webnovel

Messing Up The Caste System

Michelle is an upcoming Grade 10 normal commoner, studying in a common college school with her common friends and having fun with her commonly normal life. Just like everyone else would think. But in a blink of an eye, her life changed big time. From having a common life to having a really fancy one. What would happen to her when her life changed drastically? Most likely, in a world where she doesn't even fit.

shanimever · Teen
Not enough ratings
34 Chs

MUTCS 10: Michelle

Pagkagising na pagkagising ko ay naging lutang na agad ako, lalo na ng makita ko na ang mukha ng palaging tulog kong katabi. Who would've thought?

Yung sinusundan ko na pala kanina ay yung taong katabi ko na. Sino nga ba namang mag-aakala. Buiset. First time naming magkausap, tinulungan ko siya tapos bigla ganun? Siya pa ang may ganang sumagot sakin ng ganun.

Bigla naman akong bumalik sa ulirat ng nagsitayuan sila. What first came to my mind ay magkakaroon kami ng by partner na gagawain and dang, I was actually right.

Una kong hinanap si Casty and unfortunately, may nakita akong kasama niya kaya hinayaan ko na lang. Everyone was pairing up with each other at heto ako, nakatulala lang habang pinapanuod sila.

Napatingin naman ako sa unahan ng tawagin ako ng teacher namin ngayon. "Ms. Cruz, may kapartner ka na ba?" Tanong niya sakin na naging rason para tignan ako ng lahat.

I shook my head as a response at ang naging sagot sakin nito pabalik ay ang ikinagulat nila, kasama na ako dun. "Then why not be partners with your seatmate instead? Mukhang wala pa din naman yan kapartner."

Uhhhh, what?

Sorry pero...ano daw?

Buffering...

Napabuntong hininga na lang ako. Ayos lang naman talaga kahit sino ang maging kapartner ko pero kasi naman.

Kanina nga lang kami nagkausap tapos hindi pa ganun kaaliwan ang paguusap namin tapos biglang siya? Hay naku, kung hindi ka nga naman minamalas.

No choice kundi gisingin ko itong natutulog kong katabi. Ginawa ko na lahat para lang magising siya pero wala, dedo na talaga 'to.

Tinaas ko ang kamay ko at talagang wala akong pag-asa. Kailangan ko na din magawan ng paraan at baka mamaya may gagawin pa pala ako. "Sir, pwede po bang mag-individual na lang?" Kumunot naman bigla ang noo nito at nagulat ako sa bigla nitong pagsigaw.

"Kayo ang nag-re-request na mag by partner tapos ngayong tinupad ko yung gusto niyo, biglang mag-i-individual kayo?! Kaya nga by partner diba!" Napatingin naman ito bigla saking katabi na natutulog.

"ZACKERMORE!"

Yan. Yan yung salitang naging dahilan para una kong marinig na magsalita ito sa loob ng klase at magising na saksi ng dalawa kong mata. Tumingin ito sakin after he clicked his tongue.

"Meet me on the entrance after classes. Don't you dare be late or else, I'll slit that throat of yours." Saad nito bago lumabas ng classroom. Paulit-ulit na tinatawag ng prof namin siya pero hindi na talaga siya bumalik.

Isang buntong hininga na lang talaga ang kumawala sa bibig ko. Shet, paano na 'to?

Tumingin ako sa unahan para pag-aralan yung mga kailan naming gawin para sa project na ito. It's a science project. We need to make a model and a presentation for it.

Nothing much happened and that was basically it.

Natapos ang buong oras namin sa subject na to na wala akong ginawa, lahat ng nakapaligid samin? Heto, nag-uusap tungkol sa kung anong gagawin nila. Dali-dali namang lumapit sakin si Casty at yumakap sakin. "Bakit hindi mo sinabi sakin na wala ka pa palang ka-partner? Edi sana ako yung ka-partner mo!" Litanya nito sakin.

"Nakita kasi kitang may kapartner kaya hindi na kita inabala pa." Sabi ko dito. "Kamusta kayo nung partner mo? Anmeron?" Tanong ko dito dahil mukhang bwiset na bwiset ito sa kaniyang naging partner.

"Ayoko sa kaniya! Tayo na lang, please?" Pagmamakaawa nito sakin na ikinatuwa ko. Gusto ko? Oo. Pero bawal na daw magpalit ng partner. Bwiset nga. "Sino nga pala yun?" Nguso ko dito.

"Ah. Si Liel Kayron Rossi. Kasali siya sa mga Alpha, ewan ko kung bakit pero makamandag daw yung isang yun." At nagpout naman ito sa kaniyang sinabi. Pero kumunot yung noo ko nung binigkas niya yung makamandag.

What did he meant by that?

"Casty, June 12 na bukas, diba?" Tanong ko dito na sinagot naman niya. "Yeah. Why?" Tanong nito pabalik sakin habang nakataas ang isang kilay. May sasabihin pa sana ulit ako sa kaniya pero biglang nagbago ang timpla ng mukha niya at mukhang nagulat. And that was the first time I heard him cursed.

"Fuck. Malapit na ang June 13." Tinignan niya ako na ipanagtaka ko. Anong meron sa June 13?

hi, im sorry for being ia. i just srsly had forgotten that i had my book published here so as a sorry for all of you heres five chapters :((

shanimevercreators' thoughts