro yun kung bakit ang mahal ng mga pagkain dito.

"Anong binili mo?" Tanong sa akin ni Ivan.

"Pork Sinigang." Nakangiti kong sagot.

"Meron na silang sinigang?" Magiliw nitong tanong.

"Meron na, nagrequest kami nila Max last week. Sabi nila, sige daw this week ay lalagyan na nila ng sinigang."

Ilang minuto lang ay dumating na rin ang binili ko. Good for two persons ang binili namin.

Commonly, rice at ulam talaga ang mga nandito sa canteen. Dahil kung mga junk foods at softdrinks ang nandito ay hindi mabubusog ang mga students.

Agad na kumuha si Ivan ng ulam niya.  Pinagmasdan ko muna ito habang kumukuha.

"Bakit?" Biglang tanong niya nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya.

"Gusto mo ba subuan kita?" Seryoso nitong tanong.

"Ha? Hindi." Agad kong sagot at kumuha na rin ng pagkain.

"Ang sweet ninyo namang dalawa. Maninira lang kami ng sweet moment ninyo kaya... Tabi at makikisali kami." Natatawang sambit ni Max at umupo sa tabi ko kasama sina Carla at Reysha.

"Ivan, bakit puro babae kasama mo?" Tanong ng kaklase ni Ivan na napadaan sa table namin.

"Edi samahan ninyo ako." Natatawang  saad ni Ivan at agad namang umupo sa tabi niya ang dalawang kaklase niya.

Sabay-sabay na rin kami kumain. Si Carla at Reysha ay hindi mapakali sa kinauupuan nilang dalawa. Tuwing tumitingin kaming lahat sa kanila ay umiiwas sila.

Nang matapos kami kumain ay bumalik na rin kami sa room dahil masyado namang awkward kung tatambay pa kami sa cafeteria.

"Ano bang meron sa inyong dalawa Carla at Reysha?" Nagtataka naming tanong ni Max habang nakaupo sa kaniya-kaniyang upuan namin.

"Ang gwapo kasi nung dalawang kaklase ni kuya Ivan." Kinikilig na saad nilang dalawa.

Kaya naman pala nag-iba ang galaw nung dalawa.

"Ano ba kasing name nila?" Namimilit na tanong sa amin nila Carla.

"Aba, malay ko. May ID naman sila, bakit di ninyo pa tinignan?" Sagot ni Max.

"Hays, next time kasi, tignan ninyo yung ID nila." Umiiling kong dagdag.

"Sabihin mo, kuya, patingin nga ng ID mo. Titignan ko lang kung anong year mo na." Pagtuturo ni Max na hindi na mapigilan ang pagtawa.

"Tanungin mo Sirene si kuya Ivan." Magmamakaawa nung dalawa.

"Kayo na magtanong. Sasagutin niya naman yun." Aniya ko at umayos na ng upo.

Dumating na rin ang prof namin at agad itong nagsulat sa whiteboard kaya nataranta kaming lahat.

Grabe ka naman sir, wala man lang good morning.

Instead of notebook ay laptop ang gamit namin for notes. May app na rin kami kung saan nandoon na ang mga topics and etc. Siguro nga ay masyadong advance na ang school namin. Parang last two years lang ay nagsusulat ako sa notebook at nagbabasa ng libro. Well, almost everything change. I can't say na everything change dahil may mga bagay naman na hindi nagbabago.

Parang yung ex mo na hanggang ngayon ay manloloko pa rin.

Well, back to the discussion na hindi ko malaman kung paano nakuha yung formula. Hindi ko talaga alam kung bakit STEM ang kinuha ko kahit na alam kong mahirap ang STEM.

STEM talaga kinuha ko dahil magandang pakinggan yung "I'm a STEM Student. Charot.

Magdodoctor naman talaga ako. Pero kung hindi naman ako papalarin ay albularyo or embalsamador na lang.

Matapos ang lecture ay pinaghandaan ko na ang sunod dahil paborito ko ang lecture na sunod which is about Physiology.

We all know that Physiology is all about human body. This is good for future doctors.

Behind of the basic functions of every organs in our body,  every molecules of our organs also have different functions.

"Good morning class." Magiliw na bati ng prof namin, chich is si Doc. Henry Lazo.

Aside of being a doctor ay nagtuturo din siya dito sa amin. Nasa 30 pa lang si Dr. Lazo.

Well, siya ang pinakagwapo sa lahat ng professor dito sa amin. Hindi hindi gaganahang mag-aral kung gwapo ang professor, diba?"

Nagsimula na ang lecture. May sinulat muna ito sa white board bago magdiscuss sa amin.

"Our topic for this day is all about the function of our heart." Panimula ni .

"So what is the function of our heart?" Nakangiti nitong tanong.

Agad na tumaas si Max ng kamay para sumagot. Nakangiti ito kay doc Lazo.

"The function of our heart is pumping oxygenated blood to the other body parts." Sagot ni Max.

"Well, aside of that, according to my heart m it also has a function to love you doc." Nakangiti nitong dagdag at ngimiti si doc.

"Thank you for answering my question Ms. Maxine." Nakangiti nitong saad kay Max.

"Well, if your heart has a function to love me... It doesn't mean that my heart also has this function to love you back." Dagdag ni doc.

Ouch pain. Si doc talaga napakaharsh.

"Aray Max." Sabay-sabay na saad ng mga kaklase namin.

"Well, in case of that... My brain can control my heart to unlove you." Mapait na ngumiti si Max at umupo na rin ito.

Tinuloy na ni sir ang lecture. Si Max ay natahimik na buong discussion. Si Max ay abala lang sa pagtype ng mga notes sa laptop niya. Nililingon ko naman sila Carla at Reysha para tignan si Max dahil nasa likod nila akong tatlo.

Matapos ang lecture ay uwian na rin. Naglabasan na ang iba ngunit nagpaiwan si Max sa loob. Naiwan din si doc sa loob at nakita naming nag-uusap sila.

Nakita naming umiyak Max. May binulong si doc kay Max at tumigil bigla si Max sa pag-iyak. Ilang minuto ay lumabas na si Max at doc. Nagpalusot na lang kami na wala kaming nakita.

Hayss, matapos umiyak ay sobrang laki ng ngiti. Baliw na siguro ito. Ang bilis magbago ng mood.

"At dahil uwian na, ililibre ko kayo sa Mang Inasal." Magiliw na saad ni Max.

"Hayss, good choice yan Max. Sa Mang Inasal tayo ulit." Sabay-sabay naming saad nila Carla at Reysha.

"Pero sandali, kasama ko si Ivan." Dagdag ko bigla.

"Edi ililibre ko din." Nakangiting saad ni Max.

"Anong pinag-uusapan ninyong apat?" Biglang saad ni Ivan sa likod namin.

"Max ninyo manlilibre daw." Natatawang saad ni Reysha.

"Syempre, kasama ka." Dagdag naman ni Max.

Mabuti na lang at may sasakyan si Ivan. Hindi na kami magcocommute dahil mahal ang pamasahe.

Nang marating namin ang Mang Inasal ay pumunta agad kami sa counter para pumili ng order.

As usual, lahat kami ay nag order ng chicken inasal. For now, hindi kami nag order ng unli rice dahil on diet si Max.

Siya lang sa amin ang mahilig mag unli rice. Minsan ay naunli rice din kami dahil kay Max.

"Doc." Biglang tawag ni Ivan habang nakatingin sa labas.

Agad kaming napatingin kung saan nakatingin si Ivan at nakatingin ito kay doc Lazo.

"Hi doc." Nakangiti naming bati kay doc.

"Hello." Bati rin nito.

"Kilala mo sila doc?" Tanong ni Ivan.

"Of course, student ko silang apat." Nakangiting sagot ni doc.

"Doc, saan ka papunta?" Tanong ni Ivan.

"Bibili sana ako sa flower shop." Sagot ni doc.

"Para kanino ba doc?"

"For someone that's really special for me." Sagot ni doc.

"Para kay tita?" Tanong ni Ivan.

"Of course not." Natatawang angil ni doc.

"Wala kang girlfriend." Natatawang saad ni Ivan.

"Loko ka."

Matapos iyon ay nagpaalam na rin si doc. Tinuloy na namin ang kinakain namin. Matapos iyon ay pumunta muna kami sa National Book Store.

May binili lang kaming book for med. Matapos iyon ay umuwi na rin kami. Matapos naming ihatid sila Max ay pumunta muna kami sa bahay nila Ivan at dumeretso sa Hospital para dumalaw muna kay Zen.

Matapos iyon ay umuwi na rin kami. Nagpalit na rin kami ni Ivan ng damit pangbahay. Since wala naman kaming gagawin ay nanood na lang kami ng movie sa tv.

To be continue...