webnovel

CHAPTER 4

AN: Wala ako sa mood habang sinusulat ito, kaya asahan na ang mga walang kakuwenta-kwentang linyahan. 😂😂💋

_________________________________________________

VALDEZ RIUS

Kusang lumuwag ang pagkakahawak ko 'kay Darwin nang makita ko si Duken Hanal ang bampirang sumira pa lalo sa buhay ko. Tiningnan ko siya ng masama dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala na after 200 years ay muli ko siyang makikita.

"Ganyan mo ba tingnan ang kaibigan mo na nagpabago at nagpaganda sa buhay mo?" nakakalokong bati nito sa akin.

"Bakit ka narito? Ang akala ko tuluyan ka ng namatay at nilamon ng mga lamang lupa." sarkastiko ko na sagot sa kanya.

"Duken, bakit ka nagbalik?" Tanong naman ni Darwin na ngayon 'ay seryosong nakatingin dito kay Duken.

"Bakit parang ayaw niyo na nandito ako? Narito ako dahil sa kailangan niyo ako at nagising ako dahil sa propesiya na akala ko malabo ng mangyayari." paliwanag nito at sumundal sa gilid ng pader.

Tiningnan ko lang pareho ang dalawa saka ako nagsalita. "Umalis na muna kayo dito, mamaya na tayo mag-usap pagkatapos ng palaro ko rito sa mansion." walang ganang salita ko at tinalikuran ko na sila papasok sa loob ng mansion.

Habang naglalakad ako napansin ko at naramdaman na wala ang presensya 'nung babae. Nasaan ang babae na 'yon? Mabilis na nakarating ako sa kitchen malinis na siya, nakarating na rin ako ng kuwarto kung saan ko siya dinala wala rin siya doon.

Tanging plastic ang nakita ko sa ibabaw ng kama na pinaglagyan nang kanyang mga damit, mabilis na lumabas ako ng kuwarto diretso sa labas ng mansion. Napalingon naman sa akin ang dalawa paglabas ko ng gate at ilang minuto lang at nakarating ako agad sa kagubatan dahil naamoy ko pa ang shower cream na ginamit ni Bonita.

Huminto ako saglit sa gitna at pinikit ko ang aking mga mata nakita ko ang mga pangyayari. Dumilat ang mata ko kasabay ng pagpula nito at paglabas ng dalawang pangil ko, maliksi na nilundag ko ang matataas na puno. Hanggang sa makarating ako sa pakay ko, si Timothy at Andrei ang kumuha 'kay Bonita ang tagapangalaga ng propesiya.

Paglapag ng paa ko sa labas mismo ng bahay nila naramdaman ko agad ang paglabasan ni Timothy at Andrei sa kanilang bahay at mataman na pinagmamasdan ako.

"Anong kailangan ng isang immortal dito sa aming tambayan?" kaswal na tanong sa akin ni Timothy.

"Kailangan ko pa ba sagutin 'yan?" Seryoso na sagot ko at humakbang ako palapit sa kanila.

"Hanggang diyan ka lang!" sigaw ni Andrie sa akin at ginamitan niya ako ng kakayahan niya ng pagkontrol sa mga bagay-bagay o tao.

Nginisihan ko naman siya at kinumpas ko lang kamay ko tumalsik siya sa di-kalayuan.

"Alam mo naman na hindi ako tatablan ng ganyang kakayahan mo." salita ko pa habang pinagmamasdan ko ang galit na galit na itsura ni Andrei.

"Rius, hindi mo kailangan manggulo rito. Kung si Bonita ang pakay mo hindi ko siya maaaring ibigay sa'yo." seryosong wika naman ni Timothy.

Tumawa naman ako ng pagak sa kanya bago magsalita. "Wala kayong mga kuwentang taga-pangalaga at isa na ako doon sa mga hindi niyo nagampanan noon. Kaya sa ayaw at gusto niyo kukunin ko si Bonita!" malakas na bigkas ko at sa isang iglap nakalapit ako 'kay Timothy at malakas na sinuntok ko siya.

'T-tumigil na kayo! Aalis na lang ako at lalayo ako sa inyo. Hindi ko pa nga maintindihan kung ano ang pinag-sasabi niyo tungkol sa akin."

Natigilan naman ako nang makita at marinig ko ang boses ni Bonita, seryosong nakatingin siya sa akin at hindi ko alam pero hindi ko gaano mabasa ang kanyang saloobin.

"Sasama ka sa akin." mariin na wika ko at mabilis na lumapit sa kanya at hinapit ko ang beywang niya.

"Hindi mo siya maaring isama sa'yo, Rius!" malakas na salita ni Timothy.

Sumugod ito sa akin pero ginamitan ko siya agad ng mind controler, kusang huminto ang katawan nila pareho ni Andrei.

Hinawakan ko naman ng mahigpit si Bonita sa beywang na ngayon 'ay tulala habang nakatingin sa akin.

"Ipaliwanag mo sa akin, ano'ng mayroon sa katauhan ko?"

Napatingin naman ako sa kanya habang lumulukso sa mga puno at tumatakbo ng mabilis.

"Doon ko na ipapaliwanag sa'yo, sa ngayon ipikit mo muna ang mga mata mo." sagot ko lang at nakita ko naman na sinunod niya ako.

Pagkarating sa mansion marahan na nilapag ko siya sa higaan ng hindi nagigising. Lumabas na ako at pinuntahan si Duken.

"Sana hinayaan mo na siyang na sa poder nila Timothy."

Salubong na salita agad sa akin ni Duken dito sa loob ng opisina ko. Sinulyapan ko naman siya at naupo sa sopa paharap 'kay Duken.

"Mas mainam na nandirito siya," sagot ko lang at dumukot ako sa bulsa ko ng sigarilyo at sinindihan ito.

"Kaya mo ba, mapigilan na walang mangyayari sa inyong sa dalawa?" seryoso na tanong nito sa akin.

Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Napakabata niya para sa akin at isa pa hindi ang tipo niya ang type ko sa babae." kaswal na sagot ko at nagbuga ako ng usok.

"Si Bonita ang sentro ng propesiya at oras na may magsanib ang katawan niyo... May magigising na isang halimaw, at hindi pa malinaw kung sino sa inyong dalawa."

Natuon ang mata ko sa seryosong mata ni Duken sa kanyang sinabi. Napaisip ako ng malalim dahil sa nalaman ko.

"Hindi mangyayari 'yon at walang puwedeng gumalaw 'kay, Bonita." sagot ko at tumayo na ako sabay labas ng pinto.

Binalikan ko ang labanan sa dito sa underground ng mansion ko. Wala naman nakapansin na umalis ako sa puwesto kanina dahil pinahinto ko ang oras.

Sa pagbalik ko napangiti ako ng makita ko si Ahraw na nandirito na at nakatingin sa sugatan na si Jessy.. Napansin ko na may bitbit siyang samurai na nakabalot ng itim.

Nabasa ko sa isip ni Ahraw na alam niya na hindi ako ordinaryong tao, kaya alam ko na ang balak niya. Matapos niyang ibigay ang sandata 'kay Jessy naupo siya tabi ko.

"Mr. Valdez, hindi ata tama na magbigay si Mr. Smith ng sandata."

Lumingon naman ako sa likuran ko dahil sa sinabi ni Mr. Lao, ngumisi ako sa kanya.

"Mr. Lao, walang problema pagdating sa ganyan. Dahil hindi ko ito pinagbabawal, ang ayoko rito 'ay yung mandaraya." makahulugan na sagot ko, nakita ko naman ang pagbalatay ng gulat sa kulubot na mukha nito.

"Ano'ng ibig mo sabihin, Mr. Valdez?" Tanong naman ni Ahraw sa akin.

Hindi ko naman siya sinagot, binaling ko muli ang atensyon ko sa laban. Si Mr. Lao palihim na pinalitan ang samurai ni Jessy, dahil baliktad ang talim nito. Alam nila hindi kayang gamitin ito ng fighter ni Ahraw, pero humanga ako dahil kahit ganun ang sandata ni Jessy nagawa niyang tumagal sa laban. Lalo na at hindi tao ang kalaban niya.

Alam ko na napansin na ni Jessy ang kalaban niya dahil sa pag-atake niya 'kay Devilyn kusa itong naghilom.

"Paano niyong nagawang makisama sa mga tao na hindi kayo nakikilala sa totoong pagkatao?"

Napalingon naman ako 'kay Ahraw sa kanyang tanong. Habang ang kanyang mata nakatingin sa dalawang naglalaban.

"Simply lang, magaling kaming magtago." sagot ko lang sa kanya.

Hindi naman siya umimik pa at hinayaan ko na lang. Mayamaya'y nilapitan ako ng isa sa mga tao ko at may binulong. Napatayo naman ako at nagpaalam sa kanila na may kakausapin lang muna ako.

Pagdating ko sa opisina ko nakita ko si Serio na prenteng nakaupo at busy sa hawak nitong cellphone. Siya ang announcer dito sa laro.

"Boss! Si, Bonita pala tumakas na naman."

Bigkas agad nito pagkakita sa akin. Napakuyom naman ako sa kamao ko dahil sa pasaway na babae na 'yon. Sa iba ko na lang siya pinahanap dahil hindi ako puwede umalis rito dahil matatapos ang laban.

----------

#WEEK5COMPLAINT

-Para humaba lang siningit ko kay Ahraw at Jessy. Hahaha! Dalawang chap sana kaso hindi talaga na kaya, sabog pa utak ko. 😂😂😂