"I dare you to make a song. I'll give some time to make it."
I know na makakagawa siya ng kanta within hours.
"Sure."
"Let's end this dare for now. It's already 9 pm at may pasok na tayo bukas." Tinapos ko na ang laro namin dahil kailangan naming pumasok ng maaga bukas dahil may early announcement sa school.
"Good night." Saad ni Ivan at humiga na sa kama ko.
Tumayo na rin ako at kinuha ang phone ko sa lamesa. Bago pa man ako umalis ay nagpaalam na rin ako kay Ivan na pupunta na ako sa kwarto nila mama.
Humiga na rin ako sa kama. Bago pa man ako makatulog ay nakatanggap ako ng isang message ngunit galing iyon sa telegram. Agad ko iyon tinignan at si Tyler iyon.
From: Tyler Sebastian Ong
I'm sorry about what I said a while ago. :)
Nagdadalawang isip ako kung magrereply ako sa kaniya o hindi. Sa tingin ko ay kailangan talaga dahil naseen ko ang message niya. Maaaring sabihin niya na masyado akong snobber para hindi siya replyan.
To: Tyler Sebastian Ong
It's okay, I'm the one who should say sorry. Because in the first place, I'm the one who hurt you. I don't even know that you have feelings for me, because we all know that you and Veronica are dating.
Matapos iyon ay natulog na rin ako. Hindi ko na hinintay ang reply ni Tyler dahil kailangan ko na rin matulog.
5am pa lang ay nagising na ako. Nagluto na rin ako ng almusal para sa aming dalawa ni Ivan. Hindi man lingid sa kaalaman ko ay mahilig si Ivan sa chocolate milk at fried rice na may fried adobo.
Habang abala ako sa kusina para hugasan ang mga pinaglutuan ay nagising na si Ivan.
"Good morning, nakahanda na ang almusal." Nakangiti kong bati habang patuloy na naghuhugas.
"Good morning, I already know na nagluto ka ng almusal dahil naaamoy ko mula sa kwarto mo." Natatawa nitong saad at umupo na.
Agad kong tinapos ang paghuhugas para sabay na kami ni Ivan kumain.
"Paano mo nalaman na paborito ko ang fried rice with fried adobo at chocolate milk?" Tanong nito sa akin.
"Tita Adele told me." Sagot ko at kinindatan ito.
"Pero ngayon, mas gusto ko na ang gawa mo." Nakangiti nitong dagdag.
"Really?"
"Of course."
Tinapos na rin namin ang pagkain at hinugasan na rin ito. Matapos iyon ay naligo na si Ivan. Inayos ko na rin ang mga papers na dadalhin ko para tipid sa oras.
"Ivan, tapos ka na ba?" Tanong ko at pumasok sa kwarto ko.
"Patapos na." Sagot nito habang inaayos ang polo.
"Mali naman pagkakalagay mo ng botones." Asar ko kaya agad niyang tinignan ang polo niya mula sa salamin.
Agad itong natawa nang mapansin niyang may isang botones siyang hindi nalagay kaya kulang ito sa baba.
"So, you are not wearing any t-shirt or sando under your polo, huh?" Nakangisi kong tanong at tumango siya.
"Well, now I know." Dagdag ko.
"Know what?" Nagtataka nitong tanong.
"Kung bakit mas dikit ang amoy mo sa polo." Natatawa kong saad at lumabas na agad sa kwarto.
Matapos niyang mag-ayos ay lumabas na rin siya. Siya na rin ang nagdala ng mga gamit ko. Mabuti na lang talaga at kasabay ko siyang pumasok. Dahil sobrang hassle kung magcocommute ako.
Nang marating namin ang school ay saktong kakarating lang ni ate Alex.
"Ate Alex." Tawag ko sa kaniya at agad naman itong lumingon.
"Masyado na yata kayong magkasamang dalawa?" Natatawang saad nito.
"Ipakilala mo na kasi sa amin si Kib." Natatawang sabi ko sa kaniya.
"Naku, mauna na kayo. Tignan mo si Ivan, mukhang nahihirapan na sa mga papers mo." Nang sabihin iyon ni ate Alex ay nagpaalam na rin kami.
"Sirene." Tawag sa akin ni Ivan.
"Hmm?"
"Lagpas ka na sa room ninyo." Natatawa nitong saad habang nakatayo mismo sa harap ng room namin.
Masyado na ba akong lutang para lampasan ang room namin?
Agad akong lumapit sa kaniya at kinuha ang mga papers. Tinatawanan pa ako nito habang hawak ko ang mga papel.
"Ano bang iniisip mo at lumampas ka na sa room ninyo?" Natatawa nitong tanong.
"Ha? Ano kasi..." Nang wala na akong masabi ay pumasok na lang ako sa room at kinawayan siya nang marating ko na ang upuan ko.
Bago pa man ito tuluyang umalis ay ngumiti ito sa akin. Ngumiti na lang ako at tuluyan na siyang naglakad papunta sa room nila.
Ano bang meron sa mga ngiti nito? Masyadong nakakatunaw.
"Ehem.." nabaling ang atensyon ko kay Max na kanina pa pala sa akin nakatingin.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Wala lang." Nakakaloko ang ngiti niya.
"Mukha kang takas mental." Natatawang saad ni Carla habang nasa tabi ko.
"Gaga, takas mental talaga yan." Natatawang sabat naman ni Reysha.
"Luna." Napatingin agad ako kung sino ang tumawag sa second name ko.
Si Tyler iyon. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nagtataka din. Alam nila na magkaaway kami ni Tyler dahil kay Veronica.
"Hmm?" Tipid kong tanong.
"Pwede ba kitang makausap privately?" Tanong nito habang nakatungo.
"Hmm, sure." Pagpayag ko.
Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago kami lumabas. Pumunta kami sa likod ng isang building malapit sa room nila ate Alex.
"Bakit?" Bigla kong tanong.
"I'm sorry." Tipid nitong saad.
"Saan?" Nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kaniya.
Sa halip na sumagot siya ay lumapit ito sa akin at dinampian ng halik ang labi ko. Nagulat ako nang may magsalita sa likod namin at kilala ko kung kaninong boses iyon.
"I-Ivan...." Mahina kong pagtawag sa kaniya.
Tumingin ito sa akin at lumapit para ibigay ang panyo niya.
"Punasan mo ang labi mo. Ayoko ng may ibang lalaki na hahalik sayo." Kalmado nitong saad at inalalayan ako na umalis sa likod ng building.
"Hindi kita sasaktan dahil alam kong nadala ka lang ng damdamin mo kay Sirene. Try to make it twice, I'll make you suffer." Pagbabanta ni Ivan kay Tyler.
Tuluyan na naming nilisan ang likod ng building na iyon. Habang naglalakad kami pabalik sa room namin ay pinagmamasdan ko lang siya na kalmadong naglalakad.
Agad kong hinawakan ang kamay niya. "I'm sorry." Nakatungo kong sabi.
Huminto ito at humarap sa akin. "You don't need to say sorry. Wala kang kasalanan dahil hindi mo inaasahan ang ikinilos niya." Akto akong magpapaliwanag nang sumenyas ito sa akin na wag na akong magpaliwanag.
"You don't need to explain. Nakita ko ang buong pangyayari." Iyon lang ang sinabi niya at hinawakan ang kamay ko at naglakad na.
Nang marating namin ang classroom ko ay niyakap niya ako at nagpaalam na babalik na siya sa room.
Pagkaupo ko ay nakatingin lang ang mga kaibigan ko. Si Max naman ay inilapat na ang dalawang siko sa lamesa na handang makinig sa kwento ko.
"Mag kwento ka. Alam naming may nangyari." Nakakaloko ang mga ngiti nila.
"Wala akong ikekwento." Pagtatapos ko.
"Anong wala? Si Tyler ang kasama mo kanina tapos ngayon ay si Ivan na." Saad ni Reysha.
"True ka diyan sis." Pagsang-ayon ni Carla at Max.
"Anong chismis natin diyan?" Biglang singit ng kaklase naming bakla, si Charles A.K.A. Charlie.
"Ang chismis namin for today ay nandito nanaman sa harap namin ang chismosa naming kapit bahay na si Aling Marites o kilala bilang Charles." Pagbibiro ni Max.
"Excuse me, it's CHARLIE." Pagdidiin niya.
"Charles ka pa rin." Sabat naman ni Carla.
"Haler, babae kaya ako." Mataray na saad ni Charles.
"Saan ka nakakita ng babaeng may lawit?" Singit ko naman.
"Sa akin." Mataray nitong sabi sa akin at naglakad na pabalik sa upuan niya.
"Tignan mo itong baklang 'to." Aniya ni Reysha na hindi mapigilang tumawa.
Nang dumating ang prof namin ay bumalik na rin sila Max sa upuan nila. Habang nagsusulat ang prof namin ay biglang dumating si Tyler.
"Mr. Ong, bakit ka late?" Tanong ng prof namin kay Tyler.
"Sir..." Hindi malaman ni Tyler ang sasabihin.
"Sir, pumunta po si Tyler sa Gym para ibigay yung papers kay Ms. Carol." Palusot ko bigla.
Alam ng lahat sa room na ito na ayaw ni sir ng nalelate sa klase niya. Siya ang isa sa pinakamatandang professor dito sa campus.
"Sige, maupo ka na." Saad ni sir at agad namang pumasok si Tyler at umupo sa tabi ni Veronica.
Napansin ko pang nag-usap si Veronica at Tyler. Tila nagtatanong si Veronica kung anong nangyari.
"What?!" Biglang sigaw ni Veronica na ikinagulat ng lahat.
"Hernandez?" Nagtatakang tanong ni sir.
"What are you doing at the middle of discussion?" Tanong ni sir.
"I'm talking to Tyler, sir." Lakas loob na sagot ni Veronica.
"Really? At my class?" Hindi makapaniwalang tanong ni sir.
"Yes, sir." Sagot nito.
"Get out." Maawtoridad na saad ni sir.
"Excuse me?" Mataray na tanong ni Veronica.
"I said, get out." Pag-uulit ni sir.
Walang nagawa si Veronica kundi ang lumabas ng room. Halos normal na rin sa amin ang pangyayaring iyon lalo na kay Veronica.
Sa tingin ko ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na napalabas si Veronica. Sa tingin ko ay isang beses pa ay pwede siyang mawala dito sa school dahil sa dami ng records niya.
Matapos ang klase ay hinintay ko si Ivan. Sa tingin ko ay late sila lalabas. Nang makita ako ni Ivan ay sumenyas ito sa akin na mauna na ako sa cafeteria.
"Sirene." Boses iyon ni Ivan.
To be continue...