183 Welcome party

"WELCOME BACK LEXINE!!!" kasabay nang malakas na hiyaw ni Elijah ang pagputok ng cork ng Moet et Chandon. Sumabog ang bula niyon habang sabay-sabay silang naghiyawan at tinaas ang kani-kanilang mga champagne glass.

Isa-isang sinalinan ni Elijah ang baso ng bawat isa. Siya rin ang pasimuno na magkaroon sila ng mini party para ipagdiwang ang pagbabalik ni Lexine.

Tumikhim si Night upang kunin ang atensyon ng lahat. Tinaas niya ang hawak na baso at lumingon sa babaeng dahilan ng selebrasyon ng kanyang puso.

"Lexine," tawag niya.

Kasalukuyang kausap ni Lexine si Miyu at Devorah nang marinig si Night. Nagtatakang lumingon ito sa lalaki.

"I want to thank everyone for giving all their part to help Lexine and me. I seldom say this word but… really, thank you so much."

Masaya si Lexine na makitang marunong nang magpasalamat si Night sa ibang tao. Nasanay ang prinsipe ng dilim na mamuhay at kumilos ng mag-isa ngunit, heto eto ngayon, napalilibutan ng mga bagong kaibigan, ng bagong pamilya.

"Aww… I'm so touched, pa-hug nga!" lumapit si Elijah at hinagkan si Night. Nalukot naman ang mukha ng huli habang diring-diri pero wala nang magawa dahil ayaw siyang bitawan ng bampira.

Nagkatawanan ang lahat sa pagkukulitan ng dalawa.

"Iyak ng iyak 'yan si Elijah noong hindi ka pa nagigising. Binasa niya ng uhog ang damit ko," natatawang kwento ni Devorah.

"You're so gay Elijah," singhal ni Night sa kaibigan na hindi pa rin siya binibitawan at parang ungoy na nakalingkis sa sanga ng puno.

"Aminin mo na kasi, ako ang bestfriend mo. Ako lang ang nagti-tiyaga sa ugali mo," ngumunguso na parang bata si Elijah.

"Let go of me or I'll kill you!"

Mabilis na bumitiw si Elijah kay Night at natatawang lumapit kay Lexine.

"Oh sige, si Lexine na lang ang bestfriend ko," umakto itong hahagkan ang babae pero mabilis pa sa hangin na nakarating si Night sa gilid ng dalaga at dinakma ang buong palad sa mukha ni Elijah sabay tinulak nang malakas.

"Dare to touch even one fucking finger to her and I'll burn your goddamn club together with your body."

"I volunteer my self to help!" biro ni Miyu.

Muling nagtawanan ang lahat. Napairap na lang si Lexine na natatawa na rin dahil kung may hindi man nagbago kay Night, ito ay pagiging possessive nito.

Ngingisi-ngisi naman si Elijah at sunod na dinikitan si Miyu sabay bumulong sa tenga nito.

"I also need a volunteer tonight."

Bumaling si Miyu sa likuran, halos dumantay na ang baba ng bampira sa balikat niya.

"Parang ang sakit kasi ng katawan ko, I need a massage, maybe you want to volun—aww!" sa lakas nang sampal ni Miyu napahawak si Elijah sa pisngi.

"Yan, mukhang kailangan mo rin kasi ng face massage," ani Miyu sabay irap at iniwanan si Elijah na nakatunganga habang hawak ang masakit na mukha.

"Damn babe, you're getting hotter in my eyes."

Natuloy pa ang kasiyahan ng lahat, nagkaroon ng kainan, inuman, karaoke at nagpauso pa ng mga kung ano-anong party games si Elijah. Maging si Madame Winona ay bibong sumali sa mga laro.

Lumipas ang mga oras at ilang bote na ng Tequila at Gold Label ang naubos nila. Naparami na din sila ng inom. Lasing na si Elijah at Eros dahil sigawan na ito ng sigawan. Ang dalawa ang pasimuno sa mga kalokohan habang paboritong pagtulungan si Night.

Napansin ni Lexine na mag-isang nagtungo ng mini kitchen si Ansell para kumuha ng beer sa fridge. Agad siyang tumayo at lumapit dito.

"Kanina ka pa tahimik, hindi mo ba ako bibigyan ng welcome hug?" aniya pagkalapit sa gilid nito.

Napatuwid nang tayo si Ansell at humarap sa kanya. Naka-abang na ang nakabukang mga braso ni Lexine.

Napangisi si Ansell, "Okay lang ba na yakapin kita? Baka naman ako na ang susunod na paglalamayan," biro nito sabay nginuso si Night na nakikipagkulitan kay Eros at Elijah sa larong spin the bottle.

Natawa si Lexine sabay umirap sa hangin, "Wag mong pansinin 'ang isang 'yan, he wont hurt you." aniya at sumandal sa gilid ng lababo, bahagyang umiikot na ang kanyang paningin dahil naparami na siya ng inom.

"I don't think so," kunot noong iling ni Ansell.

Lexine sighed, "Ano ba, are you gonna hug me or not? Hindi mo ba ako na-missed? Kasi ako na-missed kita!" lasing na nga talaga si Lexine dahil nagsisimula na siyang mag-tantrums na parang bata.

Lumambot nang tuluyan ang mukha ni Ansell at hindi na nakatiis. Especially that Lexine is making herself cute like a puppy. Mahigpit niyang hinagkan ang kanyang bestfriend, the only girl he ever loves, and he will continue loving her unconditionally.

"I missed you so much baby," humigpit ang yakap niya kay Lexine.

"I'm still your baby," bulong ni Lexine at pinatong ang pisngi sa balikat ni Ansell habang nilalasap ang init ng bisig nito. This feels home for her. Marami man ang nangyari sa buhay niya hinding-hindi magbabago ang malalim nilang samahan ni Ansell.

Meanwhile, mula sa paglalaro at pag-iinom sa sala, napasulyap si Miyu sa kusina at nakita si Lexine at Ansell na mahigpit na magkayakap. Sinulyapan niya si Night na abala pa rin sa nilalaro tapos bumalik ulit ang tingin sa dalawa.

For some weird reason, Miyu felt as if her chest compressed at the sight. Why does she feel like this?

Napansin ni Elijah na nakatulala si Miyu at nang sundan niya ang tingin nito ay napakunot ang kanyang noo. What is this? Is Miyu jealous of the two?

Na-sensed agad ni Elijah sa kanyang peripheal vision na lilingon si Night sa likuran kung nasaan ang kusina at dahil alam niyang malakas ang toyo ng kaibigan kaya mabilis niyang sinabit ang braso sa leeg nito at kinuha ang shot ng tequilla.

"Oy Night! Shot mo 'to!"

Napaungol si Night, "Kaka-shot ko lang."

"Fuck you, ano'ng inaarte mo? eh tinutubig mo nga ang alak kakadrama mo noong namatay si Lexine!"

"Shut up, hindi na ako iinom, I'm a good man now."

"Ulol! Sinong niloko mo? Shot mo 'to!"

"Ang kulit mo!" patuloy sa pagtangi si Night.

Totoong iniiwasan niyang malasing dahil walang mag-aalaga kay Lexine lalo na at nakarami na ng inom ang nobya niya.

"Pag hindi mo 'to ininom sasabihin ko kay Lexine na nakipaglandian ka kay Cazzie—"

Nanlaki ang mata ni Night at mabilis na tinakpan ang bibig ni Elijah.

"Sino si Cazzie?"

Sabay na napalingon ang dalawang binata kay Lexine na nakatayo na pala sa likuran nila. Nakataas ang isang kilay nito at nag-aantay ng sagot habang nakahalukipkip. Parehong nagtayuan ang mga balahibo ng dalawa sa katawan dahil sa nag-aapoy nitong mata. Oh shit!

Dahan-dahang napalunok ng laway si Night sa kaba, "C-cupcake, that's not w-what you t-think okay? H-hindi ko nilandi si C-cazzie, s-she was t-the o-one who f-flirted on me," nagkanda buhol-buhol na ang dila niya dahil talagang nagbabaga na ang mata ni Lexine kahit pa nakangiti ito.

Patay na talaga!

"Pffft!" pinipigilan ni Elijah na matawa sa itsura ni Night na pinagpapawisan na ng malamig.

Tumalim ang tingin ni Night kay Elijah na kulang na lang ay gumulong sa saya, "Kasalanan mo 'to tarantado ka," pasimpleng bulong niya.

"Okay," sabi ni Lexine na parang wala lang pero mabilis na naglakad palabas ng suite.

Natatarantang tumayo si Night at sinundan ang nobya upang magpaliwanag, "Cupcake wait, its not like that, I swear…"

Nagkatawanan ang lahat sa naging eksena ng dalawa. Kanina lang hindi mapaghiwalay ngayon naman ay digmaan na. Si Elijah ang pinakamalakas ang halakhak.

"Damn man, I should have captured a video and post it on the Underworld website. Siguradong mag-te-trending 'yon. Ano kaya magandang i-caption?"

"The mightiest and scariest demon prince of the darkness… hashtag under the saya!" sagot ni Eros sabay hagalpak ng tawa.

Napuno nang malakas na tawanan ang buong silid.

avataravatar
Next chapter