webnovel

Chapter 30: Pretending to be Yours

×××

DWAYNE'S P.O.V

Kararating lang namin sa isang lugar kung saan kami mag c-camping.

Nang huminto ang bus.

Ang mga estudyanteng pababa ng bus ay napapatingin sa dalawa kong katabi na natutulog parin.

"Grabe, ang kapal ng mukha— nakisandal pa sa balikat ng Prince natin. Look oh! Grrr! Nakakainis"

Bulong ni Karen, ang maldita naming kaklase na number one fan ni Zkei.

Zkei ang tawag ko kay Xian. Noong mga bata pa kami ito na ang tawag ko sa kan'ya.

"Shocks! Ang himbing pa ng tulog nung bruha!"

"Oo nga! Ang sarap balagbagin!"

Lumingon ako sa kanila at nag sign ng tahimik gamit ang isang daliri at inilapat ito sa labi ko 'tsaka ngumiti.

Natigilan naman ang mga babae sa akin at biglang namula ang mga mukha at kinilig na umalis nalang.

Tumingin ako sa dalawa na mahimbing parin na natutulog.

Napa iling nalang ako na umalis sa upuan ko at bumaba ng bus; buti nalang maluwang ang space ng mga upuan kaya hindi ko nabangga iyong mga tuhod nila Zkei at Alice.

Nang pababa ako ng hagdan ng bus; doon ko naman nakasalubong si Farra na parang nagmamadali na puntahan si Zkei.

Hindi siya maka akyat kasi nandito ako at nakaharang sa dinadaanan niya.

"Umalis ka nga d'yan! Hinaharangan mo ba ako?!"

Naiinis nitong sabi at pilit akong pinapaalis. Hindi naman ako natinag at nasa kinatatayuan parin.

"Alam mo Farra, hindi magtatagal at lalabas ang katutuhanan; kung ako sa'yo habang maaga pa itigil mo na iyang kahibangan mo kay Zkei. Pag nalaman niya ang totoo, ano kayang gagawin niya sa'yo"

Sabi ko 'tsaka lumapit sa kan'yang mukha. 2 inches nalang ang pagitan namin. Nanlalaki ang mata niya habang ako naman naka ngiti ng mapang asar.

Tumayo ako ng maayos at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon ko.

"Anong pinagsasabi mo?! Nahihibang kana ba? Ito ba ang trato mo sa'kin? Alam mo bang may sakit ako?"

Sabi niya habang pinandadalakan pa niya talaga sa'kin ang 'SAKIT' na word kaya hindi ko mapigilang tumawa habang may pang aasar na tingin.

"Sigurado ka bang may sakit ka? Hindi ba't stage 3 kana. Bakit mukhang ang lakas-lakas ata ng katawan mo na parang walang sakit na kidney cancer"

Mapang asar na sabi ko sa kan'ya. Ilang bisis siyang napamulat sa kan'yang mata na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Malamang umiinom ako ng gamot?! Puwede ba! Kung wala kang paki alam sa akin tumabi ka sa dinaraanan ko!"

Sigaw niya. Hinawakan ko ang braso niya at tumingin sa kan'ya ng deretso.

"Paki? Sa'yo? Wala naman talaga eh. Pero kay Zkei at Alice may paki ako"

Sabi ko sa kan'ya. Napa singhal siya at napa irap.

"Alam ko naman may gusto ka kay Alice eh. Bakit mo ba ko pinipigilan? Hindi ba't karamay kita 'di ba dapat tayo ang magkakampi. Bakit mo ito ginagawa sa'kin? Dapat kasi mag tulungan tayo— sa'yo si Alice sa akin si Xian"

Sabi niya sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kan'ya at hinila siya pababa ng bus at binangga siya doon dahilan ng masaktan siya.

"Hindi ako katulad mo Farra. Alam ko kung anong nakakabuti. Kung mahal mo ang isang tao dapat siguradohin mong maging masaya siya. Magparaya ka kung hindi ka naman mahal ng taong iyon. Alam mo naman hindi ba? Sila ang para sa isa't-isa. Mahal nila ang dalawa; nang dahil lang naman sa'yo kaya sila naghiwalay eh!"

Sabi ko sa kan'ya na may panlalaki pa na mata.

Kinuha niya ang kamay niya na hawak ko at sinuntok ako sa dibdib.

"Tanga ka! Hindi ako katulad mo! Hindi ako papayag na maging masaya ang dalawang iyon! Alam mo ba first love never die. Ako ang unang gusto ni Xian at hindi ang babaeng iyon! Ginagawa ko 'to dahil sa akin naman talaga siya; inagaw lang ng pangit na babaeng iyo-"

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin niya at sinuntok ko ng malakas ang gilid ng bus kung saan ang kamao ko ay nasa gilid ng mukha niya.

Pasalamat siya nakapag pigil ako at hindi sa mukha niya dumapo ang kamao ko.

"Parang hindi mo kaibigan si Alice kung magsalita ka ah! Gusto mo bang sabihin ko kay Zkei ang totoo na wala ka talagang sakit at nag pike-pikean ka lang"

Pananakot ko sa kan'ya. Nakikita sa pagmumukha niya ang takot ng alam ko ang totoo.

"Pa-paano mo nalaman"

Nauutal at nanginginig ang kamay na tanong nito.

Napa ngisi ako at napa kagat labi kong sasabihin ko ba sa kan'ya kung anong ginawa ko para malaman iyon.

"Nagtataka kaba kung bakit hindi ako pumunta ng malaman kong may sakit ka? Kasi malayo ang loob ko sa'yo pakiramdam ko wala ka naman talagang sakit. Para komperma ko ang hinala ko pina embestigahan kita at doon nalaman kong wala ka naman talagang sakit. Pasalamat ka hindi ko 'to pinagsabi"

Naka ngisi kong sabi at umalis na iniwan siyang tulala.

×××

ALICE P.O.V

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Tinakpan ko naman ng isang kamay ang mata ko para hindi na tumama iyong araw sa paningin ko.

Bigla ko naman din napansin na naka sandal pala ako sa balikat ni Xian na natutulog ngayon sa tabi ko.

Nanlaki ang mata ko sa gulat at tinanggal ang ulo ko sa balikat niya. Dahil sa bilis nito tumama ang ulo ko sa panga ni Xian dahilan ng napa aray ako.

Si Xian naman biglang nagising at napa hawak sa panga niya.

Dahil sa ginawa ko napa takip ako sa bibig ko sa pagkabigla.

Masamang tingin na lumingon sa akin si Xian habang hawak parin ang nasasaktan niyang panga.

"Maghinay-hinay ka nga! Gusto mo bang masira ang guwapo kong mukha!"

Reklamo nito sa akin. Ang fresh niya parin tignan kahit bagong gising.

Naalala ko ang pangit ko pala pag bagong gising kaya napapahid ako sa bibig ko, baka kasi may tumulo na laway dito. Inayos ko na din ang natabingi kong eyeglasses.

"Sorry talaga!"

Paumanhin ko. Nakakahiya! Bakit kasi natulog pa ko.

Hindi naman nagsalita si Xian at kinuha ang mga gamit niya 'tsaka bumaba ng bus.

Napa sabunot ako sa buhok ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko.

Talaga bang wala na siyang feelings sa'kin? Ang layo na ng loob nito sa akin na parang wala na siyang interes sa akin.

Nasasaktan tuloy ako. Pero ano pa bang magagawa ko. Kagagawan ko naman itong lahat kaya naghiwalay kami ni Xian ng dahil sa akin.

Nakakapagod nang isipin na hindi parin mawala-wala ang pagmamahal ko sa kan'ya kahit ang tagal na namin nagka hiwalay.

"Please gusto ko ng mag move on~!"

Bulong ko sa sarili at kumapit sa unahan na upuan habang naka yuko ang likod.

"Bakit gawin natin 'tong chance. Para pag selosen si Xian"

Napa lingon ako ng may familiar na busis ang nagsalita sa tabi ko.

"Nandito ka na pala Dwayne, bakit hindi mo ko ginising! Alam mo bang nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Xian!"

Sigaw ko sa kan'ya.

Naka tayo lang naman siya sa gilid ko at naka pamulsa.

"Alam ko"

Tipid niyang sagot. Nagulat naman ako sa sagot niya.

"Huh? Alam mo?! Bakit hindi mo 'ko ginising. Alam mo ba nagsisisi ako bakit ko hinayaan ang sarili ko matulog sa byahe. Kita mo ang nangyari?"

Sabi ko sa kan'ya habang naka taas ang isang kamay at mabilis na napasabunot ng sariling buhok.

"Nakakahiya Dwayne!"

Sabi ko at tumingin sa kan'ya. Habang siya naman naka tayo parin at walang emosyon ang mukha.

"Wala na tayong magagawa nangyari na eh"

Sabi niya sa akin. Kalmado parin siya habang naka tingin sa akin.

"Bakit kaba gan'yan? Ang weird mo! Hindi ako sanay sa ugali mo'ng iyan"

Sabi ko sa kan'ya na may kunot ang noo.

Napa buntong hininga siya at tumabi sa akin.

"May iniisip lang"

Tipid nitong sabi. Kinakabahan tuloy ako dito kay Dwayne.

"Anong iniisip mo?"

Nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Curious ako kung bakit ganito maka asta si Dwayne— sapagkat hindi naman niya ugali mag seryoso. Dati lage siya naka ngiti ngayon lage na itong seryoso.

"So ano? Papayag ka ba sa sinabi ko?"

Tanong nito sa'kin. Kumunot ang noo ko.

"Anong sinabi mo?"

May sinabi ba siya? Hindi ko na matandaan dahil sa— abala ako kakaisip kung bakit siya ganito.

Bakit kasi hindi siya ngumiti at para hindi ako ma bother sa hitsura niyang seryoso.

Hindi ako sanay eh.

Ngumiti siya dahilan ng ngumiti rin ako. Sapagkat nakita ko rin sa wakas; ngayong araw ang ngiti niya.

"Iyong sinabi ko na mag p-pretend tayo sa harap ni Xian na mag Boyfriend/Girlfriend para pag selosen siya. Payag ka ba?"

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng naka simangot na mukha.

"Para saan pa? Wala ng interes sa akin si Xian. Kahit ano pang gawin natin hindi na iyon magseselos, kasi wala na siyang feelings sa'kin. Atsaka isa pa, ayaw kitang gamitin dahil mahalaga ka sa'kin"

Sabi ko habang hindi naka tingin sa kan'ya. Nakasimangot parin ang mukha ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Paano mo malalaman kung totoong wala na talaga siyang feelings sa'yo, kung wala ka namang ginagawa"

Sabi niya sa'kin. Napa lingon naman din ako sa kan'ya habang pinanliliitan ko siya ng mata.

"Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo? Gusto mo ba talaga 'tong gawin?"

Paninigurado kong tanong sa kan'ya.

Itinaas niya ng dalawang kamay at nag inat ng likod na parang napagod kakaupo sa tabi ko.

Napa tingin siya sa akin.

"Ako Oo, desperado ako sa mga sinabi ko; pero kung ikaw hindi pumayag— wala na akong magagawa do'n"

Sabi niya sa akin. Humarap ako sa kan'ya at deretsong tumingin sa mga mata niya.

"Kahit ano pang sabihin mo sa'kin Dwayne. Ayoko talaga"

Sagot ko sa kan'ya. Napa buntong hininga siya.

"Okay, Ako na ang bahala sa lahat. Makisabay ka nalang sa gusto ko at wala ka ng gagawin"

Sabi niya at tumayo na sa kinauupuan niya rito sa tabi ko. Napa tingin naman din ako sa kan'ya.

"Anong ibig mong sabihin? Anong gagawin mo?!"

Natataranta kong tanong sa kaniya. Hindi ko maisip kong anong tumatakbo sa isip ni Dwayne.

Bakit kasi may mga salita pa siya na hindi ko naman maintindihan.

"Ako ng bahala. Basta huwag kang magagalit"

Sabi nito, hinampas ko siya sa t'yan. Pasalamat siya hindi ko siya sinikmuraan.

"Paano ako hindi magagalit kung hindi kita maintindihan. Sa mga sinabi mo pa lang galit na ako"

Naka simangot kong sabi sa kan'ya. Hinawakan naman din niya ang magkabilaang pisngi ko at pinisil ito.

"Magtiwala ka nalang sa akin, okay? Alam ko naman sa sarili ko na magagalit ka talaga sa gagawin ko. Pero itong gagawin ko may silbi naman. Kaya tiwala lang, okay?"

Sabi niya sa akin. Mas lalo akong nalito, dahil sa mga pinagsasabi niya na hindi ko maintindihan— napahawak ako sa ulo ko at napa tingin sa kan'ya.

"Ang sakit mo sa ulo"

Sabi ko sa kan'ya. Tumawa lang naman siya at niyaya na akong bumaba sa bus.

Dala niya ngayon iyong mga gamit ko.

Dumeretso naman agad kami sa isang lugar kung saan kami mag c-camping. Marami ng nakatayong tent sa paligid.

Napapalibutan ng napakalaking puno ang paligid namin. In short nasa kagubatan kami mag c-camping.

"Ngayon at nandito na ang lahat. Gusto ko lang sabihin sa inyo kung sino-sino ang makakasama ninyo sa tent. Good news! Dahil makakasama niyo ang mga ka kilala niyo para hindi kayo mailang sa pag tulog. Okay guy's pumunta na kayo sa mga tent ninyo"

Sabi ng tour guide. Napa tingin ako kay Dwayne. Sa lahat ng tao na nakilala ko sa School si Dwayne lang ang kilala ko at lalaki pa!

Paano na iyan bawal magsama ang lalaki at babae sa iisang tent?

Bigla akong napa tingin kay Dwayne ng itinaas niya ang isang kamay niya para tawagin ang tour guide.

"Ma'am, excuse me"

Sabi nito dahilan ng mapa tingin ang tour guide sa amin.

"Yes?"

Sabi ng tour guide.

Marami namang napapa-tingin na mga tao na ka batch lang namin dalawa ni Dwayne kaya medyo nahihiya ako dahil sa agaw pansinin itong katabi ko lalo na at guwapo 'tsaka kilalang Heartthrob na basketball captain pa sa school namin.

"Iyong girlfriend ko po kasi wala siyang kaibigan, puwede ko ba siyang samahan nalang sa tent niya?"

Tanong nito ni Dwayne. Napa singhap ako sa gulat na napa tingin sa kan'ya na hindi maka paniwala.

Hindi lang ako ang nagulat kundi ang mga tao rin sa paligid namin na nakarinig sa sinabi ni Dwayne.

Sa hindi ko malaman na dahilan inilingon ko ang ulo ko sa isang lugar at doon ko nakita si Xian na nakatayo katabi si Farra.

Hindi siya makapaniwala na nanlilisik ang mata na naka tingin sa amin; dalawa ni Dwayne. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at napa titig nalang kay Xian.