webnovel
#ACTION
#ROMANCE
#MAGIC
#VAMPIRE
#DEVIL
#SMUT
#TAGALOG

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Fantasy
Not enough ratings
340 Chs
#ACTION
#ROMANCE
#MAGIC
#VAMPIRE
#DEVIL
#SMUT
#TAGALOG

The Fallen

MULING HUMUGOT ng malalim na hangin sa dibdib si Cael bago muling nagpatuloy. Tumingin ito sa kawalan na para bang pinapanood ng mga mata nito ang lahat ng nangyari sa nakaraan.

"Noong unang panahon, ilang siglo na ang nakalilipas, nagkaroon ng malaking gulo sa Paraiso ng Eden. Masyado naging sakim si Lucifer sa kapangyarihan at ninais niyang mahigitan ang Ama at pamunuan ang buong mundo. Nilason niya ang isip ng ibang mga anghel. Maraming pumanig sa kanya. Hanggang sa nag-aklas ang buong hukbo ni Lucifer at lumaban sa Ama.

"Nagkaroon ng matinding digmaan sa Paraiso ng Eden na umabot ng isang libong taon. Naapektuhan ang buong mundo, nagkagulo ang mga tao sa lupa, nagkaroon ng maraming sakuna, kalamidad, epidemya at kung anu-anu pa. Hanggang tuluyang nagalit ang Ama at pinatapon sa lupa si Lucifer kasama ang lahat ng anghel na sumanib dito."

"The Fall," bulong ni Lexine. She heard that story from her religion classes way back high-school. Totoo pala talagang nangyari ito. Akala niya isa lang ito sa mga fiction na kwento tungkol sa biblia. "Kung gano'n. Anung nangyari sa mga fallen angel?"

Muling lumipat ang tingin ni Cael kay Night na hanggang ngayon ay `di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan na tila naging isa ng rebulto. "Sila ngayon ang tinatawag na demonyo."

Malakas na suminghap si Lexine at nagtakip ng bibig. That was a big revelations! Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang binata.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay kumibo si Night. Umismid ito, tamad na sumandal sa pader at humalukipkip. "The old man ripped off the wings of the rebel angels. So, the fallen lived in the darkest fraction of the world and they'll never have the chance to come back to their shitty paradise for the rest of fucking eternity."

Napailing si Lexine. Tinaas niya ang dalawang kamay dahil na-ooverload na ang utak niya. She frustratedly sighed. "Okay! Alam ko na ngayon ang history ng angels at demons so bakit kinukwento mo sa `kin `to, Cael? I'm asking about Daniel! Ano naman ang kinalaman nito sa—

Naurong ang dila ni Lexine dahil may bumbilya ang mabilis na umilaw sa isipan niya. Agad siyang nanlamig. Wishing deep inside na mali ang iniisip niya. "Don't tell me that Daniel is..."

"Oo, Alexine. Si Daniel ang pang-pitong Arkanghel. Ang pinuno ng hukbo ng mga Anghel na Taga-oras. Tungkulin nila na pangalagaan ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap."

That was the biggest bomb of the century! "If that's true, you mean nagkaroon ng ugnayan si Mommy sa—" Kulang na lang ay lumuwa nang tuluyan ang mga mata niya sa sobrang panlalaki niyon. "Holy shit! My mother's ex is an Archangel?"

Nanlulumong umupo siya sa sofa. Mababaliw na ata siya. Sasabog na talaga ang utak niya. Kung ganoon ay nagkaroon ng relasyon ang mommy niya sa isang makapangyarihang anghel. At ayon sa sulat nito sa diary, ito lang ang nag iisang lalaking minahal nito. Sinasabunutan na niya ang sarili. Nag-breathe in and breathe out siya nang ilang ulit at pilit na pinakakalma ang dibdib. Matapos ang ilang sandali at muli siyang nagsalita.

"Okay, so nagkaroon ng relationship si Mommy and that Archangel Daniel so ano naman ang kaugnayan nito sa dahilan kung bakit ako gusto makuha ng mga kalaban?"

Dahan-dahang lumuhod si Cael sa harapan ni Lexine. Pumantay ang ulo nito sa kanya at buong ingat na hinawakan ang dalawa niyang kamay na kanina pa nanlalamig. May kakaiba sa titig ni Cael na siyang bumuhay ng bawat hibla ng balahibo niya sa katawan. Ang malalim nitong mga mata ay tila isang pana na biglang tumusok sa kanyang dibdib.

"Dahil si Daniel... ang tunay mong ama."

Tumirik ang mata ni Lexine at tuluyan nilamon ng dilim ang kanyang buong mundo.

Have you seen it coming?

so what is Lexine?

She’s a half Archangel, and half human.

OMG!!!!

Disclaimer: papasok na po ang mga DramaRama sa mga susunod na chapters so prepare your tissues...

Hehehe

AnjGeecreators' thoughts