webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Teen
Not enough ratings
97 Chs

CHAPTER 74 - Scattered Rain

V4. CHAPTER 15 - Scattered Rain

ALDRED'S POV

Hindi ko alam kung nasaan na ako. Dito ako lumaki sa General City pero kahit na ilang taon na ako ay hindi ko pa ito nalilibot kahit kailan. Iyon ang disadvantage kapag taong bahay ka. Kapag na-kidnap ka tapos nakakuha ka ng cellphone at tinawagan mo yung mama mo ay di mo masasabi sa kaniya yung exact na lugar na pinagdalhan sa'yo. Papagalitan ka ng mama mo tapos sasabihan ka niya na hindi ka kasi naglala-labas ng bahay kaya wala kang alam tapos mangangatwiran ka pa na paano mo malalaman e kinulong ka rin naman ng kumidnap sa loob ng bahay.

Pabalik na kami sa classroom nina Carlo at Amanda noong tumawag si Tito Alex. Hindi siya nagsalita ka agad at para bang nag-atubili pa. Naghintay ako hanggang sa mapatigil ako sa paglalakad. What I heard instantly shocked me. Nagtataka akong nilingon ng dalawa at nang tignan ko rin sila ay bigla na lang kumilos ang aking mga paa at binti paalis. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Carlo pero hindi ko siya pinansin katulad ng hindi ko pagpansin sa mga patak ng ulan na sumakop sa aking tuyong katawan. 

My mind fell out of my head at tanging emosyon ko lang ang gumana. Noong hindi ako payagan ng guard na lumabas ay umaakyat ako sa pader kaya wala na siyang nagawa. Oo, for the first time in forever ay umakyat ako ng pader, sumuway ako sa school rules at nag-cutting classes ako.

What can I do? Noong malaman ko na nawawala si Arianne ay napuno ng kaba at pag-aalala ang puso ko. Bakit siya umalis? Paano kung may nangyaring masama sa kaniya? Saan siya pumunta? Dati lahat ng tanong ay may naisasagot ako pero ngayon wala kahit isa. This is one of the characteristics of being in love, right? Ginawa akong bobo at dahil din dito ay nagawa ko yung mga bagay na hindi ko inakalang gagawin ko.

Act stupid and outrageous... 

Iyan ang sinagot ko sa mala-multiple choice question na sitwasyon ko. Sa pandinig palang ay tunog mali na pero pinili ko pa rin.

Maraming guidelines sa mundo na makakapag-define kung tama o mali ang isang bagay. Nandyan din ang moral values para magpaliwanag pero kailan ba mas binibigyang pansin ng tao kung tama o mali ang ginawa niya? Iyon ay kapag hinusgahan sila. Madali para sa mga tao na sabihin kung ano ang tama at mali kapag hindi pa nila nararanasan ang isang bagay. Madali para sa mga tao ang mag-judge kahit na wala naman silang alam kung bakit mo iyon nagawa. Sa panahon ngayon ay napakadaling manghamak. Kapag mahina ka ay madadaig ka at makakalimutan mo ang sarili mo. Ang paraan para mapanatili ang tiwala sa sarili ay lumingon sa unang nagparamdam sa iyo na tama ka.

Sabihin na ng kung sino na hindi maganda ang nagiging epekto sa akin ng pag-ibig ko para kay Arianne ay mas lalo akong makagagawa ng mas malala kapag nawala siya sa akin. 

They can shove to my face what is good and what is not and Arianne will always be my choice because she always makes me feel right.

♦♦♦

Ilang oras na akong naglalakad at mas lumalakas pa ang ulan. Tinanong ko kay Kuya Rupert kung dumaan ba si Arianne sa motorshop. Tumawag ako kay Ate Angge para tanungin niya si Mang Taning kung pumunta ba ng Goto Hell si Arianne. Kasalukuyan akong nasa Central at gustuhin ko mang puntahan yung mga pinuntahan namin ni Arianne bago siya mag-anxiety attack ay hindi ako pinayagang pumasok ng guard sa loob ng mall dahil basang-basa ako at school hours pa.

Naglakad ako hanggang sa mapatungo ako sa crepe shop na tinigilan namin ni Arianne. Muli ay wala nanamang tao rito lalo na't umuulan pa. Lumapit ako at nahuli ko nanaman yung paghikab ng babaeng tindera.

"Crepe kayo 'jan," tamad na tamad niyang sabi pagdating ko.

"May dumaan po ba ditong babae na maganda parang diwata?"

Singkit mata akong nilingon ng tindera. Nilabas ko naman ang aking cellphone para magbigay ng patunay. Ipinakita ko sa kaniya ang larawan ni Arianne.

"Mukhang anghel siya dito pero mukhang diwata po siya sa personal."

Mas lalong nagsingkit ang mata ng babae pero habang tumatagal ang pag-check niya sa larawan ay unti-unti ring lumalaki ang mga mata niya.

"Oh, I remember! Your princess! Hindi ba ikaw yung nandito kagabi? Yung nag-live show dyan," sabi niya sabay palakpak at turo sa eksaktong inupuan namin ni Arianne. Tumango naman ako.

"You're right, your girlfriend really looks like a fairy in person. Wait! Nawawala siya?"

"Hindi ko pa siya girlfriend pero opo, nawawala siya. Dumaan po ba siya dito?"

"Sorry boy, hindi e. Tanda ko yung 25 na customer ko ngayong araw."

"Sige po, salamat," bigo akong umalis.

Involuntary akong napasinghot. Nagsimula na ring mangatog ang mga binti ko dahil sa lamig at pagod. Gustuhin ko mang sumakay pauwi ay barya na lang ang meron ako sa aking coin purse. Naiwan ko kasi yung wallet ko sa bag at kung may pera naman akong dala ay walang magpapasakay sa akin dahil basang-basa ako.

"Arianne," sambit ko. Nilabas ko ang aking cellphone at tinignan ang larawan naming dalawa. Yung selfie namin noong magtanghalian kaming dalawa sa Secret Spot nila.

"Achoo!" Bigla ay nabahing ako kaya natalsikan ng sipon yung screen ng phone ko. Buti na lang talaga ay waterproof ito. Sininghot ko ang sipon na tumulo, pinunasan ang aking ilong at yung screen. Nakaramdam ako ng pag-init ng aking katawan kaya pumikit ako saglit para magpahinga. Ang gaan sa pakiramdam hanggang sa mapamulat ako noong marinig kong tumunog ang aking cellphone.

"Hello, Carl,"

"Hello Aldred, ba't ngayon ka lang sumagot? Kanina pa ako tawag ng tawag."

Nagulat ako, "Huh? Pero..." Tinignan ko ang log ng aking phone at naka 6 missed calls siya. Ibig sabihin nakatulog ako.

"Sorry, sorry. Sorry, Carl bigla na lang akong umalis kanina. Tumawag kasi sa akin yung Papa ni Arianne, sinabing nawawala siya kaya nag-panic ako."

"Yea, I know. Don't worry bro, I understand pero nasaan ka ba? Si Bianca and si Pristine... nandito sila sa school gate hinahanap ka. May lead na sila kung saan huling nakita si Arianne."

"Really? Saan? Para mapuntahan ko ka agad."

"Sa labas daw ng Central Estates,"

NO ONE'S POV

"Amanda, saan ka umuuwi?"

Hindi pa nagbe-bell noong makarating si Amanda at Charles sa kanilang silid. Gusto man nilang sundan si Aldred ay pinigilan sila ng guard na lumabas. Nagulat sila sa naging aksyon ng kanilang kaibigan pero alam nila na hindi naman siya magkakaganoon kung walang malalim na dahilan.

Charles was busy chatting with their classmates while Amanda was just on her seat (beside Aldred's) staring outside. Her mind was in deep thought when suddenly a girl classmate approached her.

"Sa may Central Suites," sagot ni Amanda. Naglapitan bigla ang iba pa niyang babaeng kaklase.

"Wow, mayaman lang mga tumitira doon a!" one girl exclaimed. Ngumiti lang si Amanda.

"Amanda, mabuti na lang fluent ka sa Filipino kahit sa states ka lumaki," sabi ng isang kaklase niya.

"Oo nga, bihira iyon a, though may accent ka pero natural lang 'yon. Ang cute nga e," saad ng isa pa.

Amanda all smiled while listening to their remarks.

"Yes, yung nanny ko kasi tinuruan niya ako. Sabi niya kapag hindi raw dumiretso yung Filipino ko araw-araw akong kakain ng ampalaya," pabirong paliwanag ni Amanda. Kasabay ng pagngiti ng kaniyang labi ay ang pagngiti rin ng kaniyang mata. Lahat tuloy ng nakatingin sa kaniya, lalaki o mapababae were all swept by her beauty.

"Ano, Amanda paano pala kayo nagkakilala ni Aldred?"

Amanda looked at her classmate who asked that question. Nakita niya pa na siniko ito ng katabi. Napangisi si Amanda. Finally, as expected ay tinanong na rin ng isa ang gusto talagang malaman ng lahat. Mapa-states man o kung saan, girls will always be girls sa isip-isip niya. Magpapaligoy-ligoy muna bago dumating sa kanilang tunay na pakay.

"Ah about that, grade school classmates kasi kami sa states."

Marahang tumango ang mga babae.

"Do you like him?" tanong ng isa dahilan para mapalingon sa kaniya ang buong klase. Kahit si Amanda ay napatanga sa nagtanong bago siya napatawa.

"I don't know," malokong sagot ni Amanda dahilan para magkorteng O naman ang bibig ng mga nakikinig.

The girl who asked Amanda put her check hand under her chin. Tumango ito na tila ba may iniisip. Na-amuse naman si Amanda sa kaniyang aksyon.

"Anyway, what is your name?" Amanda asked the girl.

"Me? I'm Helena,"

Makapal na eyeglasses, pulled-back black ponytailed hair, fair complexion, and average height. Helena has an average appearance but Amanda acknowledges the girl's straightforward attitude.

"Pero bagay kayo ni Aldred," saad ng isa.

"Oo nga, bagay na bagay kayong dalawa kaya lang may gusto siyang iba e, si Arianne Mari Fernandez taga St. North Girls' School."

Tumango ang mga nakapalibot kay Amanda.

"Pagdating sa beauty patas lang kayong dalawa pero mas prefer kita," ngumiti ang isang babaeng nagsasalita, "si Arianne kasi sa pagkakaalam ko hindi masyadong nakikihalubilo tapos ang sama pa lagi makatingin," dagdag nito.

"She's beautiful but intimidating. Not approachable unlike you Amanda," dagdag pa ng isa.

"Yeah, Arianne is snob, di siya naga-accept ng friend request," dagdag uli ng isa.

Nakangiti si Amanda pero hindi na ang kaniyang mga mata. Narindi siya sa mga narinig at nagsisumula na siyang mairita. Mabuti na lamang ay umeksena muli si Helena.

"Grabe 'tong mga 'to. Though totoo yung mga sinasabi niyo pero sa tingin ko mahiyain lang talaga siya. Saka huwag nga kayong magsalita basta-basta lalo't hindi niyo naman kilala personally yung tao."

Napangiti si Amanda, "I think Helena is right. Please do not say such things if you don't really know the person. Baka meron kasing dahilan kaya naga-act sila ng ganoon ," pagtatanggol ni Amanda. 

The girls who judge Arianne felt guilty upon the realization but also felt redeemed at the same time because of what they heard. Aside for her good looks, now they also viewed Amanda as a kind and fair person.

"Anyway, sorry Amanda pero mas bet ko yung cool chic vibes ni Arianne kapag nakita mo siya in person kahit ayaw mo sa kaniya hindi ka makakatanggi na maganda siya," sabi ni Helena dahilan para mapahagikgik naman si Amanda. 

The other girls bore her. They are the typical girls who enjoy meddling with other people's affairs but she thinks Helena is different. Amanda really likes her personality.

"You're making me curious. Parang gusto ko tuloy siya makilala."

"She has a FB account, want to see? Kaya lang according to my source Arianne is currently suffering from amnesia," Tinignan ni Helena yung isang kaklase nila, "She can't open her sns accounts kaya di ka niya ina-accept and sa tingin ko kahit ma-open niya di ka parin niya ia-accept kasi di naman kayo close."

"Amnesia?"pagtataka ni Amanda bago lingunin si Charles. Naabutan niya itong nakatingin sa kaniya at tumango.

"Yup, according to my source."

"Why? Naaksidente ba siya?" tanong ni Amanda na inilingan ng mga kausap niya.

"Hindi namin alam yung reason e pero nangyari ata 'yon matapos noong JFEvent..." 

Yung isang babae ang sumagot.

"Oh," reaksyon ni Amanda saka napa-isip. Hindi niya akalaing may ganoong issue pala ang love interest ni Aldred.

"Speaking of Arianne hindi lang pala siya ang makakaagaw mo kay Aldred," saad ng isa na nagpangisi kay Amanda. She is so bored she started to play with her classmates' kind of entertainment.

"Really? Who?" Amanda asked faking her interest. According to her nanny, Pinoys really enjoy love serye's. They like romance so much that they invest a lot of their time talking about it. Love teams, love triangles, etc. Pinoys fave genre is romance especially if it's a mix of real life.

"Yep! Meron pang isang taga-SNGS na may gusto kay Aldred at hindi siya basta-basta!"

"Whoa, so Aldy is that popular," Amanda acted surprised.

"Yes he is, kahit masungit si Aldred and hindi masyado nakikipag-usap marami pa rin ang may gusto sa kaniya. In fact, a lot of girls here in our school always sends him a love letter. Sumuko lang sila ng malaman nila na may gusto si Aldred kay Arianne. Sino ba naman kasing lalaban pa?" kwento ng isa.

Amanda clicked her tongue. She didn't like what she heard but no one noticed it. 

"How hypocrite... These girls mentioned that they don't like Arianne because she's a snob and doesn't like to communicate but here they are admiring Aldred for the same reason."

"Yes, Arianne is all in all a real beauty kaya waley ang mga normal na nilalang pero napagalaman namin na may isa pa palang may gusto kay Aldred that can match her."

Nagtanguan ang mga babae habang si Amanda ay nakikinig lang sa kanila. It's her first day so she favored order with her classmates over her freedom to say that she has no interest in all the things they are saying.

"She is Aldred's co-model. Madalas na rin silang nagkasama sa mga product shoots and according to my source she really likes Aldred a lot," si Helena na ang nagsalita.

"Model?" asked Amanda when the term piqued her interest.

Tumango naman si Helena, "Makikilala mo siya kagad lalo na sa Central ka nakatira. Nakabalandra kasi yung ads niya doon."

Napakurap ang mga mata ni Amanda. Isang tao kasi kagad ang nagliwanag sa utak niya.

"Yung blonde?"

Manghang tumango si Helena, "Yes, si Natalie Reinhardt. Of course, you already know her," she said casually.

Maraming nakapaligid kay Amanda pero walang nakapansin sa kanila ng gulat na reaksyon niya.

"Maganda rin si Natalie kaya panalong-panalo si Aldred kahit sinong piliin niya sa dalawa," saad ng isang babae.

"Pero di ba si Aldred daw yung naghahabol kay Arianne?"

"Ay oo nga pala. Kung ako kay Aldred si Natalie na lang. Bagay naman din sila," saad ng isa bago siya sikuhin ng kaniyang katabi, "Pero bagay din kayo ni Aldred Amanda kaya sa'yo ang magiging boto ko."

Napangiti si Amanda.

Kung kailan nabalik ang interest niya sa usapan ay saka naman tumunog ang bell. Nagbalikan na tuloy ang lahat sa kanilang upuan. Umayos din si Amanda pero nanatili ang diwa niya sa taong naging huling topic ng kaninang paguusap.

"Oh, so she likes him..." saad niya habang nakapangalumbaba at nakatingin sa labas.

First day ni Amanda sa school. Maulan at hindi maganda ang panahon pero hindi ibig sabihin na hindi maganda ang simula niya sa eskwela. Actually, nalagpasan pa nga ang expectation niya. 

The school has good facilities and has an excellent curriculum. Most of her classmates bored her but she didn't really expect much from them. Si Aldred nga lang ay sapat na para ma-entertain siya ngunit mukhang sa tinatakbo ng mga pangyayari ay mas mage-enjoy siya.

"This is exciting," masayang sabi ni Amanda bago ibaling ang tingin sa harap.

"Good afternoon, class," bati ng guro pagkapasok nito ng silid.

"Good afternoon, Sir!" sagot naman ng lahat.

♦♦♦

Uwian na noong makatanggap ng text si Charles. Nagtataka at nag-aalala siya sa ginawa ni Aldred pero nakalimutan niya iyon nang makita ang pangalan ni Pristine sa kaniyang cellphone. Pagkabasa niya nito ay walang anu-ano'y lumabas siya at tumungo sa school gate. There stood Pristine under an umbrella with Irene and Bianca.

Malungkot ang aura ni Pristine at dahil doon ay sumikip ang puso niya sa hindi maipaliwanag na saya. Pristine's grief is Charles' happiness. His imagination immediately went wild at kung wala lang itong kasama na guwardya ay nakagawa na siya ng paraan para mauwi ito ng bahay.

"Hey Charles! Ito na yung bag ni Aldy,"

Bumalik sa ulirat si Charles. Napalingon naman si Bianca sa pinanggalingan ng tinig habang si Pristine ay sinundan ng tingin ang kilos ng babae na ngayon niya lang nakita. Charles noticed Pristine's reaction and it made him smiled inside. Sensuwal niyang kinuha ang mga gamit ni Aldred kay Amanda at habang pinapanuod ni Pristine ang kaniyang body language ay natupok ng init ang katawan nito sa kalagitnaan ng lamig ng panahon.

"Oh! Are they your and Aldy's friends?" Amanda asked.

Tumango si Charles.

"Yeah, but not? Kumbaga sa FB we're mutual friends."

"I see," 

Tinignan ni Amanda ng maigi ang dalawa pero mas tumagal ang mata niya kay Pristine. Pamilyar kasi kaagad sa kaniya ang mukha nito. 

"Anyway, I'm Amanda. Kaka-transfer ko lang ngayong araw kaya hindi ako familiar sa mga friends ni Aldy."

Medyo nag-loosen up si Pristine noong marinig ang pagpapakilala. Nagtaka rin siya kung sino ang tinutukoy ni Amanda.

"She's talking about Aldred. They know each other," paliwanag ni Charles.

"Really? May kaibigan pala si Aldred na ganito kaganda?" Bianca exclaimed while wondering at the same time. From figure to her face, Bianca can't deny that Amanda is a beauty.

Tumawa si Amanda.

"Thanks for the compliment. Yes, Aldy and I were grade school classmates."

Sunod-sunod na tumango si Bianca bago siya nagpakilala, "Oh I see, anyway I'm Bianca and this is Pristine."

Pristine nodded at Amanda before eyeing Charles, "It's nice meeting you Amanda but we need to go now," saad niya.

"Umuulan, hindi ba dapat ipaubaya niyo na lang sa awtoridad yung paghahanap kay Arianne?" Charles mentioned pero hindi na siya pinansin ni Pristine. Pumihit na ito patalikod at naglakad pasakay sa van na kanina pa naghihintay sa kanila. Sumunod naman si Bianca sa kaniya. Pagkasakay nila ay umalis na ang van.

"Hey, don't do that again," seryosong sabi ni Amanda na ipinagtaka ni Charles.

"What do you mean?"

"Did you not see her eyes? She's glaring at me like she's going to kill me. Nakakakilabot kaya."

Charles's mouth turned into O before laughing hysterically.

"Napansin mo pala a,"

"Of course, you don't need to be a genius to not notice that. Who is she anyway to you?"

Charles smiled, "Secret," sagot niya saka naunang naglakad.

Hindi naman makapaniwala si Amanda.

"Boring~ Pristine huh... she looks like someone I know. Hmm, her uniform! Is she from that girls' school?"

Pumihit si Charles, "SNGS? Yes," sagot niya bago nagtatakang nagtanong, "Bakit ba parang interesadong-interesado ka sa school na 'yon?"

"I'm not interested in that school. More on I'm interested in someone who is studying at that school," Amanda smiled.

"Interested?"

Tumango si Amanda, "Yep, interested," saad ni Amanda kasabay ang mapaglarong ngiti. Masyadong tuso si Charles para hindi niya malaman na may ibang kahulugan ang ngiti na iyon ni Amanda.

"But that's a girls' oh I see, who?" Charles asked surprised.

Amanda's eyes smiled along with her lips. Tinignan niya ng maigi si Charles bago itugon ang kaninang ininagot din nito sa kaniya.

"Secret," tugon ni Amanda kasabay ang pagkindat.

Lumakas pa ang ulan kaya kinailangan nilang sumilong. Nagmadali si Amanda patungo sa waiting shed at naiwan niya ang hindi makapaniwala na si Charles. Kakakilala pa lang niya kay Amanda at nasurpresa na siya nito kaagad.

♦♦♦

"Miss Pristine, mas lumalakas pa po ang ulan," saad ni Robert habang nagmamaneho.

"We should send you home first. Then kami na lang ang bahalang maghanap sa kaniya," sabi naman ni Irene na katabi ni Robert.

Bianca looked at Pristine. Magkaharap silang dalawa kaya nakita niya ang mapait na reaksyon ng kaibigan sa pamamagitan ng pagkagat ng labi. Matapos nilang malaman ang nangyari kay Arianne ay nag-alala sila ng lubusan to the point na ayaw ng pumasok ni Pristine sa susunod nilang klase. Pinigilan siya ni Bianca at kahit na pareho silang pumasok sa afternoon class ay pareho din namang lumilipad ang diwa nila.

"No, we can help. At least kapag nandito kami mas maraming mata na maghahanap sa kaniya."

Parehong nilingon ni Pristine at Bianca ang namumutlang si Natalie. Nasa tabi siya ni Pristine at kahit masama ang kaniyang pakiramdam ay nagpumilit pa rin siyang sumama.

Katulad ni Pristine ay nag-aalala rin si Natalie kay Arianne. Gusto niya mang hanapin ito kagad ay hindi naman kaya ng katawan niya. Lalo kasing sumama ang pakiramdam niya matapos malaman ang nangyari. She chose to stay in the clinic till the afternoon session ended even though she was advised by her grandmother to go home.

Sang-ayon sina Pristine at Bianca sa sinabi ni Natalie kaya wala ng nagawa si Irene kundi hayaan ang mga ito sa gusto nila. Habang bumabyahe ay masusi nilang tinitignan ang bawat dinaraanan. Irene contacted Angelique and asked her to check the cctv footages in the vicinity but it was no avail because of the heavy rain.

Marahang nagmamaneho si Robert noong makarinig siya ng tunog ng sirena. Nang makita niya na nasa likod ang isang ambulansya ay agad siyang nagbigay ng daan. Habang lumalagpas sa kanila ang sasakyan ay parehong kinabahan sina Pristine at Natalie kaya pinansundan nila ito kay Robert.

♦♦♦

"Dad, is it true that Ate was seen in our house?"

Alex is currently driving their way to Central Estates after a call from their mansion's caretaker. Umalis daw ito ng mansion para mamili at pag-uwi niya ay may mga bakas na ng tubig sa sahig ng bahay. Agad tumingin sa cctv ang caretaker saka tumawag sa security at doon ay napagalaman niya ang nangyari.

"Yes anak, but she already left when Manong discovered it. She must be somewhere nearby so just look around, okay?"

"Yes Dad," Marius answered. Pinunasan niya ang lumabong bintana saka metikulosong tumingin sa labas. Excited si Marius na makita ang kaniyang ate. He missed her so much pero ganito ang sumalubong sa kaniya kaya nalulungkot siya.

"Dad, if she went to our house... then it means that she remembered some of her memories, right?"

Tumingin si Alex sa rear mirror para tignan ang anak na nakaupo sa likod ng kotse.

"I hope so anak," Alex smiled frugally.

Habang parehong naka-focus sa paghahanap kay Arianne ang mag-ama ay pareho ring naagaw ang atensyon nila ng tunog ng sirena. Dumaan ang ambulansya sa kanilang mga mata at habang sinusundan ito ng tingin ni Alex ay biglang kumabog ang dibdib niya.

Nagmamadali siyang sumunod sa ambulansya.

♦♦♦

Ilang oras ng nakababad si Aldred sa ulan. Ngayon ay kasalukuyan siyang naglalakad sa paligid ng Central Estates matapos malaman kay Charles na dito huling nakita si Arianne. Dahil lumakas pa ang ulan kaya mas lumamig ang panahon. Nanginginig na siya at giniginaw ngunit kabaligtaran na ang nararamdaman ng kaniyang mga mata.

Saglit na tumigil si Aldred para magpahinga. Kumurap siya ng ilang ulit para magising ang kaniyang diwa pero mas nagising ang utak niya noong makarinig siya ng tunog ng sirena. Bigla ay kinutuban si Aldred kaya sinundan niya ang ambulansya. Nagmamadali siyang tumakbo hanggang sa mapatigil siya nang mabunggo ang babaeng kasalubong. Humingi ng paumanhin si Aldred pero laking gulat niya nang makilala kung sino ito.

"Ate Candice?!" Gulat na reaksyon ni Aldred. Marahan naman siyang nilingon ni Candice gamit ang nagdidilim nitong mga mata. Nang makilala si Aldred ay biglang lumiwanag ang kaniyang aura.

"Aldred!" she exclaimed.

Infront of Aldred is SOMA's top model Candice Molina. Katulad niya ay basang-basa rin ito ng ulan at walang kadala-dala. Nagtaka tuloy si Aldred.

"Anong ginagawa mo rito?" masiglang tanong ni Candice na ikinagulat ni Aldred. Sa itsura kasi nito kanina ay parang malungkot ito para mag-react ngayon ng ganito.

"May hinahanap lang ako, Ate. Ikaw po, anong ginagawa mo ngayon dito?"

Candice blinked for a second. Saglit lang ang lumipas at tila nawala ang diwa niya. Litong nag-react ang kaniyang mga mata bago siya tumingin sa paligid, "Why I'm here?" she asked kind of confused.

"Are you okay, Ate?" tanong ni Aldred dahilan para mabalik sa kaniya ang atensyon ng kausap. Mula sa pagkalito ay bumalik ito sa normal na kalmadong ekspresyon.

"Yes, may inasikaso lang ako."

Nagtataka man kung ano ang pinagkaabalahan ni Candice ay hindi na nagtanong pa si Aldred. Tinignan niya na lamang ang kanyang senior ng maigi. Candice' black hair is damp along with her long black and red dress. Hindi intensyon ni Aldred pero sumunod ang kaniyang mga mata sa pagbagsak ng tubig mula sa laylayan ng bistida ni Candice. Pagkalaglag ng likido sa konkretong pathwalk ay napansin niya ang pulang kulay nito. Bilog ang mga mata ni Aldred noong ibalik niya sa mukha ni Candice ang kaniyang paningin. Sumalubong naman sa kaniya ang ngiti nitong nakakasilaw. Kahit maulan ay parang nagliwanag tuloy ang paligid.

Marami ng natutunan si Aldred simula ng makilala niya si Arianne. Ilan doon ay may mga bagay na hindi basta-basta tinatanong sa isang babae. Yung timbang nila, waist line at ngayon ay nakakasigurado siyang kasama doon ang pagpansin sa menstrual period nila.

"Sige, Ate Candice mauna na ako a. Nagmamadali kasi ako," paalam ni Aldred.

"Okay, sana makita mo na kaagad yung hinahanap mo lalo na maulan. Mag-ingat ka," sabi naman ni Candice.

"Ikaw din Ate,"

Pagkaalis ni Aldred ay sumunod ang muling nagdidilim na paningin ni Candice sa kaniya.

♦♦♦