1 Phee Anderson

Finally! Tapos na din ang Leadership Program! Bweset na school 'yan ha! Ilang araw pa lang nag-uumpisa ang schooldays (actually, isang araw ko pa lang naaapakan ang school namin), ako kaagad ang binalibag sa Leadership Program na 'yan. Eh ano naman kung walang natira sa Student Organization Body maliban sa'kin? Eh ano naman kung ako ang acting na, OIC pa? Eh ano naman kung sa loob ng isang buwan, ako ang representative ng SOB?! Eh ano? Eh ano?!

WAAAAAAH!!! AYOKO NAAAAAA!!!

"What's going on?"

O_O

May isang gwapong lalaki ang biglang pumasok sa loob ng kwarto ko! OMYGODDDD!!! MAGNANAKAW! HOLDAPER! AKYAT BAHAY GANG! TERORISTA!! RAP*STTTT!!! WAAAAAAAAAG POOOOOO!

Pero wait! Kung siya lang din naman ang mangre-rape sa'kin, okay lang! Ahahahahaha!! Kahit ten times pa! Ahahahahaha! Joke! Virgin pa ko ha! Baka kung anung isipin niyo. Sino ba naman kasi ang 'di madidistract sa kanya ha?! Dimple pa lang ulam na! Titig pa lang, kanin pa! Ngiti pa lang niya, extra rice na! At higit sa lahat, boses pa lang niya, makalaglag panty na! Yeeeeeeee!

"Uy!"

"Ay kabayo! Ano?! Ah oo nga!"

"Ano nga ulit name mo?"

"Eh?"

"Anong nangyare dito?" sunod niyang tanong kahit hindi pa ako nakakasagot sa una niyang tanong.

"Ay ewan." Patay malisya 'no?! Ganun talaga. Malay ko bang ng dahil sa adrenaline rush ko kanena, naitaob ko 'yung mesa. Dinaig ko pa talaga si Hulk ah! Teka meron ba ako nun? Adrenaline rush! Hahahaha! Malay niyo rin 'di ba?! "Baka dumaan si The Flash! You know.. Wiw wiw.. Ing ing .. Shung shung!"

*FREEZE*

Tumawa lang siya. Awkward ng pagkakademo ko ha! Ooooh! Grabe! Sarap pakinggan ng tawa niya!

"'Yaan mo na sila maglinis dito."

At napakagentleman niya. Siya lang naman nagdala ng mga gamit ko. Well, tatlong maletang puro design ng KeroKeropi lang naman 'yun na puro makeup ahahahaha! At kung isasama 'yung bag niyang malaki, para ka lang naman nagpasan ng apat na sakong lalake! Ahahahaha! Joke!

"Nasa baba na 'yung bus. Tara na at baka maiwan pa tayo."

Pagkalabas niya ng kwarto ko, humarap muna ako sa mala-Undoy kong kwarto sabay dipa at, "Goodbye my friends. Salamat sa memories! May you all rest in Peace! AMEN!" At saka ako kumaripas ng takbo sa corridor. Napatapat ako sa isang salamin at ngumiti sa'kin ang isang babaeng maputi, katamtaman ang taas, may straight na buhok na medyo brown at katamtaman din ang payat. Siya ay ako. Ako ay siya.

Phee Anderson ang pangalan niya.

'Di po ako 'yung tipong mahilig sa make-up. Simple lang ang ayos ko. Konting suklay lang okey na. Polbo lang sapat na! Lipgloss, kaya na! Silay kay crush... ABA LANGIT NAAAAAA!

Kameng dalwa ang representative ng school. Three days ang Leadership Program pero kahapon ko lang siya nakita. Sabi niya, he was there on the first day of the program pero hiwalay ang mga council leaders sa choir singers on the first and second day. But on the third day, pinagsama na ang buong camp. Kabatch ko siya sa school at nasa 4C siya samantalang ako ay nasa 4A.

"Sana sa choir na lang ako sumama para nasolo kita ng three days."

"Ano?"

"Ah wala, wala!"

Hindi ako member ng choir at since ako lang 'yung natira sa SOB, dun nila ako ipinatapon. Kung alam ko lang, sana nag-audition akong choir member noon pa! Bakit ba ang lupit mo sa'kin tadhana! Teka, masabi nga kay Trina at makapagpasamang mag-o-audition!

Nakilala ko si Mark Casas sa isang party sa aming barangay, two years ago. I don't usually attend parties but a brother of mine obliged me to be there. Tapos tumawag pa si Trina at sasayaw daw kami dun pero ayoko nga! Dinaig ko pa ang pusang ayaw magpadampot: kapit sa pader, yakap sa kama at kahit ang kawawa naming pinto, muntik madala pero laking tuwa ko naman nung makita ko ang isang lalaking nakanta sa stage. Lahat ng magpartner nasayaw. I was rooted to the spot, thunderstruck and frozen not to notice he had finished his song, went down the stage and stood in front of me saying, "I love your cap—"

"ARAYYYYY!"

"Ok ka lang?!"

"Okay lang ako!" Dinampot ko 'yung cap na suot ko nung party even though the thought give shivers to my skin. Imaginin niyo, pink floral bestida with a KeroKeropi-designed cap!

Nauna na siya sa bus. Oo papasok na kame ng bus. Sa sobrang paggugunita ko ng mga malalandi— este magagandang alaala, nauntog tuloy ako sa pintuan ng bus. Bakit pa kasi naimbento ang glass door eh! Ayan tuloy, nakakasira ng daydreaming!

"Okay ka lang?" Tanong ng kunduktor.

"Mukha mo kaya iuntog ko dito ha?! Malamang di ako okey!" Reply ko kay manong habang minamasahe ko ang noo ko.

"Ang sunget mo nam—"

"Oo! Middle name ko kaya 'yun!" Tiningnan ko siya ng masama. Gusto kong lumabas ang mga laser beam sa mga mata ko para matunaw siya sa kinatatayuan niya pero parang 'di effective eh. Iniilagan niya lang ang mga killer glares ko eh! Sabi ko pa through gritted teeth, "Umayos-ayos ka diyan at baka ikaw ay manghiram ng mukha sa aso—"

"Hey, ayos ka lang diyan?" Sigaw ni Mark mula sa dulo. Nakahanap na siguro siya ng mauupuan namin. Yeeeeeh!

"Ay oo!" Bilis ng bluetooth 'no?! Pakawaykaway pa ako nun.

Tapos si manong, ganito lang reaksyon sa'kin o! (-_-)

"O sige na! Sige na!" Sabi ng konduktor nung tiningnan ko ulet siya ng masama at sumenyas pa ako ng dalawang daliri sa mata ko, then sa mga mata niya. Don't you dare cockroach!

"Bakit ang tagal mo?"

"Ah.. wala. Bangag lang 'yung driver. Hihihihihi!" O di ba, ang hinhin! Yeeeee!

"Bangag?"

"Huwag mo nang intidihin 'yun. May mass breakout sa mental ngayon," sabi ko. Haha! Pati si Manong Driver, nadamay!

Ito na yata ang pinakamagandang byahe ng buhay ko! Byaheng langit ata 'to eh! 'Yung pakiramdam na nakahiga ako sa balikat niya (siya nagsabi nun ha! Na sumandal ako ha! Hirap kaya umeffort na kunyare 'di ako kumportable!) habang nagbabasa siya ng libro, tapos maaamoy mo 'yung pabango niya! Uhmmm! Nakakalasing grabe!! Sana palageng ganito! Sana ako na lang ang girlfriend niya :(

Oo may girlfriend siya. Hindi ko pa kilala 'yung babae, kahit pangalan man lang kasi parang 'di naman bulgar sa school 'yun. Nalaman ko lang nitong Leadership program pero di na niya binanggit pa ang mga detalye. :(

Pero ok lang dahil sa dalawang oras na byahe, akin lang ang asawa ko! Este crush pala! Ahahaha!!

After two hours.

Tumigil na ata ang bus. Nasa terminal na ata kami. Nagsisimula nang magsibabaan ang mga ibang pasahero. Teka, nakahiga pa din ako sa balikat niya. Hindi siya nagalaw. Baka naman tulog pa siya! Hmmm, ang sarap dito sa pwesto ko eh! Para akong Heavenian! Oo, Heavenian, residente ng Heaven! O 'di ba! 'Di ba! Kunyare tulog pa ako.

BAAAAG! Hmm, may tumama sa'kin. Bag siguro 'yun.

BAAAAG! Parang plastic naman 'yung pangalawa. Medyo tiis pa. Katabi ko si Mark eh.

BAAAAG! BAAAAG!!! BAAAAG!!!

WAAAAAH!!!

Nahigit ko 'yung isang row ng upuan at naipukpok ko ng sampung beses dun sa mga dadaan na sasampal sa'kin ang kanilang mga bag o maleta at gagawin ko silang pamintang durog! Leche ah! Nakakarami na sila! Ano bang meron at nagmamadali sila? Ako nga dito ang sarap ng buhay eh! Parang gusto ko nang mabambuhay dito sa bus na 'to. Kahit dito na kami tumanda! PERO BINUBWESET NILA! GRRRRR!

"Ehem."

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa'kin. Tapos tumingin siya sa tiyan niya. May dalawang kamay dun na nakayapos.. nakayapos.. nakayapos..

Loading.

Loading.

Loading.

WAAAAAAHHH!!!!!

Napaatras kaagad ako, hila ng mga makasalanang kamay pabalik sa manyakis na may-ari, sabay tayo umpog sa lalagyanan ng baggage, then BAAAAAAGGGGGG!

"Okey ka lang ba? Here, here. Let me help you."

"Aray! Aray!" Imagination ko lang pala 'yung moment na ipupukpok ko sa kanila 'yung bangko! Sayang!

"Ano ba 'yan, ang landi-landi naman!"

Nanlaki ang tenga ko sa narinig ko. Di kinaya ng thermometer ang dugo ko. Pumalo agad ng 100 degree Celius! Napatingin ako ng masama dun sa halimaw na dumadaan. Dahan-dahan akong tumayo at humarap sa kanya. Tinitigan ko siya. Ang ganda niya. Baka gusto niyang balasahin ko mukha niya ah! ANU HA?! ANU HA?!

May binulong 'yung isang babaeng kasama niya. Itago natin siya sa pangalang 'Girl B' at 'yung mukhang paa ay si 'Girl A'. Nanlaki 'yung mata ni Girl A sa binulong ni Girl B. 'Yan tama 'yan! Matakot kayo sa aura ko! Konti na lang at magiging Sailor Milky Way na ako! Tapos nanlaki 'yung mga mata ni Girl B na para bang slow mo nung mga mata ni Girl A nung umangat na si Mark, dala-dala ang tatlo kong bagaheng tadtad ng mga sticker ni KeroKeropi. Tama 'yan! Paglawayan niyo lang siya. Para lang kayong nanunuod ng commercial ng branded na bag, courtesy of KeroKeropi and his family! Ahahhahaha! Pero dapat ko nang putulin ang maliligayang sandali niyo dahil bababa na kami.

"Tara na?" tanong ko sakanya sabay sulyap sa dalwang tentacles ni Ursula. Wow, nanlilisik mga mata! Dukutin ko yang mga yan eh! Don't tempt me!

"Sige." Sabi niya.

Sobra ko na atang naeenjoy ang trip na 'to. Pagkababa namin ng bus, nagpaalam na siya. Humalik siya sa pisngi ko at 'yun, parang sumisipol na takuri ang mukha ko! SUNOG! SUNOG! ANG USOK! ANG USOK! Tumalikod na siya pero nandun pa din ako. Wala akong ibang nakikita kundi siya lang, at tanging siya lang. Nakanaks ang lola mo! Inlab ang peg! Humarap ulet siya at kumaway sabay ngiti.

YEEEEEEEEEEEE!

Walang hiyang buhay to. Nakakabweset! Ano bang ginawa ko at binuhusan niyo ako ng nag-uumapaw na kaswertehan! At di pa kayo natuwa Lord, ibinato niyo pa talaga 'yung timba sa'kin ha! Nabubusog ang puso ko sa kanya eh! Siya na! Siya na talaga!

"Ay kabayo!"

Tiningnan lang ulet ako ng masama nung dalwang babae.

"Nakita niyong ang ganda ng view, popolute-in niyo lang! Ayan wala na siya! Magsialis nga kayo at baka kayo'y ipalamon ko sa anak ni Janice!"

Binelatan lang ako ni Girl A. Aba bakulaw 'to ah! Baka nahohomesick siya?! Tamang-tama, may nasisipat akong malaking trash can!

Hinablot ko na 'yung tatlong malalaki kong bag! Aba, ano laman nito? Bato? Semento? Estatwa ni Rizal? Higit! Higit! Higit pa! ANU BAAAA?!

"Okey lang kayo Ma'am?"

"Sa palagay mo?! Nakita mo nang kanina ko pang hinihigit 'to eh miski point zero zero one centimeter, hindi man lang gumalaw eh!"

"Sunget niyo naman Ma'am—"

"Di na bago 'yun—"

"Ah bumalik si Sir!"

"O bakit ka bumalik?!" tanong ko, sa pinakamahinhin kong tanong.

(^_^)

(0_0)

(-_-)

(+_+)

Humarap ako kay Manong. Tawa siya ng tawa. Sa sobrang inis at biglang buga ng adrenaline rush ko, naihampas ko 'yung isang bag dun sa kanya kaya ayun namamaluktot sa sakit. Akala niya siya lang makakaisa ha! Pwes ako din! Mamaluktot ka diyan! Hmpf!

After ten golden years, nandito pa lang ako makalampas ng skul. Di na ako pumasok pa dun. Bweset na Harold yan, napakawalang hiya! Usapan namin susunduin niya ako! Ayon, nakalimutan lang niya. At ang nagtext pa sa'kin ay 'yung girlfriend niya na nasa Amerika pa. Bweset talaga! Kung sino ang wala dito, siya pa ang nakapagtext sa'kin! Alam naman niyang ambibigat ng mga dala ko eh! Mamaya ipupukpok ko sa kanya lahat 'to eh! Sabihin ko mga regalo 'to ni Santa! Tinext ko din si Trina pero nakakapanlumo ang reply niya.

=============

To: Trina

Trina, sunduin mo naman ako dito. 'Di ako masusundo ni Kuya Harold. <<< Phee

>>> Sorry. Andame kong ginagawa. Lots of animation works. Need to finish. Sorry. I'll contact perhaps Kuya Chris.

=============

KAYA KO 'TO!

KAKAYANIN KO 'TO!

KONTI NA LANG!

KONTING KONTI NA LANG!

AYOOOOOOKO NA!

Inihagis ko 'yung tatlong bag sa harap ko! "MAGSIUWE NGA KAYO! GRRRRRR!"

Sa pagod, inis at init ng panahon, di ko napapansing may tatlong lalaking nakasakay sa isang kariton na sumusunod sa'kin. Mukhang may pinag-aawayan ata sila.

"Teka, ako una nakakita eh!" sabi nung mataba.

Leche, rapist ata 'tong mga 'to ah!

"Teka, may nakita ka na 'di ba kanena. Ako naman!"

Mali ata. Rapist ata 'tong isang 'to!

"Magsitigil nga kayo—!"

BOOM!

Alam niyo ba 'yung anime na Slamdunk? Parang sila 'yung mga nasa motor dun eh. Apat yata sila dun pero sa nasaksihan ko, tatlo lang sila. Para nga akong tanga eh, kasi tumingin-tingin pa ako sa paligid ko at baka dumating pa 'yung isa.

"Walang hiya! Bweset talaga kayong dalawa eh!" sabi ni driver. "Pag sumasakay kayo dito sa motor ko, nadidisgrasya ako eh!"

"Eh 'kaw naman kasi. Kung saan-saan ka naman natingin eh!" sabi nung mataba!

Wow lang ha! Bweset na mga pasahero 'to ah! Kung ako sa kanya, tuwing sasakay sila sa motor ko, idadaretso ko sila sa ilog. Salvage agad. Walang paligoy-ligoy!

"Oo nga! Kasalanan mo 'to! 'Kaw ang nagdadrive diyan tapos kame sisisihin mo!" sabi nung manyakis.

Paano ko nalaman na manyakis siya? Wala lang. Naisip ko lang!

"Sa susunod nga, wag na kayong—waaaaaah! May enforcer!!!!"

Reaksyon ko? Wala lang. Para lang talaga akong nanunuod ng anime. Walang karea-reaksyon.

Kumaripas agad sila ng patakbo sa kariton slash motor. Nag-ayos muna 'yung lalake kasi medyo dumudugo pa nga kamay niya! 'Kaw ba naman ang tumama sa isang sementadong paso, sumubsob silang tatlo sa mga halamanang binibiyayaan ng matitinik na katawan, at madaganan ng dalawa at kalahating balyena?! Kumuha siya ng panyo tapos ipinulupot niya sa kamay niya! O di ba, boy scout o siguro sanay na silang maaksidente kaya alam na nila ang gagawin nila! Oh siya karipas na ng takbo. At nariyan na ang manghuhuli sainyo! WAHAHHAHAHHAHA!

Sumenyas sa'kin 'yung enforcer. Hmmm. Dun lang daw ako. Okay. Dun lang. Fine! Since sabi niya dun lang ako, iintayin ko siya. Baka gawin lang akong witness sa nangyare. Kawawa naman 'yung mga halaman. Nabawasan sila ng mga tinik sa katawan!

HUH?!

May stuffed toy. Kulay green pa! Favorite color ko! Malaki ang dalawang mata. Parang kilala ko 'to ah! Dinampot ko siya at binaligtad ko siya! Parang kilala ko 'to ah! Hindi ako nagkakamali! Siya nga! OH MY PAKINGSHIT! ANG CUUUUUUTE NIYA! Si Kero-Keropi! Sino kayang secret admirer ko dun sa tatlong 'yun? Malamang hindi 'yung manyak, manyakis 'yun eh! 'Yung mataba???? Eewwww! 'Yung driver???? Pwede na rin! Ahahahhaha!

At ang isa ko pang premyo ko sa araw na 'to ay isang—

Bag.

BOMBA?!

TERORISTA?!

TATAWAG NA BA AKO NG BOMB SQUAD?! MAG-AANTAY LANG BA AKO SINCE SABI NUNG ENFORCER DITO LANG AKO? PAANO KUNG SUMABOG BIGLA 'TO? ANG PANGET KO NAMAN SA ATAUL KUNG BUBUUIN PA NILA 'YUNG NAGKAWATAK-WATAK KONG KATAWAN! PAANO NA ANG MGA KINABUKASAN KO?! PAANO NAAAAAAA!

Joke lang! Syempre binuksan ko 'yung bag. May towel, may extrang shirt, short, at brief! Parang kakagamit lang nitong brief na 'to ah! Ay bweset! Hinalungkat ko pa 'yung bag! Teka may wallet. Binuksan ko. Walang pera. Anubayan?! Puro resibo! May VIP pass pa ng motel ha! Teka, may picture! Sino kaya 'to! Sa kanya kaya 'to?! Nakatalikod 'yung picture na ipinagtataka ko, kaya kita ko kagad 'yung note.

============================

"Brix,

Please let me go. Ayoko na. Mahal ko si Matt. Please lang!

- Natalie"

============================

Nanluwa ang mga mata ko nung iniharap ko 'yung picture. Anak naman ng nude photo oh!

avataravatar
Next chapter