webnovel

Midnight Latte (Tagalog/English)

A coffee lover girl bound her life with her self made rules to weasel out from repeating same mistakes from the past-- falling in love so easily. But found her heart being caged by these rules, in such, brought herself in a turmoil.

Xapkiel · Urban
Not enough ratings
89 Chs

Walang Kami (2)

Isang ice cream na nasa freezer na ang lamig ng buo kong katawan nang masilayan ko ang kunut na kunot na mukha ni Jay.

Cold sweat dripped down on my spine habang parang istatwa lang ako sa harapan niya at walang balak na magsalita. I felt his glare na para bang kakainin na akong buhay.

"Ah. Ahehehe." I was actually trying to find a way out sa pagkadulas ng dila ko but I find it really awkward dulot na lamang ng mga matinik na mata ni Jay.

Don't get him wrong. Sadyang ganyan talaga siya. Never break his trust kung ayaw mong magalit siya sayo. Kaya nga nung nakipark kami kila Jay nung car ni Cody, nung galing kami sa high school reunion, diniinan ko talaga kay Cody that Jay is a real friend basta't wag lang ibali ang tiwala niya.

But...

"I was just... joking. Ahahaha. Ano ka ba. Di ka na mabiro. Joke joke lang yun."

[inner self]

'Waaahh!!! Ang tanga-tanga ko. Tanga-tanga. Tanga-tanga. Ba't ideniny ko pa!!!'

"..." Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sakin, nakatayo, saka hawak hawak ang tali ni Jasmine. Well, idagdag niyo pa ang nakakatakot niyang mukha. But despite of that, mas lalo pa siyang naging appealing.

Napakirot ang mga mata as I felt Jay's anger. Feeling ko parang na-disappoint siya sakin. He was my friend. One of my true friends, but I just...

Napayuko ako't napakagat nalang ng labi. I can't deny it anymore. Lalo na, na si Jay ang kaharap ko. He knows me, lalo kung nagsisinungaling. The more I lie to him, mas lalo akong babagabagin ng konsensya nito.

"Tch!!" He turned his back on me saka sinipa ang buhangin papunta sa pond. He was indeed mad. Ibinulsa niya ang isang kamay but kitang-kita ko na nakaclench ito ng mahigpit.

"Haa." He let out a long sigh saka napayuko.

"Do you really plan na itago samin 'to? Yung pinagmumukha kaming tanga?" He said as he quickly gazed towards me. Biglang nagbulge ang kanyang jaw line when he clenched his teeth.

"N-no. Of course not." I immediately answered.

"Then bakit... bakit ngayong nadulas ka na nga, ideniny mo pa? Sakin mo pa talaga ideniny?" Ani niya na ubod lakas ang pagtitimpi.

"S-sorry. I'm sorry. N-nabigla lang ako."

Sa totoo, medyo nasaktan ako sa sinabi sakin ni Jay but I know, it's my fault. Pero hindi, kung sana sa simula palang talaga hindi ko na sinabayan ang trip ni Cody. Hays.

"..."

"..."

Silence. Awkward.

Biglang humampas ang malakas na hangin sa mga mukha namin habang kami naman 'tong mga rebulto kung makatayo sa ilalim ng puno. Buti nalang merong mga ingay pa ng mga kaliskis ng dahon, tyaka huni ng ibon at yung tugtog ni Michael Learns, kung hindi baka nabingi na ako nang dahil sa katahimikan.

"So... ano ba talaga ang totoo? Walang kayo?" Jay paced patungo kay Jasmine na pupunta sana sa may pond. Halata pa rin ang pagtitimpi ni Jay but he doesn't want me to notice it.

"Hmh. Wala nga." I said saka muling napaupo sa paanan ng mangga.

Hays. And another one.

Matapos si Arvin, ngayon naman si Jay. Buhay nga naman.

"Oh. Ba't kayo nagpapanggap?" He asked saka nagbent ng knees para kargahin ang aso.

"Ah..." Wala akong maisagot. Eh wala naman talaga kasi kaming reason kung bakit nagpapanggap. Kung sinabi ko na trip trip lang, baka sumabog na si Jay sa galit. Naririnig ko na kasi ang mga linya niya eh. Yung tulad ng - 'Trip trip lang? Ano tingin niyo samin? Uto-uto!!'

Jay slowly glanced at me nang hindi niya marinig agad ang reply ko.

"Don't tell me..." He paused. "...hindi mo alam."

Nakakastress ang mga sinasabi niya ah.

"Eh wala naman talaga kasing rason eh."

"Anong walang rason? Ano yun, pinalabas niyo lang na naging kayo, tapos walang rason? Ano yun parang nagkontratahan lang kayo tapos naglandian? Mas mabuti nga pala na nagkontratahan kayo kasi may reason na maibibigay eh."

"Anong landian? Walang ganun ah. Tyaka ang sakit nang sinabi mo ah."

"Hays." Naparub bigla ng mukha si Jay na parang naiirita.

"Hays. I am sorry. Sorry kung masakit but kilala mo naman ako Bea di ba? Pinakaayaw ko na pinaglololoko ako? Paniwalang-paniwala kami na kayo para umabot na nag-organize pa ng vacation na 'to. Hindi niyo ba yun naisipan?"

"..."

And again. Bumigat ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Although alam ko na tama ang sinabi but I can't help it. Ba't parang nafifeel ko na lahat nalang nagagalit sakin. Lahat nalang na sinasabi sakin ako ang mali. Si Cody. Si Arvin. Ngayon naman si Jay.

Why do I feel like the world is going against me?

"Tch!"

Napasipa ulit si Jay sa buhangin.

"Well. Bea. I am really sorry. Sadyang nadala lang talaga ako ng galit. Eh sa simula't sapol eh hindi ko na talaga pinagkatiwalaan yang si Cody eh. Dumagdag pa ito."

He let out a huge sigh saka nagpatuloy.

"Tell me Bea, magsabi ka sakin ng totoo. Si Cody nagpakana nito." He cripsly said.