66 The B*tch Came Back (2)

Kasabay ng pagtahimik ng lahat ay ang kanilang pagtingin sa pinto na bumukas. It was Alicia and yung dalawa niyang kasama. Kumpara kahapon, mukhang pormal ang kanilang mga suot. Baka galing sila sa kanilang trabaho, break time yata.

Combination ng blue and white ang kanilang uniporme, pero kahit ganun pa man ang kanilang suot, hindi talaga nila maitatago ang pagiging yayamanin. Andaming mga nakabitin sa wrist, tyaka nakasisilaw ang nakakabit sa tainga, tyaka halos tumbok na ang labi sa pagkakapal ng lips stick. Para ngang hindi mo masasabi na pormal ang dating nila eh.

Dahil sa malditang aura na ibinigay ng tatlo, walang nagawa ang grupo ng mga kababaihan na magbigay ng mararaanan.

Biglang napakunot ang halos wala nang buhok na kilay ni Alicia, well, surely dahil sa pag-aahit niya iyo. Kanyang naituldok ang paningin sa bagong mukha sa counter. No. He was not 'bago' for her.

Nakarating na ang tatlo sa may counter habang kunut na kunot pa ang mukha niya.

This time, ni isa kina Cody at Bea hindi man lang nagbigay ng smile o kahit pagbati. Napansin ito ng mga babae.

"My gosh! Urong tayo bes! Parang may sabunutan na mangyayari. Charot."

"Sino kaya siya? Siya ba ang isang babae ni kuya boi?"

"Hoy! Nguso mo."

Saka sabay sabay na bumalik sa pagkakaupo ang mga babae pero hindi nila tinanggal ang titig sa counter.

"You… Napakapamilyar mo sakin." With a very high pitch tone, biglang itinuro ni Alicia si Cody saka napataas ang kilay na parang may inaalala.

Sabay na nagkatingin sina Bea and Cody dahil sa wika ng dalaga.

'Did she recognize Cody?' Bea said to herself habang nakatingin sa mukha ni Cody, na ganun din ang iniisip.

"Ah! Hugh!" Alicia's face lightened up as a scoff came.

"Ikaw nga pala yung walang modong sugar daddy nitong si Bea." Alicia made a grin na ipinunto kay Bea.

Phew. Looks like hindi pa narealize ng bobong si Alicia.

But both Cody and Bea's went indifferent dahil sa kanilang narinig.

'Huh? Sugar daddy? Walang modo?' Sabi ng nakahalf close na mga mata ni Cody that showed an extreme disinterest.

Narinig ito nina Josh and Kale na nagfaflower arrange pa sa loob ng garden. Likas kay Josh ang mainitin ang ulo kaya agad na siniko ni Kale ang binata para paalalahin na kumalma.

"Heh! My gaddd…" Napapunas ng noo na puno ng make up si Alicia as though pinagpawisan siya sa kanyang nakita.

"…totoo ba 'to? Yung sosyalin na pumunta sa reunion…kayo ba talaga yun? Eh parehas lang pala kayo tindera tindero ng kape eh… hay naku… wag ka talagang magtitiwala sa mga nagdadamit mayaman… kasi ang iba… puro porma lang. Mahirap nang maloko eh." Tawang tawang insult ni Alicia.

Nilakasan talaga niya ang kanyang boses kaya lahat ng mga customer napatingin na sa kanila.

"Oh...true? Hay. Naku.. nag-expect pa naman ako sa boyfie nitong si ate gurl eh… nakakadisappoint ah. Well, pogi rin naman itong si boyfie… pwede na rin." Sabi nung isang kasama ni Alicia.

Dahil dito hindi na napigilan ni Cody ang mapakunot ng noo. His eyes fell on to their uniform at doon sa isang piece ng maliit na marble nameplate na nakadikit sa left side ng kanilang dibdib.

'Hugh!' He suddenly scoffed in his mind.

'Looks like a small world… hindi ko inexpect na sa company kayo ni Dad nagtatrabaho. Wearing thick make ups, multiple dangling… sobra sa lips stick, and causing havoc outside the company during break time habang nakasuot pa ng uniporme. Mukhang magiging maganda ang takbo nang buhay niyo sa loob ng kompanya.' Saka napasmile sa loob loob si Cody. Patay kayong mga dalaga kayo. Humanda kayo pagbumalik kayo sa office. Gosh! Nakakaexcite kung anong gagawin ni Cody!

D*mn! Cody blew out his breath saka marahang ikinurap ang mga mata.

"Piece of advice Miss… A…li…cia…" Wika ni Cody. His voice suddenly turned really mad. Ang init!!!! His eyes went glaring sa tatlong babaeng nasa harap nila as though gusto niya nang tirisin. Then… his expression suddenly went calm… he sighed again then the corner of his lips slowly curved until an insulting grin came.

"…hindi ka naman maloloko ng mga nagpapanggap na mayaman kung hindi ka naghahabol sa pera eh –" Cody crisply added.

SLAP!!!

Lumagapak bigla ang mukha ni Alicia dahil sa sinabi ng binata.

'Anong ibig niyang sabihin? Gold digger ako?!' Sabi ni Alicia sa kanyang nagngitngit na isipan.

Napatikom ng kamay ang dalaga saka nagclench ng kanyang mga ngipin. That's was really a shame to her. Lahat nung mga customer narinig yung sinabi ni Cody kaya no wonder hindi na nila napigilang magtsismisan.

"Tamaaa…my gosh! Kakainlab talaga si Kuya boi."

"Mmm… Tama. Tumpak. Bakit may problema ba sa pagiging barista sa isang coffee shop? Sa ibang bansa nga… ang gandang trabaho na nito eh."

"Hindi naman kasi basehan ang pera eh. Kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit mahirap pa yan, hindi magbabago ang feelings mo… kung -! Hindi pera ang habol mo."

DOUBLE SLAP!!!

"Oo.. I agree with that. Baka kasi gusto ni ate girl, yung may mansion… tapos may sariling napakalaking company, o kaya anak nung may ari ng kompanya. Yung tulad ba sa Korean drama."

TRIPLE SLAP!!!

"Gosh! Sobrang high nang standards. Sumama dapat siya kay Maam Jess, baka lilipad ang team nila papuntang Korea."

ALICIA HAS BEEN SLAIN!!!

Narinig ito ng lahat na nasa counter. Dahil dito, hindi napigilan ni Cody ang mapasmile nalang saka maghugas kamay.

'Wala po akong kasalanan. Isang linya lang po ang sinabi ko. Sila na ang dumagdag.'

avataravatar
Next chapter