XEÑA🎯
"Sis!"
Agad akong napalingon kay Ate. "Ha?"
"Anong ha? Wala ka bang balak bumaba diyan? Nasa school na tayo," saway niya sa akin.
Ah, right! Natulala na naman ako dahil sa iniisip ko pa rin ang tagong kuwartong natuklasan ko kahapon...ang mga bagay na naroroon. Napailing na lamang ako at bumaba na rin sa kotse.
"What are you thinking, Sis? Kahapon ko pa napapansin yang kakaibang kilos mo," puna sa akin ni Ate habang naglalakad sa pathway.
"It's just nothing, Ate. No need to be worried," I said and gave her a smile.
She sighed as she then clinged her arms on my shoulder. "Sis, honestly, natatakot ako sa mga pinagsasabi mo kahapon kay Dad." Napatingin ako sa kanya. "I'm afraid of how you talked as you brought up that death thing easily. Xen, don't be like that, please. Kahit sabihin mong di dapat ako mabahala, mas lalo lang na di mapapanatag ang loob ko kung mananatili kang tahimik."
I slightly chuckled so that I could ease the seriousness, pretending that everything's alright. "Ate naman, wala lang yun, ok?"
"Don't make me stupid, Xen." Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at napatigil sa paglalakad para harapin ako na siyang ikinatigil ko rin. Mas lalo pang naging seryoso ang mukha niya. "I know that your words yesterday, you're already giving a hint of what's happening to you." Dahil sa sinabi niyang iyon, sinuklian ko na rin ang seryoso niyang tingin. "Xen please, tell me frankly." She breathed heavily. "Is there...a threat in your life again?"
I did not changed my serious expression to avoid giving her a hint again. "Just please, tell me the truth. I'm totally bothered, I'm afraid na...na mauulit na naman yung dati."
I smiled.
Well, it's not repeating, Ate. It's continuing...since it did not ended yet.
Nakangiti kong pinitik ang noo niya na agad niyang ikinangiwi. Natawa ako. "Stop being hysterical, Ate. Walang threat, walang mauulit."
It's totally a lie.
But I want her to believe that nang sa ganon hindi na siya madamay pa.
"Zyrille!" Tawag sa kanya ng isang babae na papalapit na sa amin.
Ginamit ko na agad ang chance na yun para makapagpaalam na sa kanya at nang sa ganon hindi na siyang sumubok pang pilitin akong sabihin ang totoo. "Ate, una na ko. See you around!" Pinisil ko pa ang right cheek niya bilang bonus tsaka tumakbo na papuntang building namin. Well, hiwalay ang building ng JHS sa SHS.
Nang makarating sa second floor, napadako agad ang tingin ko sa aisle kung nasaan nakatayo ang mga locker. Lumapit ako doon at hinanap ang locker na para sa section namin. Nang mahanap ay hindi naman ako nahirapang hanapin ang pangalan ko since na napansin ko agad na naka-alphabetical ito kaya agad akong umupo para tingnan ang ibabang bahagi at nakita ko nga ang pangalan ko sa may gitnang bahagi.
Napatingin ako sa ID ko kung saan nakasabit ang susi ng locker na siyang ibinigay nila sa akin noong last week pa. Napabuntong-hininga ako.
Sa katunayan, wala talaga akong balak na lapitan ito o lagyan ng gamit man lang dahil nga sa pinapaalala lang nito sa akin ang nangyari noon pero nang dahil sa nagsisimula na naman silang magparamdam, kailangan kong mai-check ito. Kailangan kong maging aware sa paligid ko, kailangan kong maging handa, kailangan kong maging matapang.
Inalis ko ang susi sa pagkakasabit nito sa may ID ko at ini-insert sa susian pagkatapos ay binuksan na ito.
Napasinghap ako nang tumambad sa mata ko ang pamilyar na pulang papel.
After 4 years, I am receiving it again. I will be receiving more of it again. But this time, I won't ignore it just like what I did before.
Now that I already knew its meaning.
Binuklat ko iyon at binasa sa isipan ang laman.
Four years was enough
My silence had now stopped.
Oh, beautiful Lady with precious blood
Did you miss me, am I right?
Well, congrats! You did survive,
But that's not the happy ending I've been wishing all the time.
I hope you're now ready to deal with me,
Or maybe it's death you've been preparing to see.
Napakagat-labi na lamang ako at napapikit para pakalmahin ang sarili kong nanginginig. Pero agad akong nagulantang at mabilis na napatayo nang may kamay na humablot sa papel na hawak ko.
"What--"
"Let me read," madiin niyang sambit. Hindi ko na inalintana kung gaano kami kalapit sa isa't isa.
"No!" Sigaw ko at akma sanang kukunin ito pero itinaas niya ang kanyang braso dahilan para hindi ko iyon maabot since na may katangkaran siya tapos ang haba pa ng braso.
"Faulker, akin na!" Lumundag-lundag pa ako para abutin iyon pero nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko gamit ang isa pang kamay at hinatak ako padikit sa kanya dahilan para masubsob ako sa dibdib nito. Now, that one arm of his is already within my shoulders and enveloping me tightly.
"Faul--"
"Stay there." He said seriously. Argh, kung may dadaan man at may makakita sa amin, paniguradong sisigaw sila ng 'PDA!' o 'SANA ALL!'
And one more thing...
Why does my heart beat so fast?
"Poetic threat, huh?" He commented after a moment of silence. Kung hindi pa siya nagsalita, baka tuluyan ko ng nakalimutan na nakatanggap pala ako ng death threat.
Hindi ko man nakikita ang mukha niya, alam kong nakangisi ito ng nakakaloko. "The sender is fucking crazy."
I closed again my eyes as I gripped the side of his coat. "Yeah. He's too crazy for my death." I said between my hard breath.
Niluwagan niya ng bahagya ang pagkakapulupot ng braso niya sa akin kaya napamulat ako. Hinawakan niya ang baba ko gamit ang kamay na siyang humahawak sa pulang papel at inangat iyon para tingnan ang mga mata ko. "You won't die."
My lips parted.
Why does his words feel so surreal?
At naalala ko na naman ang sinabi niya noong isang gabi maging ang naging text niya kahapon.
Napailing ako at napaatras kaya tuluyan na niyang ibinaba ang mga kamay niya.
"Don't save me if you're just going to sacrifice yourself in the end."
I maybe afraid of this threat that I've been receiving right now pero mas natatakot ako sa ideyang may ibang tao na malalagay sa alanganin nang dahil sa akin.
Katulad noon...
Tumalikod na ako at muling umupo para saraduhan ang locker ko. Nanatili pa rin siyang nakatayo sa likuran ko.
"Too late." He said, almost whispering but I had still able to hear it. And before I could give him a confused look, he already walked away.
--
"Class dismiss."
Napabuntong hininga na lamang ako at niligpit na ang mga gamit. Buong umaga yatang lutang ang utak ko.
Nang matapos ay tumayo na ako at isinukbit ang bag sa balikat ko. Napatingin ako kay Ace na kakatayo lang din at inilabas agad ang cellphone mula sa bulsa nito.
May tumatawag.
"What?" Seryosong sagot niya at pinakinggan ang sinasabi sa kabilang linya. Napatingin din ang apat kay Ace.
Napataas ang kilay ko nang tumingin ito sa akin. "Alright." At pinatay na ang tawag.
"Anong ganap, Bro?" Tanong ni Vendrick.
"I'll just go to the principal's office." Sagot niya.
"So, di ka sasabay sa amin mag-lunch?" Tanong ni Darryl.
"Susunod ako," sagot niya pagkatapos ay muling tumingin sa akin.
"Make sure this girl will eat well," Bilin niya at dali-dali nang lumabas ng kuwarto. Napaawang na lamang ang labi ko.
"Tara na nga sa cafeteria at nang mapakain ng husto itong si Xeng," saad ni Fredrich, halatang nang-aasar.
"Yeah. Let's make her look like a pig." At walang kung anu-ano'y sinipa ko ang upuan ni Ace papunta sa direksiyon ni Kaizzer na kakatalikod lang pero mukhang naalarma agad ang mokong kaya napaharap muli ito at nagawang ipatong ang kanang paa sa silya para pigilan ito.
"Nice try, badass. Pero ayoko pang mapilay nang hindi pa nakalalaro this year," saad niya sa nakakabwisit na paraan.
"Argh! You fucking asshole," frustrated kong tugon at papadyak na umalis na ng kuwarto. At patawa-tawa silang sumunod sa likuran ko.
"Dakilang bully ka talaga, Ren. Pati girlfriend ni Alas, di mo pinapalampas," tukso sa kanya ni Vendrick na tuloy pa rin sa pagtawa.
"Sumbong mo mamaya Xeng nang tuluyang mabalian," hirit naman ni Darryl.
"Baka mabaril kamo. Gawing target mamaya," komento ni Fredrich. Napatigil ako sa paglalakad at bumaling sa kanila na nakakunot-noo.
Naabutan ko pang binabatukan ni Kaizzer si Fredrich. Napatigil naman sila sa kakatawa at asaran.
"Why would that Faulker shoot you? Marunong bang humawak ng baril yun?" Pagtataka ko. At mas lalo pa akong nagtaka nang nagtinginan sila at napahagalpak ng tawa.
"What?"
"Sports niya yun Xeng kaya malamang," si Vendrick na ang nag-abalang sumagot.
Napaawang ang labi ko saglit at napalitan ng ngisi nang may maisip. "Oh well," pagsang-ayon ko at bumalik na sa paglalakad pero nasa maayos ng paraan.
Maya-maya'y may umakbay sa akin. "Interested Xeng?" Si Darryl.
At may isa pang umakbay sa kabila which is si Vendrick. "Magpapaturo ka?"
Napataas ako ng kilay sa inaasta ng dalawang ito. "Why do you sound so favored with that idea?"
Pareho lang silang nagkibit-balikat. I sighed. "I'll think more about that." Nasabi ko na lang.
Mukhang kailangan ko yatang matuto nun.
Pumasok ako ng cafeteria na nakikipag-asaran sa apat na lalaking kasama ko. Nauna kaming
pumasok nina Vendrick at Darryl na patuloy pa ring naka-akbay sa balikat ko habang´ nasalikuran naman namin si sina Fredrich at Kaizzer na naka-akbay rin sa isa't isa. Kaya naman,kuhang-kuha namin ang atensiyon ng mga estudyanteng nasa loob.
"Inggit ang girls sa'yo, Xeng. Pinaliligiran ka kasi ng mga lalaking pinaglalawayan nila," saad ni Vendrick habang bumubulong sa tenga ko. Siniko ko nga at ang baliw mas tumawa pa.
"Alisin niyo na nga yang mga braso niyo. Ang bibigat kaya," reklamo ko.
"Mabigat ba o dahil sa nag-iisip na silang naglalandian tayo?" Mapang-asar na tanong naman sa akin ni Darryl na ikinairap ko.
Mukhang yun nga yata ang pinahihiwatig ng mga pamatay na tingin sa akin ng mga babae dito maging ang pasimple nilang bulungan.
"Remove or I'll break it." Dali-dali naman nilang inalis ang mga braso nila sa balikat ko.
Umupo kami sa mismong table na inokupa namin noon ni Ace nung first day ko rito.
At sa pagpuwesto namin, maya-maya'y may lumapit agad na babaeng mukhang nagtatrabaho dito sa canteen.
"May I have your orders, Sir, Ma'am?"
Sinabi nga namin ang kanya-kanya naming order at umalis din ito.
"Special?"
"Ganyan talaga basta gwapo kasama mo, Xeng," confident na sagot ni Fredrich. Napailing na lamang ako.
"Ba't kaya siya napasama sa ScarPrim, para may mapaglaruan?"
"Mukhang ganun nga. Not just by one but rather by all."
"I don't know if she's aware or sadyang ginusto rin niya."
"Poor girl, sa Sugar Daddy niya na lang kasi siya."
Napakunot-noo ako sa mga narinig ko sa mga grupo ng kababaihang nasa bandang likuran ko. What are they talking about? Napatingin din ako sa iba pang table at napapansin ko ang mga pasulyap nila sa gawi ko.
Ba't parang may kutob akong may mali?
"Wow Xeng. Naka-receive ka pala ng love letter," natatawang sambit sa akin ni Fredrich.
"What?"
"Seriously, coming from a sugar daddy? So nice," komento naman ni Kaizzer na napapailing habang nakatingin sa cellphone niya. Inagaw ko ang cellphone niya at bigla na lamang uminit ang ulo ko sa nabasa ko.
'So sweet! Xeña Fuentella has a love letter coming from a Sugar Daddy. Is it time for her to let go our Ace, then? I'm sure, the lover behind that letter is deeply inlove with her. So girl, back off with our Ace and choose that old admirer of yours. Choose love over game.'
Yun ang caption sa isang photo na in-upload sa parang page ng school. It's a photo of a letter which I had received a while ago.
Fuckshit that person who is behind of this! She doesn't know every single thing! Ginagawa nilang katatawanan ang bagay na siyang seryosong kinakaharap ko sa ngayon. Bullshit! Kamatayan ko ang nakasaad sa letter hindi kalandian!
Tatayo na sana ako para sumigaw at alamin kung sino ang nasa likod nito pero hinawakan ako sa balikat ni Darryl.
"Xeng, kalma muna. Ace is here, already confronting a girl over there." Napatingin ako sa direksiyon na itinuro at tinitingnan nila Darryl.
At napakuyom na lang ako ng kamay ko nang mapasadahan ko ng tingin ang babaeng nilapitan ni Ace.
How could an innocent and shy type of girl be the person behind of this shit?!