webnovel

Lights, Camera, Fall... in Love?

Pagtuntong ni Phee ng kolehiyo ay sinunod niya ang gusto niyang maging isang direktor ng isang short film. Lalo pang naging masaya ang college life ni Phee nang pagkatapos ng matagal na panahon, sinabi ni Mark na may gusto na siya kay Phee na labis na hinahangad ng dalaga. Lahat ay umaayon sa kagustuhan ng dalaga. Pero paano kung dumating ang isang lalaking gugulo sa takbo ng kanyang buhay? Makakabuti ba siya o lalong makakasama sa relasyon niya sa kanyang pamilya, kaibigan at sa kanyang kasintahan...

Zenddrick · Teen
Not enough ratings
6 Chs

The Jerk

"WAAAAAAH!"

"Walang hiya ka talaga Alfonso! Papatayin kita! PAPATAYIN KITA! PAPATAYIN TALAGA KITA ALFONSO!"

Idol ko ata nung bata ako si Robin Padilla, kaya ayun, lumaki akong Bad Boy. Lahat na yata ng kalokohan nagawa ko. Kodigo, pagbabasag ng salamin sa mga bintana ng school, pagtataob ng mga trash can, pagsusulat sa dingding sa school, nagawa ko na lahat 'yan. Kasama pa 'yung mga binubugbog ko araw-araw at 'yung mga teacher ko na nakakaranas ng napuputol na upuan, pumuputok na lobong may lamang tubig 'pag inuupuan, mga sandwhich na may lamang bala ng stapler at kung ano-ano pa!

Ako si Brix Alfonso. Matangkad. Itim ang buhok. Brown-eyed. Malapad ang balikat. Maabs. In other words, Sex-God. Wahahahhaha!

Pero kakaiba ngayon. Lumilipad ako! Tama, lumilipad ako from one table to another table! Naghihiyawan 'yung mga teacher sa galit kasi sinisipa ko 'yung mga libro, paperworks at mga exams sa mesa nila! At ang pinakanagwawala sa kanilang lahat, si Sir Pacheco, isang matandang hukluban mula sa PE Department. Hawak-hawak ko kasi ang nag-iisang wig niya. Nag-iisa, kasi lahat ng sweldo niya dun lang napupunta sa kerida niyang dito din nag-aaral. Fourth year na din 'yun. May sex video pa nga ako nila eh pero nakalimutan ko 'yung password ng youtube account ko. Sayang.

"Panot! Panot! Panot masamang tao! Panot! Panot! Panot masamang tao!"

Kumakanta-kanta pa ako habang para akong isang napakagwapong palakang palundag-lundag sa mga table ng mga teacher. Lundag dito, lundag doon. Ang saya pala. Siguro nung kabilang buhay ko, palaka ako. May nakahuli lang sa'king magsasaka at inadobo ako! Teka, saklap nun ah! At ngayon, may pilit humaharang sa'kin na mga lalaking teacher pero tinutuhod ko sila sa baba. 'Yung isa nga bang ingay eh! Nasigaw pa kaya ayun, napakain tuloy ng sapatos ng wala sa oras. Teka parang masyado na akong napapasarap ah! Winagayway ko 'yung wig para lalong magalit si Panot at lumipad ako sa pinto sabay—

BAAAAAAAG!

Tae, may prof na papasok dapat! Ang sakit ng ulo ko! Nagsusumigaw na sa tuwa si Panot pero biglang natanggal 'yun nang inihagis ko 'yun wig niya sa matalik kong kaibigan na si Drew.

"MGA HAYOP TALAGA KAYONG MGA ESTUDYANTENG KAYO! WALA NA KAYONG NAGAWANG MABUTI—"

BAAAAAM!

I-slow mo natin. Sa sobrang galit ni Panot, sinundan niya si Drew sa cr na para lang sa faculty. First step. Second step. Then, napatigil si Panot nang may bumubuhos na berdeng pintura galing sa kisame at ndinaig niya ang isang cake na binuhusan ng icing habang gustong magpop-out ng mga mata niya sa gulat. Napapamura na siya nang muntikan niyang gawin Zagu 'yung pintura—BAAAAM—zombie na may timba sa ulo. Nadulas at nagplanking pa sa sahig! WATTASAYT!

"Wahahahahaha!"

"B-B-B-BWESETTTTTT TALAGAAAAA KAYOOOOO!" EH? Ang weird ng sound. Parang nahulog sa balon! Umi-echo! Haha!

Para lang nag-iipon ng chakra ah at ayun, KAGEBUSHIN TECHNIQUE!!!! Nagkatinginan kami ni Drew. TALAGA NGANG GALET NA SIYA! OPERATION GET-AWAY NA!

Takbo rito, takbo doon. Wala kaming pakialam sa mga nadadanggi namin. May isang babaeng galit na galit, at minumura ako pero 'di ko siya pinansin. Wala pang ilang segundo, nagliliparan na ang mga papel sa corridor ng second floor—("WOOO! CONFETTI!")—may mga dumadampot ng mga nahulog nilang libro—("ISIPIN NILA KUNG SA LIBRARY SILA NAGLARO!")—merong tumatayo sa pagkakatumba—("TEKA RAYUMA KO!")—meron din namang mga namumula at nagkahalikan na. Wow ha! Meron palang magandang naidulot 'yung gulo namin.

Naghiwalay na kami ng landas ni Drew. Dun siya dumaretso sa hagdan samantalang tumalon ako sa balkonahe ng building, hawak sa ginawa kong lubid na sa kabilang dulo ay may lata na puno ng tubig—

"AHAHAAAAAAA!"

At nakalanding ng maayos si Tarzan! Sabi ko na sainyo eh, ipinanganak ako para maging action star eh! Sana may nakapagvideo nun tapos upload nila sa youtube!

Maya-maya lang eh naaninag ko na si Drew at sabay na kami tumakbo palayo, nagtatawanan at nag-aasaran, hawak-hawak ko pa rin ang wig ni Panot.

"Nakita mo ba 'yung itsura niya?! Mukhang minion! Pero 'yung violet! Haha!"

"Oo nga! Ahahahhaa! Akala niya siguro gwapo siya dito sa wig na 'to! Anong tingin niya sa sarili niya, Brad Pitt? O mukha lang naman siyang PWITT ni Brad Pitt eh! AHAHAHAHAHA!"

"Teka, anong gagawin natin diyan? Sunugin na natin 'yan!"

"Eh 'di tapos na ang maliligayang araw natin?" Sabi ko.

"Di ka pa rin titigil?!" Humihingal niyang tanong habang pabagal na nang pabagal kami sa pagtakbo.

"Aba syempre.... hindi, ahahahaha! Sayang naman kung 'di ko lulubusin 'yung huling taon ko dito sa school! Aba, last na kaya 'to! At para sa huli kong taon dito, mas lalo nila akong 'di makakalimutan! WAHAHAHA!"

"Teka, kumidlat ba?!" Napatigil kami just in time when someone was shouting.

Papalampas kami ng school gymnasium nang may tumama sa'kin. Alam niyo ba 'yung softdrinks na nasa bote lang? 'Yung 'pag naalog eh sumasabog? GANUUUUN! ONE POINT FIVE PAAAAA!

"Pre, paabot naman kami ng bola!"

"Sige na, pre!"

"Teka, huwag!"

Ayos. May nakakilala sa'kin. Kinuha ko 'yung bola, tumingin ako dun sa nakakilala sa'kin, ngumiti ako, then PLOOOK! Butas ang bola. Isinilid ko sa likod ng baywang ko ang balisong na very useful sa buhay ko! Wala sa kanilang naimik! Walang makakilos. Pinandidilatan nila ang hawak kong balisong—maliban sa isa!

*****

"Talaga? Wow! Congrats pre! Pero bakit ganyan ang mukha mo? 'Di maipinta?!"

"EH 'DI KA NAMAN MARUNONG NUN EH?!"

"Eh anung kinaiinis mo? Ayaw mo nun, captain ka na ng basketball team! Pero dapat magtino ka. 'Di ba pangarap mo 'yun simula nung sumali ka two years ago?! O, 'kaw na! Pero dapat magpakatino ka na!"

"SINERSERMUNAN MO BA AKO? ETO—" Pinakita ko sa kanya ang kamao ko, "—PANGARAP MO?! HA?! At saka 'di ko tinanggap."

"Bakit naman?"

"Ayoko lang."

"Ang tanga mo naman. 'Di ba dati pangarap mo 'yan! Tapos ayan na biglang ayaw mo naman. Ang gulo mo! Ah alam ko na," biglang may naalala si Drew at parang alam ko na sasabihin niya, "iniwan ka lang ni Natalie, bigla mo na lang—Oh, easy." Pinandidilatan niya 'yung kamao ko.

"Sigurado ka bang kaibigan kita? Ang lakas mo ding mang-asar eh 'no!"

"Eh kami na nga lang ni Bruce ang nagtitiyaga sa'yo eh! Ahahahaha! O-o-o-o-o! Eh ano bang ikinagagalit mo?!"

May hilera ng study table malapit sa pathway sa loob ng campus. May tao sa dulong study table kaya hinigit ko siya sa kwelyo at hinagis ko sa damuhan.

"Naalala mo 'yung kahapon?!" Inihagis ko pa sa damuhan 'yung iba pa niyang gamit habang nag-uumpisang umakyat ang dugo sa utak ko.

"Oh?"

"Nakalimutan mo 'no?!"

"Hindi. Pero ikaw halatang nakalimutan mo?!"

"Tanga! 'Di ko 'yun nakalimutan!" Apila ko.

"Oo. Hindi mo nga nakalimutan. Natraffic lang sa utak mo kaya ayun, ngayon ka lang nabubweset! Woaaah! Masakit 'yan!"

Nanggigigil ako dito sa taong to! Sarap upakan! Paano ko ba naging bestfriend 'tong hayop na 'to!?

"Eh tinawagan mo ba 'yung cellphone mo?"

"Oo naman! Tingin mo sa'kin, tanga? Sayang din kaya 'yun. Bigay pa 'yun ni—"

"—ni Natalie." Pagtatapos niya. "O anung nangyari?"

Bwisit na 'to. 'Di ko na nga itinuloy, tinapos naman niya! Napakasensitive mo 'pre!

Kilalang-kilala na ako nitong si Drew. Simula kasi pagkabata, kami na magkasama. Sabay kaming lumaki, nagpatuli, nanligaw at navirginize! Alam namin ang ayaw naming pagkain, tipo ng babae, ikagagalet sa isa't-isa, pati na rin kung saan kaming motel nagdadala ng mga babae at sa kung anong room number niyo kami makikita. At pati siya lang ang nakakaalam kung anong nangyari sa'min ni Natalie.

"Tinawagan ko 'yung cp ko. Aba, ang tagal kayang sumagot! Nakailang dial ako bago sinagot! Taga-bundok siguro. 'Di marunong ng android phone. Tinatanong ko pa lang kung sino siya eh, binabaan na kagad ako!"

"Baka naman kasi ang pagkakatanong mo eh, 'Hello! Kung sino ka mang hinayupak kang nakakuha ng bag ko, eh isauli mo kung ayaw mong masaktan—' Woaaaah! Baka lang naman! Masakit 'yan! Try mo din paminsan-minsan!" Lumalayo din naman si Drew. Takot din naman sa Palakol ni Kiba!

"Tinawagan ko ulit ng tinawagan! Kinulit ko ng kinulit! Aba sayang din kaya 'yun! Nandun uniform ko, isang set—"

"Madame ka namang uniform ah!"

"—'yung jersey ko—"

"Bigay lang naman sa'yo 'yun eh! 'Di mo pa pangalan."

"—short—"

"Maliit na 'yun sa'yo."

"—brief—"

"Di naman nakakabuntis 'yun."

"—cellphone ko—"

"Puro hentai naman 'yun—"

"Teka nga, kanina ka pa comment ng comment diyan ah! Sapak gusto mo?!"

"Easy, easy!" Nakataas ang dalwang kamay ni Drew, pansalag ng kamay just in case lang naman. "Tapos?" Kunyari interesado pa siya sa tanong ko. Hmmpf! Upakan ko na talaga 'to eh!

"Ilang ring ulit bago sinagot pero eto nakakabwisit, akalain mong itinapat sa speaker—o bakit ka natawa?!"

* SAPAK *

"—Kaya 'pag nalaman ko talaga kung sino 'yun, patay siya sa'kin!"

May ilang minute ako habang iniisip ko ang itsura nung babaeng nakita naming sa kalsada kahapon. Puti ang balat, mahaba ang buhok na itim na itim at nakaputing damit! WAAAAAAH! WHITE LADY BA 'YUN? Wahuhuhuhuhu! Paano ko mababawi ang mga gamit ko?

"Nakuha mo ba lisensya mo kahapon?" tanong ni Drew, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin.

"O bakit ganyan ang tingin mo?" singhal ko.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?"

Napatigil ako at biglang napabalikwas at humarang sa kanya, "SA TINGIN MO TAKOT AKO SA MULTO? SA TINGIN MO HA?!"

"Hindi. Pero bakit ganyan ang itsura mo? Takot ka siguro sa multo-oh-oh-oh!" Lumayo na talaga siya ng tuluyan at mula sa dulo ng mesa, inulit niya ang tanong niya. "Nakuha mo ba ang lisensya mo?"

"Hindi."

"Bakit hindi?"

"Bakit bigla kang nawala?"

"Ah, kasi.. kinausap ako nung enforcer," Nag-aalangan niyang tanong.

"Bakit daw?"

Naputol ang usapan naming nang makarinig kami ng kaluskos ng chicherya. Sa talang-buhay namin ni Drew, iisa lang ang kilala naming may pre-entrance sound effect na ganito. Isang maliit na lalake, double-chinned, pintugan pisngi, naglalakad sa hindlegs at nagkakapalan sa taba ang sumisigaw sa 'di kalayuan. Isang nakasilid na gitara na mas malaki pa kaysa kanya ang nakasabit sa kanyang likod. Pakshett! Kailangan talagang dapat lagi niyang dala 'yan? Nangangati tuloy ang kamay ko.

"Brix, may naghahanap sa'yo!"

Palingon pa lang ako pero parang kang nanunuod ng mga eksena sa porn kung saan nang-aakit 'yung babae. BUSHING! Sensya na ha! Hard-on agad! Paano ba naman, makakakita ka ng babaeng naglalakad, umaalon-alon ang buhok sa hangin, wearing a sleeveless blouse with a designed of a face of a cartoon character of a frog and mini-skirt habang siya'y... BASA?

WAAAAAAH!

"Wala hiya ka talaga ALFONSO! 'DI KA NA NAKUNTENTO NA TINULAK MO AKO, BINASA MO PA TALAGA AKO! BWESET KA! BWESET KA! LULUNURIN KITA! LULUNURIN KITA! TANDAAN MO, YOUR LAST YEAR HERE AT THIS SCHOOL WILL BE YOUR LIVING HELL!"

Sabay bitaw sa hose na dala niya at tumalikod na!