271 Who is jealous?

NATAPOS ang magulong gabi at isa-isa nang umuwi ang lahat. Nang mga sandaling iyon ay lasing na lasing na si Lexine to the point na 'di na ito makalakad ng maayos. Naka-akbay ang dalaga kay Miyu at Elijah pagkalabas ng KTV lounge.

Lalapit sana si Miguel nang hinarang siya nila Camille, Katya at Emily upang magpapicture.

Lumapit si Night at pinangko si Lexine na lantang gulay na, "I'll take care of her."

"Sige Night, ikaw na ang bahala sa kanya. Alis na kami," paalam ni Miyu at Elijah.

Pagtingin ni Miguel ay nawala si Lexine at Night kaya inis na napakamot na lang siya ng ulo.

Naalimpungatan si Lexine at napansin na binubuhat siya ni Night kaya agad siyang nagpanic, "Hey, where's Miyu?"

"Umuwi na sila."

"Where's my car?!"

"You think I will allow you to drive?"

"I can drive! Bitawan mo ako!" nagpumiglas ito na parang bata.

"Tsk! Lasing ka na you can't drive!"

Pinagpapalo ni Lexine sa dibdib si Night, "I can drive! Hindi ako lasing kaya put me down!"

"Ang kulit mo!"

"Mas makulit ka! Bitawan mo sabi ako!" tumalon si Lexine paalis sa bisig ni Night at muntik na itong matumba dahil agad itong nahilo. Buti na lang at sinalo agad ni Night ang bewang nito.

"Sabi na kasing lasing ka na! Ang tigas talaga ng ulo mo!"

"Let me go! Ano ba! Bakit ba nandito ka? Dun ka na kay Katya mo!"

Napangisi si Night sa narinig, "Anong Katya mo? I don't have anything to do with her."

Hinarap siya ni Lexine. Pulang-pula ang mukha nito, halos nakapikit na ang mata at ge-gewang gewang kung kumilos.

"Sinungaling! Enjoy na enjoy ka nga sa lap dance niya sa'yo!" dinuro siya ni Lexine.

Night scoffed sabay pumamewang, "Ako? Eh ikaw nga dyan ang tuwang tuwa sa lap dance ng gagong gigolo na yun! Tss, tigas naman ng katawan."

"Ha! Sabihin mo nagseselos ka lang!"

"Ako o ikaw ang nagseselos sa mga empleyado mo?"

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Feeling mo ang gwapo mo! Tuwang tuwa ka pa sa attention na binibigay sa'yo!"

"Kasalanan ko ba kung malapit ako sa babae?"

"Oo! Kasi maharot ka!

"Sino kaya ang maharot sa ating dalawa at nagpapa-lap dance sa gigolo?"

Naningkit ang mata ni Lexine at pumamewang, "Excuse me hindi gigolo si Miguel! Ikaw nga nilamutak mo pa ang pwet ni Katya!"

"Hey! Siya ang kumuha ng kamay ko!"

"Gustong gusto mo naman! Malandi ka talagang demonyo ka!"

"See! Tignan mo yang butas ng ilong mo parang tambutso na! Sino ngayon ang nagseselos sa ating dalawa?" tinuro ni Night ang ilong niya.

Tinakpan naman agad ni Lexine ang ilong at sa sobrang pikon ay inirapan niya Night, "I hate you!" nagdadabog na naglakad ng mabilis si Lexine palayo.

Napakamot sa ulo si Night, "Ano ba, bumalik ka nga ditong babae ka!"

Isang humaharurot na sasakyan ang biglang dumaan. Nanlaki ang mata ni Lexine dahil mababanga na siya, narinig ang malakas na busina at nasilaw siya sa puting ilaw. Buti na lang at maagap siyang hinatak ni Night. Umikot siya at nasubsob sa dibdib nito. Sabay silang natumba sa sahig. Napaibabaw siya kay Night habang halos kadangkal na lang ang distanya ng mukha nila.

Kumabog nang malakas ang dibdib ni Lexine nang magtama ang kanilang mga mata. Nadidinig nila ang tibok ng puso ng isa't isa at ang mabibigat na paghinga na tumatama sa kanilang mga balat.

Marahang hinawi ni Night ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ni Lexine at malamlam na pinagmasdan ang napakaganda nitong mukha.

"Lexine…."

Unti-unti niyang nilapit ang mukha dito, nakikiramdam siya kung iiwas ang dalaga pero hindi ito gumalaw. Hindi rin ito bumibitaw sa mainit nilang tinginan.

Napalunok si Night at bumaba ang tingin sa nakauwang nitong labi. Namamasa pa ang mga iyon na tila nang-aakit na mahalikan. Tinangap niya ang hindi pag-kibo ni Lexine bilang senyales na hinahayaan siya nito sa gustong gawin.

Inangat niya ang ulo at unti-unting nilapit ang mukha sa babae. Isang pulgada na lang ang labi nila sa isa't isa at halos hangin na lang ang namamagitan sa kanila nang biglang yumuko si Lexine sa balikat niya at…

"Blaaaaaarghhhh!"

Napapikit siya at napamura nang maramdaman nabasa ang kanyang balikat at umalingasaw ang maasim na amoy.

***

NAGISING si Lexine dahil sa nakakasilaw at mainit na sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Umungol siya at pumihit patagilid para magtago sa araw at siniksik ang mukha sa unan. Tumusok sa ilong niya ang isang pamilyar na bango.

Hmmm… ang sarap amuy-amuyin, nakaka-adik. Mas siniksik niya pa ang mukha at ginalaw ang kamay upang yakapin ang unan. Pero imbis na malambot ay matigas ang kanyang nakapa.

Napakunot ang noo niya, bakit parang 'di naman unan ang niyayakap niya at inaamoy?

Unti-unti niyang dinilat ang mata at ganoon na lang ang panlalaki niyon nang matagpuan ang nakapikit na mukha ni Night sa kanyang tabi. Napalunok siya nang madiin dahil ang kanina niya pa inaamoy ay ang kili-kili ng binata at nakalingkis lang naman ang braso niya sa hubad nitong dibdib.

What the hell? Paano nangyar ito?!

Pinilit niyang alalahanin kung ano ang mga nangyari kagabi pero ang sakit ng ulo niya sa hang-over at wala siyang maalala sa sobrang pagkablack out.

Shit! Shit! Shit!

Dahan-dahan niyang tinangal ang kamay sa takot na magising niya ito. Unti-unti siyang bumangon. Nang makaupo ay napansin ni Lexine na hindi niya suot ang damit, imbis ay isang malaking itim na tshirt ang suot niya. At sa amoy pa lang niyon alam niyang t-shirt ito ni Night.

Holy mother Queen!

Anong nangyari?!

"Good morning," Night muttered with his sexy morning voice. Bahagya lang ang pagdilat ng mata nito.

"What happened?" bulyaw agad ni Lexine at umusog palayo sa lalaki.

Saka niya lang napagmasdan ang paligid. Wala siya sa condo niya kung 'di sa kwarto ni Night!

Bumangon si Night at pinangtungkod ang isang siko sa unan, bahagyang gumalaw pababa ang kumot na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan ng binata. Madiin na napalunok si Lexine dahil nakabalandra lang naman sa harapan niya ang matigas at katamtamang umbok ng dibdib nito, eight pack washboard abs, pumi-flex na biceps, at idagdag pa ang madepina nitong V-line sa tyan. Mabilis siyang nakaramdam ng panunuyot ng lalamunan.

Napakunot ang noo ni Lexine nang mapansin na may bagong tattoo si Night sa left ribs. Di niya lang maintindihan dahil arabic ang sulat.

Teka lang… nakahubad si Night? Hindi rin niya suot ang damit niya at wala siyang suot na bra. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nakasuot naman siya ng panty.

Nanlaki ang mata ni Lexine at nag-krus ang braso sa dibdib, "What did you do to me!"

Napangisi si Night kahit naninigkit pa ang mga mata, "I did nothing, ikaw ang may ginawa sa akin kagabi."

"A-anong g-ginawa ko?" aniya nauutal.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Night, "You were so drunk last night and you forced me, I tried to stop you but you're so strong and I'm so weak."

Nanlaki ang mata niya, "Anong pinagsasabi mo!?"

"Tinulak mo ako dito sa kama at tumalon ka sa ibabaw ko. You pinned me down and I can't move my arms no matter how much I struggled. Umiyak ako at nagmakaawa pero 'di mo ako pinapakingan. You continued to molest me and I can't do anything but let you savaged my body."

Bumuka nang husto ang bibig niya. What the hell!

"Wala naman akong maalalang ginawa ko yun!"

"I've never experienced that kind of harrasment in my whole life," madramang nag-teary eyed si Night at nanginginig nginig pa ang labi nito, "It was so scary, I am traumatized."

Sa labis na inis ni Lexine ay dinampot niya ang unan at pinalo si Night sa mukha ng buong lakas, "Anong pinagsasabi mo diyan! Tarantado ka!"

Tawa ng tawa si Night habang sinasanga ang mga palo ni Lexine. Halos masira na ang unan at lumilipad na ang white feathers sa paligid nila. Napuno ang buong kwarto ng malakas na halakhak ni Night habang namumula naman ang mukha ni Lexine sa labis na inis.

Natigil ang pagkukulitan nila dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto.

"Come in!" sigaw ni Night.

Bumukas ang pinto at pumasok ang masiglang mukha ni Johan, "Good morning Young Master, Young Miss, breakfast is ready."

"Okay, we'll go down."

Yumuko si Johan at iniwanan na sila.

Bumaling ulit si Night kay Lexine, "Let's have breakfast," masyadong malambing ang pagkakasabi ni Night at hindi maintindihan ni Lexine ang sarili kung bakit hindi niya ito magawang tangihan.

"Okay," tipid niyang sagot.

Mas masigla pa sa sikat ng araw ang sumilay na ngiti sa mga labi ni Night.

avataravatar
Next chapter