It took some few seconds before Kian notice our presence. He look stunned.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko mula pa kanina. I don't even know what to do or what to think.
All I know is that I am badly hurt. He hurt me again. What's his excuse this time?
"M-Moo..." nauutal niyang tawag sa akin. Nagsimulang manlabo ang aking paningin.
He call me Moo without thinking about the meaning of that endearment he kept on calling me.
Moo. My only one.
Really, Kian? You are not a man of your words.
"Babe," tawag sa kaniya ni Jewel dahilan para mas lalo pang manikip ang dibdib ko.
Umiling-iling ako. Nagmamakaawa naman ang mga mata ni Kian.
Humakbang siya palapit sa akin kaya umatras din ako ng ilang beses. Parang kaming tatlo lang ang tao dito dahil ang mga kasama namin ay tahimik. Nagmamasid or maybe they are shock as hell too.
"L-Let me explain..." He continue to step forward but I kept on moving backward. I don't want to hear any of his excuses again.
Tumalikod ako at masamang tinignan ang mga kaibigan niya. Umiling-iling ako sa sobrang prustrasyon. Kung puwede lang silang pagsasampalin isa-isa.
"Y-you all planned this... To h-hurt me..." Nanginig ang aking boses. Maging ang aking bibig ay nanginginig sa pagpipigil na maiyak.
"Masaya na ba kayo?" I wanted to scream pero mahina ang boses na lumabas mula sa aking bibig. I feel weak, hurt and bruised.
Ginawa nila akong tanga!
They are all look shocked pero nang makabawi ay sabay pa silang umiling-iling.
"Moo..." May mga braso na yumakap sa akin mula sa likod.
"Get. Off. Me." Pilit kong kinakalas ang kaniyang mga braso na mahigpit ang pagkakayakap sa akin. He hold on to me so tight like he don't want to let me go.
But at what he did. He already let go of me. Ang kamay kong mahigpit na kumakapit sa relasyon naming dalawa ay pinakawalan niya para sa ibang babae.
"Bitawan mo ako, Kian..."
"No, Moo. I am not letting you go." Sa salitang binitawan, dalawa ang kahulugan.
Tuluyan nang lumapit sa amin sina Macy. Pilit akong hinihila mula kay Kian.
Dahil sa panghihina niya ay nabitawan niya ako. Napaupo siya lupa.
"Please, Moo..."
Nagpunas ako ng luha bago siya matalim na tinignan. I don't want him to see how deeply hurt I was.
"You know what?"
"You are the biggest mistake I have ever made!"
Tinignan ko din si Jewel ng seryoso.
"Sana kaya kang ipagmalaki ng mga magulang mo dahil sa ginawa mo. Sayang lang ang pera na pinampaaral nila sa'yo."
Mabilis ang ginawa kong paghakbang paalis. Walang imik si Macy. Habang si Barbara na maldita ay panay ang pagbulong niya na akala mo bubuyog.
Dinig ko ang pagsigaw ni Kian ng pangalan ko. Sinubukan niya akong pigilan pero pinigilan siya ng babae niya at nang mga kaibigan niya na sa tingin ko ay masayang-masaya na ngayon.
Halos hindi ko na makita ang mga paa ko dahil sa luha na kanina pa bumubuhos mula sa aking mga mata.
"Kung ako sa'yo, sinampal-sampal ko silang lahat," sabi ni Barbara. Ramdam ko ang gigil niya sa nangyari.
Sana nga ikaw ako para magawa ko iyan.
"Balik tayo doon. Gagaan ang pakiramdam mo kapag pinagsasampal mo sila. Promise!"
Hindi ko siya pinansin. Ang gusto ko lang naman ay ang makaalis sa lugar na 'to. Gusto ko nang umuwi. Magkulong sa kuwarto at iiyak ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sa taxi ay tahimik akong umiyak. Inakbayan ako ni Macy habang inaalo ako.
"Iiyak mo lang..." bulong niya. Ang malambing niyang boses ay mas lalo pang nagpaiyak sa akin.
"Saan tayo?" tanong ng taxi driver.
"Gusto mo na bang umuwi sa inyo?" tanong ni Macy.
I remember my parents. Hangga't maari ayaw kong makita nila ako na ganito. Umiling ako.
Sinabi ni Macy ang address sa driver. Hindi ko alam kung sa bahay ba niya ito o bahay ni Barbara o kung saan.
——
Hindi pa man kami nakakapasok sa gate ng bahay nina Macy nang may tumawag sa kaniya.
"Oh, Sunny. Saan ang lakad niyo?" tanong ni Macy.
"Club," tugon ng kausap niya.
"Tara... Sama kayo sa amin. Napagpaalam na kita kanina sa Mommy at Daddy mo."
"Magandang idea 'yan," singit naman ni Barbara.
"Sakto, broken hearted 'tong kasama namin... Ano, Beth. Tara?"
Hinihintay nilang lahat ang sagot ko. Hindi pa ako nakapasok sa bar kahit kailan. Pero ayaw ko namang sirain ang gabi nila kaya tumango ako. Ayaw ko ding umuwi muna kaya mas maganda nga siguro na sa bar ako magpalipas ng oras. Maybe alcohol can numb my mind and body from the pain I am feeling right now.
Pumasok kami sa bahay nina Macy para makapagpalit ng damit. Pinahiram niya kami ng mga damit. Ang mga kausap niya kanina ay nasa baba naghihintay. Maaga pa naman kaya hindi daw kailangang magmadali.
Nag-shower ako at sinuot ang damit na pinili nila sa akin. It was a black halter top body hugging dress na above the knee length.
They help me with my make up dahil hindi naman ako marunong nito.
——
Nabigla ako nang makapasok kami sa bar dahil sa lakas ng sounds. Nakakahilo ang sumasayaw na ilaw at ang usok ng sigarilyo ay masakit sa ilong.
Halos magdikit-dikit na ang katawan ng mga tao na sumayaw sa dance floor.
Pumuwesto kami sa malapit sa dulo dahil iyon na lang ang bakante.
Sina Sunny ang nag-order ng drinks. Ang sabi nila ay sagot na nila. Parehas lang kami ng edad. Graduating din sila pero sa ibang university sila nag-aral.
Kamag-anak ni Macy si Sunny. Kasama ni Sunny ang kaniyang bestfriend na si Yona.
With their company halos makalimutan ko na kani-kanina lang nahuli ko ang aking asawa na may kasamang iba. Na trinaydor nila ako kasama ng kaniyang barkada.
Nanlabo na naman ang aking mga mata.
"Iinom mo 'yan," sabi ni Yona sabay abot sa akin ng isang baso ng alak.
Kinuha ko ito at diniretso ng inom. Pero agad din akong napangiwi ng malasahan ko ang pinaghalong pait at init nito.
Halos maduwal ako. Nagtawanan sila.
"Lunukin mo!" natatawang sabi nila.
Hirap na hirap akong lunukin. Bakit may mga taong mahilig sa alak, samantalang ang pangit naman ng lasa nito?
Ilang shot lang ang nainom ko. I don't want to get drunk dahil uuwi ako sa bahay. Ayaw kong pag-isipan ako ng hindi maganda nina Mama. I texted them earlier. Sinabi kong sumama ako sa mga kaibigan ko para mag-celebrate.
Mama replied, she's asking me if I'm with Kian. Mukhang hindi pa umuwi si Kian. Hindi niya ako sinundan. Hindi niya ako hinanap sa mga magulang ko. Mukhang wala na talaga siyang pakialam pa sa akin.
Naiiyak na naman ako.
"Lalake lang 'yan," sabi ni Yona.
"Niloko ka ba? Pinalit sa iba?"
Marahan akong tumango.
"Ipagpalit mo din sa iba. Huwag mong sayangin ang ganda mo sa lalakeng wala namang kwenta!" Nailing-iling si Sunny na bestfriend niya.
"'Pag ba pinagpalit niya sa iba sure na makakalimutan na niya? Ikaw nga, hindi naman tuluyang nakalimot kahit nang naging bf mo si Eliot..." May himig nang pang-aasar sa tono ni Sunny.
"Tsk... Huwag kang gumamit ng isang lalake para lumimot..." Ininuman niya ang kaniyang baso.
"Tatlo o apat dapat..." dagdag niya niya sa kaniyang sinasabi dahilan para magtawanan ang mga kasama namin.
"She's married," singit naman ni Macy.
Pumalatak si Yona. She look at me with disbelief. Para bang sinasabi niya why did I get married at a very young age?
Nagkibit balikat siya.
"Kaya nga may annulment, para kapag hindi na mag-work, puwede pa kayong maghiwalay. Hindi mo siya deserve," sabi niya bago ulit uminom ng alak.
Ang sinabi niyang iyon ang tumatakbo sa aking isipan hanggang sa maisipan ko nang magpaalam at umuwi.
Hindi naman ako nalasing pero nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Sunny and Yona offered to drive me home which I refused. Kaya ko naman. Nag-taxi ako pauwi.
Nang ako na lang mag-isa, muli ko na namang naramdaman ang sakit.
Kaya nang pagbuksan ako ni Mama ng pintuan ay agad ko siyang niyakap. Hindi ko na din mapigilang mapahagulgol.
"Mama..." I cried to her. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.
"What happened?" Inakay niya ako hanggang sa makaupo kami sa sofa. Hindi ko siya binitawan. Nanatili akong nakayakap sa kaniya habang nakasiksik sa kaniyang balikat.
Patuloy ako sa pag-iyak habang hinahaplos niya ang aking buhok at panay tanong kung ano ang nangyari.
"What happened?" tanong ni Papa. Marahil nagtaka kung bakit hindi pa agad bumalik si mama sa kuwarto nila kaya bumaba na siya.
"P-pa..." Iyak ko. Naunahan ako ng pag-iyak kaya hindi ko magawang magsalita.
"Ano'ng nangyari?" Sumeryoso ang kaniyang mukha at boses. Umiling ako at mas lalo lang naiyak. Dinaluhan niya ako at agad niyakap.
"Ang sakit!" Iyan lang ang alam kong sabihin. Tahimik si Papa habang si Mama naman ay panay ang tanong kung ano ang nangyari.
Bumitaw si Papa at marahas na tumayo. Naalarma ako dahil pakiramdam ko may gagawin siyang hindi maganda.
"Gago siya!" impit niyang sigaw.
Niyakap ko siya. Umiling ako. Maging si Mama ay nakiyakap na din.
Nang kumalma na kaming lahat ay tahimik kaming nakaupo sa malaking sofa. Nasa gitna ako ng mga magulang ko na wala mang imik, pero ramdam ko ang sakit ng kanilang kalooban.
"Tulungan niyo po ako, Pa, Ma..." Pakiusap ko.
Tinignan nila ako habang hinihintay ang sasabihin ko.
"I want to file an annulment."
Seryoso akong tinignan ni Papa. Si Mama naman ay tuluyan nang naiyak.