webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · General
Not enough ratings
213 Chs

Pakiulit?

"Pakiulit ang sinabi mo?

Si .. sinong na stroke?"

Tanong ni Gene na sinusuot pa ang polo nya paglabas ng silid.

Edmund: "Si Lola Fe! Kaalis lang ng ambulansiya!"

Kumaripas ito ng takbo palabas Suite.

Hindi pa nakakalayo si Gene nadinig na nilang nagbukas ulit ang silid ni Belen.

Belen: "Pakiulit, anong nangyari kay Issay?"

Tess: "Madam, kanina ko pa po kayo tinatawagan. Nakita ko po si Joel yung kapatid ni Sir Anthon na buhat buhat si Isabel at kasunod si Vanessa! Nang sundan ko, sinabi sa akin ni Vanessa na dadalhin daw nila sa ospital gawa ng matinding pananakit ng tiyan!"

"Ano ng gagawin natin ngayon Madam, bukas na ang selebrasyon?"

Belen: "Huwag muna natin intindihin ang selebrasyon, kailangan muna natin malaman ang lagay ni Issay!"

"Teka lang magpapalit ako, susunod tayo sa ospital!"

Edmund: "Pero Tiya makakasama po sa inyo kung pupunta kayo sa ospital ng ganitong oras! At hindi makakatulong kay Ate Isabel kung makikita ka po nun sa ngayon, baka magaalala lang po yun sa inyo at lalo pang lumala ang sakit nya!"

"Dito na lang po tayo at magantay! Alam kong yan din ang gugustuhin ni Ate Isabel. Bukas na lang po tayo magtungo duon!"

Alam nyang pagagalitan sya ng Ate Isabel nya pag hinayaan nya ang tiyahin nya magpunta sa ospital ng disoras ng gabi.

Belen: "Sige, tawagan nyo na lang si Vanessa at kamustahin si Issay! Hindi pwedeng wala tayong balita sa kanya!"

Nagaalala din sya kay Mama Fe pero aantayin nya na lang si Gene para malaman kung anong nangyari.

'Ano ba itong nangyayari ba't nagkasabay pa sila?'

Vanessa: "Hello?"

Tess: "Vanessa, kamusta si Isabel?"

Nilagay nya sa speaker phone para madinig nilang tatlo.

Vanessa: "Nabigyan na sya ng pain killer para mawala ang pangingirot at nakatulog na sya."

Belen: "Mabuti naman! Anong sakit nya?"

Vanessa: "Gallstones, at kailangan syang maoperahan. Naka schedule na sya bukas ng gabi!"

Belen: "Sige, pupunta kami dyan bukas ng umaga para makita sya!"

Edmund: "Tiya, paano po ang selebrasyon?"

Belen: "Kakausapin muna natin si Issay bago tayo magdesisyon!"

******

Samantala..

Nadatnan ni Gene si Anthon sa labas ng emergency na nakaupo sa lupa at putok ang labi at nakatungo.

Agad nya itong nilapitan.

Gene: "Bro, okey ka lang? Nasaan ang Mama?"

Nag angat ito ng ulo ng madinig ang boses ni Gene. Hindi ito nagsalita at tumingin lang sa pinto ng emergency.

Gene: "Bat andito ka sa labas? Anong ginagawa mo dito?"

Nagtatakang tanong niya dahil kung andito sya, sinong kasama ng kanyang ina?

Gene: "Bro, tara na sa loob, kailangan tayo ng Mama!"

Sinubukan nyang itindig ang kapatid pero tila ayaw nito tumayo.

Hindi kayang tumayo ni Anthon.

Hindi nya kayang makita ang ina sa loob ng emergency na nagaagaw buhay. Natatakot sya na baka ....

Pero hindi pumayag si Gene pinilit nitong ibangon ang kapatid at inakay papasok ng emergency.

Kahit anong mangyari kailangan nyang isama ang kapatid dahil natitiyak nyang ito ang nanaisin ng ina.

Gene: "Nurse, Doc, nasaan po yung matandang pasyente na dinala dito kanina?"

Nurse: "Sino?"

Gene: "Si Maria Felisidad Santiago?"

Nurse: "Ay Sir nasa taas na po inooperahan!"

Gene: "Ha? Sinong kasama nya?"

Nurse: "Yung pong anak nyang si Joel ang lahat nagasikaso ng mga kailangan para ma admit sya at ma operahan. Nasa taas po sya ngayon nagbabantay sa operating room!"

Pagdating sa taas nakita nila si Joel nakasalampak sa sahig ng ospital hawak hawak ang ulo.

Iniupo ni Gene si Anthon na tila lantang gulay ang itsura. Mukhang matinding ang naging dagok sa kanya ng pangyayari.

Saka nito nilapitan si Joel at hinawakan ang balikat para aluin.

Nagangat ng ulo si Joel ng maramdaman may umakbay sa kanya.

Joel: "Kuya.... ang Mama...."

Gene: "Alam ko na."

At inakap ni Joel ang kapatid at tuluyan ng humagulgol sa pagiyak.

Kanina pa nya pinipigilan ang humagulgol dahil alam nyang kailangan syang maging matatag para sa ina kaya nilalakasan nya ang loob nya.

Magisa lang sya kanina pabalik balik, inasikaso ang mga kailangan para sa operasyon ng ina. Kahit na tuliro ang isip nya.

At ngayon narito na si Gene, magagawa na nyang umiyak. Magagawa na nyang isipin ang sarili nyang nararamdaman.

Hinayaan lang sya na Gene na humagulgol na parang bata.

Gene: "Huwag kang magaalala, malakas ang Mama!"

Hindi nya alam kung bakit nya ito nasabi, para ba sa mga

kapatid nya o para sa kanya.

Dahil sa mga oras na ito pinaghihinaan na rin sya ng loob kaya hinayaan na rin nyang tumulo ang mga luha nyang kanina pa nya pinipigilan.

At sa katahimikan ng kalaliman ng gabi madidinig ng walang humpay ang pagiyak at paghikbi ng magkakapatid.

Waaahhh! ???

Sabi nila Boys' don't cry daw ???

trimshakecreators' thoughts