33 Not a Prank, Not a Lie but... Not the Truth?

"Tell me Bea, magsabi ka sakin ng totoo. Si Cody nagpakana nito." He cripsly said.

Although mahinahung-mahinahon ang pagkakasabi ni Jay, he can't really hide the fact na talagang galit siya kay Cody. Eh hindi patanong ang tono niya sa sinabi niya.

"..." Mabilis nagprocess ang brain ko para makalusot ako. Kilala ko si Jay. Unbelievable ang skills niya pagdating sa pagkuha ng info tungkol sayo, dadaanin ka lang niya sa mga tanong tas pabiru-biro. Well, hindi ko naman siya sinisiraan tyaka hindi naman ako galit sa kanya.

Coffee Rule #6: Bawal magalit sa gwapong single.

Pagkakaalam ko single siya.

"N-no...hindi si Cody..." Nag-alangan pa akong sumagot sa tanong niya.

Napataas bigla ang dalawang kilay ni Jay.

"S-so... ibig sabihin... ikaw ang nagpakana ng pekeng relationship niyo?!" Napabulalas siya kaya biglang napatahol ng super cute na si Jasmine.

"Hindi!" Napadugtong agad ako dahil sa sinabi niya. Biglang nag-init ang pisngi to the point na parang nagbablush na ako. Hindi ako galit sadyang na-embarras lang. Sino naman kasi ang hindi? Ako pa tuloy ang magmumukhang desperada.

Creases formed on Jay's forehead habang nakatitig sakin.

"Huh?...T-then who? Third party?..."

"No...i-it's not like that." Nautal kong sabi.

Gosh! Mas nakakalito na kung ano dapat sabihin ko. Kung sasabihin ko na si Cody ang nakaisip nato, siguradong gulo ang mangyayari between Jay and him. Kung sasabihin ko na trip trip naman, tyak! Lahat magagalit samin. Kung ako naman ang sasabihin kong nagpakana nito, I will lose my face. Hays! Bakit ba umabot sa puntong ito?!

"Anong it's not like that? Sabi mo hindi si Cody, pero hindi rin ikaw. Eh ano toh? Trip trip lang na lokohin kami?!" Napalakas ang pagsabi sakin ni Jay. But hindi naman ako naoffend. Then he continued...

"..Ah! Sabi mo rin pala hindi 'to trip. Eh ano 'to? Sanggol na basta na lang ipinangak pero walang nagluwal?"

My mind was going crazy. Kinakabahan ako na baka may mali akong masabi.

"Hindi." Dagli kong sambit.

"Anong hindi?"

Biglang napakunot ang noo ko na parang gusto ko na siyang sumbatan.

"Wag mo kasi akong subuan nang subuan ng mga tanong. Kita mo nang on act na on act mo akong nahuli eh. Hindi ako nakakaisip ngayon."

"Mas maganda ng ipressure ka. Baka kasi mag-isip ka pa ng palusot eh." He said.

That hit me. Actually yan talaga kasi ang plano ko. Hindi ko nalang pinahalata na he hit the point.

"Wow...palusot ka dyan..." But at the second thought, ang daling magplano sa isip but ang hirap gawin... medyo awkward ang pag-act ko ah.

"Oh.. ano... hindi?" Bungad ng tanong niya agad sakin.

Naiirita na ako na kinakabahan. Talagang hindi ko talaga kayang takasan ang mga tanong ni Jay.

"Ehhh... just let me explain nalang kasi. Nakakataranta ginagawa mo kasi eh." Complain ko sa kanya sabay kamot sa ulo.

"Syempre...sino ba namang hindi magagalit sa ganyang pangyayari sa inyong dalawa? Bea... we're friends... tayo nila Ma'am at iba... why did you do that?"

"Makapangyayari ka dyan. Kala mo naaksidente kami eh." Sabi ko habang pinag-iisipan kung ano ba talaga ang gagawi't sasabihin ko.

'Is it okay kung sabihin ko nalang ang totoo?'

"Eh ano kasing dahilan kung bakit naisipan niyo kaming lokohin..." He said na parang nangbibintang.

Biglang nagbanggaan ang dalawa kong kilay.

"Grabe ka naman sa term mo na 'naisipan kaming lokohin'. FYI. Hindi ko kayo niloko." I defended. Nahurt kasi ako sa sinabi niya.

"Woah. Hindi ka nanloko? Then... totoo kayo ni Cody?" He gaped his mouth sabay takip dito na parang nashock.

"No." I answered immediately na parang tunog na naiirita na.

Napacross-arms bigla si Jay saka tumingin sa mga dahong nagsasayawan sa haplos ng hangin. Then he quickly looked at me...

"Then what do you call that?!" Napataas ang boses ni Jay.

Unlike kanina, he didn't sound like galit. He was just like conversing me na parang nagdedebate lang kaming dalawa.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Hindi trip..." He gestured na parang nagbibilang ng daliri...

"Hindi rin panloloko... hindi rin totoo.." Saka niya ako tiningnan... "Ano pa?"

Uminit agad ang pisngi ko dahil sa panunukso ng mokong. My head just went blank. All I could do was to...

"Ehhhh!!! Jay naman kasi eh!!!" Agad akong napatakbo sa kanya sabay walang tigil.na hinambalos ang kanyang balikat.

"Ahahaha. Aray! Ahaha." Sumabog ng tawa si Jay habang nagdedefend siya mga pagpalo ko sa kanya.

"Ahaha...Bakit?? Nagtatanong ako sayo rito eh..."

Napatigil ako nang nagcomplain pa siya.

"Masyado ka kasing pressure eh!"

"Ahahaha. Hindi mo kasi ako sinasagot." Madiin niyang sinabi sakin. Dahil dun nagpatigil ako for a second nang maisip ko na parang double meaning yun. Char!!

"Eh pano kita sasagutin, sunud-sunod ka mambara!!" Bulalas ko sa harap niya na parang brat kung magsalita. Yan tuloy nagsitalsikan ang mga laway ko sa kanya.

"Oh..." His eyes suddenly widened.

"Yuck." Saka nagbigay ng nandidiring face.

"Ahahaha. Yuck ka dyan." Natawa nalang ako habang pinupunas ang nakakapit pang mga laway sa labi ko.

"Oh... siya siya... sige sige..." He slowly raised both of his hands na parang nagsusurrender.

Napataas ang dalawa kong kilay nang macurious kung ano ang ibig niyang sabihin.

He continued...

avataravatar
Next chapter