67 Best Actress Alicia

Kulang nalang at madudurog na ang mga ngipin ni Alicia dahil sa galit. Hindi niya na kinaya ang kanyang narinig sa mga customer. What the hell happened? Bakit nagkaganto? She was actually planning na pahiyain ang dalawa sa harap ng maraming tao but anong nangyari? Bakit siya ang napahiya?

She just then realized, hindi niya kaya ang binata na nasa harapan instead kanyang ibinaling nalang ang nanlilisik niyang mga mata sa katabi nito, and there was Bea… nakatayo lang habang tinitingnan siya in an indifferent look.

"Hugh!" Mas nilakasan na ni Alicia ang mapang-insultong niyang scorn at nakadirekta na ito sa dalaga. Napansin agad ito ni Cody. Dahil dito, biglang nabura sa kanyang mukha ang smirk at napalitan ng disinterest gaze.

"Ganito ka na ba talaga Bea? You were my closest before… pero you broke my trust!"

Magkasabay na napatwitch ang mga kilay nina Cody at Bea. Then… Alicia continued and this time parang maiiyak na ang dalaga.

Wow! Best actress!

"Why did you do this to me? Pinagkatiwalaan kita… tinuring kita na parang kapatid…" Umagos na ang luha ng dalaga sa kanyang pisngi saka walang tigil sa pagsinghot ng kanyang sipon. Pwede na siya mag-audition sa star h*nt.

Mas lalong kumunot ang noo nina Bea as though gusto nilang sabihin – 'Anong pinagsasabi mo girl?'

Narinig ng mga kababaihan ang sabi ni Alicia. Well, since hindi naman nila alam ang katotohanan, paniwalang paniwala naman sila.

"Eh?? May something! May something pa!"

"Don't tell me – magbest friend silang dalawa dati? Tapos nagkaaway sila? Omo omo!"

Natuwa si Alicia sa kanyang narinig, saka mas pina-igting niya pa ang pagdadrama.

"Tapos ano?! Harap harapan mo saking inagaw ang gusto ko?!" Napahagulhol nalang si Alicia sa harapan ng counter saka nag-acting na matutumba.

Dahil dito agad siyang inalalayan ng dalawa niyang kasama na todo ang acting na parang nagwoworry. Actually utu-uto rin kasi ang dalawa eh. Paniwalang paniwala sa acting ng dalaga, kaya talagang nag-aalala talaga sila kay Alicia at baka himatayin.

Sabay sabay na napaubo ng dugo sina Cody at Bea pati na rin yung dalawang binata sa loob ng hardin dahil sa kanilang narinig kay Alicia.

Bumulwat ang mga mata ng mga nakikinig sa kanila.

"Oh my gosh! Sinasabi ko na nga ba… may dalawang babae si kuya boi! Si ate barista tas si ate office worker!"

"Hush! Tumigil ka nga. Mukhang hindi naman gusto ni kuya boi si office girl!"

"Oo nga."

Cody clenched his fist. Ang pinakaayaw niya sa lahat ang pinagtsitsismisan siya. He felt this before. Nung high school sila. Because of those rumors, nagkaaway sila ni Bea and he don't want na maulit ulit yun.

"What the hell are you saying?!" Hindi na napigilan ni Cody na mapatanong. Sino ba naman ang hindi?

Napatingin nalang si Bea sa binata. What the hell is she doing?! Wala man lang ba siyang imik? Naku naku! Napakamartyr! Kailangan ba talagang lagi siyang umasa sa mga tulong ng mga tao sa paligid niya. Eh hindi naman talaga titigil itong si Alicia kung mismong si Bea hindi niya kayang sumbata ang dalaga.

Napakurap si Alicia habang nakahawak sa balikat ng kanyang kasama as if nawalan siya ng lakas.

"Hoy!... What's your name again? Ah! C-chris! Hoy Chris! Wag kang maging assuming… hindi ikaw ang tinutukoy ko! What am I saying? Yan! Yang girlfriend mo sulutera!" Saka dinuru-duro ni Alicia ang dalagang katabi ni Cody.

BOOG!

"You - !" Hindi na nakayanan ni Cody ang panglalait ni Alicia. He immediately clenched his fist and jabbed the countertop. Kulang nalang mapunit ang noo ni Cody dahil sa sobrang pagkakunot nito. Pero bago pa man makaalis si Cody sa counter, bigla nalang…

PSSSHHHTTT!!

"Yaaah!" Napatili ang tatlong babae nang bigla nilang mafeel ang malamig na tubig na umulan sa kanilang balat. Saka napatingin ang lahat sa pinagmulan ng tubig.

It was actually Joshua na may hawak hawak na pang spray.

"You - !" Biglang naglaho ang umiiyak na mukha ni Alicia at napalitan ito nang nanglilisik niyang mga mata.

"If I were you… lumayas na kayo dito sa shop namin, kung hindi malulunod kayo sa pesticide." Josh said indifferently.

Nanlaki bigla ang mga mata ng mga dalaga. Pesticide?! Dahil dito, dali dali nilang inamoy ang kanilang mga uniporme. May kaunting amoy ng pesticide! Actually tubig ang laman ng pang-spray, yun nga lang, dating nilalagyan yun ng pamatay peste.

"Walang hi-"

PSSSHHHTTTT! PSSSHHHTTTT! PSSSHHHTTTT!

"Ahh! Yaah!!!"

Nagsitilian nalang ang tatlo nang walang tigil na inispray ni Josh ang tubig hanggang sa maitaboy ang tatlo papalabas ng shop.

"You -! I will not forget this!" Super iritang sigaw ni Alicia sa labas ng shop saka dali daling napadabog sa pavement dahil sa amoy.

"Hai..hai!" Josh waved his hand saka nakahalf close ang kanyang mga mata.

"Wag na kayong babalik."

Ang hindi alam ni Josh, itong ginawa niya ang maglalagay sa kanya sa panganib in the future.

Biglang tumahimik agad ang shop matapos na umalis ang tatlong malditang babae.

"Oh my gosh. Hindi si kuya boi ang pinag-away ni ate girl at ni office girl. Don't tell me ibang lalaki…" Biglang napayuko yung isa saka napabulong.

"Hush! Nguso mo."

"Uy! Delete mo yung post mo kanina… baka madawit ka sa gulo."

"My gosh! Oo nga. Bilis!"

Hindi ito narinig nina Cody and Bea but si Josh na nasa may pinto ng shop, narinig niya. Bigla siyang napatingin kay Bea.

'Hays… when will you learn to reprimand that b*tch.'

Saka napabuntong hininga.

avataravatar
Next chapter