webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Urban
Not enough ratings
176 Chs

HIDING EMOTIONS

Habang tumatagal, di na siya nagiging komportable sa kinauupuan lalo na nang tila sinasadyang idikit ni Gab ang balat sa kanya di lang basta idinikit, gusto pang hawakan ang kanyang kamay na nakalapag sa kanyang hita.

Hindi siya makapalag pero pasimple niyang niyakap ang sarili, kunwari'y nilalamig para ilayo dito ang sariling mga kamay.

To her surprise, merung brasong bigla na namang yumakap sa kanyang likuran, pumagitna sa kanila ni Gab upang magkaruon ng agwat sa pagitan nila ng binata saka siya kinabig palapit dito.

Sino pa ba ang may lakas ng loob na gawin yun maliban kay Vendrick?

Pero sa totoo lang, may nanagyayari sa kanyang dibdib na di niya mapigilan, dinig na dinig pa nga niya ang tunog niyon na para bang may naghahabulang mga kabayo sa loob, sa sobrang lakas, di niya maiwasang mapapitlag na tila naging daan pa para maiusog niya ang pwet sa banda ng binata, napatingin siya rito.

In just a glance, their eyes met, both were emotionless, di pinapahalata ang damdamin ng bawat isa. Kung anong pagpipigil niya para maging kaswal ang lahat sa pagitan nila, gosh! Siya lang ang nakakaalam.

Tumikhim siya at pasimpleng tumingin sa lahat na di napapansin ang nangyayari sa kanila ni Vendrick habang si Gab ay nagtagis ang bagang nang mapansing inilayo niya ang braso mula rito.

Ilang minuto siyang nakiramdam. Wala na yatang balak si Vendrick na tanggalin ang kamay nito sa kanyang likuran, tila nananadyang ibinaba iyon sa kanyang beywang, napapitlag na uli siya at matalim ang tinging ipinukol dito ngunit isang sulyap lang sa kanya, sumilay agad ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi lalo na nang mapansing naiinis na siya.

"Woah! It's Marble again!" lakas ng hiyaw ni Ericka.

Namula siya agad.

"Dare." maagap niyang sagot.

"Iinom na lang akong alak." nahihiya niyang sambit.

Tudyuan ang mga naruon sa kanila ni Gab.

Nagsalin nga ng alak si Paul, kinalahati ang isang maliit na baso saka ibinigay sa kanya.

"Let me, Marble." ani Gab.

Kinuha niya agad ang baso saka sumulyap sa binata.

"No, it's okay." anya't iinumin na sana nang bigla iyong hinablot ni Vendrick at ininom ang laman.

Nagulat ang lahat. Walang nakaimik. Tila may kung anong dumaan sa gitna nila't biglang nagkaruon ng katahimikan.

Siya man ay umawang ang bibig at gulat na bumaling sa binatang nakatitig pala sa kanya.

Saka ito bahagyang umiling, tila sinasabing "Don't drink."

"Vendrick--" anas niya.

Why??? Why is he doing this in front of everyone, in front of his girlfriend?

Saka lang pumailanlang ang nakabibinging halakhakan, kantyawan at tudyuan.

"Woah! Iba ka talaga Marble! Kakaiba ang beauty mo!" tudyo na ni Paul sa kanyang lalong namula ang pisngi sa pagkapahiya.

"Aren't you jealous Chelsea?" tudyo din nito kay Chelsea na sandaling nawala sa sarili.

Ngunit nang makabawi ay pumupulot lalo sa binata.

"I trust my boyfriend. It's just that he doesn't like drinking girls. Kaya nga bihira lang akong uminom eh. Pero may mga babae lang talagang magagaling lumandi sa mga lalaki and i pity them." makahulugan nitong sagot.

Kantyawan na naman ang lahat, hagikhikan. Nakisabay na rin siyang humagikhik kahit na alam niyang siya ang pinatatamaan ng babae.

Tuloy na uli ang game. Nakatingin na siya sa bote.

'Wag ka sakin, please wag ka sakin.' tila nakikiusap na siya sa bagay na yun subalit pagkamalas niya, sa kanya uli ito huminto.

Dismayado siyang tumingin sa mga kaharap, sabay ngiti nang matamis.

"Crush ata ako kahit ng boteng yan eh." pabiro niyang wika.

Tawanan na uli ang lahat.

Dumiin ang hawak ni Vendrick sa kanyang beywang, lalo tuloy siyang di mapakali sa kinauupuan, gusto na niyang tumayo at umalis duon.

"Truth." si Gab ang nagsalita.

Napalunok siya.

"Marble, sino ang first love mo?" curious na tanong ni Maricor.

Namutla siya. Di agad nakapagsalita.

"Go Marble, say it." tudyo ni Beth.

Kumilos si Vendrick, ramdam niya yun, panong hindi eh nakadikit ang isang braso nito sa likod niya, pero lalo siyang namutla dahil duon, pakiramdam niya, bigla siyang nahilo sa tanong na yun, ayaw na niyang balikan ang nakaraan pero di niya alam kung pinaglalaruan ba siya ng tadhana at heto't nanunumbalik na naman ang lahat.

"Si Gab? What? It's really Gab?" tumitiling tudyo ni Shanna.

Kantyawan ang lahat kay Gab na tila kinikiliti sa tuwa.

"Dude, ang swerte mo. Ikaw pala ang first love ni Marble. What can you say Erland?" tudyo ni Livy.

"It's okay. I don't care about Marble's past. I love her Dude." kaswal na sagot ni Erland.

Palakpakan ang lahat.

Hindi na siya umimik. Mas maganda na nga lang segurong di na siya magsalita, hayaan na lang ang mga itong manghula at isiping si Gab nga ang kanyang first love.

Pero mapilit si Maricor. " C'mon Marble, say it."

pilit nito, pigil ang mapahagikhik.

Muli siyang napalunok at sandaling sumulyap sa dalaga.

"Iinom na lang uli akong alak."

Kantyawan ang lahat.

"Request not granted. Say it!" giit na ng mga ito.

"C'mon, ayaw mong sabihin kasi madami sila kahit noon pa? O di ka makapili kasi di mo alam sino sa kanila?" pasarkastiko na namang sabad ni Chelsea.

Sa totoo lang gusto na niya itong sapakin.

"Okay fine, it's--" pagsuko niya.

Muli naramdaman niya ang mahigpit na hawak ni Vendrick sa kanyang beywang.

"It's Aldrick, bf ng bestfriend ko nung highschool." sagot niya sabay dampot ng isang hita ng manok.

Tila nadisappoint ang lahat. Ang akala kasi nila, si Gab nga yun.

Pero kahit paputukan siya ng baril sa ulo, never siyang aamin sa harapan ni Vendrick. Never!

Pero sa halip na magalit, tila natuwa pa si Gab, napangiti.

Si Vendrick, napangiti din, mapakla nga lang saka isinandig ang likod sa upuan.

Pinaikot na uli ang bote, gusto na niya talagang tumayo. Buti na lang kay Erland huminto yun.

Ito naman ang kinantyawan ng mga kaibigan.

"Dude, i'm just curious kung ganu mo ba talaga kamahal si Marble." seryosong usisa ni Dave.

"I love her, from head to toe. She's my barbie doll." maagap na sagot ng binata.

Napahagikhik siya sabay tingin kay Erland na kumaway pa sa kanya sabay kindat.

Iyon ang gusto niya rito, automatic ang mga sagot nito, talagang mahal na mahal siya. Hehehe.

Si Cathy nama'y humagikhik din pero inihilig ang ulo sa katabi saka ito binulungan.

"Lasing ka na? Iuuwi na kita." usal ng dalaga.

"No, kaya ko pa." tipid na sagot ng binata pero umakbay na ito sa dalaga, pressing her shoulder as if telling her to just be by his side.

Napangiti na lang si Cathy, masaya na sa ginagawa ng lalaki. That simple gesture makes her heart beat fast, it's enough for her.

Muling pinaikot ang bote. Kay Shanna naman huminto. Namula agad ang pisngi ng dalaga.

Dun na natuon ang atensyon ng lahat.

Siya'y taga hagikhik na lang hanggang sa lahat na sila naikutan ng bote maliban kay Vendrick.

Kaya nang sa wakas ay huminto ang bote sa tapat nito, kantyawan na naman syempre, lalo ngayon.

"Dare." maagap nitong sagot, tipid ang ngiti sa labi.

"Dude, kiss the girl you like the most maliban sa gf mo." tila nananadyang utos ni Livy.

Hiyawan na naman ang mga ito lalo nang makita si Chelsea na umawang ang mga labi at naniningkit ang mga mata sa kanya, wala pa mang ginagawang hakbang si Vendrick.

Tumikhim siya't pakaswal na bumaling sa binata ngunit namula siya bigla nang tumitig ito sa kanya, seeing that cold eyes na kahit sino yata ay di papangaraping ganung lalaki ang makasama, subalit ewan kung bakit nawala ang pilit niyang ngiti.

He gazed at her intently all of a sudden and she just can't help but gaze back. He pressed her hips evenly as he parted his lips and there she is, with full of anticipations in her brain.

Ano, hahalikan ba siya nito, aamining siya ang gusto nito at hindi si Chelsea?

Sinaway niya ang sarili. Hindi yun gagawin ni Vendrick. Para na na siya nitong sinampal nang harapan pag ginawa nito ang bagay na yun.

She lowered her gaze, hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito nang matagal.

The next thing she heard ay ang hiyawan ng lahat. Nang iangat niya ang mukha, naabutan pa niyang tinutinungga ni Vendrick ang laman ng baso.

"Wow! Grabe talaga ka loyal sa girlfriend. Mas pipiliin pang uminom kesa gawin ang utos." natatawang papuri ni Ericka sa binata.

Muli niyang iniyuko ang ulo, kunwari'y kukuha ng isa pa uling fried chicken. But deep inside her, she felt something that ached beyond explanation, she could even feel the pain. Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang nararamdaman.