webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Teen
Not enough ratings
97 Chs

CHAPTER 73.5 - Precipitation

V4. CHAPTER 14.5 - Precipitation

NO ONE'S POV

Dis oras na ng gabi ay hindi pa rin tumitigil ang ulan. Pagkahatid ni Natalie kay Amanda ay dapat sasakay siya ng taxi ngunit dahil may mga tao pa sa daan ay pinili niya pa rin ang maglakad.

Kasabay ng malumanay na mga pagpatak ng ulan ay ang pagtugtog niya sa kaniyang utak ng ilang pyesa ng piano. Natalie started with a calm music but ended up with a complicated one when an image pop on her head. Her day was supposed to be good if only she did not saw that sight.

Nabingi si Natalie dahil sa biglaang pagkabog ng kaniyang dibdib. Bumilis ang tempo ng kaniyang tinutugtog katulad ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Nasa peak na siya ng kaniyang pagseselos at tugtugin nang bigla ay makarinig siya ng pagbusina.

Nawala si Natalie sa tono pero iyon ang dahilan para mabalik siya sa realidad.

"Hey,"

Isang pulang motorbike na karaniwang makikita sa mga professional motorcycle racing ang tumigil sa unahan ni Natalie. Napahinto siya at wala sa sariling napalingon sa rider nito. Bukod sa asul na maong jacket na suot ng rider ay nakaitim na ito mula tshirt, jeans patungong bota. Sinubukan itong kilalanin ni Natalie pero wala siyang naging idea lalo na't nakasuot pa ng helmet ang rider.

"Gabing-gabi na a. Ba't nasa labas ka pa?" tanong ng naka-motor na para bang naninita. Napasimangot si Natalie. Sumakit ang tenga niya dahil sa tono ng rider ngunit matapos nitong magtanggal ng helmet ay napalitan ng pagkamangha ang ekspresyon niya.

Tumambad kay Natalie si Jacoby Winters, ang lalaking nakatatak sa utak niya na punkistang tadtad ng piercings pero mahilig sa classical music. Kung noong una nilang pagkikita ay mohawk ang gupit nito, ngayon ay naka short undercut si Jacoby kaya medyo luminis ang itsura sa paningin niya.

"Tapos mag-isa ka lang..." dugtong ng binata.

Hindi nagsalita si Natalie.

"Saan ka umuuwi? Ihahatid na kita," pag-alok na gusto agad tanggihan ni Natalie. Hiniling niya na sana ay lumakas muna ang ulan para hindi na siya pilitin pa ni Jacoby pero right at that moment ay naglitawan bigla ang mga bituin sa langit. Senyales na tunaw na ang mga ulap na nagdadala ng masamang panahon.

"No need to, I'm fine. Isang liko na lang naman ako dyan," pagsisinungaling niya.

"Okay, then, kung ganon sasabayan na lang kita," he insisted.

Napabuga ng hininga si Natalie pero dahil iyon sa gusto niya lang talagang mapag-isa. Mukhang adik man si Jacoby sa kaniyang paningin ay alam naman niya na mabuti ang intensyon nito. Matapos niya itong iwan sa music club noong JFEvent ay napakinggan niya kung gaano ito kaganda tumugtog. From that time ay alam niya na may kabutihan ito sa puso.

"Why are you so persistent?" Nakangiting napabuntong-hininga si Natalie.

"Because I know that you are lying," nakangisi na tugon ni Jacoby.

"Sige na, sakay na. Ayokong ma-konsensya kapag may nangyari sa'yong masama."

Natameme si Natalie noong marinig ang sarili sa rasunan ng binata. She was defeated at that statement kaya kinuha na niya ang helmet saka sumakay sa motor.

♦♦♦

"Magandang gabi po Madam, bakit niyo po ako napatawag?" nasakop ng buo na boses ni Irene ang lahat ng sulok ng kwarto. Pagkapasok na pagkapasok niya kasi sa silid ng kasalukuyang head ng Vicereal Household ay napatanong siya. Tinignan siya ni Veronica pero hindi siya nakaani ng sagot. Ilang pagkumpas ng mahabang kamay ng orasan ang dumaan at humigop lang ito ng tsaa.

Irene maintained her composure. She asked why she was called even though she already knew the answer.

Nagsimula lang magsalita si Veronica noong tumunog ang grandfather's clock sa silid eksakto pagpatak ng alas dyis ng gabi.

"Kailan mo balak sabihin sa akin iyong nangyari kay Pristine at Charles?"

Walang reaksyon na nabuo sa mukha ni Irene, "Pasenya na po madam ngunit wala po talaga akong balak na ipaalam sa iyo yung nangyari."

Hindi makapaniwala si Veronica sa narinig, "Gusto mo ba akong magmukhang tanga at walang alam?" seryosong tanong niya na hindi naman nagpatinag kay Irene.

"Hindi po madam. Kahit kailan ay hindi ko po iyon magiging intensyon."

"Kung ganoon, bakit mo inilihim yung nangyari?"

"Naisip ko po kasi na hindi naman iyon ganoon kabigat para pag-alalahanin pa kayo."

Irene noticed how Veronica sniffed then breathed through her nose after her answer. Sunod ay kinuha nito ang tasa ng tsaa bago matunog na humigop. Pagkalapag ng inumin ay sumandal siya sa kaniyang upuan.

"Sa tingin mo ba wala akong pakialam sa nangyayari sa anak ko?" tanong ni Veronica na nakapagpabago ng ekspresyon ni Irene. Mangha niyang tinignan ang kaniyang amo at nakita niya sa mga mata nito ang bahid ng pagtatampo.

"Irene, ganoon ba ako kasamang ina sa paningin mo para maisipan mong wala akong pakialam kay Pristine?"

"I'm— I'm sorry, Madam," tanging nasambit ni Irene. Nakaramdam siya ng guilt dahil sa kaniyang narinig.

"No matter how insignificant it is, as long as it involves both of my children, it is your job to report everything to me."

"O—Opo, humihingi po uli ako ng paumanhin dahil pinangunahan ko po kayo," agad na sabi ni Irene.

Veronica sighed. Iinom sana uli siya ng tsaa pero wala ng laman ang kaniyang tasa. Kinuha niya ang teapot sa gilid ng mesa para salinan sana ang lalagyan pero wala na rin itong laman.

"Gusto niyo po bang ikuha ko kayo, Madam?"

Umiling si Veronica bago nilapag ang teapot, "Anyway, why did you let that happen?"

Tumindig si Irene.

"It's because I wanted her to see the truth through her own eyes. That, that guy will not do any good to her and will only bring her pain. Miss Pristine is intelligent but her weakness is her heart. Nawawalan ng silbi ang utak niya kapag tumibok na yung puso niya. Ayoko pong pasukin ni Miss Pristine ang isang relasyon na sa simula pa lang ay ginawa para saktan siya," seryosong paliwanag ni Irene.

"I see," tanging reaksyon ni Veronica.

Dati pa lang ay alam na ni Veronica kung gaano kagusto ni Pristine si Charles. Hinayaan niya lang ito noon dahil bata pa naman ang anak. Kahit papaano'y dapat ma-experience nito ang kaniyang kabataan bago pasukin ang mundo na hinubog para sa kaniya. Tulad ng mga laro ay inakala ni Veronica na magsasawa rin si Pristine pero hindi niya inakala na ganoon pala katindi itong magmahal.

"Do you agree that being in love is one of the greatest gifts of all?"

Namula si Irene bago siya tumango.

"I also agree," nakangiting sabi ni Veronica. Binaling niya ang kaniyang mga mata sa tasang walang laman. Napatitig siya dito at naalala ang kaniyang kabataan.

"Pero minsan may mga bagay na kahit gaano pa natin kamahal ay hindi mapapasaatin kahit kailan," dagdag niya.

Hindi umimik si Irene at nagtatakang sinundan ng tingin ang kaniyang amo. Nakangiti si Veronica pero malungkot ang kaniyang mga mata. Tinupi niya ang kaniyang laptop bago tumayo.

"Irene, alam mo naman kung saan patungo si Pristine, di ba? At alam kong alam mo rin kung gaano kahirap para sa kaniya ang daan patungo roon."

Mapait na tumango si Irene.

"Kahit kailan ay hindi ako magiging mabuting gabay sa kaniya kaya sana ay tulungan mo siya. Actually, hindi naman kita masisisi kung ganoong kasama na ina ang tingin mo sa akin pero gusto kong sabihin na lahat ng ito ay ginagawa ko para sa ikabubuti niya. No one knows what the future will bring but since I have the capability, I am making sure that she'll end up with a good life. Ikaw ang pinili kong maging punong bantay ni Pristine dahil alam kong ikaw ang makakatulong sa akin para dalhin siya sa dapat niyang kahantungan. Napakalaki ng pagpapasalamat ko sa iyo Irene kaya pinapangako ko na sa oras na makilala na niya ang kaniyang fiance ay hindi ka magsisisi dahil isa rin itong mabuting tao."

Nag-bow si Irene. Oo't bodyguard siya ni Pristine pero parang nakababatang kapatid ang turing niya rito. All she's doing is for Pristine's well-being kaya noong marinig niya ang huling pangungusap ni Veronica ay nakaramdam siya ng kagaanan ng kalooban.

"Madam, maaari po ba akong magtanong?"

Tumango si Veronica.

"Normal lang po ba na dumarami yung sumusunod kay Miss Pristine?" tanong ni Irene. Nito kasing lumipas na mga buwan ay dumami ang mga nakaitim na taong sumusunod sa alaga niya kaya nababagabag siya.

"Yes, they already asked for permission."

"Aren't they invading her privacy?"

Veronica did not speak for a moment.

"I admit they do but don't worry dahil kasi iyon sa nalalapit na nilang pagkikita."

Matapos mag-usap ni Irene at Veronica ay sabay silang lumabas ng silid. Pagkababa nila sa hall ay saktong dumating si Natalie. Nilingon ni Veronica ang orasan bago ibaling ang tingin sa dalaga.

"Gabing-gabi na ba't ngayon ka lang umuwi?" tanong ni Veronica na may bahid ng panenermon.

Sa pangalawang pagkakataon ay nasita nanaman si Natalie. Gusto niyang sumimangot pero nagpigil siya kaya yumuko na lang siya.

"Nagpatila po ako ng ulan," paliwanag niya.

Dumating naman si Manang Soledad dahilan para maputol ang tensyong namagitan sa dalawa.

"Naku naman iha, bakit hindi ka na lang nagpasundo?" Pinunasan ng matanda ang magkabilang balikat ni Natalie, "Mag-shower ka kaagad at dadalhan na lang kita ng mainit na gatas. Sige na, sige na at baka magkasakit ka."

Nagmadaling umakyat si Natalie patungo sa kaniyang silid. Naiwan naman niya sina Irene, Manang Soledad at Veronica sa hall. Nahuli ng matanda ang pagbuga ng hininga ni Veronica.

"Ay itong batang 'to talaga. Bakit ba hirap na hirap magpakatotoo."

"That kid is really a trouble," dagdag naman ni Veronica kaya't natawa ang matanda.

"Ay hindi naman si Natalie ang tinutukoy ko kundi ikaw bata ka," saad ni Manang Soledad dahilan para tignan siya ng masama ng kaniyang kausap.

"Manang hindi na ako bata,"

"Ay naku anak, nadagdagan lang ang edad mo pero forever baby pa rin kita katulad ng dalawa mong anak. Forever tres marias ko kayo," natutuwang saad ng matanda na nagpangisi kay Irene at nagpasimangot naman kay Veronica.

"Stop it, I'm here to get tea."

"Okay po, madam. Are you readying to sleep?" nakangiting tanong ni Manang Soledad.

Tumango si Veronica.

"So, chamomile it is. Sige po ipaghahanda ko na kayo." 

Masayang tumungo si Manang Soledad ng kusina kasunod si Veronica habang si Irene ay dumiretso na sa quarters.

♦♦♦

Pagkapasok ni Natalie ng kwarto ay naabutan niya si Pristine na nakaupo sa kama nito. Seryosong nakatutok ang mukha sa cellphone at mukhang matindi ang pinagkakaabalahan para hindi siya mapansin. Nilapag ni Natalie ang kaniyang mga dalahin sa study table. Sunod ay kumuha siya ng tuwalya, underwear at pajamas. Papasok na sana siya sa banyo ng biglang mawindang ang kaniyang tenga sa narinig.

"Bobo! Bobo! Bobo! Boboooo!" Binato ni Pristine ang cellphone dahilan para tumilapon ito malapit sa talampakan ni Natalie.

"Anong problema mo?"

"Wala kang pake," inis na tugon ni Pristine. Tumayo siya at kinuha sa sahig ang gadget.

"Sampalin ko kaya 'yang bibig mo ng magka pake ka."

Nagtitigan ng masama ang dalawa bago bumalik si Pristine sa kama. Sinuot niya ang kaniyang headset saka nilakasan ang volume nito. Samantala ay nakahalukipkip naman siyang pinagmasdan ni Natalie. Nang makita ni Pristine kung paano siya tignan ni Natalie ay nirespondihan niya ito ng pagdila.

"Panget!" pang-aasar niya.

Natalie rolled her eyes.

"Hey! Si Natalie 'yan?" tanong ni Bianca na kanina pa kalaro ni Pristine.

"Oo, sino pa bang panget dito?"

Natawa si Bianca.

"Yah, kapag sinapok ka niyan magsumbong ka nanaman kay Aya pero oy matte- matte tatawag ako, i-loud speaker mo, pakausap sa kaniya."

Natalie sighed. Tutuloy na sana siya papasok ng banyo pero muli ay natigilan noong marinig ang boses ni Bianca.

"Konbanwa Natty! Sali ka sa amin mag ML!"

"Huh?"

"ML! Mobile Legends! Yung in na mobile game ngayon!"

"Ano naman mapapala ko dyan?" Walang gana niyang tanong.

"Wala kaya huwag ka sumali. Ano ba 'yan Bea, ba't niyayaya mo pa siya? Bano 'yan mas lalo tayong matatalo," pagsingit ni Pristine na nakaani ng masamang tingin mula sa kasama niya sa silid.

Muli ay natawa si Bianca.

"Wala kang mapapala dito na mapapakinabangan pero masaya 'to! Sige na Nat please, para isa na lang kulang. Puro kasi bata nakaka-team namin."

"Pambata naman pala 'yan, ba't dadamay mo pa ako?" katwiran ni Natalie na tinawanan ni Pristine.

"Oh, come on Natty! Mga bata pa naman tayo girl ah! Saka-Saka si Aya naglalaro rin siya nito!"

Mabilis ay lumapit si Natalie kay Pristine, "Si Arianne?"

"Hai!"

"Naglalaro rin siya? Kalaro niyo ba siya ngayon?" Kinuha niya ang cellphone sa kamay ni Pristine.

"Hindi e, di nagre-reply baka tulog na pero oo naglalaro rin siya nito. Magaling 'yon. Kaya sali ka na sa amin."

"O—Okay, sige, kaya lang maliligo muna ako. I'll be back later."

Pagkasabi ni Natalie ay inihagis niya ang cellphone sa kama ni Pristine saka nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo.

"Hehe, napaka-powerful talaga ng name ni Arianne," saad ni Bianca sabay halakhak.

"Kapag inaway niya si Arianne in-game bugbog siya sa'kin out-game."

"Don't worry, hindi gagawin 'yon ni Natty." 

"Tss, nakakasigurado ka ba?"

"Oo, hindi. Ikaw lang ang aawayin n'on"

"E di mas bugbog siya sa akin."

Humalakhak si Bianca.

"Halika na nga RG na tayo,"

♦♦♦

Nakatingin si Caroline sa labas noong umusok ang ulam na kaniyang pinapakuluan. Pinatay niya ang electric stove bago pinatay din ang radyong kaniyang pinakikinggan. Walang bagyong naibabalita ngunit patuloy pa rin ang pag-ulan.

Anong oras na ngunit hindi pa rin bumababa si Jerome. Hindi ito nag-almusal at dahil umabot na ang tanghalian na hindi pa rin ito kumakain ay nagpasya na si Caroline na dalhan na lang ng pagkain ang anak sa silid. Dala-dala ang tray na naglalaman ng mainit na sinigang at kanin ay lumabas si Caroline ng kusina. Naabutan niya si Jerome sa hagdan. Pababa ito, nakaayos at may payong na hawak-hawak.

"Aalis ka ba?"

Tumango ang anak niya, "Makikipagkita po ako kay Sato,"

"Bakit ngayon? Ang lakas ng ulan a," saad ni Caroline na may pinaghalong sermon at pag-aalala.

Jerome understands his mother. Sino nga ba naman ang matinong aalis sa ganitong kasama na panahon? Pero dahil lito siya ay di niya kinonsidera ang sentido kumon na dapat isinasaalang-ala sa ganitong pag-ulan. Tinignan niya ang hawak-hawak na tray ng kaniyang ina. Nagpatuloy siyang bumaba at dumiretso patungo kay Caroline saka kinuha ang dala nitong mga pagkain.

"Kakain po muna ako, Ma," saad ni Jerome. Matipid siyang ngumiti na binigyang pansin ng kaniyang ina pero hindi nito isinalita.

Sa kusina kumain si Jerome. Habang humihigop siya ng sabaw ay nakaupo sa kaniyang harapan at nakatitig sa kaniya si Caroline. Nang sabihin ni Benjamin at Bianca na tila may problema ang anak ay agad itong kinausap ng ina pero hindi naman ito nagsabi. Dumating ang umaga at nagpaalam ito na hindi papasok kaya lalo siyang nag-alala. Ayaw ni Jerome ng uma-absent. Kahit may sakit ang anak ay gusto lagi nitong pumapasok kaya nasisiguro ni Caroline na may malaki itong problema para umakto ng kakaiba.

"Ang sarap po ng luto mo ma," masayang sabi ni Jerome. Nakangiti man ito ay alam ni Caroline na nagpipilit lang maging masaya para hindi siya mag-alala. Katulad ng dati, nang mamatay ang una niyang asawa.

"Alam mo ba anak, kung nabubuhay lang ang Papa mo ngayon, nasisigurado ko na sobrang proud niya sayo," saad ni Caroline na nagpahinto kay Jerome sa pagkain, "Nai-imagine ko yung mukha niya sa tuwing may mga achievements ka. Yung alam mo 'yon, yung saya, yung ngiti niya pero paano ba namang hindi e magkamukha kayong dalawa," nakangiting sabi ni Caroline pero kita ang lungkot sa mga mata niya. Pansin iyon ni Jerome kaya nakadama rin siya ng parehong emosyon.

Mananatiling malinaw sa alaala ni Jerome ang lahat dahil pinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya kakalimutan ang tunay na ama. Kwinestyon niya man dati ang Panginoon kung bakit kailangan bawiin Niya sa kanila ito ay agad niya ring nakuha ang sagot ng magpakasal muli ang kaniyang ina.

Their family was perfect. His late father will always be the best Dad but he cannot ignore how Benjamin tries his best to be a father to him. Benjamin once talked to Jerome that he is really thankful to have him and Caroline as their new family. He is thankful because once again he felt complete. He is thankful because Bianca now had a complete family. Benjamin is grateful to have them but unknown to him, Jerome just had no words to say how much he appreciates him.

Jerome will always be thankful to him for making Caroline happy again. For making his life complete again and most of all, he is thankful to Benjamin because, without him, the person to whom his heart will always belong will not exist.

"Kaya ngayon anak na malungkot ka, naaalala ko rin kung paano kapag malungkot ang Papa mo. Tell me Jerome, what is really bothering you?"

Jerome's sad smile answered his mother. Hindi siya sumagot kagad hindi dahil sa nagdadalawang-isip siya kundi dahil tungkol sa kinabukasan niya ang isisiwalat niya.

"I think I'm going back Ma," tugon ni Jerome na nagpataka kay Caroline.

"Going back?"

"Right after graduating, I decided to return to WES. I want to continue my vocation to be a priest," pahayag ni Jerome na ikinagulat ng kaniyang ina.

Pagkatapos kumain ay iniwan ni Jerome ang ina na gitla sa mga narinig. Noong bata pa siya ay sinabi niya na gusto niyang mag-pari. Bilang isang ina ay syempre natuwa si Caroline dahil madalang lang sa isang bata ang pangarapin ang ganoong bokasyon. Sinuportahan niya si Jerome ng pumasok ito sa Western Episcopal School o WES pero katulad ng ilang kabataan ay nagbago rin ang isip nito at lumipat sa NIA.

Tinanong niya ang anak dati kung ano ang dahilan at ang tanging sagot lang nito ay dahil may iba na siyang gusto.

"Ano naman ba ang gusto mo anak?"

Ngumiti si Jerome bago nagsalita, "Secret," masaya niyang sabi.

Iyon ang unang pagkakataon matapos mamatay ang kaniyang unang asawa na nakita niya si Jerome na ganoon kasaya. Pero ngayon habang kinakausap niya si Jerome tungkol sa desisyon nito ay kalungkutan ang nakikita niya.

"Ma, pwede po bang i-secret muna natin ito kina Papa at Bianca?" hiling ng anak na tinanguan niya.

♦♦♦

"Anyare sa'yo, girl?" tanong ni Bianca habang tinitignan ang naghihirap na si Pristine. Trip sana nila na sa Secret Spot magtanghalian pero dahil umuulan ay kasalukuyan silang nasa loob ng canteen. 

"Anong oras ka ba natulog kagabi?" tanong muli ni Bianca na sinagot ni Pristine ng sunod-sunod na pag-untog ng ulo sa mesa. Imbes tuloy na maawa ay natawa ang kaibigan sa kaniya. Ito kasi ang napagdaanan ni Bianca matapos siyang ma-introduced sa ML.

"Dapat um-absent ka na lang din katulad ko noong nakaraan. Ang hirap kaya magka-migraine," suhestyon ni Bianca sabay subo ng ulam na kinuha niya sa lunch box ni Pristine.

Naiiyak naman siyang nilingon ng kaibigan.

"Wawa naman ang bebe," Bianca stroked Pristine's hair with her oily hands adding a vibrant shine and savory smell to her friend's already beautiful hair, "Buti na lang absent si Aya, kundi sermon abot mo," dagdag niya na nakapag-pout sa kaniyang kausap.

"Bakit kaya siya absent?" tanong ni Pristine sabay lapag ng ulo sa mesa. Nagkibit balikat nalang si Bianca dahil pareho nilang hindi alam ang sagot.

"Absent si Arianne? Bakit?" tanong ni Noreen noong bigla siyang sumulpot. Sa likod niya ay si Eunice at ang namumutlang si Natalie.

"Yeah, pero hindi namin alam. AWON ang lola mo. Kinontact na namin pero di sumasagot e."

"Ganon ba? Hmm, kaya pala pakiramdam ko parang may kulang sa araw ko ngayon. Wala pala yung kalahati ng puso ko," dramatic na saad ni Noreen dahilan para lalong kumirot ang ulo ni Pristine.

"Tumigil ka nga," hirap naman na reaksyon ni Natalie. Mangha siyang tinignan ni Bianca

"Anyare rin sayo, Nat?" natatawang tanong ni Bianca.

Natalie rolled her eyes at dahil doon ay mas lalo lang siyang nahilo.

"Oh my god," napahawak si Natalie sa noo dahil sa sakit, "Tsk, ba't di mo itanong sa bwisit na 'yan. Noob!"

Iniangat ni Pristine ang kaniyang ulo para lingunin ang nang-insulto sa kaniya.

"Ba't ako? Ikaw kaya may kasalanan. Akyat-baba tuloy rank natin. Feeder ka kasi."

"Do you want me to hit that empty head of yours? Sabi mo samahan kita tas ipapain mo lang pala ako."

Tumawa si Pristine pero agad nagtigil nang kumirot ang ulo niya. Lumakas pa ang ingay nila kaya nagtinginan na sa kanilang pwesto ang iba pang kumakain.

Ang dahilan kaya parehong masakit ang ulo ng dalawa ay inabot na sila ng alas tres ng umaga kakalaro. Pagkapaalam ni Bianca na matutulog na siya ay nagpatuloy ang dalawa. Sa tuwing mananalo sila ay susundan naman ng pagkatalo, tapos magsisisihan sila at maglalaro uli hanggang sa lumipas ang oras. Bumangon silang parehong bangag at laglag ang mga mata.

"Dito na lang tayo ma-upo. Wala na rin namang pwesto sa iba," saad ni Eunice nang ikutin niya ng tingin ang buong canteen. Ayaw niya sanang makaharap si Pristine pero dahil nahihilo si Natalie ay makabubuting umupo na sila. Dala ang kanilang mga pagkain ay pumwesto sila sa harap ni Pristine at Bianca.

"Nat, ayaw mo ba kumain?" tanong ni Noreen dahil nakatungo lang si Natalie sa mesa.

"Kahit gusto ko hindi kaya ng sikmura ko." 

Gutom si Natalie pero mas ramdam niya ang sakit ng ulo niya.

"Yes! E di akin na lang 'yan!" Kukunin sana ni Noreen ang lunch box ng kaibigan pero pinigilan siya ni Eunice na nasa gitna nila.

"Noreen stop, kapag nawala na yung sakit ng ulo ni Nat kakainin niya rin 'yan."

Noreen pouted hanggang sa malipat ang mata niya sa pagkain ni Pristine.

"Ikaw, Miss Pristine?"

Nakatungong itinulak ni Pristine ang pagkain niya.

"You can have it," saad niya na ikinatuwa ni Noreen. Nag-share sila ni Bianca.

"Parehas lang pala kayo ng baon ni Nat, no? May gulay, meat, etc. recommended ba 'to ng nutritionist? Iba talaga 'pag mayaman..." manghang sabi ni Noreen na tinanguan ni Eunice at Bianca.

"Hindi namin kailangan ng nutritionist," hirap na saad ni Pristine.

"Si Manang Soledad ang nagluluto ng mga pagkain namin," hirap ding saad ni Natalie.

"She can cook everything," sabay na pagyayabang ng dalawa.

Nagpatuloy sa pagkain ang dalawang grupo. Tahimik silang ngumunguya noong biglang mag-ring ang cellphone ni Pristine. Inis siyang napaangat ng ulo pero napalitan ang kaniyang ekspresyon nang makita kung sino ang tumatawag. Bigla ay nawala ang iniinda niyang sakit nang makita ang ngalan ni Arianne. Excited niya itong sinagot pero iyon pala ang magiging dahilan para mas lalong sumama ang pakiramdam niya.

"I'm sorry Pristine, iha a kung nakakaistorbo ako. Si Tito Alex mo ito, magtatanong lang sana ako kung kinontact ka ba ni Arianne? Nawawala kasi siya."

♦♦♦