webnovel

Love, The Self, & The Nation: An anthology

A collection of self-written poems in Filipino (Volume I), English (Volume II), and a little bit of French (Volume III) Sharing the world through poetry. Art should cultivate love, the self, and the society. I also post these on IG @Je_personify

mjtpadilla · History
Not enough ratings
92 Chs

Ika'y hinihintay

Sa paglubog ng araw ating natagpuan

Ang mga sarili habang naglalakbay

Sa gilid ng baybayin kung saan tinataglay

Ang mga pusong 'di makapagsabi ng tunay

na nararamdaman,

ng tunay na nilalaman;

Marahang mga tuksuhan,

Tagong sulyap at ngitian,

Pakikiramdaman;

'Di wari kung saan matatangay

Ang mga puso nating nagmamahal

at naghihintay.