webnovel

Lost in Lust

Lana was an abandoned child and rescued by a tomboy. She grew up beautiful but lacking on ladylike manners. Devlin was commissioned to find her. He found her and felt an instant desire for the rough beauty. He seduced her with every kiss. She became addicted to his kisses. But she balked when he said: Marry me. How could he convince her that they were destined to be together?

ecmendoza · Urban
Not enough ratings
17 Chs

Chapter Fifteen

NANG magpaalam siya, halos tapos na ang lunch break. Nagtungo siya sa restroom ng fastfood restaurant para tiyaking maayos ang hitsura.

Bestida ang suot niya ngayon. Maikli ang manggas at square neck. Medyo pormal ang tabas at mukhang mamahalin. Kulay royal blue at hanggang tuhod ang laylayan.

Nanggaling ito sa wardrobe na binili ng Mama niya para sa anak na hindi pa nakikita.

Kahanga-hanga ang determinasyon ni Laliana Esguerra para matagpuan ang nawawalang anak.

A, napakasuwerte niya!

Ipinusod ni Lana ang buhok na hanggang balikat. Nilagyan ng panibagong lipstick ang mga labi.

Huminga muna siya uli bago binuksan ang pinto ng opisina.

Dinatnan niyang nagla-lunch na ang mga agents.

Wala si Devlin.

"Miss Beautiful, pwede ka bang maayang manood ng sine?" salubong agad ng presko sa kanya.

"Hep hep, bakit sine agad? Sa akin ka na lang sumama mag-dinner," sabad naman ng tatahi-tahimik na kasama nito.

"Ipakilala n'yo naman kami kay Miss Secretary." Nagkagulo na ang ibang naruruon.

"Her name is Lana Esguerra. Satisfied? Now, let's resume our meeting."

Si Devlin ang nakatayo sa bukas na pinto ng comfort room. Madilim ang ekspresyon. Tila may pinipigil na emosyon.

Parang radyong na-switch off ang naging katahimikan sa loob ng opisina.

Sa isang iglap lang, nasa kanya-kanya nang upuan ang mga agents. Seryoso uli ang mga mukha.

Tinanong niya uli si Nellie.

"Usually, umaabot lang hanggang alas dos ang meeting. Kung tatagal pa, tumawag ka uli ng refreshment at dinner. Same number din."

"Salamat uli, Nellie. Pasensiya ka na, ha?"

"Wala 'yon. Ako nga ang dapat na nagpasalamat sa iyo, e."

Inabutan ng alas singko ang pagbibigay ng kanya-kanyang assignments.

Si Devlin na mismo ang lumabas para magbigay ng instruction sa kanya.

"Huwag ka munang uuwi hanggang hindi kami natatapos."

Tumango lang si Lana. Hindi siya nakahuma.

Nang mahimasmasan, tumawag siya sa ina at kay Daddy Baldo.

"May overtime po kami. Huwag po kayong mag-alala. Mag-iingat po ako. Bye!"

"O, sige, mag-iingat ka, anak!" Duet pa ang dalawa nang tumugon.

Um-order na siya ng dinner. Alas sais ng hapon nang ihatid. Tahimik niya uling ipinasok ang mga brown bags.

Lumipas ang mga sandali. Mag-a-alas siete nang isa-isang tumayo ang mga agents. Lumalapit sa trolley upang kumuha ng pagkain bago lumabas.

"Salamat, Miss Esguerra!" ang pormal na paalam ng bawat isa.

Nagliligpit na siya nang magpaalam ang huling agent. Ang presko pala ngunit wala nang kangiti-ngiti sa mukha nito.

Nagtataka man hindi na nag-isip si Lana. Pinatay niya ang computer at inilagay ang mga files sa tamang lalagyan.

"Lana…"

Kinilabutan siya nang marinig ang baritonong tinig ni Devlin.

Luminga siya. Nakatayo ang matangkad na lalaki sa gitna ng reception. Nakatitig sa kanya. Enigmatiko ang mga mata.

Walang imik na inilahad ang isang kamay.

Kusang humakbang ang mga paa niya palapit.

Niyakap siya ng matitipunong bisig. Maluwag pero agad na hihigpit kapag kumawala siya.

Ewan kung bakit alam niya. Ngunit wala siyang balak na lumayo.

She had been wishing this moment to happen all day…

Yumapos siya sa beywang ng lalaki.

Nasamyo niya ang malinis na amoy ng pabangong panlalaki.

Agad na nagdikit ang init ng kanilang mga katawan.

Isang masuyong halik ang iginawad ni Devlin sa kanyang bibig.

Marahan. Padampi-dampi.

He tasted of coffee. And a raging passion but strangely tamped down.

Pinipigil pa ang pagnanasang nagpupumiglas…

She moaned softly. Bumuka ang kanyang mga labi.

Umungol din si Devlin. Lumalim ang halik. Umalab.

Humigpit ang pagyakap nila sa isa't isa.

Lumipas ang maraming sandali. Kapwa sila nasa sariling mundong nilikha ng masidhing damdamin.

Tanging ang mga ungol at kaluskos ng mga damit ang maririnig sa loob ng opisina.

Devlin suddenly stopped kissing her. He kept his dark eyes closed while breathing heavily.

"W-why did you stop?��� she asked him tremulously.

Ipinilig ng lalaki ang ulo. Bahagyang lumuwang ang pagkakayapos sa kanya.

"I told myself I'll have more control the next time we talk. But I lost my head when I saw those boys around you. I wanted to beat them up to a pulp!" He said with suppressed violence.

Lana was shocked. "B-but why?"

"They were flirting with you!" Sumingasing ang lalaki.

"W-what!"

Devlin kissed the tip of her nose.

"Don't be shocked, my darling. This is what you do to me. You bring out the beast in me." Nagbibiro ang tono ngunit ang anyo ay hindi.

"T-the beast in you…"

"I become possessive with you. I don't want other men looking at you."

Dahan-dahang kumalas si Lana mula sa maluwag na yakap ni Devlin.

"Which is wrong. I don't want to possess you."

Gininaw siya nang mawala ang init ng lalaki. Nahubad na pala ang bestida niya.

"But I want you to be mine…"

Napahinto si Lana sa pagsi-zipper ng bestida. Nagtanong ang mga mata niya.

Possess. Mine. Pareho lang ang mga iyon sa bokabularyo niya.

"Be mine, Lana…" he whispered huskily.

He cupped her face with his two hands.

He kissed her on the lips. A very unsatisfying kiss…

Gusto niya ng malalim na halik.

"Marry me, Lana." Pautos ang wika ng awtoritibong tinig.

It was a command.

Tumuwid ang likod ni Lana. Pero nalilito siya.

"I…" Napalunok siya. "I don't know…" Papilig na umiling ang ulo.

"No! I don't think so." Medyo nanginginig pa rin ang tinig niya pero malinaw na ayaw niyang magpakasal.

"Why? We want each other." He seemed confused with her answer.

Nagdumali sa pagbibihis si Lana.

"I'm a prime catch."

"Listen, Mr. Santana." Dinuro ng daliri niya ang hubad na dibdib nito.

Ang isang baliw na bahagi niya ay gustong halikan ang lalaki. Sa mabalahibong dibdib, sa matipunong leeg, at sa mga labing ubod sarap kung humalik…

Pero mayroon siyang dapat na ituwid na baluktot na katwiran ng lalaki.

"Yes, we want each other--but for how long? Pagkatapos mawala ang init ng katawan natin, saan pupunta ang relasyon natin? Boredom. Maghahanap ng iba. Wala namang divorce dito sa Pilipinas!"

Hinihingal siya nang matapos ang sinabi.

"And I'm a prime catch, too!" Pasinghal ang huling sinabi bago lumapit sa desk. Kinuha niya ang shoulder bag at mabilis na lumakad palabas.

Sinuklay na lamang ng mga daliri ang buhok na nakalas sa pagkakaipit.

"Wait! Ihahatid kita!"

Nalingunan niyang nagbubutones ng polo kulay navy blue ang lalaki.

"Huwag na!" She snarled, pouring all her sexual frustrations in those two words.

Nabitin siya. Dalawang beses na. Pero sa imahinasyon niya, maraming beses na siyang ibinitin ni Devlin.

Damn you, Devlin Santana!

Maliksi siyang sumakay sa kotse. Gusto sana niyang paharurutin ngunit dahil trapik, napilitan si Lana na magmenor.

Lumingon siya. Nakita niya sa Devlin na humahangos palabas. Patungo sa kabilang direksiyon. Palinga-linga.

Napagtanto niyang hindi pa alam na naka-kotse siya.

At lumipat na sila ng tirahan.

May sumilay na ngiti sa mga labi ni Lana. Mapakla. Bahagyang nabawasan ang galit niya.

Sana makita mo ang hinahanap mo, Santana!

Pagdating sa NLEX, hinarurot niya nang husto ang sasakyan. Sinagad ang tulin at tibay ng makina.

Nang matiyak na iyon na ang tunay na bilis ng kotse, pinabagal na niya nang bahagya ang takbo.

Napasigaw siya sa tuwa.

"Yuhooo!"

Tuwang-tuwa siya dahil sa unang pagkakataon, wala na siyang alalahanin.

Malaya na siya sa pangamba.

Ang tanging ambisyon niya sa buhay ay mabigyan ng maayos na retirement si Daddy Baldo.

Secured na ang buhay nila.

Ngayon lang siya nakahawak ng kotse.

Ngayon lang siya nakatira sa mala-palasyong bahay. Nagkaroon ng magagandang gamit.

Ngayon lang may na-attract na lalaki sa kanya. Si Devlin nga.

Pero dapat bang magpakasal agad siya?

Walang-wala sa plano niya ang magka-asawa. Ayaw niyang maging sunud-sunuran sa sinumang lalaki.

Pinalaki siyang lalaki ni Daddy Baldo ngunit pinatunayan ni Devlin Santana na babae siya.

Babaeng-babae.

May pangangailangan na katulad ng sa isang lalaki.

Isang babae na may sariling isip. Ang katawan niya ay kanya lang.

Be mine…

Akin ka lang.

Maaari bang maging pag-aari ni Devlin ang sarili niya? Ang katawan niya?

I become possessive…

Could she let him possess her body and soul?

Ayoko! Ang sarili niya ay kanya lang.

Hanggang sa makarating sa mansiyon, buo pa rin pagtutol niya sa pagpapakasal kay Devlin.

She wanted him but she didn't want to marry him!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

ecmendozacreators' thoughts