webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Urban
Not enough ratings
176 Chs

ANOTHER RIVAL?

ROYAL CLUB. Ito ang isa sa pinakasikat na club sa Manila at dinadayo ng karamihan sa mga kilala at mayayamang personalidad sa lipunan. Dito, magsawa kang sumayaw, uminom at makipag jamming sa mga kaibigan hanggang madaling-araw.

Dito madalas mag hang-out ang magbabarkada noon. Ngayon ay andito na naman sila, sinasamantala ang pagkakataong lahat sila ay nasa Pinas.

Ukupado nila ang nakasanayan nang pwesto sa loob ng club, nasa isang sulok kung saan walang gaanong taong napapadaan, pero kitang-kita nila ang mga naruong walang humpay ang sayawan sa dance floor.

"Hey mga Dude. Bakit ba hanggang ngayon , di pa rin nagpapakita si Gab? Ang alam ko, nakauwi na rin siya galing Canada." untag ni Nathan sa sandaling katahimikan, isa rin sa walong magbabarkada. Tinungga nito ang kunti nang laman ng alak pagkatapos magsalita at tumayo para umorder na uli ng panibago.

Tahimik lang na nakaupo si Vendrick sa tabi ni Erland habang sina Livy at Paul ay nanghila ng mga babae sa counter para sumayaw.

"Erland. Bakit di mo dinala si Marble dito?" usisa ni Dave sa binata.

Ngumiti lang ito saka nagsalin ng alak sa wine glass, sumimsim duon sabay sulyap sa kanya.

Blangko ang ekspresyon ng mukhang iniiwas niya ang tingin dito, ginaya rin ang ginawa nito, pero tinungga niya ang laman ng basong hawak.

"Hindi yun mahilig sa gantong lugar. She's a devoted mother. Bahay-trabaho lang yun." sagot ng binata.

Di niya mapigilang matawa nang mapakla

'Devoted mother. Hypocrite!'

Hindi niya napansing napasulyap si Erland sa kanya.

"Ikaw Dude, bakit di mo dinala dito si Chelsea?" baling nito sa kanya.

Nagsalin na uli siya ng alak sa baso at tinungga na uli iyon bago sumagot.

"She's busy." tipid niyang sagot, walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha.

Nanatiling nakatingin sa kanya si Erland.

"Sadya segurong laging busy ang mg babae ngayon. Ang gf ko rin, busy gumawa ng CV para sa work niya. Ayaw magpaistorbo." anitong sa kanya nakatingin.

Tumaas lang ang isa niyang kilay.

"Or maybe she's flirting with someone else, hindi mo lang mahuli." mahina niyang saad, di napigilan ang sariling sumabad.

Tumawa ito nang malakas.

"Marble is really an innocent flirt. She keeps on flirting with me lalo pag may kausap ako sa phone. Mas gusto niya yung ganun. Hahaha!"

Shit! Bakit ba kailangang ipagmayabang nitong malandi nga ang babaeng yun? Innocent flirt? Hah! He would rather believe if he called her a slut.

Isa na uling salin ng alak, tinungga uli niya ang laman ng baso saka tiim-bagang na tumayo, lumapit sa counter at duon umupo. Pakiramdam niya, masasapak lang niya ang kaibigan pag nagpatuloy pa ito sa pagsasalita. He doesn't want to hear anything about that fuckin' girl. Naririndi siyang pakinggan kahit ang pangalan nito.

"Dude, can i join you here?" si Erland, sumunod pala ito sa kanya sa counter, tinabihan na siya sa pag-upo saka umorder ng branded na alak sa bartender.

Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tanging ang maririnig lang ay ang nakabibinging tugtog ng banda sa entablado at ang hiyawan ng mga sumasayaw.

Sinulyapan niya si Erland. Tila walang ipinagbago ang mukha nito, di man lang ata tinubuan ng pimple ang mukha sa loob ng limang taon, makinis pa rin, para talagang bakla. Hindi niya alam kung anong nagustuhan nito sa babaeng yun, bakit tila yata nagayuma ito ng huli.

Napangisi siya. Katulad ng ginawa sa kanya noon tapos nang malamang inayawan ng kanyang mga magulang ay sumama bigla kay Gab. That bitch! He should have killed her that day when he last saw her in that house.

"I never knew my fiancee and Gab were lovers five years ago until yesterday." sumeryoso ang mukha ng kaibigan.

He glanced at him in a cold eyes na para bang sinasabing wala siyang pakialam duon. But his action speaks louder than what his eyes are saying nang wala sa sariling naibagsak niya sa mesa ang hawak na baso.

"Pero ayaw niyang umamin sakin. Ni ayaw niyang magkwento tungkol sa kanyang nakaraan and it bothers me a lot." nagsimula na nitong magkwento.

Hindi siya sumagot, umorder uli ng chateau Montelena sa bartender.

"Do you know her in the past?" sa wakas ay naisambulat rin ni Erland ang gusto nitong itanong.

Salubong ang kilay na sumulyap siya rito, subalit panandalian lang yun, bumalik uli sa pagiging malamig kahit ang kanyang mga mata.

"I only knew her as a bitch trying to seduce every man she encountered." malamig niyang sagot.

Duon na siya bumaling sa kaibigan, gustong alamin ang magiging reaksyon nito. He wasn't shocked by what he heard, not surprised, didn't even blink. Marahil ay alam na nitong ganun nga ang babaeng yun.

He just stared at him na tila ba inaarok kung anong laman ng kanyang isip. Could he sense the anger inside him towards his fiancee?

"I love her whoever and whatever she is. But i don't know if i really don't have any rivals. Ayuko kasi ng may karibal sa kanya. Gusto ko akin lang siya." tila makahulugan nitong saad.

Sa wakas, iniabot na sa kanya ang alak.

"Make it straight to the point." prangka niya sa kaibigan nang maramdamang siya ang gusto nitong tukuyin.

Hinablot nito ang hawak niyang bote ng alak, kinalahati ng inom ang laman niyon, saka lang ibinalik uli sa kanya.

"What was your relationship in the past?" hindi na nga ito nagpaliguy-ligoy pa.

Duon lang biglang umasim ang kanyang mukha, hindi na naitago ang nararamadaman at bumaling na rito.

"Do you really wanna know?"

"Yes." sagot nitong di inaalis ang mga mata sa kanya.

Tinungga muna niya ang alak na hawak bago sumagot.

"She was my girlfriend and would be my wife soon."

Natigilan ang kausap, hindi agad nakapagsalita, sandaling inarok sa namumungay niyang mga mata kung tama ang narinig nito.

Mahina siyang tumawa saka bumaling rito, nakipagtitigan din.

"You surely had no idea about us, right?" kumpirma niya.

"She's mine now." anito nang makabawi.

Kumulimlim ang kanyang mukha saka inilayo ang tingin, maya-maya'y muling bumaling rito.

"I also don't care about her past. When i said she would be my wife soon, I mean it, Dude. Kaya don't try to block my way to get her back." mariin niyang wika sa lalaki bago tumayo at lumayo rito.

Naiwan itong natitigilan. Pagkuwa'y nangingiting napalingon sa binata.

'So, it wasn't Gab but Vendrick! Poor little kid.' kumpirma ng isip nito.