7 CHAPTER 5

AN: Naglalaman ng hindi kaaya-aya, kaya. 😂 walang basagan ng trip ni Bonita, trabaho lang walang perosanalan. 😆😏

________________________________________________

BONITA P.O.V

Nagpanggap ako na tulog ako upang magawa ko ang plano ko na pag-alis sa lugar na ito. Kahit noong una na dinala ako ni Rius dito at pinakausap 'kay Serio, alam ko 'yon at nakita ko kung paano nagbago ang kulay ng mga mata ni Serio na naging pula.

Lahat ng mga nakita ko alam ko 'yun at hindi ko nakakalimutan, ang totoo niyan namamangha ako sa mga nalalaman ko lalo na sa sinasabi nila na propesiya. Kaya aalis ako upang hanapin ang sarili ko at ayokong makulong sa kanilang lahat at isa pa alam ko na bampira silang lahat, pero hindi ako natakot at 'yun ang hindi ko alam.

Hindi ko na malaman kung saan at kung paano ako nakalabas ng kakahuyan. Nakarating na lang ako sa gitna ng kalsada, nag-aabang ako ng sasakyan na puwede ako'ng makisakay dahil wala naman akong pera.

Hanggang sa may matawan ako sa 'di kalayuan na isang kotseng itim na paparating. Walang pag-iisip at pag-aalinlangan na pinara ko ito at lumakad ako sa may gitna ng kalsada.

"Miss, may problema ba?"

Napaawang naman ang bibig ko dahil sa paghinto ng kotse at sumungaw sa ang ulo nang lalaki sa may labas ng bintana.

"A-aa, pu-pwede ba makisakay?" Kinakabahan na sagot ko at napakamot ako sa batok ko.

"Oo naman, papunta ako ng Maynila ngayon." nakangiting sagot nito.

Napangiti rin naman ako dahil sa nakakahawang ngiti niya lalo na ang mata nito kahit may suot itong salamin. Pero bigla ako'ng napaisip dahil sa sinabi niya na papunta siya ng Maynila. Ibig sabihin na sa isang probensiya na pala ako dinala ng mga bampira na 'yon.

"Hey, are you alright?" untag nito sa akin.

Napukaw naman ako sa malalim na pag-iisip dahil pakiramdam ko lumamig ang paligid.

"O-oo, ayos lang ako. Pasensya na," sagot ko at napayuko.

"Halika na pumasok ka na dito, delikado sa isang katulad mo ang nandito dahil madilim na." muling salita nito kalakip ang pag-aalala sa boses niya.

Oo nga pala may kadiliman dahil kanina 'nung umalis ako maliwanag pa, lumkad na ako palapit sa kotse nang maramdaman ko na parang may nakamasid sa amin. Lumingon pa ako sa paligid bago tuluyan na sumakay sa loob ng kotse.

"Saan ba kita ihahatid?" Tanong nito sa akin habang may kinalikot sa ilalim nang kanyang paa.

"Ha? Ah... Kasi ang totoo niyan wala talagang ako'ng uuwian. Pero maihatid mo lang ako doon bahala na ako, maghahanap ako ng mapapasukan na trabaho." sagot ko habang na sa labas ng binta ang atensyon ko.

Pero napalingon ako sa kasama ko dahil hindi siya sumagot, napansin ko na lang na nakatingin pala siya sa akin. Pero agad rin niyang binawi ito at tumikhim nang mahina.

"Mayroon ako'ng puwedeng ibigay sa'yo na trabaho." seryosong salita niya at saglit na nilingon ako habang nagda-drive.

Natigilan naman ako at biglang napalawak ang ngiti ko sa kanya dahil sa mukhang ang swerte ko ngayon.

"Te-teka, totoo? Sige kahit ano pa 'yan basta stay-in at libre ang pagkain." nagagalak na sambit ko agad.

"Dancer," maikling sagot niya.

Napaisip naman ako at biglang natawa. "Sus! Dancer lang pala eh, marunong ako'ng sumayaw." natatawang wika ko sa kanya.

"Dancer sa club ko." muling sagot niya sa akin.

Ang sosyal naman sa club? Siguro mga mayayaman ang naroon.

"Sige-sige, sasayaw lang naman pala. Kaya ko 'yon at patutunayan ko sa'yo at isa pa dahil mabait ka sa akin." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ok, mabuti naman." sagot lang nito at muling binalik ang atensyon sa kalsada.

Mga dalawang oras rin siguro kami sa biyahe nang huminto ang kotse nito sa isang lugar na halos puro salamin na itim ang labas. May tatlong guard akong nakita sa labas nang glass door na itim rin at nakalagay entrance.

Black Dragon Club

Mahinang sambit ko sa isipan ko ng mabasa ko sa itaas na iniilawan nang mga maliit na spot light.

"Come on, let's get inside."

Napapitlag naman ako sa biglang paghawak nito sa siko ko pero binalewala ko na lamang muna ito. Dahil tinulungan niya ako. Teka hindi ko pa alam kung ano ang name niya ah.

"Sandali ano pala name mo? Ako si  Bianca pero mas sanay silang tawagin ako sa Bonita." masayang turan ko sa kanya habang nakasunod sa kanya sa pagpasok sa loob.

"Dexter." kaswal na sagot nito at ngitian ako nang pagkatamis-tamis.

Kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang, pagpasok namin sa loob lahat nang makakita sa kanya binabati nang. 'Boss' siya siguro ang may-ari nito ang yaman pala niya.

Pansin ko ang mga babasagin na mga lamesa sa gitna at sa bawat sulok dito, iba't iba ang mga korte nito. May mga naka-elevate sa itaas na puwede mo rin pag-puwestuhan. At napansin ko na halos ang kulay dito sa loob ay itim at pula pero maganda naman dahil ang sosyal lang tingnan. May mga magagandang babae rin akong nakikita na palakad-lakad at may mga kung ano'ng bit-bit sila.

"Roger, bigyan mo ako ng isang malamyos na musika titingnan ko kung paano sumayaw si Bonita."

Napalingon naman ako sa may gilid ng stage dahil sa tinawag ni Dexter na Roger. Katulad sa mga nakikita ko sa cover nang cd na binibili namin noon sa probinsya, tawag sa kanila 'ay Dj.

"Sige na, Bonita. Maaari ka ng umakyat sa stage." wika sa akin ni Dexter.

Alanganin na tumango ako sa kanya at dahang-dahan na lumakad sa malapad na stage, umakyat ako doon at lumakad sa pinaka-gitna. Pansin ko na umupo si Dexter sa isang bakante na upuan na nakatapat sa akin. May lalaking lumapit sa kanya at nilapagan siya ng alak sa lamesa.

Sandali, kinakabahan ko shemay! Hinga muna malalim Bonita. Langya! Lagi naman ako'ng nagsasayaw sa may baryo namin pero bakit ganun? Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig nito.

"Bonita! Ano pang hinihintay mo? Kanina pa tumutugtog ang kanta, ayos ka lang ba?"

Napasinghap naman ako dahil sa baritonong boses na 'yon ni Dexter, saglit na nawala pala ako sa reyalidad ko. Kiming ngiti ang pinakawalan ko dahil hindi ko magawang magsalita.

"Aa... Puwede ba ako mag-request ng song? Di ko kasi alam sayawin 'yan eh." kamot ulong salita ko.

Natawa naman si Dexter sa akin hindi ko alam kung bakit. Namataan ko ang mga babae na mga nakatingin sa akin at nakaramdam ako ng takot dahil klase ng tingin nila sa akin.

"Sige, Bonita. Sabihin mo lang 'kay Roger kung ano ang gusto mo. Pero siguraduhin mo lang na mapapabilib mo ako." seryosong sagot ni Dexter.

Tumango naman ako at nilingon ko si Roger na sinasabi niya, lumapit ako doon at sinabi ko kung ano ang ipapatugtog niya. Pero bago 'yun bumaba mo na ako ng stage at malalaki ang hakbang na lumapit ako sa lamesa ni Dexter, kinuha ko ang baso na may lamang alak at mabilis ko itong tinungga.

Naiwan na napapailing na lang si Dexter matapos ko saidin ang laman ng baso. Shete! Ang tapang ng alak, para akong masusuka. Naramdaman ko kasi agad ang paglaganap ng epekto nito sa buong katawan ko.

Pumikit ako at inisip na ako lang ang nandito ngayon habang unti-unting papasok ang kantang....

Let's take our time tonight, girl

Above us all the stars are watchin'

There's no place I'd rather be in this world

Pagpasok nang kanta kasabay ng paggalaw ng malambot kong katawan. Ang buhok ko na halos umabot na sa beywang 'ay sumusunod sa galaw ko.

Your eyes are where I'm lost in

Underneath the chandelier

Tumalikod ako habang nakataas ang dalawang kamay ko at sabay sa paggiling ng balakang ko.

We're dancin' all alone

There's no reason to hide

What we're feelin' inside

Right now

Yumuko ako ng dahan-dahan, sabay angat ng ulo ko at paghampas ng buhok ko pabalik sa likuran ko. Ang mga mata ko na parang nang-aakit  tumingin. Napansin ko ang seryosong mata ni Dexter sa akin habang tutok na tutok sa pagsasayaw ko.

Dahan-dahan akong naglakad habang kumekembot ang balakang ko sa magkabilaan na gilid.

So baby let's just turn down the lights

And close the door

Umikot-ikot ako gayun rin ang ulo ko sabay higa ng mabagal, ang ulo ko na nakaharap kay Dexter. Tinaas ko ang dalawang paa ko at salit-salit na taas baba.

Ooh I love that dress

But you won't need it anymore

No you won't need it no more

Let's just kiss 'til we're naked, baby

Umangat muli ang katawan ko habang hinimas ko ang buong parte ng katawan ko sa mapang-akit na sayaw, parang sawa ang bawat galaw ko. Pero bigla ako'ng nawala sa focus sa pagsasayaw dahil sa na sa harapan ko ngayon si Dexter.

Ang mga mata niya na titig na titig sa akin at halos hindi naman kumukurap ang mga mata ko, nang dahan-dahan na bumaba ang labi niya sa nakaawang na labi ko.

-------------

--Hohoooray! Hahaha. Charot! Charot lang yan. 😂😂

avataravatar
Next chapter