webnovel

Bitter

"Excuse me, tinatawag ako ni Dina!" Di ko na sila hinintay sumagot at mabilis akong umalis.

"Siraulo kang bata ka, tinakot mo si Michelle!" Sabi ni Boss Helen kay Eric.

"Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Nicole sa pagiging pranka haha..haha...!" Narinig ko pang sabi nila bago nagtawanan pero ako tuloy lang sa paglakad.

Nung may maka salubong akong waiter na may dalang wine agad akong kumuha at mabilis kong tinungga. Grabe kasi yung tibok ng puso ko di dahil sa proposal ni Eric na di ko inaasahan.

"Ano kayang problema niya?" Sabi ko sa isip ko bago ako dumireto papuntang banyo.

Pabalik na ko ng party ng makita ko si Martin kasama si Elena palabas ng venue. Gusto ko sanang tumalikod pero huli na kasi nakita na nila ako.

"Michelle is that you?" Tanong ni Elena sakin na gulat na gulat.

"Hi!" Matipid kong bati sabay ngiti pero pilit yun kasi di naman kami close. Nakita kong kumapit pa si Elena sa braso ni Martin na para bang dinedeklara niya sakin sa siya na ang nagmamay-ari dito.

"Kailan ka dumating?" Muli niyang tanong sakin na para bang close kami.

"Nung 31 lang!"

"Ah, sayang di ka naka-abot sa engagement namin ni Martin nung 30. By the way, are you staying na dito sa Pilipinas?"

"On vacation lang ako, babalik din ako ng America."

"Ah sana makapunta ka sa kasal namin!" Malungkot na sabi ni Elena.

"Pwedi naman akong magfile ng Vacation leave kung gusto mo talagang pumunta ako!"

May halong sarcasm yung sinabi ko para ipaalam sa kanya na di ako apektado sa relasyon nilang dalawa.

"Mabuti kung ganun, I will sure to send you an invite."

"Sige, hintayin ko! Congrats! Sabi ko sa kanila bago ko sila iniwan.

Natapos yung usapan namin ni Elena na di man lang kumibo si Martin at nanatili lang naka tingin sakin. Bago ko sila iniwan di ko kinalimutang ngitian siya kahit yung puso ko ay parang pinipiga at di na ko makahinga sa sakit.

Pagpasok ko sa loob, dumiretso ako sa table nila Dina kung saan ako naka-upo kanina. Dumampot ako ng baso na andun na may lamang alak at muli ko iyong tinungga.

"Okay ka lang?" Tanong ni DIna sakin.

"Okay lang, bakit?"

"Para ka kasing iiyak!"

"Feeling mo lang yun!" Sagot ko kay Dina sabay muling tunga sa basong kinuha ko uli.

"Feeling ko lang eh parang gusto mong maglasing!"

"Sarap ng wine na ito!" Sabi ko kay Dina at muli ko iyong tinungga. Napa-iling nalang sakin si Dina pero hinayaan niya nalang ako.

"Kumain ka muna bago ka maglasing." Sabi ni Alvin sabay kuha sa wine na inaabot ko uli at pinalitan iyon ng platong may lamang pagkain.

Balak ko pa sanang tumangi pero kinuha niya yung lahat ng wine sa mesa at ibinalik sa waiter. Ang masaklap pa sinabihan yung waiter na wag akong bigyan ng alak kasi daw nababaliw daw ako pagnalalasing.

"Ikaw diyan nababaliw!" Sabi ko sa kanya at sinimulan ko ng kumain.

"Paano ako nabaliw?" Takang tanong ni Alvin.

"Paano ka nabaliw? Binuntis mo kaya si Dina ng di pa kayo kasal." Sabi ko kay Alvin sabay bato ng buto ng manok na kinain ko.

"Papakasalan ko naman, tingnan mo may engagement ring na!" Sabi ni Alvin sabay angat ng kamay ni Dina na may sing-sing na suot.

"Buti pa kayo!" Malungkot kong sabi feeling bitter.

"Mag-asawa ka na din!" Sabi ni Dina sakin habang tinapik ako sa balikat.

"Sige bukas!" Masaya kong sagot sa kanya.

"Ngayon na kagad!"

"Bukas na gabi na eh!"

"Nagkakaganyan ka kasi nakita mo si Martin kanina at kasama yung bago niyang girlfriend!" Sabi ni Alvin sakin.

"Di ko yun kilala kaya wag kang maingay!" Sagot ko dito.

"Narinig ko kanina na niyaya kang makipag date ni Sir Eric ah!"

"Joke niya lang yun wag kang patola!"

"Joke eh muka namang seryoso!"

"Pag kaming dalawa nagkatuluyan magiging boss mo na ko, gusto mo?" Naka ngiti kong sabi kay Alvin pera nakataas yung kilay ko na parang nagbabanta.

"Tama, nagjoke lang yun!" Sabi nito sakin, sa tagal ba naman naming magkasama alam na niya yung iniisip ko.

"Mukang seryoso! Iniisip ko nga kung sa may tawi-tawi kita ipapadala o sa basilan eh!"

sagot ko ky Alvin habang nag-iisip ako kunyari ng malalim.

"Hay naku Michelle hintayin mo munang makilala siya ng inaanak mo bago mo siya ipadala dun." Sabi ni Dina.

"So kukunin mo kong ninang?" Exited kong sabi.

"Oo naman!"

"Sige!" Sagot ko sabay dampot sa isang basong wine na dala ng waiter.

"Hoy Michelle, baka malasing ka!" Saway ni Alvin.

"Okay lang naka check-in ako diyan sa tawid at saka di naman ako magpapakalasing. Ikaw naman!" Reklamo ko pero di kagaya kanina di ko na iyon tinunga sa halip sinimsim ko lang iyon kasi nga naka tingin ng masama sakin si Alvin.

"Michelle!" tawag sakin ni Eric para makuha yung atensyon ko.

"Sir?" Sagot ko naman. Karga-karga niya si Nicole na naka tulog na.

"Pahinge ng number mo!" Sabay abot sakin ng phone niya.

Wala akong nagawa kundi abutin yun at i-type yung number ko.

"Ito po Sir!" sabi ko ng ibinalik ko yung phone niya.

"Please call me Eric, tangalin mo na yung Sir. Gusto ko pa sanang isayaw ka kaya lang tulog na yung alaga ko." Iniharap pa niya sakin si Nicole na naka subsob sa leeg niya at masarap na ang tulog.

"May next time pa naman! Mas importante na maiuwi mo na siya."

"Sige, tawagan nalang kita para makapag pa-sched ako ng date syo!" sabay kindat sakin.

"Ah sige po!"

Alanganin kong sagot.

"Di mo nga ako sine-Sir pero pino-Po mo naman ako." Naka ngiti niyang sabi sakin.

Actually may itsura rin naman yung anak ni Boss Helen kaya lang di siya kasing guapo ni Martin. Sa tantya ko mga nasa 5'9 yung height niya kasi ako 5'6 plus yung takong ko na 3 inches magsing-taas kami. Kuyamangi yung kulay niya at medyo bilugan ang mata. Matangos din ang ilong at medyo manipis ng labi na medyo maitim marahil dala ng paninigarilyo. Malinis naman siyang tingnan kaya kahit papano okay naman siya.

"Sige, ingat kayo sa pag-uwi!" Tanging nasabi ko para umalis na siya.

"Ikaw din, ingat! Text text tayo!" sabi niya bago tuluyang umalis. Pagtalikod niya muli kong dinampot yung baso kong may alak at mabilis kong tinungga.

Next chapter