webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · General
Not enough ratings
213 Chs

Halika, Samahan Mo Ako

Buong magdamag na nag antay si Vanessa kay Joel pero hindi ito dumating.

Ni tawag o text wala! At hindi rin nito sinasagot ang mga tawag nya.

'Jusko Honey babe, nasaan ka na? Ano ng nangyayari sayo?'

Sobra na syang nagaalala. Hindi rin sya nakatulog buong magdamag dahil sa sobrang pagaalala.

Mabuti at nakatulog si Issay dahil sa binigay sa kanyang gamot, kung hindi magaalala rin ito dahil wala pa silang balita kay Joel at kay Mama Fe.

Issay: "Sis, anong nangyayari sa'yo bat dika makali dyan.."

Nagulat si Vanessa ng madinig ang boses ng kaibigan. Hindi nya namalayan na gising na pala ito.

Mag aalas sais na ng umaga at sikat na ang araw.

Vanessa: "Sis, gising ka na pala! Anong gusto mo? Gusto mong kumain?"

Issay: "..."

Nakalimutan ni Vanessa na hindi nga pala tumatanggap ng kahit ano ang tiyan niya. Kahit na lugaw, isang subo pa lang kumikirot na agad.

Issay: "Bakit ba natataranta ka dyan?"

Vanessa: "Si Joel kasi hindi pa tumatawag, hindi ko alam kung anong nangyayari!"

Issay: "Baka nakatulog pagkahatid kay Mama Fe!"

Vanessa: "Siguro nga!"

Pero kilala nya ang nobyo, hindi nito gawain ang hindi mag goodnight pag matutulog na ito kaya sya nagaalala. Hindi na lang nya sinabi kay Issay baka makadagdag pa sa iisipin nito.

Issay: "Buti pa bumili ka na ng almusal mo at mukhang gutom ka na! Okey lang ako dito!"

Vanessa: "Pero..."

Ayaw nitong umalis at natatakot syang baka biglang dumating si Anthon at saktan na naman nya ang kaibigan.

Issay: "Anong pero? Kumain ka na! Alam kong hindi ka nakakain ng maayos kagabi."

Vanessa: "Mamaya na lang, padating na siguro si Honey babe ko."

Pero hindi si Joel ang dumating kung hindi si Belen, kasama si Tess at Edmund.

Belen: "Anyare sa'yo?"

Banat nito kay Issay pagka kita pa lang sa kanya.

Hindi sya sinagot ni Issay, nagtago ito sa ilalim ng kumot. Ganito sya pag alam nya pagagalitan sya.

Nangingiti lang sila sa parang batang asal ni Issay.

Tess: "Kumain ka na ba Vanessa? Kami na muna ditong magbabantay!"

Vanessa: "Sige, lalabas muna ako!"

Paglabas ng silid, agad nitong tinawagan si Joel pero hindi pa rin sumasagot.

'Honey babe, asan ka na ba? Ano na ang nangyayari sa'yo bat hanggang ngayon hindi mo pa rin ako sinasagot!'

Pagbaba nya sa elevator, natanaw nya si Joel sa lobby, nakaupo na tila pagod na pagod. Agad nya itong nilapitan.

Vanessa: "Honey babe!"

Sinalubong nito ng akap ang kasintahan.

Vanessa: "May problema ba?"

Nang maramdaman ni Joel ang mainit na akap ng nobya, nangiti ito.

Joel: "Kumain ka na ba?"

Vanessa: "Hindi pa! Inaantay kita!"

"Umiyak ka ba?"

Ngumiti lang ito.

Joel: "Halika magalmusal na tayo, gutom na rin ako!"

At inakay sya ni Joel patungo sa kalapit na fastfood.

Sumunod lang si Vanessa, ramdam nya ang lungkot sa mga mata nito. May nangyayaring iba na hindi nya alam.

Habang kumakain, naalala ni Joel ang sinabi ni Vanessa kahapon bago sila maghiwalay.

Joel: "Honey love, sabi mo sa akin kagabi ikuwento mo ang nangyari!"

Vanessa: "Oonga pala. Nakita mo ba si Mama Fe?"

Tumango ito.

Kumikirot ang puso ni Vanessa sa simpleng sagot ni Joel. Hindi ganito ang nobyo, masayahin ito at puno ng buhay kaya ramdam nyang may dinaramdam itong mabigat.

Joel: "Ikuwento mo na sa akin kung anong nangyari ng umakyat kayo ni Mama."

Vanessa: "Haaay salamat nakita mo si Mama Fe naku hindi ko mapapatawad ang sarili kung may mangyari sa kanya!"

Masaya nitong sambit pilit nyang pinagagaan ang paligid.

Joel: "Nandon ba si Kuya Anthon?"

Vanessa: "Haaay naku naku naku! Yang Kuya mo itinali si Issay at pwersahang inangkin!

Haaay hindi ko makakalimutan ang itsura ni issay ng makita ko sya, nagmamakaawa sya kay Anthon pero patuloy pa rin sa kahayupang ginagawa yung Kuya mo!"

Nanggigil si Vanessa pag naalala ang nangyari. Hindi nya napapansin ang unti unti pagbabago ng aura ni Joel.

Nang matapos itong magkuwento nagulat sya sa itsura ng nobyo. Salubong ang kilay at matalim ang mga tingin.

Natakot si Vanessa.

Vanessa: "Honey babe, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba ganyan? Kinakabahan na ako. May nangyari ba kay Mama Fe?"

Tila nagising si Joel ng madinig na binanggit ni Vanessa ang Mama nya. Hindi sya sumagot.

Joel: "Halika, samahan mo ako!"

Habang tumatagal na tahimik si Joel, kinukutuban na si Vanessa, pero mas minabuti nyang manahimik. Mukhang sa mga oras na ito kailangan ng nobyo nya ng karamay.

Bumalik sila sa ospital at sumakay sa elevator. Nagulat sya ng dalhin sya ni Joel sa ICU.

Kinabahan na sya.

Vanessa: "Honey babe, ...ba..kit mo ako dinala dito..?

Pero hindi pa rin ito nagsalita, hinawakan lang nito ang kamay niya at dinala sa isa sa mga kwarto ng ICU.

Nanlaki ang mga mata nya ng makilala kung sino ang nasa kama.

Kinutuban na sya pero hindi nya akalain na ganito.

Vanessa: "Ahhh, Jusko! Mama Fe!"

At inakap nito ng mahigpit ang kasintahan na nuoy tuluyan ng umiyak.

*****

Sa silid ni Issay.

Hindi pa nito alam ang nangyari kay Mama Fe at wala ni isa man sa kanila ang nagsalita tungkol dito.

Ngayon ang operasyon nya kaya makakabuting wag muna nyang malaman. Wala pa rin naman silang balita tungkol sa totoong lagay ni Mama Fe.

Belen: "Tungkol sa selebrasyon, anong desisyon mo?"

Issay: "Hindi naman mahalaga kung andun ako sa selebrasyon ang mahalaga matuloy ito dahil ang LuiBel ay hindi lang ako.

Ang LuiBel ay ang mga taong bumubuo dito at para sa kanila ang selebrasyon na ito."

Kaya kahit anong mangyari, ipangako nyo sa akin na itutuloy nyo ang selebrasyon!"

Sabay ang oras ng selebrasyon at operasyon ni Issay, kaya habang nagkakasayahan ang lahat, nasa loob naman ng operating room si Issay.

Ang dalawang tao, kapag tunay na nagmahalan iisa lang ang nararamdaman.

Blessed Sunday everyone!

trimshakecreators' thoughts