34 Walang Kami (3)

He continued...

"...the floor is yours... Ground pala. Take your time para makapag-explain ka ng maayos. But..." He paused saka napakunot ang noo..

"Ba't parang ikaw pa ang mas nagagalit sating dalawa, na ikaw nga 'tong may kasalanang nagawa eh."

Pati ako napakunot na rin ng noo.

"Ehh... hindi naman sa ganun!"

"Ohh... tingnan mo.. oh...oh... galit oh..." Sabi niya agad sakin nang makita ang mga kunot saking mukha na umabot sa point na dinuduru-duro niya na ang mukha ko.

'Bea. Timpi lang, Bea. Ang mapikon talo.' Sabi ko sa sarili ko habang pinipigilang magclench ng kamao.

Napabuntong-hininga ako sa loob loob ko.

"Anong galit? Hindi ako galit noh." I said sabay bigay ng sweet smile kay Jay.

"La... binago mo lang expression mo eh. Oh siya.. sige na.. Ano na? Bakit nga ba?" Sabi niya while waving his hand na parang nagsasabing magstart na ako sa pag-explain.

"Why kayo nag-end up ng ganto?" He said.

Napatingin ako sa kanya. Napatitig naman siya sa mukha ko. Down to my eyebags.

Moment of silence. One. Two. Three seconds.

'Gosh! Wala akong maisip. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan!!'

Nagpanic ang inner self nang marealize napakacomplicated ang panguayari. Hindi ko alam kung sino ang papalabasin kong may kasalanan.

"Ah...eh... ang hirap i-explain." I said sabay kamot sa ulo.

Napabukas na lang ng nguso si Jay dahil sa sinabi ko. Kahit sino naman ata. Pero seriously, ang hirap talaga.

"Oh?...Tingnan mo 'to." Sabi niya as he put his hands on his waist.

"Binigyan na kita ng time. Hindi na kita binara. Hindi na rin kita sinunud-sunod ng tanong. The floor is yours... ground... tapos.. tapod.. ganyan lang isasagot mo?" He said. He sounded like my mother. Sermon nalang ng sermon.

Nagpatuloy siya sa pagsalita hanggang sa mawalan na akong time na sumingit.

"Bakit ba kasi di mo na masabi sakin? Am I not that trustworthy? Mukha ba akong tsismoso na hindi makalihim ng sekreto? Hindi mo ba ang itinuring na friend para di mo sakin masabi? O sadyang... ganyan ka nalang kasi kapatay kay Cody?"

That last words really caught my ears para mapatingin ako sa kanya.

"Hala! Anong patay na patay jan? Hindi ah!"

"Then ano? Mukha kasing pinoprotektahan mo si Cody eh kaya di mo masabi sakin."

"Anong pinoprotektahan? Walang akong pinoprotektahan ah!"

"Oh..kaya..bakit? Sabi mo sasabihin mo sakin. Kelangan mo lang ng time. I already gave that time." He said na unti-unti ko nang napapansin na parang nagtatampo na ang boses niya.

Gosh. Baka mas lalong magkagulo nito ah.

"Ang.. ang ikli naman kasi eh..." I said. Wala na akong maisip na palusot.

"Waa." Napabuntong-hininga nalang si Jay as he put his hands on his head sabay talikod sakin then bumuga ng malakas.

"My gosh, Bea.. paikut-ikot tayo... I already told you na ayaw na kitang bigyan pa ng ibang pagkakataon at baka makakuha ka pa ng palusot eh. Ngayon nga na nahuli na kita, ang dami mo pang palusot na naiisip. Pano pa kaya kung ipagpapaliban ko pa?"

He said calmly in front of me.

"..."

Hindi ako nakapagsalita.

The wind howled at dahan-dahang sumampal saming dalawa. The water-striders got their feet up dahil sa malakas na hangin.

Napasulyap ako kay Jay when another sigh came.

"Hays... Okay... Tatanungin kita in a chronological order."

"Wo-"

"Psh! Don't..." He interrupted agad sa sasabihin ko.

"...magsasalita ka lang kung sasagot ka sakin."

"..." Natamime ako.

'Well, I think it's better I would just go to the flow.' Sabi ko sa sarili ko. The more kasi na binabalga ko ang agos, mas lalong lumalakas ang pressure. Ang hirap makausad.

"Kelan ba 'to nagsimula?" Jay asked. No emotions, pure question na walang anumang gustong palabasin sa tanong niya.

Kinabahan ako bigla.

'Is it okay to tell him the truth?'

Bumilis ang tibok ng puso ko until I found my finger pinching my nails. Napakagat nalang ako saka napagdesisyunang...

"...nung...nagkaraoke tayo..." I lowered my head as I said calmly.

"Oh?... Don't tell it was the time na nabuking kayo ni Steve?" Turo niya sakin.

"..wala namang nabuking eh. Wala naman kasi kaming 'KAMI' ni Cody." I said sabay quote ng word na kami.

Napakunot ang noo ni Jay.

"Then... bakit.. naisip yun ni Steve? Hindi naman siya gagawa ng kwento noh? And ang pakaalala ko... sabi raw yun ni...." Napatingin sa taas si Jay nang he suddenly started thingking...

"...yung... yung kaaway mong babae...na dati mong bff."

'Kaaway kong babae. Kaaway ko na ba talaga siya?'

"Si Alicia." I said.

"Oh.. oo.. siya.. Oh. Bakit sabi niya raw, kayo raw ni Cody?"

"Kwento ba yan ni Steve? Mali-mali naman ang kwento mo eh." Sabi ko saka dahan-dahang naupo.

"Ah. Basta. Basta. Parang ganun yung nangyari. Oh. Bakit ganun?"

He said as he bent his knees para i-stroke ang ulo ng tuta.

Napatitig nalang ako kay Jasmine.

'Gosh. Tama ba na sabihin ko sa kanya. Oh. Bahala na nga si Batman. Tutal hindi rin naman matatahimik ang mokong nato kung hindi ko sasabihin eh. Well, talagang wala naman kasi kaming 'kami'ni Cody. Ba't natatakot akong ilihim ang totoo?'

avataravatar
Next chapter