×××
Bigla kong pinalo ang braso ni Dwayne. Napa tingin naman din siya sa akin at kinindatan lang ako na kina-bigla ko.
Napa lingon kaming dalawa ni Dwayne sa nagsalita.
"Kung mag jowa naman pala kayo, puwede naman kayong magsama- Sige samahan mo na iyang girlfriend mo. Basta alam niyo na ang bawal ha!"
Sabi nung tour guide sa amin. Hindi ako maka paniwala sa narinig.
Pumayag agad iyong tour guide sa gano'n? 'di ba strict rules iyon na bawal mag sama ang lalaki at babae?!
"Masaya 'to"
Bulong ni Dwayne at naka tingin ito kay Xian na matalim na naka tingin kay Dwayne.
Napa lunok ako ng laway pakiramdam ko may masamang mangyayari.
Hinila ko nalang si Dwayne palayo doon para iwasan ang mga bulungan sa paligid.
"Nakakahiya ka! Bakit mo sinabi sa harap nang mga tao! At anong sabi mo kanina, girlfriend mo ko? Dwayne 'di ba't sinabi ko sa'yo ayok-"
Hindi natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Okay, okay! Alam ko iyon. Pero gusto ko lang makita ang reaction ni Zkie- nakita mo ba? Sobrang nagseselos siya sa'tin. Pakiramdam ko nga gusto niya ko sugurin kanina"
Natutuwa nitong sambit sa akin. Hindi ako maka imik at tinitigan ko lang siya habang siya naman naka ngisi lang at parang inaalala ang mukha ni Xian kanina.
"Gago ka talaga! Mas pag bubulungan nila ako nito dahil sa'yo"
Sabi ko. Lumapit naman ang mukha niya sa mukha ko na kinagulat ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
2 inches lang ang pagitan namin kaya tudo pigil hininga ako dahil isang galaw ko lang magtatama na ang mga labi namin.
Naka ngiti lang siya habang pinagmamasdan ang mga mata ko.
Hanggang sa may biglang humigit sa kan'ya at sinuntok siya sa mukha na kina-bigla ko sa gulat.
Napa takip ako ng bibig ng makita kong natumba si Dwayne at may dugo ang labi niya.
Lalapitan ko na sana siya ng may humawak bigla sa kamay ko palayo sa lugar na iyon.
Nang makalayo kami kay Dwayne tinulak ako ng humila sa akin. Muntik pa akong matumba, buti nalang naagapan ko at nakatayo naman ako ng maayos.
"Ano bang problema mo!"
Inis na sigaw ko sa kan'ya at humarap kay Xian.
Oo, si Xian ang biglang sumuntok kay Dwayne at hinila ako. Nandito parin naman kami sa gubat na malaki at matangkad na mga puno sa paligid.
Huni ng ibon at simoy ng hangin 'tsaka mga gumagalaw na sanga lang ang nagsisilbing ingay sa tahimik naming pag titigan ng masama sa pagitan naming dalawa ni Xian.
Ano 'to staring contest?!
Mabilis siyang lumapit sa akin at sasaktan na sana ako pero pinigilan niya ang sarili niya at tumalikod bigla sa akin 'tsaka malutong na napa mura nalang dahil sa galit.
"Bakit Alice? Bakit sa lalaki pa na iyon! Talaga bang mag boyfriend na kayo? Talaga bang naka move on kana sa akin? Ano ha! Gano'n mo na ba ako kadaling kalimutan? Gano'n na ba kadaling kalimutan ang nakaraan natin?!"
Sabi niya sa harap ko habang hawak ang magkabilaan kong braso.
"Bitawan mo ko, Xian"
Sabi ko sa kan'ya habang malayo ang tingin. Ayoko tignan ang mukha niya dahil masasaktan lang ako.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang halo-halong expression. Galit, sakit, disappointment, pagka taksil, at pagka galit nito sa sarili.
"Alice sumagot ka, talaga bang naka pag move on kana?"
Mahinahon nitong tanong. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang luha ko- na hindi parin naka tingin sa kan'ya.
"Ikaw ba, naka pag move on kana?"
Balik kong tanong sa kan'ya dahilan ng mag mura ulit ito sa galit.
"Alice naman! Ikaw ang tinatanong ko, kahit ngayon lang naman sagutin mo ko ng maayos!"
Na d-depressed na nitong sabi. Sa huling pag kakataon tinignan ko siya sa mga mata niya.
"Xian, pinipilit ko naman eh pero hindi talaga kita makalimutan. Hindi kita kayang kalimutan kahit sobrang sakit na ng puso ko kahit gusto na kitang kalimutan pero hindi ko magawa dahil nandito ka parin sa puso ko. Gusto ko ng mag move on dahil napapagod na ako. Napapagod na akong umiyak at balik-balikan ang mga nakaraan natin. Napapagod na akong isipin na wala kana sa tabi ko- na may mahal ka ng iba at makita kang masaya na sa iba at ako nagdudusa parin sa mga nakaraan natin. Hindi ako maka move on Xian kahit gustuhin ko"
Umiiyak ko ng sabi naramdaman ko na nanlalambot ang tuhod ko dahilan ng matutumba na sana ako.
Sinalo naman ako ni Xian at hinawakan ang dalawa kong braso at tinignan ako sa mga mata ko.
"Kung gano'n naman pala bakit naging boyfriend mo si Dwayne? Totoo bang hindi ka pa nakaka move on sa'kin? Hindi ba dapat nagsabi ka nalang sa'kin na- sorry dahil nilayuan mo ko? Na- sorry binigay mo ko kay Farra at bumalik na ako sa'yo?! Pero anong ginagawa mo Alice, nag boyfriend ka?! Sa tingin mo ba sa mga sinasabi mo sa'kin ngayon papaniwalaan ko pa iyan? Nang malaman kong nag boyfriend kana agad- sobrang galit na galit ako sa'yo alam mo ba? Hinintay kong mag sorry ka sa kamalian mo. Naghintay ako Alice kahit gusto na kitang lapitan, yakapin at halikan. Gusto kong magsisi ka sa desesyon mo pero sinayang mo lang ang pagtitiis ko! Akala ko magiging tayo pero sa huli palilitan mo lang pala ako"
Malamig nitong sabi sa akin. Nakikita ko sa kan'ya na sobra siyang nasasaktan pero pinipigilan niya lang ang emotion niya.
Tumulo na ang mga luha ko sa mata at umiiyak na lamang na nakayuko.
"Hindi totoo iyon Xian. Maniwala ka, mahal parin kita ikaw parin ang lalaki sa buhay ko"
Sabi ko sa kan'ya habang umiiyak sabay hawak sa kamay niya pero mabilis naman niya itong hinawi.
"Hindi na ako maniniwala sa'yo mas mabuti pa ngang kalimutan nalang natin ang isa't-isa"
Mariin na sabi nito sa akin. Pakiramdam ko biglang nadurog ang puso ko sa narinig.
Kaya napalunod na lamang ako. Walang pake na umalis si Xian sa harapan ko at naglakad na papalayo sa akin.
Sa sobrang sakit ng puso ko napahiga ako sa lupa na maraming mga tuyo't na dahon at yakap-yakap ang sariling braso habang umiiyak.
×××
DWAYNE P.O.V
Bumalik ako sa mga tent at umupo sa isa sa mga upuan do'n habang pinapahiran ko ang dugo sa sugat ng labi ko.
Nagsugat kasi ang labi ko dahil sa biglaang pag suntok sa akin ni Zkei. Napa ngiti na lamang ako sa isip ko.
Sobrang selos na selos siya sa ginawa ko kanina. Hindi ko maisip na gano'n magselos ang lalaking iyon. Akala niya sa'kin hindi ko malalaman ang pagpapanggap niya na hindi niya mahal si Alice.
Napa tingin ako sa tumabi sa akin sa isang upuan.
"Kita mo nga naman. Sinabi mo pa kanina na hindi kita kakampi pero nag sisinungaling ka lang pala"
Naka mataray na ngiti na bungad sa akin ni Farra.
Tinignan ko naman din siya ng mapang asar na ngiti.
"Anong pinagsasabi mo? Hindi tayo magkakampi Farra, actually magkaaway tayo"
Sagot ko sa kan'ya. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay.
"Don't denying it. Halata Dwayne na sinisira mo lang rin ang dalawa at tuwang-tuwa ako do'n sa ginawa mo"
Sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Mabilis ko naman itong inalis at pinanliitan ng mata.
"Anong sinisira? Gano'n ko ginagawa ang plano ko para mas lalo silang mapalapit sa isa't-isa at pag nangyari iyon ikaw ang kawawa"
Pang aasar ko sa kan'ya dahilan ng sinamaan niya ako ng tingin.
"Hindi ako magiging kawawa. Mas matalino ako kaysa sa'yo Dwayne. Gagawin ko ang lahat para ma inlove sa akin si Xian"
Sabi nito sa akin. Nag kibit balikat na lamang ako at tumayo sa kinauupuan ko.
"Tignan nalang natin"
Kalmado kong sagot at umalis na para simulang hanapin si Alice.
Nang papunta na ako kung saan nagtungo sila Zkei kanina- nakasalubong ko naman siya.
Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nag patinag sa kan'ya.
"Huwag kang mag alala mamahalin ko si Alice, mas higit pa sa pagmamahal na pinaparamdam mo sa kan'ya"
Bilin ko kay Zkei. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin.
"Magsama kayo. Wala na akong pake alam sa kan'ya. Isaksak mo nalang siya sa bagang mo"
Malamig niyang sabi at nilagpasan na ako. Sinundan ko lang siya ng tingin at napa iling nalang.
"Talaga ba Zkei? Wala ng bawian iyan ha!"
Habol ko. Napa hinto naman siya sa paglalakad at kapansin-pansin na pinipigilan niya ang sarili niyang emotion. Nakikita kong mahigpit siyang napa kamao sa kamay niya habang hindi lumilingon sa akin.
"Sayong-sayo na siya"
Walang emotion na sagot niya 'tsaka mabilis na naglakad palayo. Sinalubong siya ni Farra pero hindi niya ito pinansin at nilagpasan niya lang ito.
Sarkastiko akong napa ngiti dahilan ng mapatingin sa akin si Farra at galit na galit itong naka tingin sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumalikod nalang ako para hanapin si Alice.
Nang makita ko siya, tumakbo agad ako dahil naabutan ko siyang nakahiga sa lupa.
"Alice bakit ka nakahiga? Ayos ka lang ba?"
Bungad kong tanong sa kaniya ng makalapit ako.
Hindi ko maiwasang mag alala dahil napaka importante ni Alice sa puso ko. Kung hindi lang talaga inlove si Alice kay Zkei gagawin ko ang lahat para kay Alice. Pero kailangan kong magparaya dahil alam ko sa sarili ko na huli na ako.
Huli na ako dahil may nagmamay-ari na ng puso ni Alice at si Zkei iyon.
Hinawi ko ang mga hibla ng buhok niya na nakadikit sa kan'yang mukha at tinignan siya ng maigi.
Tulala siya at namumula pa ang ilong dahil sa kakaiyak.
"Tara do'n sa tent natin. Mag pahinga ka muna"
Sabi ko at inalalayan siya. Sinakay ko siya sa likod ko at naglakad ako patungo sa tent namin habang karga-karga ko si Alice sa likuran ko.
Nang makarating kami sa mga tent medyo walang tao ritong tuma-tambay dahil halos mga ka batch namin ay nag gagala sa gubat. Meron din naman dito malapit na ilong sa amin para pag tambayan ng mga tao o mamingwit ng mga isda dahil malinis naman ang ilog dito.
Marahan ko siyang nilapag sa higaan sa loob ng tent. Nang binaba ko siya galing sa likuran ko agad naman siyang tumagilid ng higa patalikod sa akin.
Napa buntong hininga na lamang ako at nanatiling tahimik na umupo sa paanan niya.
Alam ko naman kung anong dahilan ng pinag aawayan nila. Pero hindi ko en-expect na ganito kalala ang mangyayari.
"Huwag kang mag alala Alice magiging maayos rin ang lahat sinigurado ko iyan sa'yo kaya huwag ka na sana maging malungkot"
Pag papagaan ko ng loob niya. Akala ko mananahimik lang siya pero nagsalita ito kahit hindi ako nililingon.
"Okay lang Dwayne huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Dahil, hindi na mangyayaring magiging kami pa ulit ni Xian. Tatanggapin kong wala na talaga kami para sa isa't-isa"
Naiiyak niyang sabi at pinipigilan na hindi mapa-hikbi.
Napa buntong hininga na lamang ako at hindi na alam ang sasabihin.
"Siguro kailangan mo ng space. Nasa labas lang ako, okay?"
Paalam ko sa kan'ya. Tumango lamang siya at pinahid ang luhang tumulo sa mga mata niya.
Nang makalabas ako sa tent umupo ako sa camping chair at doon inilabas ang buntong hininga ko; dahil sa mga nangyayare ngayon.
Ang bigat ng dibdib ko dahil sa mga nangyayari.
Hindi ko nga namalayan nakagat ko pala ang labi ko na may sugat kaya palihim akong napa mura sa ginawa ko.
Ang sakit.
Pero baliwala ang sakit na ito sa nararamdaman ngayon ni Alice. Nasasaktan siya sa mga nangyayare ngayon dahil kay Zkei.
Kung gano'n lang sana kadaling kalimutan ang isang tao. Gagawin ko iyon para kay Alice para kalimutan na niya ang lalaking nagpa durog ng puso niya. Pero kahit lage naman kami magkasama ni Alice si Zkei parin ang laging nasa isip nito.
Kaya nga nagparaya nalang ako at sinubukang ayusin ang relasyon nilang dalawa para wala ng masaktan.
Kung masaya si Alice masaya na rin ako. Dahil gano'n ko siya ka mahal. Hindi ko nga maisip na nagka gusto ako sa kan'ya. Pero kaya ko naman e handle itong lahat. Hindi ako immature para hindi malaman ang nangyayari sa relasyon nilang dalawa ni Zkei.
Alam kong mahal nila ang isa't-isa pero may humahadlang- at ang duty ko; ang kalabanin ang humahadlang sa kanilang dalawa, at si Farra iyon.
Dati, gusto ko si Farra- ginawa ko lahat para sa kan'ya. Pero nagbago na ang lahat, dahil hindi na ako ang dating Dwayne na nagka gusto sa kan'ya. Simula nang mag bago siya; nag bago na rin ang paningin ko sa kan'ya. Dahilan nang nauwi kami sa magkalaban ngayon.
Ang pagitan namin kung saan hindi magka ugnay ang mga gusto namin; at iyon ay ang tungkol kila Zkei at Alice.
×××
ALICE P.O.V
Nagising ako sa mga ingay na nanggagaling sa labas, nang sumilip ako sa labas ng tent napansin kong gabi na pala.
Nakita ko naman agad si Dwayne na naka upo sa camping chair malapit sa tapat lang ng tent kung saan ako natutulog.
Mukhang bagot na bagot siya habang naka upo roon at pinagmamasdan ang mga tao sa paligid habang may dalang mga drinks at pagkain. May malaking camping fire na rin pala sa gitna at upuan na punong kahoy.
Naramdaman ata ni Dwayne ang presensya ko kaya napalingon ito sa akin.
"Gising kana pala"
Bungad nito. Tumango na lamang ako sa kan'ya at napag pasyahan na lumabas ng tent.
"Ano palang meron?"
Tanong ko sa kan'ya ng makalapit ako sa tabi niya.
"Ah- may gimmick lang iyong mga tour guide para hindi maging boring iyong gabi natin"
Sagot niya napa tango-tango na lamang ako.
"Alam mo ba kung anong gimmick iyon?"
Na c-curious kong tanong sa kaniya.
"Ang pagkaka alam ko spin the bottle"
Simpleng sagot niya.
"Gano'n ba"
Pakiramdam ko may mangyayari na namang hindi maganda sa gabing ito. Kaya napa buntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan rin ang mga tao sa paligid.
"Spin the bottle ha"
Sambit ko sa isip.