184 You cheated on me!

"CUPCAKE WAIT!" Nahuli ni Night ang braso ni Lexine at pinihit ito paharap.

"Please listen to me first," pagmamakaawa niya.

Bumuntonghininga si Lexine at walang reaksyon na tumitig dito. Syempre nagpantig ang tenga niya nang marinig ang usapan ni Elijah at Night. Something within her snapped out as if there was a short circuit and the heat circulated up to her brain. She died yes, she was gone for a year at hindi niya alam kung ano ang pinag-gagawa ni Night sa loob ng isang taon na nawala siya.

He was drinking and partying every night at mga babae pa ang lumalapit dito. Mahigit isang libong mga babae ba naman ang nag-aabang kay Night gabi-gabi sa Black Phantom. Paano kung sino-sino na pala ang lumandi sa nobyo niya noong panahon na nagdadalamhati ito? Her chest hurts so much even just by thinking about it.

"Sige, magpaliwanag ka," aniya sa malamig na boses.

Napahaplos si Night sa batok sabay bumuntonghininga, "I admit, Cazzie flirted on me…"

Mas nagliyab ang apoy sa mata ni Lexine.

"But I swear I did not reciprocate, siya ang dumidikit sa akin. She tried but I jerked her away. Lahat sila, walang kahit sino sa kanila ang nagtagumpay na maakit ako. I'm telling the truth please believe me Lexine."

Lumapit si Night at hinaplos ang magkabila nitong pisngi, "Promise Lexine, wala akong iba. Since the day that I admitted to myself that I have fallen in love you, I never set my eyes on any girl, human or not. It's only you in my heart cupcake, ikaw lang…"

Unti-unting nalusaw ang inis na nararamdaman ni Lexine, ikaw ba naman ang lambingin at haplusin ng prinsipe ng dilim, sino ba ang hindi bibigay sa mga titig nito? Lumalambot na agad ang mga tuhod niya. Hanggang sa bigla siyang may naalala.

"But… but… hinagkan at hinalikan mo si Sammie, pinaghubad mo pa nga sa harap mo!"

Halos malaglag ang buong panga ni Night sa sahig.

Seriously??? Really??? What the…???

"Fuck, she is you, you're Sammie!"

He can't believe what she's saying. Is she out of her mind?!

"I know, pero noong time na 'yon hindi mo pa alam. Sammie is still a different girl, so technically, tumingin ka pa rin sa ibang babae!" nagsimula nang pumula na parang kamatis ang ilong ni Lexine. She in the verge of crying.

Walanghiya! Kasalanan ito ng Tequila! Nakadami siya ng shot kanina. Bwisit kasi si Elijah! Heto tuloy at nagta-trums na siya.

Hindi makapaniwala si Night sa naririnig, talaga bang pag-aawayan nila ang bagay na yon? Oo, at pansamantala siyang nalito kay Sammie its because she is Lexine for crying out loud! Pinaparamdam ni Sammie sa kanya ang mga bagay na si Lexine lang ang nakakagawa. Its because all along they are the same person. But of course kung ibang babae 'yon hindi siya makakaramdam ng kahit na ano.

"Lexine, are you really gonna use that against me? Don't tell me that you're being jealous of yourself?"

"Hindi mo kasi naiintindihan," nagsimula nang umiyak si Lexine at hindi niya rin alam kung bakit nagseselos siya sa sarili, "You still cheated on me with Sammie, in a metaphor idea!"

It's simply the idea that Night can do that while she was gone. What if Sammie is really a different girl? So ibig sabihin may chance na mapo-fall si Night sa ibang babae? Mas lalo siyang naiyak sa naisip. Ano ba ang klase ng tequila na pinainom sa kanya ni Elijah? Bakit ang lakas maka-topak?

"Hindi mo ako mahal…." humagulgol na parang bata si Lexine.

Mababaliw na si Night sa kaharap, putragis naman! Ang babaeng ito talaga ang magiging dahilan nang tuluyang pagkasira ng ulo niya. Ano ang kalokohan na lumalabas sa bibig nito?

"Lexine, for Pete's sake! I love you so much, ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Hindi! Huhuhuhu, pinagtaksilan mo ako kay Sammie. Huhuhuhu, manloloko ka! Huhuhuhu," waterfalls na bumuhos ang luha ni Lexine at ngumawa na parang bata habang pinagpapalo sa dibdib si Night.

Lalong napanganga si Night, damn this girl! Lasing na kaya sinapian na nang ka-praningan. Sa inis niya ay pinangko niya ito.

Napatili si Lexine, "Night ano ba, ibaba mo nga ako."

"No! Lasing ka na kaya kung ano-ano ang pinagsasabi mo. Kailangan mahimasmasan ka sa kabaliwan mo."

"Hindi ako lasing!"

"Yes you are."

Wala nang nagawa si Lexine dahil mabilis nang kumilos ang mga paa ni Night at pinasok siya sa loob ng isa sa mga bakanteng private suite at dinala sa banyo.

"Night ano ba!"

Binaba ni Night si Lexine sa bathtub at napatili ang dalaga nang bigla nitong binuksan ang shower at nabasa siya ng malamig na tubig.

"Stop it Night! Ano ba ang ginagawa mo nababasa ako!"

"No, hindi ko 'to papatayin hanggang hindi ka nagigising. Stop being jealous and insecure Lexine, your getting jealous for nothing. Stop acting like a brat!"

Natahimik si Lexine sa mga narinig. Oo nga naman, tama naman lahat ng sinabi ni Night. Bakit nga ba kasi siya nagseselos? Sa sarili niya pa talaga. She's being unreasonable and paranoid for no reason. Inaatake siya nang insecurities noong mga time na nawala siya sa tabi ni Night.

Ilang sandali pa at tumigil na siya sa pagmamaktol.

"Sorry…" mahinang bulong niya pagkuwan.

Napabuntonghininga si Night at mabilis na pinatay ang shower. Just like that, isang sorry lang nito lumambot na ang puso niya. This woman holds the greatest weapon to make him weak on his knees… to instantly melt the stoned ice in his heart. She is really the one and only Lexine.

"Its funny that were back together… and our childish fights as well."

Mabilis na natawa si Lexine dahil tama si Night. They are back exactly what they are before. Away-bati. Aso at pusa. Night and Lexine. Indeed, everything is like what is used to be. Nothing changed. Kahit paulit-ulit man silang mag-tampuhan, mag-away o paghiwalayin ng tadhana. They will always find ways to come back to each other.

They ended up laughing like a crazy patients. Tama talaga ang mga kaibigan nila dahil pareho silang baliw. Baliw sa isat isa.

"My God, I can't believe I got jealous of myself," natatawang sabi ni Lexine.

"Pasalamat ka mahal kita," swabeng banat ni Night.

Nakagat ni Lexine ang sariling labi upang pigilin ang kilig. Mula sa mukha ni Lexine bumaba ang mata ni Night sa basa nitong white sando. Bumabakat na ang pink bra ni Lexine na naging dahilan nang mabilis na pagliyab nang matinding pagnanasa sa buong katawan niya.

Napalunok si Lexine nang makita ang mainit na titig sa kanya ni Night. His eyes are now burning in a different kind of hunger. It shifted to its darkest yet sexiest state.

"Night…" she whispered almost out of breath.

"I think I need to punish you for being a brat," He looked at her using the most seductive and dangerous brown eyes existing in the universe.

Oh boy. She's dead.

avataravatar
Next chapter