webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasy
Not enough ratings
86 Chs

Sampal

Nang marinig ito ni Ye Song ay napangiti siya at nagpasalamat sa penguin commandos para sa impormasyon na kanilang ibinigay sa kanya.

Ngayon ay alam na niya kung anong uri ng halimaw ang kanyang papatayin.

Kapag nakakita siya ng halimaw na hindi pula ang mata o bahagyang mapula lang ang mata, nangangahulugan ito na ang halimaw na iyon ay hindi pa kumakain ng tao.

Matapos malaman ito ay agad niyang hinunt ang bawat halimaw na makita niya na may pulang mata. dahil doon, ang kanyang experience ay nagsimulang tumaas sa isang mabilis na rate at nag-level up si Ye Song ng tatlong beses sa buong hapon.

Pagkatapos mag level ay itinaas ni Ye Song ang kanyang ulo upang tingnan ang langit at nang makita niya na unti-unti ng dumidilim, sinabi niya sa penguin commandos at kay Ahoka,

"Kailangan na nating bumalik dahil baka mag-alala sila kapag hindi tayo nakabalik bago maghapunan"

Si Ahoka at ang penguin commandos ay sabay-sabay na tumango at nagsimulang maglakbay pabalik sa bayan ng Malaya.

-

Habang naglalakbay pabalik ay biglang tumigil ang mga yapak ni Ye Song at ang kanyang malinaw na malamig na boses ay umalingawngaw sa gabi.

"Dahil dumating na kayo, bakit hindi kayo lumabas at magpakita? O nais ninyong hilahin ko pa kayo?"

Pagkatapos umalingawngaw ang boses ni Ye Song, ang mga anino ay nag flicker at biglang lumitaw mula sa itaas ang iba't-ibang madilim na silweta sabay lumapag mismo sa harap ni Ye Song at ng kanyang mga kasama.

"Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko, isang tao na nakikipag halubilo sa mga halimaw. nananaginip ata ako"

Sinabi ng isang lalaki habang nakatingin kay Ye Song at sa mga halimaw.

Nang marinig ni Ye Song ang sinabi ng lalaki ay hindi siya sumagot at malamig na tinitigan lamang ang mga ito.

Nakita niya ang labindalawang tao sa harap kanilang harapan at batay sa kanyang pagsusuri, ang mga ito ay mga chosen na may mataas na ranggo.

Nang makita ng lalaki si Ye Song na hindi sumagot at nakatahimik lang, idinagdag niya.

"Ikaw ay isang disgrace sa sangkatauhan. hindi ako makapaniwalang hinayaan mo ang iyong sarili na maging alipin ng mga karimarimarim na halimaw na ito!"

Nang marinig niya ito, naging malamig ang mga mata ni Ye Song at biglang nag flicker o kumurap ang kanyang silweta.

Bago pa makapag react ang lalaking nagsalita o ang alinman sa kanyang mga kasama sa likuran, ang silweta ni Ye Song ay nag flash at sa isang iglap, lumapit ang distansya sa pagitan niya at ng lalaking nagsalita.

Isang palad ang dumampi nang walang pag aalangan!

Tahimik na dumapo ang sampal, ngunit ang mukha ng lalaking iyon ay nagbago nang husto sa sandaling iyon.

Ang takot ay pumasok sa kanyang mga mata, ngunit huli na para sa kanya na umiwas!

Isang chosen na nakatayo sa likuran ng lalaking iyon ang napasigaw sa sobrang gulat at galit. hindi siya nagdalawang isip at kaagad na itinaas ang kanyang dalawang kamay sa direksyon ni Ye Song. ang pwersa mula sa mga palad ng chosen na ito ay sumipol sa hangin, at pagkatapos ay may mga tunog ng pagbangga ng bakal na umalingawngaw sa kagubatan.

Nang magsasagawa na si Ahoka at ang mga penguin commandos ng pag kilos, ang aloof na tinig ni Ye Song ay tumunog.

"Hindi na kailangan"

Ang kanilang mga paggalaw ay biglang napatigil at umatras sila sa gilid habang pinapanood si Ye Song.

Sa puntong ito, ang palad ni Ye Song ay nakalapag sa mukha ng lalaki. isang mahinang tunog ng pagsabog ang umalingawngaw habang ang lalaki ay lumipad pabalik mula sa malakas na puwersa. nagpakawala ng isang malungkot na hiyaw at namaga ang mukha ng lalaki habang dumadaloy ang dugo sa kanyang bibig.

Kasabay nito, ang pag-atake mula sa chosen sa likod ng lalaking iyon ang sumabog kay Ye Song. isang tunog ng impact ang narinig, ngunit ang lahat ng chosen na malapit sa kanila ay malinaw na nakita si Ye Song na nakatayo pa rin sa parehong lugar nang hindi gumagalaw at pinapanatili ang isang walang pakialam na ekspresyon sa kanyang mukha na parang ang inatake ng kasama nila ay hindi siya.

"Paano, paano nangyari iyon?!"

Ang chosen na umatake kay Ye Song ay hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan, di tulad sa kanyang mga kasama dahil siya ay isang rank C high chosen.

Iyon ang dahilan kung bakit nila ginalugad ang kagubatang ito sapagkat siya ay may kumpiyansa sa kanyang lakas.

Kahit ang isang rank C boss level na halimaw ang tinamaan ng kanyang palad nang buong lakas, magsusuka ito ng dugo at magkakaroon ng malubhang pinsala.

Si Ye Song ay nag level-up hanggang level twenty three. kaakibat ng kanyang mga skills at mga nakuhang title, ang kanyang idinagdag na stats ay umabot na sa ibang level. kahit na siya ay mahina pa rin kaysa dati, ang defense sa katawan ni Ye Song ay nag-level up din.

Ang isang atake ng high rank chosen, kahit na ito pa ay isang buong puwersa na pag-atake ay kayang saluhin ni Ye Song nang hindi gaanong gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.

Matapos paliparin ang lalaki gamit ang kanyang palad, pinihit ni Ye Song ang kanyang pulso at nagpakawala ulit ng isang atake gamit ang kanyang palad sa katawan ng chosen na umatake sa kanya kanina.

Naramdaman niya ang bigat ng isang bundok na bumagsak sa kanya, ang high rank chosen na ito ay nag labas ng isang nakakaawang sigaw habang lumilipad sa ere at bumagsak kung nasaan ang katawan ng lalaking unang nagsalita.

Ang iba pang chosen na nakasaksi sa pangyayaring ito ay may pangit na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Ang pinakamalakas na chosen na tumutulong sa kanila na maglakbay at mang hunt ng mga halimaw sa kagubatan ay ang chosen na tinamaan ng isang simpleng pagliko lamang ng palad ni Ye Song.

"S-Sino ka ?!" malakas na sigaw ng lalaki sa isang paos na boses habang nagpupumiglas na bumangon.

Maya maya lamang ay nagsuka ito ng dugo at ang takot sa kanyang mga mata ay hindi niya maitago.

December na guys! medyo naging busy lang pasensya na! irregular muna ang release natin dahil kailangan ng pera para sa bagong taon hahaha!

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts