143 What is this feeling?

MABILIS NA HINABLOT ni Night ang kwelyo ni Elijah at buong lakas itong tinulak sa pader. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit at anumang oras ay makakapatay siya. "Sinung putanginang nagdala kay Sammie rito?"

Napalunok nang madiin si Elijah habang mahigpit ang hawak nito sa dalawang pulsuhan niya. "It was my club manager. Sorry, dude. I don't know na kinuha niya si Sammie as a pole dancer tonight. I'll talk to him," sagot nito sa naghihirap na boses.

"I want him dead or I'd kill each and every fucking employee in your goddamn club." Walang bakas ng awa sa boses niya. He sees nothing but blood and his hands were itching to assassinate anyone who walks in front of his face.

Ang maputlang mukha ng bampira ay tuluyang nagkaroon ng kulay. "Okay, okay. I'll handle him."

Binitawan ni Night si Elijah. Inayos ng bampira ang suot nito habang naghabol ng hininga. Samantala, tahimik lang na nakaupo si Devorah sa sofa. Nasa mukha nito ang pagkabala ngunit pinili nitong huwag mangielam. nagbuntong-hininga si Elijah at kinuha ang cellphone na nakapataong sa coffee table. "Bring me Mr. Jojo, now."

Lumipas ang katahimikan sa paligid. Nagpalitan ng makahulugang tingin sina Elijah at Devora. Ilang sandali lang at tumunog ang door bell.

"Master, Mr. Jojo is here," sigaw ng isang security.

"Come in," ani Elijah.

Bumukas ang pinto at dalawang security ang pumasok. Bitbit ng mga ito ang nanginginig at namumutlang club manager.

Nagdilim nang husto ang paningin ni Night at nangangati na siyang pagpira-pirasuhin ang katawan ng lalaking dahilan kung bakit napunta rito si Sammie. Pero bago pa siya kumilos ay parang hangin na lumapit si Elijah kay Mr. Jojo at kinagat ito sa leeg. Sumirit ang dugo nito at binalot ng malakas na hiyaw ang apat na sulok ng silid. With his beast-like fangs, Elijah drained all his blood until the last drop. Nanginginig ang katawan nito hanggang sa tumigil ito sa pagsigaw at tuluyang lumaylay ang ulo nito. Ilang saglit pa nang sa wakas at binitawan ni Elijah ang leeg ni Mr. Jojo. Natumba ang bangkay nito sa sahig: dilat ang dalawang mata at tapyas ang leeg.

Bumuka ang bibig ni Elijah habang nakalitaw ang dalawang matutulis na pangil. Nagkalat ang malansang dugo sa bibig at baba nito. Ang dating gray nitong mga mata ay napalitan ng kulay pula na nagliliwanag sa dilim. "Dispose him," utos nito sa dalawang security.

Agad sumunod ang mga ito at kinakaladkad na parang basahan ang bangkay ni Mr. Jojo na nag-iwan ng dugo sa sahig.

Tumaas lang ang kilay ni Devorah na hindi man lang naapektuhan sa brutal na patayang nasilayan. Muli itong nagsalin ng wine sa baso at sinimsim ang alak sa kopita. Kumuha naman ng tissue si Elijah at pinunasan ang kumalat na dugo sa bibig at mga daliri. Unti-unting bumalik sa dati ang mata nito.

"So who is this Sammie girl?" Hindi napigilan ni Devorah na magtanong.

Lalong nagdilim ang mukha ni Night. Hindi siya kumibo.

"Well, the fate is an annoying bitch. She's the girl who looks exactly like Lexine," sagot ni Elijah.

Tumaas ang dalawang kilay ni Devorah. "Oh? Juicy."

Napangisi nang malaki si Elijah sabay sulyap sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dito at humarap sa two way mirror. Mula sa kinatatayuan, tanaw niya na bumalik na uli ang magulong party ng mga member ng Black Phantom Club na animo walang nangyaring patayan.

"Why do you care so much about that girl, Night? She's not Lexine."

Mas lalong nagtigas ang bagang ni Night. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Nanginginig ang buong sistema ni Night dahil sa naramdamang matinding pag-iinit ng kalamnan simula nang maghubad si Sammie sa harapan niya. At nang naamoy niya ang balat nito ay halos masiraan na siya ng bait. He felt the thread of his control almost breaking.

Her face, her body, her voice, most especially those sweet almond eyes. The kind of eyes that possess all the power to make every fiber of his body soft and weak; those tears that could make his ice heart melted; that beautiful, perfect, and goddess body his inner animal always thirst and craves. That kind of strong desire that he only feels for one girl. How could she make him lust for her the way Lexine does?

When he saw Sammie dancing out there almost naked, he felt the strong urge to cage her in his arms. It was the kind of selfishness he has for Lexine. Bakit nakakaramdam siya ng ganito kay Sammie? This kind of strong urge to protect someone, this kind of possessiveness. He only feels this to Lexine.

She is not Lexine, Night. Paulit-ulit niyang nire-remind ang sarili na kamukha lang nito ang babaeng iniibig. Hindi ito si Lexine at tanging si Lexine lang ang mamahalin niya.

Naiinis siya sa sarili, dapat ay kumikilos na siya upang makagawa ng paraan na masundan si Lexine sa Mundo ng mga Kaluluwa pero bakit ginugulo ni Sammie ang isipan niya?

Pilit na nilalabanan ni Night kung ano man itong bagay na lumalabas sa kalooban niya. He couldn't forget how her almond-shaped eyes looked at him with so much braveness. It was the sort of fierceness Lexine used to show to him. Why does Sammie reminds him so much of Lexine? Is it because of the face? Or is it because he was just intensely longing for the woman he loves?

Kung ano man ang dahilan ni Sammie kung bakit kailangan nito ng isang milyon, wala na siyang pakielam. Hindi siya papayag na ibenta nito ang sarili.

Fuck! Ano itong nararamdaman niya sa babae?

"Where is she by the way? I want to meet her," mayamaya ay tanong ni Devorah.

"She's at the private room, number two," sagot niya.

Tumayo si Devorah at bumuntong hininga. "Alright, boys, I'll leave you here. I just have to check on her at mukhang kailangan niya ng mag-aasikaso sa kanya." Tuluyan na itong lumabas ng kwarto.

Nang maiwan ang dalawang lalaki ay hindi pa rin tumigil si Elijah. "Man, I think you're fucked up. I can't understand you. I thought you wanted to bring Lexine back? Pero bakit pagdating kay Sammie nauulol ka?"

Bakit nga ba? Hindi niya rin alam ang sagot.

"Are you falling for her?"

Nanigas si Night sa kinatatayuan. Falling for Sammie? No, it can't be. He cannot fall to any girl. He will only love Lexine. Siya lang at walang iba. Whatever is these growing feelings he has for Sammie, they are meaningless. Paulit-ulit niyang nilalaban ang kalooban. Paulit-ulit niyang sinisiksik sa isipan na si Lexine lang ang babaeng tinitibok ng puso niya.

avataravatar
Next chapter