XEÑA🎯
"I'm ok, now. Thanks to you."
I replied to him and I couldn't afford but to smile while looking on the screen of my cellphone. Pagkatapos ay inilapag ko ito sa side table bago bumaba ng kama at pumuntang CR para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto.
Pagkababa ng hagdan at nang mapadako ang tingin ko sa dining table ay agad akong natigilan. I thought they will be gone for two weeks?
"Nak, Gwayne," nakangiting sambit ni Mom nang mapatingin siya sa dako ko. "Good morning. Upo ka na at kakain na tayo," anyaya niya sa akin.
"Surprised ka din, Sis? Ako nga rin," saad ni Ate na nakatingin din pala sa akin at bahagya pang natawa. "Anyway, good morning."
Napatingin ako kay Dad nang marinig ko ang pagtikhim niya. "Morning," tipid na bati niya.
Kasalukuyan na silang tatlo na nakaupo sa kani-kanilang silya. Napailing na lang ako bago lumakad papalapit sa kanila para umupo na rin. "Morning," sambit ko na lamang at umayos ng upo sa silya kung saan katabi ko si Ate. Nasa kabilang side si Mom at magkatapat sila ni Ate samantalang si Dad ay nakaupo sa sentro.
Agad kong inabot ang pitsel para lagyan ng tubig ang baso ko at ininom iyon. Nagsisimula na rin silang kumuha ng pagkain nila.
"Here." Inabot sa akin ni Ate ang kanin.
"Thanks, ate."
Nang banggitin ko iyon ay napansin ko ang pag-angat ng tingin sa amin ni Mom maging si Dad ay natigilan rin.
"What, Mom?" Tanong ni Ate kay Mom nang nakangiti.
"Are you...now good with each other?" Tanong niya habang papalit-palit ng tingin sa amin ni Ate. Hindi ko na iyon pinansin at nagsimula na lang akong kumain.
"Oh yes, Mom. Actually, kakabati lang namin kahapon," masiglang pagkukuwento niya.
Napansin ko naman ang pagtango ni Mom maging ang pagsilay ng ngiti nito. "Such a great news, then. I'm happy to know that, my girls."
"Thanks, Mom." Sagot sa kanya ni Ate. "And one more thing, Mom, Dad. Xeña also joined the archery team. So better look forward for those days that she will be in competitions," pagbabalita niya.
I almost rolled my eyes. "As if," I commented in whisper. As if they will be there in those competitions, as if they would support me.
"Really? That's nice for you, Gwayne," my mother blurted out. I just gave her a small smile.
"Sana ganyan ka rin ka-interesadong ayusin ang pag-aaral at ugali mo." And instantly, the atmosphere changed.
I thought he would remained silent as he would let me slightly enjoyed the moment but...oh well, why would I thought for that? It's basically to be expected.
I stared at him and smiled, a fake one. "Don't hope for that, Dad. I'll basically disappoint you."
Umalingawngaw ang tunog ng kutsara't tinidor na marahas niyang ibinaba. Nakatuon ang tingin ko sa plato ko pero ramdam ko ang matalim na titig niya sa akin. He's totally pissed.
"Hon," pagpipigil sa kanya ni Mom kaya naman napapikit siya at napabuntong hininga pero sumilay naman sa mukha niya ang mapang-asar niyang ngiti sa akin. At hindi na ako magtataka kung ang susunod niyang sabihin ay ang makakapag-alis ng pagtitimpi ko.
"You want to be a disappointment? Eh ba't ka pa nag-aksaya ng oras sa pag-aarchery? Dapat nakipagbasagan ka na lang ng ulo sa mga estudyante roon. Sports naman yun pagdating sa'yo."
"Dad!" Pagsaway ni ate.
Ako naman ang napababa ng marahas sa kutsara't tinidor ko. I stared at him blankly.
"Eh sino bang nagsabing para sa inyo ang paglalaro ko ng archery? Don't worry, Dad. Dalawa naman talaga ang sports na sinalihan ko. Una, yung archery na sinalihan ko para tuparin ang hiling ng isang taong kinalimutan niyo't hindi man lang binigyan ng hustisya." Sa sinabi kong iyon, napawi agad ang nakakaasar niyang ngiti at tumitig lang sa akin ng may blangkong ekspresyon.
Ako naman ang napangiti ng nakakaasar. "Yung pangalawa't para sa inyo...yung sinabi niyo kanina, sinasalihan ko pa rin yun, Dad. Kaya wag na kayong magtaka kapag balang araw, uuwi ako ditong basag ang mukha o duguan na. Ay, oo nga pala, wala pala kayo dito palagi kaya hintay-hintay na lang kayo ng magbabalita sa inyo. Sana lang di kayo busy nang sa ganon di kayo ma-late sa balita kapag tuluyan na akong nalagutan ng hininga."
"Gwayne!"
"Sis!"
Sabay na sigaw sa akin ni Mom at Ate. Ngumiti lang ako sa kanila.
"I'm full now." I said then stood up. "Besides, kailangan ko pa palang mag-train nang sa ganon maghaba-haba pa ang buhay ko." Total, hindi niyo naman ako kayang protektahan.
Tumalikod na ako at nang makalampas na ako sa kinauupuan ni Dad ay nagpahabol pa siya ng mga salita.
"Papalapit ka na sa gusto mong malaman." He said in a serious tone.
I was stunned with his words for a while, then I smirked.
"Kaya pala papalapit na rin ako kay kamatayan." I said teasingly before I hurriedly went upstairs.
Nang tuluyan na akong makaakyat sa ikalawang palapag ay pinakawalan ko na ang mabibigat na hininga. Napasandal pa ako sa pader bilang suporta para hindi ako mapaluhod.
"Papalapit ka na sa gusto mong malaman."
Napakuyom ako ng kamay. He knew something--ah, no.
I conclude he's involved with this. My dad could be the reason why I'm suffering all these shits.
Nang makabawi ay pumasok na ako sa kuwarto ko para magbihis ng sando at leggings. Nagsuot rin ako ng rubber shoes at itinali ng ponytail ang buhok ko. Kumuha rin ako ng maliit na tuwalya at lumabas muli para umakyat sa ikatlong palapag ng bahay kung nasaan ang sarili naming gym.
Sa katunayan, pupunta dapat ako ngayon sa isang training center kung saan may nagtuturo ng fighting skills at martial arts pero dahil sa hindi maganda ang mood ko ngayon ay dito na lang muna ako sa bahay at magseself-training na lang muna.
Nagwarm-up muna ako for five minutes pagkatapos ay lumapit na sa punching bag at binuhos ko agad ang lakas ko sa pagsusuntok nito. Nang magsawa ay hinubad ko ang sapatos ko at nagsimulang magperform ng iba't ibang pagsipa.
Nang mapagod ako ay napasalampak ako sa sahig para sandaling magpahinga. Itinungkod ko ang dalawang kamay ko sa likod bilang suporta at ang dalawang paa ko naman ay nanatiling naka-inat sa harapan. Habang nasa ganoong posisyon ay hindi ko maiwasang mapatingin sa isang painting na katamtaman ang laki at natatanaw ko sa harapan ngayon.
It is a painting of a girl which shows her two sides dahil sa parang nakahati ito. Sa left side, she looks like an evil and the dominant color is black while on the right side, she looks like an angel and the white color dominates on it. The two sides of the girl might look contrast with each other but it cannot deny the fact that she's only one, with one heart. The artist emphasized her heart by putting it on the center. It is colored with bloody red but it looks like shining.
Tumayo na ako at lumapit sa painting para pagmasdan pa yun ng malapitan. Ilang beses na akong pumapasok dito pero ngayon ko lang talaga napagtuunan ng pansin ang painting na ito.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ito nang may pagkamangha lalo na sa bahagi ng pusong nakaguhit.
Pero napakunot-noo ako nang may mapansin akong salitang naka-imprinta doon nang napakaliit na kung hindi mo talaga pagmamasdan ng mabuti ay hindi mo mapapansin.
PRESS ME.
Huh?!
Weird.
Pero dahil sa dakilang curious ako, hinawakan ko ng mabuti ang bahagi ng pusong nakaguhit at parang may nakapa akong pabilog na button na siyang napindot ko rin agad.
Agad akong napatingin sa kanang bahagi at napaawang na lamang ang labi ko nang masilayan ang unti-unting pag-angat ng pader--what?
No. It looks exactly like a wall but heck, it's a door, a secret passage actually!
But, why? What's the purpose of this passage here? What's being hidden here?
Tinapos ko muna ang pag-angat ng pinto bago naisipang pasukin at alamin kung ano ang nasa loob nito. Nang makapasok ay tumambad agad sa akin ang madilim na paligid. Buti na lamang at napansin ko ang switch sa gilid pagkapasok pa lang.
At nang alisin ko ang tingin sa switch para lingunin ang loob ng kuwarto, bigla na lamang akong nakaramdam ng panlalamig sa katawan maging ang puso ko ay ang bilis ng kabog dahil sa mga bagay na tumambad sa paningin ko. "Oh, shit!" Bulalas ko at gulat na gulat akong napaatras.
What the hell?!
THIS ROOM IS FULL OF GUNS AND DEADLY WEAPONS!!!