webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Love make you fool

"Tara na!" Yaya sakin ni Martin. Di ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. Busy kasi ako sa katitingin sa kawalan.

"Tapos na kayo?"

"Matagal na kaming tapos!" Seryosong sagot ni Martin sa akin. Napailing na lang ako ng hawakan niya yung kamay ko at hinila niya ko papasok sa loob ng bahay. Paano yung tanong ko di naman yung tungkol sa relasyon nila kundi tungkol sa pag-uusap nila. Pero sa tingin ko di maayos ang nangyari kasi halata sa kilos at muka niya.

Bumungad sakin si Elena na nanatiling naka salampak sa sahig at umiiyak parin. Nakatingin lang siya samin at di na nagsalita habang tumutulo yung luha niya. Di ko kinayang tingnan siya kaya yumuko ako samantalang si Martin dire-diretso lang sa paglakad ni hindi man lang siya binigyang pansin hanggang tuluyan kaming maka alis.

Hanggang makarating kami sa sasakyan kung saan.

"Okey ka lang?" Tanog ko kay Martin nung maka upo na kami sa loob ng kotse.

"Hays! Di ko akalaing napaka hirap niyang kausapin." Sagot ni Martin habang sumandal sa upuan at sinuklay ng daliri niya ang kanyang buhok. Halatang frustrated siya sa kinalabasan ng usapan nila.

"Di maiwasan minahal ka naman kasi talaga niya saka sa haba ng taon na magkasama kayo di madaling kalimutan ang pinag samahan niyo." Napa tingin sa kin si Martin dahil sa sinabi ko.

"So sa tingin mo napaka sama ko dahil sa ayaw ko ng makipag balikan sa kanya at pina iyak ko siya?"

"Di naman sa ganun kailangan mo ring gawin yun sa kanya para makahanap siya ng iba. Lalaking magmamahal sa kanya at tatanggap."

"Sana nga makita niya yun kagad dahil nagsasawa na ko sa kakukulit nila sakin na makipag balikan sa kanya." Sagot ni Martin at tuluyan ng pinaandar yung kotse pero di niya ko kinalimutang e-remind na isuot ang seat belt.

"Ganun talaga wala kasing naniwalang nakapag move-on ka na kay Elena ng ganun ka ikseng panahon. Kahit nga ako nag dududa din kasi baka mamaya panakip butas mo lang ako para masaktan mo siya."

"Screech....!" Tunog ng gulong dahil sa biglang preno ni Martin. Buti na lang naka seat belt ako kundi lumusot ako sa windshield ng sasakyan. Agad akong tumingin sa harapan baka kako may nasagasaan kami o ano pero wala akong nakita doon kaya tumingin ako sa direksyon ni Martin.

"Anong sabi mo?" Tanong niya sakin. Bigla akong napa isip ano ba yung sinabi ko bakit bigla siyang nagalit kaya muli kong inisip yung sinabi ko.

"Naka pag move on ka na?" Dahan-dahan kong sagot.

"Hindi yan!"

"Di mo pa nakakalimutan si Elena?"

"Michelle!" Galit niyang bulyaw sa akin. Feeling ko nag short circuit yung utak ko dahil dun di ko maisip kung ano kinagagalit niya. Kasi kapag binanggit na niya yung pangalan ko alam ko na galit na talaga siya..

"Ano bang sinabi ko?" Tanong ko. Nung sinagot ko kasi siya naka tingin ako sa labas at parang di ko masyadong iniisip yung sinasabi ko kaya nagtataka ako bakit bigla siyang nagalit.

"Hmp!" Angil niya sakin at tuluyang nagmaneho. Di niya ko tinitingnan at nag focus lang siya sa pag mamaneho. Hinayaan ko nalang muna para kumalma.

"Buzz... Buzz.... Buzz....!" Vibrate ng cellphone ni Martin sa bulsa ng coat niya. Lola ni Martin ang tumatawag marahil nag sumbong na si Elena sa nangyari kanina. Di sinagot ni Martin yung cellphone at muling ibinalik sa bulsa niya yung phone pero maya-maya tumunog ito uli pero deadma lang si Martin na parang walang naririnig pero di tumigil ang pagtunog nito.

"Sagutin mo na baka amaya importante ang sasabihin." Utos ko kay Martin nung muling tumunog yung phone niya sa ika limang beses. Walang nagawa si Martin kundi kunin yung cellphone niya.

Lola parin niya yung tumatawag. Di pa nakakapag salita si Martin ng marinig ko yung bulyaw ng Lola niya paano naka loud speaker yun. Marahil ginawa iyon para di maging sagabal sa pag da-drive niya.

"ANONG GINAWA MO KAY ELENA?" Ubod ng lakas ng sigaw ng Lola niya sa kabilang linya.

"Wala akong ginawa sa kanya." Matigas na sagot ni Martin.

"WALA KANG GINAWA? DI SIYA DADALHIN SA OSPITAL KUNG WALA KANG GINAWA. SINASABI KO SAYO MARTIN KAPAG MAY NANGYARI KAY ELENA ITATAKWIL TALAGA KITA!"

"Kung dinala siya sa ospital ano naman sakin, di ko na po iyon problema kaya bakit niyo po ako tinatawagan?"

"You ungrateful child how dare you to say that to your fiance!"

"She's not my fiance at matagal na kaming tapos ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin sa inyo na si Michelle na ang girlfriends ko. I will hang up kung wala na po kayong sasabihin." Pipindutin na sana ni Martin yung end button ng muling magsalita yung Lola niya.

"Pumunta ka ngayon sa M'kati Medical Center dinala dun si Elena. Kahit papano may pinagsamahan naman kayo. Wala yung pamilya niya dito at malayo pa ko. Kaya pumunta ka dun mara ma check ang kalagayan niya. Di kita mapapatawad kapag may nangyari sa kanya." Utos ng Lola ni Martin.

"I will not go!" Matigas na sagot ni Martin. Papatayin na sana niya yung phone nung pigilan ko siya kaya tumingin siya sakin at umiling ako para indicate sa kanya na wag.

"Martin, Elena is your childhood friend and be considerate!" Muling sigaw ng Lola ni Martin.

"Pupunta po kami!" Sagot ko. Di kagad naka sagot yung Lola niya ng magsalita ako. Pero makalipas ng ilang minuto muli itong sumagot.

"Dapat lang kung hindi dahil sayo di mangyayari ito! Bilisan niyo!" Sabay patay ng phone.

"Bakit mo sinabing pupunta tayo?" Tanong sakin ni Martin habang ibinabalik sa bulsa ng coat niya yung cellphone.

"Sa tingin ko kailangan nating pumunta para kahit papano makasigurado tayong walang nangyari sa kanya masama isa pa tama naman Lola mo kahit papano may pinagsamahan kayo kaya sana wag masyadong matigas ang puso." Sabi ko kay martin sabay hawak sa palad niya.

Di na sumagot si Martin pero pinaandar na niya yung sasakyan. Sinunod naman niya yung gusto nag drive siya papuntang ospital.

Pagdating namin dun agad akong pumuntang information para tanungin kung may pasyente bang Elena at kung saan siya dinala. Nasa emergency siya at kasalukuyang naka oxygen inatake daw ng asthma due to emotional breakdown. Ngayon ko lang napatunayan na "LOVE MAKE YOU FOOL."