270 Truth or dare

NATAPOS ang office hour at nag-aya si Camille ng dinner dahil birthday celebration nito.

"Sige na sir Elijah, sama na rin kayo nila Ms. Lexine para mas masaya!" pakiusap ni Camille.

"Oo nga sir, paki-invite na rin po si Sir Night!" kinikilig na hirit ni Katya.

"Okay! Sure! Sunod kami, just give me the address," payag agad si Elijah.

Nagtilian sa saya ang mga empleyado sa research department bago sabay-sabay na lumabas ng office.

Wala nang nagawa si Lexine nang hinatak siya ni Elijah na sumama kahit ang plano niya sana ay magpa-iwan para tapusin ang mga trabaho.

Nagtungo ang lahat sa Red Box KTV Lounge.

Nandoon si Makimoto kasama ang buong research department team. Sumama rin sila Devorah, Eros at Miyu. Maingay ang lahat habang nag-iinuman, kainan at kantahan.

Nagdu-duo pa si Camille at Makimoto sa kanta.

"Kalimutan mo na yan sige sige maglibang… Wag kang magpakahibang dapat ay itawa lang… ang problema sa babae dapat 'di iniinda… Hayaan mo sila ang maghabol sayo diba?"

Napuno ng tawanan ang buong KTV room lalo na nang napaparami na ang inum ng bawat isa. Nakaupo si Lexine katabi si Miyu at Devorah habang sa kaharap nilang couch nakaupo si Night, Eros at Elijah.

"Uy, tinext ko si Cap, malapit na daw siya!" kinikilig na sabi ni Camille.

Agad nalukot ang mukha ni Night sa narinig. Di nagtagal at dumating nga si Miguel. Nagtilian ang mga babae at sabay-sabay na tinukso si Miguet at Lexine.

"Cap, dito ka umupo!" hinatak nila si Miguel na umupo sa tabi ni Lexine.

Napuno ang buong room ng kantyawan sa dalawa.

"Bagay na bagay kayo!" sabi ni Katya, "Tinalo niyo ang Jadine, Kathniel at Aldub!"

"Naku walang panama ang mga yun sa loveteam ng Moonhunters… MiXine!" masiglang sabi ni Emily na hawak pa ang mic.

Nagsitilian ang lahat, "Bagay! Bagay! MiXine!"

Tahimik lang si Night sa isang tabi at inabala na lang ang sarili sa pag-inom ng alak habang nagdidilim ang mukha.

Nagpatuloy ang lahat sa kasiyahan.

"Kamusta na yung kotse mo?" tanong ni Lexine kay Miguel.

"Dinala ko na sa Casa, I need to leave it there for a few days."

Tumungo si Lexine sa sagot nito. Nagkwentuhan pa sila ni Miguel nang ilang mga bagay habang maiging nakamasid naman sa kanila si Night sa kinauupuan.

Dumikit si Katya sa binata, "Sir Night, cheers!" sabay taas ng hawak na bote ng beer.

Nakipag cheers naman si Night sa babae. Medyo naparami na ng inom si Katya kung kaya't panay ang dikit niya sa binata. Matapos ang ilang minuto ay nakalingkis na siya na parang pusa sa braso ni Night habang nakasandal naman ang ulo niya sa balikat nito.

"Are you okay?" tanong ni Night.

Kinikilig ng bonga si Katya lalo na at naamoy niya ang bango ng binata at nakakapa ang matigas nitong biceps, "Medyo tipsy na kasi ako sir," aniya sa nagpapa-bebe na boses.

Masama naman ang tingin ni Lexine nang makita ang itsura ng dalawa. At sa labis na inis ay sunud-sunud na ininom niya ang mga shots ng Tequila.

"Oh, easy ka lang baka malasing ka," sabi ni Miguel.

"I'm fine, mataas ang alcohol tolerance ko."

Ilang sandali pa at nakaisip na naman si Elijah nang kalokohan, "Oh! Laro tayo spin the bottle!"

Naghiyawan ang lahat, "Wooooooooooooh!"

Inispin ni Elijah ang empty bottle ng beer at tumama ang nguso kay Makimoto. Naghiyawan ang lahat, "Truth or dare?"

Namumula na si Makimoto dahil madami na siyang nainom, "Truth na lang."

Si Camille ang nagtanong, "Sino ang crush mo sa headquarters?"

Lumakas ang kantyawan ng lahat. Kinakabahan si Makimoto pero dahil may tama na siya ng alak kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob, "Si Ms. Lexine."

"Wooooooooooooooooh!"

Natawa naman si Lexine dahil kahit di nito aminin, alam na niya ang bagay na iyon.

Muling nag spin ang bote at tumapat ang nguso kay Katya, "Dare!" Ang sabi agad nito.

"Aba! Tapang!"

Si Elijah na tumingin kay Lexine na halata sa mukha na naiinis. At para mas lalo niya itong asarin ay nakaisip siya ng kalokohan, "Oh sige, i-lap dance mo si Night!"

"Wooooooooooooooooh!"

"Enebe guys… nekekeheye nemen kay ser Night!" kunwaring nagpapakipot si Katya pero ang totoo ay game na game ito.

"Ang arte mo! Kung ayaw mo ako na lang!" prisinta ni Emily.

"Oy hindi ako na!" agad pumuwesto si Katya sa tapat ni Night. Nagpatugtog si Elijah ng kantang Careless Whisper sa karaoke.

"Wooooooooooooooooh!"

Nagsimulang gumiling-giling si Katya sa ibabaw ng hita ni Night na parang professional pole dancer. Umaangat na ang suot niyang maiksing skirt na halos nakikita na ang panty. Dinikit pa ni Katya ang kanyang cleavage sa mukha ni Night at sa gulat ng lahat ay kinuha ni Katya ang dalawang kamay ni Night at nilagay sa pwetan nito.

"Woooooooooooooooooh!"

Nagulat si Night sa ginawa nito pero nakisakay na lang siya. Natapos ang lap dance at halos pinagpawisan ang lahat sa sobrang init. Si Lexine naman na halos namumula na sa pagpipigil ng inis at para kumalma ang kalooban ay uminom siya ulit ng sunod-sunod na shot ng Tequila.

Ngising aso si Elijah na kumindat kay Night.

Nag-spin ulit ang bote at tumama ang nguso kay Miguel.

"Ayan na!"

"Go Cap!"

Sumagot si Miguel, "Dare."

Nagtilian ang mga babae.

"I-lap dance mo din si Ms. Lexine Cap!" sigaw ni Camille.

"Wooooooooooooooh!"

Game naman agad si Miguel at tumayo sa harapan ni Lexine. Naghiyawan at nagwala ang lahat na halos magigiba na ang buong kwarto nang magsimulang gumiling-giling si Miguel sa harapan ni Lexine. Nagtakip ng mukha si Lexine sa sobrang hiya lalo na at ang seksi masyado gumiling ni Miguel kaya namumula na siya na parang kamatis.

Higit pang uminit nang isa-isang tinangal ni Miguel ang tatlong butones ng suot na polo at lumitaw ang maumbok nitong chest habang sumisilip ang itaas na parte ng abs nito.

"Oh my God! Daig pa ni Cap si Magic Mike!"

"Grabe ang init! Di na ako makahinga!"

"Ang sexy ni Cap!"

"Lower!"

Nanlaki nang husto ang mata ni Lexine na halos lumuwa na ito, nang mas bumaba pa ng giling si Miguel at tinignan siya ng buong pang-aakit. Kumagat labi pa ito at literal na pinagpawisan siya sa sobrang init na nararamdaman at parang hindi kinaya ng aircon ang mga nangyayari. Pakiramdam niya sinisiliban siya ng apoy sa sobrang hot sumayaw ni Miguel.

Nagsasabunutan na si Camille, Emily at Katya sa sobrang kilig na kulang na lang ay literal na maglaway ang mga ito sa nakikita.

"Woooooooooooooooh!"

Gustong gusto nang pasabugin ni Night ang buong KTV Bar.

Natapos ang lap dance. Nagkaroon pa ng mga sumunod na dare nang umikot ang bote sa iba, hanggang sa tumapat ang nguso kay Night.

"Dare! Dare! Dare!" tukso ng lahat.

"Truth," ang pinili ni Night.

"Ako ang magtatanong!" taas kamay agad si Camille, "Sir Night, na-inlove ka na ba?"

Nagtilian ang mga babae.

"Yes," agad ang sagot ni Night.

"Ano ba yan, ang korni ng tanong mo, isa pa!" Sabi ni Emily, "Eh sir Night, mahal mo pa ba siya?"

Natahimik ang buong paligid at nag-aabang sa isasagot nito. Tumingin si Night kay Lexine nang taimtim at agad naman kumabog ang dibdib ng dalaga nang magtama ang mga mata nila.

"Mahal na mahal… and I will never stop loving her, even though she will never forgive me. She will always be the only woman in my heart," hindi inaalis ni Night ang tingin kay Lexine. Makikita ang labis na paghihirap sa mga mata ni Night nang mga sandaling iyon.

Natahimik ang bawat isa dahil sobrang na-touched sila sa sinabi ni Night. Naiyak pa si Camille, Emily at Katya dahil napaka-unrequited love ng dating sa kanila ng mga sinabi ng binata. Nagpunas ng tissue sa mata si Makimoto dahil maging siya ay tinamaan sa puso.

Masyadong sumikip ang dibdib ni Lexine sa mga narinig kaya agad siyang nag-excuse na mag-c-cr. Nagkatinginan ang magkakaibigan.

Hindi naman nakahalata ang mga empleyado at nagpatuloy sa paglalaro. Sinundan ni Night ng tingin ang dalaga habang nagdilim naman ang mukha ni Miguel sa isang tabi.

avataravatar
Next chapter