webnovel

Lost in Lust

Lana was an abandoned child and rescued by a tomboy. She grew up beautiful but lacking on ladylike manners. Devlin was commissioned to find her. He found her and felt an instant desire for the rough beauty. He seduced her with every kiss. She became addicted to his kisses. But she balked when he said: Marry me. How could he convince her that they were destined to be together?

ecmendoza · Urban
Not enough ratings
17 Chs

Chapter Thirteen

TINAPIK ni Baldo ang isang kamay ng dalaga.

"Wala ka nang ikababahala ngayon," anito.

"O, tama na ang drama nating dalawa. Mahiga ka na uli at nang maituloy ko ang pagmamasahe sa mga paa mo. Ano nga palang ulam ang gusto mo?"

"Kahit na ano, Dad," tugon niya. Nakatitig siya sa mukha ng nag-ampon sa kanya.

Pangit at maaskad ang anyo nito, ngunit napakabait at magaling makisama.

"Tama na ba sa 'yo ang nilagang kaldero at piniritong kawali?"

Tumawa si Val sa lumang biro. "Ang korni n'yo talaga, Dad!"

Tumawa na rin si Baldo.

Hanggang sa pagsasalo nila sa simpleng hapunan, panay ang pagkukuwento ng masaya nito.

Kaipala, pinagtatakpan nila ang lungkot dahil sa nalalapit na namang pagbabago sa buhay nila.

The next morning, she had to psyche herself for meeting the man.

Aaminin niya ngayon na ilang gabi siyang nawalan ng tulog dahil sa lalaki sa unang pagkikita pa lang.

Last night, she didn't sleep again. She was thinking about him. About his kiss…

Dinatnan niya ang lalaki na nagbabasa ng isang folder habang nakaupo sa isang kanto ng lamesa niya.

Devlin straightened when he saw her coming in.

"Good morning, Lana," bati nito. He was smiling at her casually.

"Good morning, sir," ang neutral na tugon naman niya.

He gazed at her quizzically. Sumilay ang isang mapanudyong ngiti nito.

"Napaka-pormal mo naman, Lana."

"Gan'on ang tawag sa 'yo ni Nellie, hindi ba?"

"Iba si Nellie, iba ka," salo ni Devlin. His baritone voice took an a caressing quality.

Val stiffened defensively.

"You want coffee, sir?"

Hindi agad tumugon ang lalaki.

She fought his hypnotic stare mentally, habang nakikipagtitigan rin dito.

Unknown to her, they were devouring each other with their eyes.

Bagong ahit ito. But the thin moustauche remained, and so did the dangerous aura that always surrounded him.

Siya naman ay naka-tailored skirt and ruffled blouse na parehong pastel colored.

Nakalugay lang ang kanyang buhok na hanggang balikat at tuwid na tuwid.

She wore a minimum make-up but still her beauty floated.

She noticed his Adam's apple bobbed up and down as he eyed at her with barely suppressed lust.

Si Devlin ang unang nagsalita. "Pakidalhan mo ako ng isang tasa."

Tumalikod na ito upang pumunta sa pribadong silid. "And, please, bring your steno and pencil," dagdag pa.

Matuling lumipas ang umaga. Lunch time nang mag-angat ng mukha si Val buhat sa pagmamakinilya.

Bahagyang nagtanong ang nakataas na mga kilay.

Nakatayo si Devlin sa may pintuan. Nakatitig sa kanya.

"May kailangan kayo, sir?" she croaked.

���Lunch break na. Come, we'll have lunch outside."

"Ha? Um, may baon ako—"

"We haven't an interview. I'll give you an idea how the business works."

"Oh…" Saglit na nawala sa sarili si Val.

Iba ang sinasabi ng mga titig ni Devlin. His eyes was telling her that he wanted to taste her…

"Come…" Nang ilahad ang palad sa kanya, kusang kumilos ang kamay niya.

Sumakay sila sa kotse nang halos hindi namamalayan ni Val.

She was so conscious of Devlin's large hand holding hers.

Nang bitiwan siya ng lalaki matapos isakay sa kotse, saka pa lang parang natauhan si Lana.

"Where would you like to eat?"

"B-bahala ka…" Parang nakimi siya.

Isang restawran na esklusibo ang pinuntahan nila. Parang kilalang-kilala ang lalaki doon. Sa pinasulok sila sinamahan ng head waiter.

Nang maupo si Lana sa pandalawahang upuan, naupo rin si Devlin doon.

"Sir—" Magrereklamo sana si Lana. Sa tabi ng lalaki, lumiit siya.

She seemed petite beside the man.

"Maingay sa paligid. Baka hindi tayo magkarinigan," katwiran ni Devlin habang dinadampot ang menu.

Dahan-dahang sumiksik si Lana sa dingding.

"Anong order mo? Masarap dito ang sinigang na bangus at ensiladang ampalaya."

"Kayo na ang um-order ng pagkain," she said quietly. Determinado siyang huwag magpa-apekto sa sitwasyon.

Tahimik at mabilis ang serbisyo ng waiter. Kinuha ang order ni Devlin at makaraan ang ilang minuto, inihain na sa harap nila.

Nalula si Lana sa dami ng pagkain. Tatlong putaheng ulam at isang bandehadong kanin.

"Kaya nating ubusin lahat?" bulalas niya.

"Ipapabalot natin ang matitira. Kain na," ang kaswal na wika ng lalaki.

Nilagyan ng kanin ang pinggan niya. Tig-iisang kutsara ng ulam ang kinuha niya, matapos isenyas na tama na ang kanin.

Maganang kumain si Devlin habang nagsasalita.

He explained about the works, the company's goals and visions. He was currently dabbling on high-tech security system.

Finding missing persons were the first offering of his business.

"Lilipat ang office sa mas malaking venue. About two months from now."

"Saan lilipat?"

"Sa New Manila. Don't worry, malapit din lang dito."

Uminom ng tubig si Lana para hindi na magkumento. Nag-iisip pa rin siyang umalis.

"Let's talk about your salary and benefits." Nagbanggit ng above minimum na monthly salary at mga benepisyo si Devlin.

Nanlaki ang mga mata niya.

"I offer large salaries in exchange to my employees' loyalty." Ngumiti ang lalaki.

Napatingin si Lana sa bibig ng katabi.

While he was speaking she remembered the taste of his kiss. She wanted him to kiss her again...

For Lana, it was the longest lunch ever. She was remembering her first kiss.

As he ate, as he drank from his glass...

Oh God, he's so damned sexy!

When lunch was over, she was a mass of quivering nerves.

Nang bumalik sila sa opisina, nagpunta agad siya sa banyo. Naghugas siya ng mga kamay at naghilamos.

Nang tumingin siya sa salamin, nakita niya na magkatabi ang mga repleksiyon nila ni Devlin.

Nakakatunaw ang pagtitig sa kanya ng lalaki.

Nanrarahuyo.

Nang humakbang si Devlin palapit sa kanya, parang may dumiklap sa hangin.

Sumagitsit ang mga balat nila nang magdikit.

"Lana, I want you," anas ng lalaki.

Sa isang kisapmata, bihag na siya ng matitigas na bisig. Kinukuyumos na ng halik ang kanyang mga labi.

Halos mapupugto na ang hininga niya nang pawalan ang kanyang bibig.

Sinapo ng dalawang palad ang mukha niya. Naghinang ang kanilang mga mata.

Muling nagdaop ang kanilang mga init.

Mas matagal.

Mas malalim.

Tila uhaw na uhaw ang pagsimsim nila sa nektar ng pagnanasa.

He was needy. He touched her body everywhere. His fingers deftly unbuttoned her blouse and unhooked her bra.

His mouth followed the slope of her breasts. He tasted her exposed skin. He suckled on the puckered tips.

His restless hands wandered on her hip and inner thigh.

She could feel his arousal against her stomach. It was hard and pulsing.

But she didn't know what to do. Her hands remained on his wide shoulders. Her eyes were closed. She couldn't stop herself from moaning.

"Tell me," he rasped roughly. His mouth against her neck. "Are you a virgin?"

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang pakiramdam niya.

Kumalas si Lana. Nanginginig ang mga biyas nang umatras siya palayo. Napasandal siya sa counter ng lavatory.

Nasa loob pa rin sila ng banyo!

Pinawalan siya ni Devlin. Nakatitig sa mukha niya.

"You're a virgin..." he whispered huskily. He turned away as he wiped his hand over his face. "Oh, God…"

Nanggilalas si Lana nang makita ang estado ng kasuotan.

Nakakalas na ang mga butones ng blusa. Ang sugpungan ng bra sa harap ay wala.

Oh...

Halos matunaw si Lana. Hinapit niya ang blusa. Hindi niya magawang tumingin sa lalaki.

Muntik na niyang ilugso ang puri sa loob ng comfort room!

Nang muli siyang magtaas ng paningin pagkatapos ang nanginginig na pag-aayos sa sarili, wala na si Devlin.

Nag-iisa na lang uli siya sa loob ng restroom.

Halos malugmok siya sa matinding panlalambot.

Anong mukha pa ang ihaharap niya?

Naghilamos uli siya ng mukha. May kaunting nginig pa ang kamay niya nang maglagay ng lipstick.

Ilang ulit siyang huminga bago pinihit ang seradura ng pinto.

Nang lumabas siya, wala ang lalaki. Siya lamang ang nasa loob ng eleganteng opisina.

Ilang minuto na siyang nakatulala sa kinauupuan nang kumuriring ang telepono.

Para siyang hinugot mula sa malalim na balon. Ipinilig pa niya ang ulo bago dinampot ang receiver.

Kliyente ang caller. Pina-follow-up ang progress ng isa sa mga kaso.

"Wala po si Sir sa office niya. May I ask your name, please?" Medyo nanginginig pa ang boses niya.

Nang matapos ang pag-uusap sa telepono, unti-unti nang nagbalik ang normalidad.

Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Nagpadarang siya sa apoy ng pagnanasa.

Sabi ni Daddy Baldo, ang mga lalaki ay mahina sa tukso.

Si Devlin ay lalaki na tumutugon sa kaway ng tukso.

Dapat ay naging matatag si Lana. Hindi siya dapat nagpatangay…

Hanggang sa mag-uwian, wala si Devlin. Ni hindi nagpaalam kung saan pupunta.

Nag-routine check na lamang si Lana bago umuwi.

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

ecmendozacreators' thoughts