webnovel

Kalinga

Pagkatapos umiyak, nakatulog si Issay na akap akap si Anthon.

At dahil dumidilim na, kinarga na ni Anthon si Issay pauwi ng kubo nito.

Pagdating ng kubo, dahan dahan nya itong inihiga sa papag.

Hindi na nya ito ginising para maghapunan upang makapahinga ng mas matagal.

Pagkahiga kay Issay unti unti nitong tinanggal ang mga kamay ni Issay sa pagkaka akap sa kanya. Ngunit nang makaramdam na tila wala na syang inaakap, muling gumalaw ang mga kamay ni Issay at tila hinahanap ang mga bisig ni Anthon.

Nang matagpuan muli itong inakap.

Walang nagawa si Anthon kundi ang naupo at tumabi kay Issay sa papag. Nakangiting nakatingin, pinagmamasdan ang magandang mukha ng binibining kay tagal na nyang lihim na sinisinta.

*****

Kinabukasan....

Sa ganitong posisyon sila naabutan ng ina ni Anthon.

Magkatabi sa kama habang magka akap.

Nang magising ang diwa, nakaramdaman si Anthon na parang may nakatingin sa kanya. At ng magmulat sya ng kanyang mga mata ay nagulat ito dahil may dalawang pamilyar na mga mata na direktang nakatitig sa kanya.

"MA???!!!"

Biglang sigaw ni Anthon sabay tayo.

Buti na lang hindi nagising si Issay sa bigla nyang pagsigaw.

"Anong Ma ka dyan?!"

Tanong ng ina ni Anthon na nakataas pa rin ang isang kilay.

Hindi nito alam kung magagalit o matutuwa sa ginawang pananamantala ng anak kay Issay.

Biglang nakarinig ng ungol sa tabi si Anthon saka nya napansin ang katabi na mahimbing pang natutulog sa kanyang mga bisig.

Maingat itong tumayo at nilabas ang ina sa silid.

"Ma, ano pong ginagawa nyo rito?"

Tanong ni Anthon ng pabulog para hindi marinig ni Issay.

Ayaw nyang magambala ang pagtulog nito.

"Anong ibig mong sabihin sa Anong ginagawa ko?!

IKAW? Anong ginagawa mo kay Issay?!"

Sabay tingin nito sa silid kung saan naroroon si Issay.

"Ma, shh!.... hinaan nyo naman po ang boses nyo! Baka magising po si Issay!"

Suway ni Anthon

"Hindi mo pa ko sinasagot! Anong ginagawa mo sa kama ni Issay? Bakit kayo magkatabi?"

Tanong ni Mama Fe.

"Natutulog po!"

Sagot ni Anthon

"Hmmm. ...?"

Sabay pamewang ni Mama Fe.

Nagtataka si Anthon sa inaasal ng ina.

'Natutulog lang naman talaga kami ah! diba obvious!'

Napakamot na lang ng ulo si Anthon.

Samantala ...

Nagising si Issay dahil sa narinig nyang parang may nag uusap sa labas.

Tila nagtatalo.

Bumangon sya upang tingnan.

Nang makitang si Anthon at ang kanyang ina, inayos nya ang sarili saka lumabas ng silid.

"Magandang umaga po Aling Fe."

Magalang na bati ni Issay.

"Oh... Issay, gising kana pala! Hindi ko alam na dumating ka, iha!"

Sabay lapit at akap kay Issay ni Mama Fe.

"Ano pong pinaguusapan nyo? Nadinig ko po kasing nabanggit nyo ang pangalan ko."

Tanong ni Issay na medyo naiilang. Kagigising lang kasi nya, nakakahiya hindi pa sya nakakapag ayos.

Wala syang alam na magkatabi silang natulog ni Anthon.

"Ha? a e wala! Wala yun Issay. Bakit, nagising kaba namin?"

May halong pagaalalang tanong ni Anthon.

"Hindi naman. Mahaba haba rin naman ang tinulog ko. Salamat!" Sabay yuko ni Issay, nahihiyang tingnan si Anthon.

Ang huling naalala nya ay nasa sementeryo sya kaya paano sya nakauwi?

Tyak nyang si Anthon ang naguwi sa kanya dito sa kubo kaya sya nagpapasalamat.

Nararamdaman ni Anthon na parang nahihiya na si Issay.

"Buti pa, Ma, iwan na po muna natin si Issay baka gusto nyang mapag isa."

Sabi ni Anthon sa ina.

"Anong iwan? Hmp!

Sasama sya sa akin sa bahay at dun sya mag aalmusal!"

Alam ni Mama Fe na pag iniwan nila si Issay, mahihiya na itong sumunod.

"At ikaw naman mauna ka ng umuwi!"

Utos nito kay Anthon.

Walang nagawa si Anthon kung hindi sumunod sa ina.

"Naku! Aling Fe wagna po! Salamat na lang po!"

Tanggi ni Issay na halatang nahihiya.

"Anong Aling Fe ka dyan?

Mula ngayon Mama Fe na ang itatawag mo sa akin! Okey!

Pamilya na tayo at hindi ako papayag na mag isa kang kakain. Kaya tara na, sabay tayong mag aalmusal!"

Sabay hawak ni Mama Fe sa braso ni Issay para hindi ito makatanggi at saka isinama papunta sa kanila.

Malapit lang ang bahay ni Mama Fe, sa labasan lang.

Ito ang unang bahay na makikita pag labas nya ng bukid, kaya lagi nya itong nadadaanan.

Walang nagawa si Issay kung hindi ang sumunod. Akay akay na kasi sya ni Mama Fe.

"Oh, iha, maupo ka dyan at maghahain lang ako."

Sabi ni Mama Fe.

"Tulungan ko na po kayo!"

Sabi ni Issay.

"Hindi, maupo ka na lang dyan. Kung gusto mong gumamit ng banyo, alam mo na naman kung saan."

Kanina pa nya gustong mag banyo kaya nagtungo muna sya duon. Pagbalik nya, andun na si Anthon inaantay sya.

"Halika ng mag agahan Issay."

Sabi ni Anthon.

Nang makaupo na si Issay, at saka lang naupo si Anthon, sa tabi nya.

"Mula ngayon kapag nauwi ka sa San Roque dito kana tutuloy ha!

Hindi ako papayag na mag isa ka lang sa bahay nyo!"

Tuloy tuloy na sabi ni Mama Fe habang tinitimplahan sya ng kape at nilalagyan ng ulam at kanin ang pinggan nya.

"At dun ka sa kama ko matutulog! tabi tayo!"

Sabay tingin ng matalim ni Mama Fe kay Anthon.

'Anong ginawa ko?'

pagmamaktol ni Anthon.

Nangingiti lang si Issay habang pinagmamasdan ang mag ina.

Naiiyak ang puso nya sa galak.

Nagpapasalamat sya at nakilala nya ang pamilya ni Anthon.

Ang pamilyang handa syang tulungan ano mang oras.

Ang pamilyang nagbigay sa kanya ng kalinga at tinuring din syang parte ng pamilya.

Kung minsan sa dami ng dumarating na problema, hindi na natin napapansin, na me mga taong sadyang ipinadadala ang Diyos para sa atin, upang tayo ay tulungan at kalingain.

Ang kailangan lang natin ay imulat ang mga mata para makita natin.

Next chapter